PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Can we start? This meeting is called to order.
Ina-announce ko sa ating mga kababayan na there is a spike still. We have cases coming up everyday. It’s important to impress upon everybody na itong control ng pandemic is left better to the medical guys. And I understand that there is a continuing rise of COVID cases and maraming patay and if you read the CNN, you’d know that there’s really a thing to worry.
And I think it’s because… Alam mo ang mga Amerikano pareho rin sa Pilipino hindi naniniwala ‘yung iba at ang iba naman they don’t really follow the distance, social distance, the congregation of people especially those who are night — night-goers. And alam mo pagka sa mga ganoon eh madali talaga ang transmission, shouting and singing there with all the saliva flowing around.
Alam mo sa totoo lang, we would be the last — I would be the last person to deprive you of your freedom to move around. But it is important that you should understand that what we are trying to protect — who are the people we are trying to shield is it is the contamination from you. Sa iyo na nanggagaling kung nahawa ka, naipasa mo sa iba.
Never mind about ‘yung iyo kung gusto mo. But the problem is kagaya ng asymptomatic. Mayroon ka nandiyan ‘yung nag-hibernate ‘yung microbe and yet you do not feel anything because asymptomatic. And hindi mo alam you pass it around because you don’t feel anything. You go around giving it to other people.
Alam mo ang importante pala sa totoo lang and I realize now it’s the testing — ‘yung swabbing pati ‘yung test. Kasi mahal, I’m trying to figure out a cheaper way of doing it and I will discuss it with the Secretary of Health and General Galvez, how to come up with a cheaper swabbing and testing kasi magbayad ka mahal lalo na sa airport.
Ang problema noon in the early days ang sa airport which was really a mandatory thing for me na nagpunta doon, ang presyo ata mga two. So ‘yung iba tamang-tama lang ‘yung pera especially the marginalized — marginalized I mean is ‘yung tamang-tama lang, mga estudyante. So pam-pamasahe pauwi airport, they are really content with the — contend with the extra expenses.
So iyan ngayon ang problema. Dapat if we are to really avoid and limit the virus, government itself must provide for the well curative and palliative or whatever preventive and one of those is really the swabbing para malaman ka.
Ngayon, kung malaman ka, marami mang hotel ngayon — there’s a dearth — dearth not hindi — a dearth is kulang. There’s a dearth of space for people who are suspected of having the virus. Ang problema nito is ganito, ikaw naman kung dalhin ka doon sa ospital, it’s kind of a morbid thing really for anybody. It could be traumatic for a guy na pag-swab, dalhin ka doon sa — you are whisked to the hospital and you stay there. To some people staying in the hospital is really a horror thing because ‘yung iba hindi nga na-ospital — na-ospital ni minsan sa buhay nila.
So I’ll leave it to the city government and we will talk about it later. Itong mga hotel na bakante tutal pagkatapos niyan, you can always decontaminate the rooms. We will do it for you. Arrange with the hotels na puwede mo munang gamitin lalo na sa panahon na ito.
And to the owners of hotels, inns, motel maybe kung wala ng iba, nagkulang, to accommodate the Filipinos who are in need of help. I will assume the full responsibility of paying you pagdating ng panahon. I will see to it that… I will ask Congress, I will plead sa kanila na hanapan ng paraan bayaran kayo. And I will personally see to it that you are paid on time.
That will include siguro meals but simple lang kagaya dito. I recommend the menu dito sa Malacañan. Dito magkain ka, isang sabaw, isang ulam pati kanin. Hanggang diyan lang ang makuha mo dito na pagkain. I do not — seldom if at all na mag — we serve mga steak. We do not — I have prohibited the use of alcohol dito, liquor, pati simple lang.
Ganoon rin sa ano — sa mga hotels. Pakiusap ko lang tutal wala namang — they do not have to worry about an afterwards thing of itong hotel mo ma-contaminate. We will do the necessary protocol to decontaminate or to kill the — whatever there is in the room. Madali lang man ‘yan. Pagbigyan ninyo ‘yung mga kababayan natin.
So ‘yung mga local governments are put on notice that I have directed you to make necessary arrangements with the vacant motels, hotels na patirahin muna ninyo ‘yung mga COVID patients.
Now, if a hotel is chosen or selected, then it behooves upon the medical guys to let it be that way meaning na huwag na ninyong papasukan ng ibang healthy persons. That inn or hotel remains to be a medical facility for those afflicted with COVID. It’s no longer available to the public.
Tingnan naman ninyo na hindi naman makawawa ‘yung iba. So it’s a no-no for itong sa public, the traveling public or the public who — or persons who want to have a rest in the… Iyong mga resorts siguro huwag muna, sa mga beach kasi those are the only escape of leisure for many of the Filipinos.
Ngayon ang… Umabot na tayo sa — porsyento is 92.6. Ang total na gumaling is 408 pero ang total na porsyentong tinamaan naman is 20 — 5.5 percent? [Am I correct, Secretary?] And then ang namatay is 1.94.
Alam mo, marami akong nakita na — from stories na itong mamatay ng COVID is a really — it’s a painful and a horrible maybe last experience. Masisira talaga katawan ninyo. So be careful. Ako nga dito nagdadasal. So iyon ho ang mensahe ko for the local governments.
Now, I do not have a copy of people who were sa purging. [Mayroon ba tayo?] Well, we are still awaiting. There’s a — I’m informed na mayroong bagong batch ito but they asked na wala muna ngayon. So baka they are collating everything and there’s no mentioning of names because there is none, there is no list. And itong cleansing sa gobyerno magpatuloy ito.
Now, maraming haka-haka diyan na kaming mga Cabinet members, ako tumatanggap ng pera saan. Look, I give you this guarantee. Magdala ka lang ng tao at sabihin mo nagbigay siya ng piso sa amin, mag-resign ako bukas. Just one person, one affidavit. Walang imbento, iyong totoo na sinabi na may tinanggap kami na pera.
You just bring him to him or bring him before the public an announcement, and if true, I will tender my resignation as President of this Republic. That is my guarantee to you. Basta totoo. Do not lie. Huwag kang mag-imbento, huwag kang mag conc — you concoct a story, masama iyan. Kung ganoon, ah ikaw ang patayin ko.
You destroy the name of persons or a Cabinet member kung mayroon kayong na — mga transaction, let me know. As far as I’m concerned, they are all honest at kung mayroon ka, sabihin mo in public and I will ask that Cabinet member to resign immediately. Iyan, iyang ganoon. Eh hindi maganda ‘yung ano, ‘yung haka-haka because it will destroy. Sino pang maniwala sa amin kung you keep on parlaying this — mga ganitong istorya?
Ako ni — maski — hindi lang sa public. In government, if there is anybody who can prove that I received money from the Office of the President from the government one peso more than my salary, re-resign rin ako. Iyan ang i-guarantee ko sa inyo. Kung sumobra, I think may — after tax — 200 ang suweldo ko, after tax, mga 193 na. ‘Pag sumobra ‘yan, ‘pag kumuha ako ni piso sumobra ako, ganoon rin, I will resign.
There’s no use of governing a country when people no longer believe in you. Kasi kung hindi na maniwala ang tao, wala na. You are better off just enjoying your retirement. Kasi naman ma-Presidente ka, ma-Cabinet member ka, matanda ka na eh. It’s a lifetime journey of hardship and everything both for the military and the mga civilian dito.
Secretary Duque has served two — two administrations? Four? Oh kita mo. Has served government faithfully for four administrations. You just do not, you know, sabihin mo na… Wala man akong nakita na nagtanggap ng pera mag — tinanong ko sino. Tanungin — sabihin ko sa inyo. Sabihin ninyo sa akin. Wala, wala talaga either sa intelligence, sa military, sa police or sa civilian. I have not heard Secretary Duque receiving money.
Iyang vaccine na ‘yan it’s worth billions. They say that we would need about 73 billion to vaccinize the population. Iyan, teritoryo ‘yan ni General Galvez. I have full faith and confidence that walang kickback-kickback ‘yan, wala lahat. It will be a clean [garbled] whatever be the vaccine, whatever be the vaccine. Walang makikialam. Siya lang. Ang sinabi ko siya lang ang kakana niyang itong vaccine para sa ating mga kababayan.
Now, they say that I mumble when I talk. If you’d notice, the longer I talk nag-aano ‘yung — nawawala ‘yung… I don’t know. Baka na-karma na rin ako. Ano ba ang kasalanan kong p***** i**? Wala man. Walang… Hindi ko pinabayaan ‘yung mga anak ko. Mabait naman ako sa kapwa ko tao. May trabaho lang ako. So ‘yung trabaho ko tutuparin ko talaga.
Now, for those na ano… Itong — sagutin ko itong pamilya ni — kasi nanawagan sila sa ano. Iyong mga anak ni Perez. First of all, I’m sorry that your father died the way it happened. Pero kung sabihin mong may… Iyang listahan na ‘yan hindi akin ‘yan. It’s a collation, lahat-lahat na ‘yan sa intelligence report sa mga drug enforcement at sa intelligence ng military, police. It’s a combination. Now, that list of mine which I read — because really everybody almost in the provinces… Marawi at that time was churning its full blast machineries to produce shabu. Kaya nag-rampant na masyado ang shabu, mura na masyado. Patayan na ang mga tao diyan sa naglakad kasi kinukuha ‘yung pera, mga estudyante.
So as a strong measure, being in charge of enforcement of the law overall, I had to as a matter of duty of a President, the right of the people to be informed of the situation so that they can prevent, obstruct or just simply shy away from people who are known. Hindi ko kilala ‘yung tatay ninyo. Hindi ko nga nabasa. I don’t remember.
Well, iyong cursory reading lang pero wala akong minemorize (memorize) na mga tao doon sa listahan. I’m sorry if your father was there. But really, most of those, nasa droga talaga. Your father might be an exception. And you’ve — if you believe firmly that he was not guilty or liable of anything, well, it’s good. But the problem his name umabot doon sa listahan. At mind you, ‘yung lahat na namatay, natirik, well, you will just have to look for the killers. Hindi dito sa opisina ko ‘yan.
It’s not mine. Remember that you are fighting the forces of the Republic of the Philippines. Iyan — iyan ang masasabi ko sa inyo. Hindi sa akin ‘yan, ibinigay lang sa akin. Hindi ako gumagawa ng listahan, hindi ako pulis, hindi ako sa intelligence dito po ako sa itong opisina ko dito sa Pasig nagtatrabaho.
But as a matter, I said, as a matter of an obligation, I had to come up with the name of those suspected so that the public will be aware and prevent their ascension to public office. Iyon ang purpose ko thereon. At marami sa mga barangay captain, almost, more — more than one — more than 400 of them mga barangay captain, mga city mayors kasali doon.
Ito naman si Mabilog naga-yawyaw ‘yung asawa. Look, it is not my fault that your husband’s name appears on that list. Hindi aking listahan ‘yan. Now, there is no such thing as I have to move on because it’s a constant vigilance.
Kung nasabi ko ang pangalan uli, because at that time he was named. Dito ngayon, ‘yung conviction niya, dismissed from public office and barred from seeking and perpetual disqualification to hold public office. That is not my decision. It is the decision of the Ombudsman.
Kailangan kong sabihin kasi hindi alam ng tao na si Mabilog wala dito, sumibat, at iyon ang nangyari sa kanya. That is different from the first time that I mentioned him. Take that away. That was general. Ito dito specific ‘yang mention niya because of what ma…
Kasi — or would you rather that linyahin ko ‘yan sila tapos rakrakan ko na lang? It might help prevent — stop them from doing it and the public from being aware — or not from, but being aware of the people who are out to destroy their way of life.
Demokrasya ito. And in democracy, you cannot have a freewheeling right to do whatever you want. Because at what you want to do or you desire to do is always subject to the public good and the public interest.
Remember, when I do anything and I invoke public interest, public good, mabigat ‘yan. It carries with it the force of a law na talagang sabihin ko itong mga tao na ito hintuan ninyo, ‘pag hindi… There is no law which says anything like that but galing sa bunganga ko as President, I’m giving you the warning ‘yung naiwan. Kayong ano, mga naiwan na mga drug lords diyan, well alam naman ninyo. You take the risk, you earn so much money, comfortable life, okay lang ‘yan. But the end of the day, you know what the stakes are.
Now, we ask the different — ito representative of the Task Force to give their report. I’d like to ask Secretary Duque to give us the first report.
DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Magandang gabi po, Mr. President and Senator Bong Go, and my fellow Cabinet members. Bago ko po umpisahan ‘yung ulat po patungkol sa COVID situation sa Pilipinas, ibig ko lang pong ipaalam po sa inyo, Mr. President, na iyon pong presyo ng testing natin ay napababa na po natin alinsunod po sa inyong executive order na nilagdaan about — last month, about November 12 or 13, at kanya nakapagtatag po tayo ng price range for RT-PCR testing.
Sa private laboratories po, ang singilan is anywhere from 4,500 pesos na lang po to 5,000. At sa government laboratory naman po, national and local government laboratories nasa 3,800 pesos na lang po. At ang PhilHealth naman ay patuloy na nagbabayad. Ang pinakamataas pong bayad ng PhilHealth is 3,409 pesos. So maliit na lang po ‘yung idadagdag iyong out of pocket parang 400 pesos na lang po for…
PRESIDENT DUTERTE: You — excuse me, sir, sorry to interrupt you.
SEC. DUQUE: Yes, sir.
PRESIDENT DUTERTE: These are privately-owned?
SEC. DUQUE: Privately-owned po ‘yung 4,500 to 5,000, sir.
PRESIDENT DUTERTE: Can we not undertake the testing by government?
SEC. DUQUE: Kailangan po talaga ‘yung private laboratory, Mr. President, kasi limited po ang capacity ng ating government laboratories. Although, we have been expanding our capacity, Mr. President.
PRESIDENT DUTERTE: Well, COVID would be around. You know six — you’re targeting 60 million Filipinos to be vaccinated. Okay. That’s no easy job. That is not a walk in the park and it will transcend maybe the whole of the next year, 2021.
So is there a way that we can spend for all of this testing? Makabili tayo, makamura tayo, kung may pera pa maghanap tayo so that it is actually to me the sacred duty of government to protect its citizens. Now, in cases of pandemic which is beyond control by anybody, that is why it’s spreading in the whole world. It’s not an epidemic, it’s pandemic.
So we can expect more because vaccinating 60 million, I said, would be — would really be a — you have to walk the extra mile there. So baka if you can give me a figure. Akin lang pera na lang, huwag na lang ‘yung the quality or the maker. I’m not concerned with that.
Tingnan ko kung may pera at magbili na lang tayo and in all government hospitals or in health centers, mabigay natin libre. Free of charge. Target the first or second quarter if you can have a program where I can review and look for the money.
SEC. DUQUE: We’ll do, sir. Gagawin ko po kaagad pagkaraan lang po…
PRESIDENT DUTERTE: Thank you. We go now to Secretary Año for his report.
DILG SECRETARY EDUARDO AÑO: Maraming salamat po, Mr. President. Tama po ‘yon, ang doon po sa PDTIR — sa PDITR, prevention po ang pinakaunang hakbang.
Eighty percent of the effort po kung magawa ang prevention, hindi na po aabot sa ospital, hindi na po aabot sa malalalang kaso at ito po ang trabaho ng LGUs at ang responsibilidad din po ng bawat isa.
Ngayon po ay naghahanda na ang ating mga LGUs particularly po ang NCR LGUs sa nalalapit na Christmas season o pagdiriwang ng Kapaskuhan. We are now in full preparations at naka-focus po ang mga LGUs sa strict implementation ng mga minimum health standard at quarantine protocols at sila po ay ina-asistehan ng ating Philippine National Police-Joint Task Force COVID Shield under Lieutenant General Cesar Binag.
Kanina nga po ay nagkaroon nang pagpupulong ang DOH, DILG, at NCR mayors para sa mga paghahanda na ito. Sapagkat nag-e-expect po tayo na baka magkaroon ng surge pagkatapos po ng holidays dahil ang tendency ng mga tao ay magsaya, lumabas, mag-malling, kaya kailangan po ay nakahanda kaming lahat.
Dito po sa National Capital Region, pinagtibay na ng ating mga mayors na ang pinapayagan lang lumabas ay 18 to 65 years old. Although po sa buong bansa ay pupuwede naman iyong under MGCQ ang 15 to 65.
Bawal pa rin po at mahigpit na i-implement na bawal ang mga mass gatherings katulad po ng Christmas party, ang pagka-caroling ng personal, at ang mga reunions ay hindi papayagan. Sa mga pagdiriwang ng Noche Buena, dapat po ay immediate family lang or household members at magkaroon na lang sila ng VTC sa mga extended families, by Zoom na lang.
At ang ating paalala ay dapat ay sundin na huwag lalagpas ng sampu kung sila ay magkaka-tipon-tipon. At ang pag-i-implement po ng mga guidelines na ito, ipinapatupad ng ating LGUs, ng Philippine National Police, at kasama iyong mga force multipliers katulad ng mga tanods at mga security guards. Mayroon din po tayong mga Disiplina Brigade.
Recently po, mayroon din tayong itinatag na mga “yantok” patrollers. Ito po ay mga pulis na mayroong one-meter rattan stick. Ito ay gagamitin para panukat sa physical distancing at kung mayroong mga kriminal na gagawa ng anumang kasamaan, puwede rin pong gamitin itong pang-self defense. Katulad lang naman ito noong gumagamit sila ng batuta noong araw.
PRESIDENT DUTERTE: Batuta noon…
SEC. AÑO: Opo. Gumagamit sila ng batuta noong araw pero dahil may physical distancing, maikli lang iyong batuta kaya dapat mayroon pong rattan stick na one-meter para pangsukat.
Mag-update din po ako dito sa ating anti-Illegal drug operations po during the pandemic. Mukhang tumataas po ang demand sa shabu kaya nag-sunod-sunod din po iyong operasyon ng ating kapulisan.
Noon pong December 5, alas syete ng gabi, sa SM Bicutan — malapit po sa SM Bicutan, nagkaroon ng buy-bust operation; at dito po, dalawang tao ang nahuli at naka-recover ng walong kilong shabu na nagkakahalaga ng 54.4 million. Ito po ang grupo na nagdadala ng shabu mula sa Mindanao papunta dito sa Metro Manila. At ayon din po sa report ni General Debold Sinas, nagkaroon ng follow-up operation kahapon, 4:40 P.M. at nakapag-aresto sa isang buy-bust operation ng dalawang tao at tatlong kilong shabu ang na-recover natin, total of 20.4 million. Kaya po mula po ating operation noong November 3 hanggang December 7, umaabot po ng 135,391,326 worth of shabu ang ating na-confiscate.
Patuloy pa rin po tayong magsasagawa ng mga operation at sisiguraduhin nating ligtas sa ilegal na droga ang ating mga mamamayan ngayong Kapaskuhan.
Iyon lang po, Mr. President. Salamat.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you, General Año.
Alam mo, sa totoo lang, sabi ko nga the bulk of the dos pati don’ts ang pinakahawak lang, which is under your control would really be iyong prevention. It is only you who can really do it. But it is not a 100 percent guarantee that if you follow all this, you will not get the COVID. Pa-tsambahan lang iyan. But your chances of avoiding the contamination would be greater. The odds would be in your favor kasi kung protektado ka and you follow the social distancing, lahat na, iyo lahat iyan eh, nasa iyo iyan mga prevention. Nobody can do it for you. You and you alone will be responsible for your safety and health.
Alam ko po ngayon pa lang we are saying sorry that there will be a curtailment of so many things that you have been used to during Christmas time. Look at it this way, all of the Christmas of your lifetime, ngayon lang naman ito isang beses hinihingi ng gobyerno para sa iyo. Ang ano dito is para sa iyo, hindi para sa gobyerno. Gobyerno is an abstract thing. It does not breath, it has no lungs, it does not get sick. But government is [an] agency through which the will or the people is expressed. That is the definition of what government is.
So iyong kami dito, sinusunod lang namin ‘yung ano iyong kagustuhan ng tao. Everybody wants to be healthy. No doubt about it. So there is no question that government can take a cue everyday from people of all walks of life giving suggestion and doing something for the country.
For those who are really the workers lalo na iyong mga frontliners, the doctors, and the nurses who have to face the sick people, we salute you many times and please continue to do so and may God bless you.
Now, itong sa Kapaskuhan, mahigpit ito nang kaunti. I said, you had it so many Christmases in your life. Those born during — at this time, beginning — beginning in the ‘40s or ‘30s, mga wala na iyan sila ngayon masyado. Kami na ang sunod niyan eh, mga ‘40s, tayo sa ‘40s. Wala na. Pero you have had so many Christmas blowouts and parties. Itong kaisa-isa lang, this is one Christmas, the only Christmas maybe that government will interfere in your private affairs.
You might think that this is too much. Government does not control us. Of course, we cannot control you individually if what you do is what you want. The problem is we are preventing you from getting other people sick. So that’s the problem. It is not you or if it includes you, you and your neighbor. Iyan ho ang laro ng buhay dito.
So, so many parties, almost in your adult and younger years, you had parties every Christmas. Would you be kind enough just to skip the — not really frivolous but the festivities, iwasan na muna ninyo. You avoid it because it is for your own good and for the good of the community and eventually for the good of the country.
Iyan ho ang maidagdag ko diyan sa statement ni General Año which was really encompassing. Actually si General Año has the supervision sa pinaka sa tao, little dito sa mga direkta eh. Pero itong dito, General Año has to deal with the idiosyncrasies, the Moorish, the culture of people with different tribes in the Philippines. So sana maintindihan ninyo kami. Now, let’s go to Secretary Tugade. He has a…
DOTR SECRETARY ARTHUR TUGADE: Maraming salamat po, Mayor- President, sa pagkakataon na ibinibigay ninyo upang ihayag ko in general terms kung ano ang nangyayari sa Kagawaran ng Transportasyon.
Isa-isahin po natin. Dito ho sa riles ng tren na kung saan noong nag-umpisa ho tayo ang kapasidad ng ating mga riles since resumption of operation in 16 of May, 2020, ito ho ay na-increase to 30 percent noong October 19, 2020.
On details and in details, ang LRT-1 ho ang indicative average capacity per train set per line: sa LRT-1, 158 ho noon, ngayon ho 370 passengers na; LRT-2, 160 passengers, ngayon 486; ang MRT-3, 153 passengers, ngayon ho more than double, 372; 166 passenger naman sa PNR, na ngayon nagdoble sa 219.
Makikita ho natin sa pag-increase ng capacity, mas marami ho ang mga naglalakbay at mga pasahero at biyahero ngayon sa ating mga riles ng tren.
Let me just report the following developments: Number one, Mr. President, noong nag-meeting po tayo dito, sinabi ko na sa buwan ng Disyembre, ‘yung MRT-3 ay babagtas ng 60 kilometers per hour. I’m happy to announce, Mr. President and fellow Cabinet members, that by December 1, your MRT-3 has hit 60 kilometers per hour. Never before has this been done.
Ngayon ho natapos na ho natin ‘yung rail replacement. Dapat ho matapos natin ‘yan next year kaya lang pinayagan ho tayo ng IATF na kung saan kami ho’y nagsumamo sa kanila na payagan niyo kaming i-repair ‘yan following strict health protocols. Pinayagan po naman ng IATF kaya natapos namin ‘yung rail replacement.
Iyong headway ho noon, tumatakbo ho tayo mga nine minutes. Ngayon po, Mr. President, tumatama na ho tayo 3.4 minutes. In other words, ano ho ang ibig sabihin nito? Iyong pasahero madadagdagan kasi mapapabilis iyong takbo ng tren at iyong pag-aantay ay mababawasan.
Again, on generic, tatlong bagay ho ang sasabihin ko dito: iyong electronic ticketing system na trinial (trial) namin ay nag-uumpisa at tuloy-tuloy. Ano ho ‘yung epektong hinahabol natin dito sa electronic ticketing system? Mawawala ‘yung overload, mawawala ‘yung bentahan ng scalper. In other words, ‘yung pagbiyahe sa karagatan mas magiging safer, comfortable, and more convenient.
Umpisa na ho ‘yung contact tracing through Traze. Alam ko ho at batid namin na mayroong plano ang IATF na ilunsad ‘yung Safety Philippines. Wala ho kaming problema diyan kung magagawa ‘yung mga detalye, we are all for the integration para nang sa ganoon integrated ho ‘yung contact tracing.
Mr. President, even at the height of the pandemic we have inaugurated and opened 14 new ports and 14 new improvements. Ito ho’y mahahalaga pagka’t sabi niyo, make the Filipino life comfortable, and by creating all these ports improvement we are creating the convenience and the mobility to make the Filipino life comfortable.
Bumahagi ho tayo sa aviation. Sa aviation ho ngayon, ina-allow na ng commercial operations as of December 6, 2020, 36 airports. Ang hindi pa ho ina-allow, 13 airports. Ang ibig sabihin, lumalawak at nadadagdagan na ho ‘yung kapasidad natin magbiyahe sa aviation and by air.
Pumunta ho tayo sa service contracting under Bayanihan II. Sa service contracting under Bayanihan II, ito ho, Mr. President, ang plano natin dito tatakbo ‘yung mga buses, may laman o wala. In other words, it is a predictable travel. Babayaran natin, ‘yung mga operators, suwelduhan ‘yung mga drivers.
I am pleased to report to the Cabinet members, as of December 7, 2020, a total of 152 drivers have been on-boarded and currently being monitored sa tinatawag natin na service contracting program. An additional 1,500 drivers will be out-boarded or was out-boarded at 5:00 p.m. today. A total of 1,838 drivers from various regions have been oriented and trained on the service contracting program and 7,000 drivers from Metro Manila.
Ito ho ang magpapakita na taho — tayo ho ay seryoso sa tinatawag na service contracting. Mahalaga ho ito kasi noon karerahan ‘yan sa EDSA eh. Ngayon, kay may laman ka o wala, on dictated time aandar ka. In other words, travel will become more predictable and convenient. Why? Because sabi niyo nga ho make the Filipino life comfortable.
On a last note, Mr. President, I would like — and I’m happy to inform you that your Kagawaran ng Transportasyon is one with you in fighting corruption. Ano ho ‘yung ginagawa namin sa Department of Transportation? I created a task force, tatlong tao, na kung saan imo-monitor ‘yung mga kaso ng corruption itutuloy.
Pero agarang ginawa kong rekomendasyon, Mr. President, at ginagawa nila ito, lahat, pati na ako, ay magsa-submit ng — sa task force ng kanilang SALN for the last three years. Isinama ko ho diyan ‘yung mga secretaries, executive assistant. Isinama ko rin ho diyan iyong involved sa BAC, sa bidding, sa procurement at isinama ko rin ho diyan ‘yung mga involved sa project implementation.
Bakit ho? Kasi itong bidding, ‘yung BAC, ‘yung procurement at saka ‘yung monitoring of projects, diyan ho nagkakaroon ng [anomalya?] kaya ipinasisilip ko ho lahat ‘yung SALN.
We will be submitting a report to DOJ and to the cor — the task force you have created, Mr. President, to show our oneness with your program on corruption. Tama ho kayo, wala na ho tayong oras, kaunti na lang, huwag ho nating bitawan ‘yung issue ng corruption.
If we perform and at the same time we attack corruption, then it can be said that really, your administration, Mr. President, is working to make the Filipino life convenient, comfortable and corrupt-free. Iyon lang po, Mr. President.
PRESIDENT DUTERTE: Now, we’ll go to Secretary Lorenzana.
DND SECRETARY DELFIN LORENZANA: Magandang gabi po, Ginoong Presidente. Kami po ng sa National Task Force, ako, si Secretary Año, at saka si Secretary Galvez ay labis na nangangamba na magkakaroon ng pagtaas ng kaso nitong Kapaskuhan.
Sa katunayan po, Mr. Presisdent, noong nakaraang linggo ay may — bumaba na tayo ng below 1,000. Ngayon ay umakyat na naman tayo ng 1,004. So ibig sabihin mayroon pang mga pasaway diyan na hindi naniniwala sa ating mga ipinagbibilin.
So ang inyo pong Sandatahang Lakas ay handang tumulong sa kapulisan para ipatupad ‘yung ating mga protocol ngayong Kapaskuhan para ho mapigilan natin ‘yung pag — pagtaas ng mga kaso.
So wala naman pong masyadong problema sa buong bansa. Iyong ating mga kapulis — kasundaluhan ay patuloy din ‘yung kanilang operation against the NPA at saka mga Abu Sayyaf. At saka doon — sa katunayan nga ay marami na tayong nakukuhang mga leaders ng mga NPA. Iyon lang po doon sa AFP.
Doon po sa ating mga minamanmanang mga OFWs na umuuwi ay nakatala na tayo ng 348,477 OFWs who came home from abroad at assisted by the IATF. Patuloy pa po ang pag-uwi nila at sa palagay ko hindi na titigil ito hanggang sa darating na taon.
Iyon lang po, Ginoong Presidente. Maraming salamat po.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you, Secretary Lorenzana. Mabalik lang ako. Let me revisit again ‘yung previous talking points ni General Año. Itong rattan, tama ka, sir, there used to be a baton carried by the policemen many, many years ago. Nakita ko ‘yon. I was still young, but not so young, but old enough to observe the multipurpose use of a baton.
Alam mo nagtaka talaga ako kung bakit ito tinanggal. You know, when a person resists arrest and he becomes violent, the first impulse of a police without a baton is to hold his gun. He might not draw it but he holds his gun, ready for action.
Eh kung may baton ito — eh rubberized man ‘yung baton noon — eh kung mahampas mo lang ang kamay, mahampas mo ‘yung katawan — eh masakit ‘yon — maybe you can subdue the person resisting arrest or the criminal.
At bakit nawala ito? Na dapat ito ang first line of defense ng pulis para hindi siya malapitan, agawin ‘yung baril o makipagsuntukan sa kanya, o makipag-struggle maski ayaw maaresto. The police can use a not-so-lethal weapon — iyong baton.
Rubberized ‘yon noon but matigas. Pero not enough to really break bones. And also, the practice of using it moderately, especially where to strike what parts of the body of a human being can be — well, can be hit so that he will stop his aggression or surrender.
Ganito kasi ‘yan, ulitin ko, maraming hindi nakaalam nito eh. Ulitin ko ha for the education of everybody. When you are a criminal or when you are a person who has committed a wrong or a crime, and when the police arrives to the scene to find out what happened and you are pointed to as the culprit, you are the robber, you are the thief, you are the kidnapper or whatnot, your first duty as a citizen is to surrender.
Kapag sinabi ng pulis, “Pulis ito at bitawan mo ‘yung itak mo, bitawan mo ‘yung pampalo mo,” o bitawan mo or whatever that is really a dangerous — maybe capable of injuring a person. If you are really a responsible citizen, you must know your duty.
If you have committed the wrong, then you’re supposed to surrender peacefully. That is your duty. That is your responsibility. Hindi ‘yan sa ano. Iyan talaga ang batas.
Kapag sinabi ng pulis, “Bitawan mo, mag-surrender ka,” bitawan mo, mag-surrender ka because that is your duty as a criminal or your responsibility as a whatever, nag-aaway kayo diyan, a protagonist in a fight or whatever, mag-surrender kayo.
Now, if you do not submit to the authority of the law which is personified by the police, puwede kang hulihin talaga and make an arrest. In making an arrest, you are supposed to be bodily carried to the police van or talagang hawakan ka.
And if you do not want to move, you are dragged to the police station kasi ‘yan ang trabaho ng pulis. Ang trabaho ng pulis… [Makihiram nga ng isang ballpen pa] Nagli-lecture na ako ng criminal law dito eh kasi maraming hindi naintindihan eh lalo na ‘yung mga lasing.
Pagka naghanap ng pulis sabi, “Bakit? Nag-inuman lang kami dito. Masama bang magsigaw-sigaw?” You create public disturbance. Many persons, hindi nila alam ‘yan. Pag maglasing sila, “Ah, nag-iinuman lang kami dito.”
Ito ‘yung pulis. Ikaw ‘yon sa baba. Kapag sinabi ng pulis mag-surrender ka, sumama ka sa pulis peacefully. That is your duty. Duty mo ‘yan. Ngayon, kung pagsabi ng pulis, “Ayaw mong sumama? Pipilitin kita.”
The police now will go to you and get hold of your hand and place a handcuff sa iyo because you have — the police has the duty to arrest you and bring you to the law. Ngayon, kung mag-away ka, ang pulis has the duty to enforce the law by overcoming your resistance.
Kaya pagkaganun, pinalo ka na ng pulis kasi ayaw mong sumama, eh nakikipagsabunutan ka, puwede kang paluin ng pulis sa paa o sa — then you — he must bring you to the station. That is the duty of the police, to insist.
Ikaw ang duty mo, when you are arrested, is for the purpose of bringing you to the folds of the law and you go to the station, have yourself booked for whatever misdeed, wrong, or crime you committed.
Ganoon ho ‘yan. I am not defending the police. Ang sabi gani ano-ano ako sa sundalo at sa pulis. No. I am just following what the law says. Kasi kung makikipag-away ka ng pulis, ‘pag sinuntok mo ‘yung pulis, inatake mo, you commit the crime of direct assault upon an agent of a person in authority.
Ikaw ‘yung may kasalanan ‘pag lumaban ka. At kung nabugbog ka sa batuta, problema mo ‘yan kasi hindi ka nag-surrender in the first place, your duty is to surrender. Naintindihan ninyo? Kailangan ka dalhin eh. The police has to place you under his control to bring you to the station.
Iyong sabihin ng pulis: “O sige, arestado ka.” O sige, arestado ako. Tapos anong sunod? Eh ‘di uwi na ako. G*** ka. Diyan ka talaga mabubugbog — mabugbog. Magsabi, “Sir, sama ako.” Usually, if you are under arrest, you are placed where the handcuff is placed both of your hands. That is the symbol of being arrested.
Sa America, maniwala ka o hindi, pedestrian lang. Pedestrian lane, ‘yang “No Crossing,” mahuli ka doon, patindigin ka ng pulis because he is manning the traffic. P*******, hulihin ka, nakaposas ka. Ganun ang style sa America.
Mabuti na nga ‘yung atin, “sumama ka.” Doon automatic. If they say, “Hey, guy, you’re arrested. You’re violating the law. Please turn your back. Your hands, place it….” Ayon tapos hintayin ka diyan, patindigin ka hanggang magdaan ‘yung van ng pulis para isakay ka, dalhin ka sa istasyon, i-book ka for jaywalking.
Ganoon sa America. Kaya dito, hindi ninyo naintindihan ‘pag inaresto kayo ng pulis, sabi ng pulis: “Pulis ito. Ano ba ‘to?” “Ito, sir…” “O arestado ka. Sumama ka. Ang kamay mo, nakaposas. Sumama ka. Huwag kang lumaban because your responsibility is mag-surrender peacefully.
Ang pulis naman is to place you under their control. Kaya kung maglaban ka, mabubugbog ka talaga kasi sa ayaw mo at sa hindi, dadalhin ka talaga doon sa istasyon.
Iyan ang karamihan.
Dito, itong mga Reds, iyan, iyan sila hindi nakakaintindi eh. Palibhasa walang abugado diyan sa kanila na ginagamit ‘yung utak. It’s not — deadwood, it’s not working. That’s the law. That’s criminal law.
Ngayon, kung ibabalik ko ‘yung baton — balik ko siguro pero ‘yung hard rubber. Huwag ‘yung kahoy kasi ano. Pero in the meantime the rattan will do, will also suffice. We’ll look for the money next year. I’ll buy you the baton and the baton will be the — gamitin ‘yung baton, huwag ‘yung baril. Kasi kung hindi mo bigyan ng baton, ‘pag maglapit ang pulis, ang kamay nasa baril na. Kaunting pagkamali, any overt act na parang magbunot ka, magbunot ka lang pala ng wallet mo, para kang nagbunot ng baril, now mabaril ka. Justified. Mistake of fact ‘yan. If he believes in good faith that he’s going to be…
Ngayon, dito tayo sa… Isingit ko na lang bago si General Galvez. There will be no ceasefire ever again under my term — under my term ko pagka-Presidente. For all intents and purposes, ‘yung ceasefire is dead. Wala na ‘yon. Matagal na ‘yon.
Noong umalis ako — when I walked away from the talks because we cannot understand each other. Maybe we were talking on different dialects. I don’t know why. But I just simply cannot understand the way it was being carried by the other side — by being played. What was evolving before me was something which is not acceptable to the Republic of the Philippines lalo na ‘yang coalition government.
You are — no president, no stupid president will allow it. He will get impeached. You will get impeached by… You are not supposed to share that power. Ako may sinumpaan ako and those powers under — given to me under the law are only to be exercised unless they are capable of being delegated.
I cannot compromise anything in this government. It’s either I will be impeached or the military and the police will shoot me. Mamili lang ako sa dalawa diyan. Ipapasubo mo ang Republic of the Philippines, papatayin ka talaga because you are a traitor of your country.
And if I give you a power to share in the — a power-sharing, that’s a very, very serious thing. You can get assassinated for it. Hindi na maghintay because sinisira mo ‘yung Republika ng Pilipinas. Simple as that. So for all intents and purposes, I would say the ceasefire is dead and there is no… The peace talks between the NDF, NPA pati ‘yung — isali na lang natin ‘yung legal fronts nila, NPA, NDF pati kayong lahat.
I am identifying you because I have seen the records. You are really communists. Taken all in all — in all its narratives whatever, the JASIG and the law, you are out to share power. So I have to destroy you.
Now kayong lahat diyan, you are a communist. Communist sabi ninyo… You cannot be accused now of being just a mere communist member because the Anti-Subversion Law has been abrogated. Well, you are — you got it all wrong because the Communist Party is still fighting against the government. Hindi nga — nawala na ang Subversion Law but you are committing murder, arson, lahat na and rape. These are serious offenses under the Revised Penal Code.
At itong inyong ano organization, simply communist, all of you, alam mo the act of one is the act of all. Ano ang sa — anong ginawa ni — ng mga sundalo ninyo pagpatay ng barangay captain? The act of a soldier NPA, is the act of Zarate, a congressman.
So what do we do? Well, I’m trying to sort out what we will do to you because you are now criminals and I said I have pointed out we are not only tagging you. That’s a light… We are identifying you and we will identify you anytime you want. But there will be a time before my [term ends], I will name all of you, kayong lahat sa NDF pati who are in…
Alam mo, noong kaibigan pa tayo, ‘yung nasa white area, ito sila Casiple kasama ko ‘yan mag-ano, nag-iinuman kami, nag-istorya. Tapos one day after I go to the mountains nandoon kayo. Parang cadre rin kayo. Hindi lang nga kayo nagma-martsa pero one time I was talking to the head of the KOMID. Iyang KOMID is the highest organ Communist Party of the Philippines in Mindanao.
Si Nelson pati si — ito kasama si Bong, si Nelson pati si father — pari ba — Navarro. At that time, nakita ko pa ‘yung sa paa niya may plas — tube, plastic doon sa baba. And I said to the military when I went down, “Si Father Navarro is sick.”
And si Nelson — Nelson is payat ‘yan. Hindi mo talaga ma-ano big time na komunista. He’s a very gentle guy. He talks — mahusay na ano. But your being nice or being an amiable person does not make you a good communist. All communists are bad because all of you are conspiring to overthrow the government of the Republic of the Philippines and nobody would allow you. Not the military, not the police, and not the majority of all Filipinos. Iilan lang kayo.
Kayo sa Davao, nakapasok ang mga left sa City Council. Kailan kayo nanalo? Noong kinuha ko kayo sa ticket ko. Huwag na tayo magbolahan. Kaya kayo, sabi ko prangkahan kayo, ano magsama tayo o doon kayo sa komunista? I’ll drop you like a hot potato. Pagsabi ko ganoon wala na kayong project, wala lahat and I’ll just wait for the next election and I will drop you from the ticket. Alam ninyo ‘yan. Alam ninyo, some of them now are assigned in America. Akala ko ba ayaw ninyo ng America?
Father Tizon kasama ‘yan ni father Evasco. Jun is back with us. He ran for governor. He lost but he’s a priest — o was. He was a priest in — Father Tizon and Father Evasco.
Ang hindi ko alam ‘yung nanay ko may pagka aktibista. But she was really passionate about good government. Eh nag-gobernador kasi ang tatay ko. Every weekend makita ko sila sa bahay doon sa terrace, may mga madre ganoon, nagmi-meeting. Akala ko nagdadasal ang mga y***. Iyon pala p***** i**… [laughs] Doon pala — si Tizon.
Umakyat ako sa bukid nagkita kami. Alam mo ‘yung NDF magkasal? Iyong flag ng NDF they — they encircle it with the couple. Balutin kayo ng NDF flag tapos ang seremonya. Ganoon ang ano. And ‘yung mga gay — maraming ano ha, maraming gay sa NPA sa itaas. There’s a good number of NPAs who are gays, ewan ko kung bakit. Maraming nagpunta doon sa bukid.
But most of them now are Lumads. Exploited, oppressed by the New People’s Army. Tinatakot lang ninyo, pinapatay. When did this happen? Kayong mga Lumad, kanus-a ni nagsugod? Kailan ito nag-umpisa? Kanus-a nagsugod? Before the NPAs came, may gulo ba? Naa bay samok sa inyong lugar? May gulo? It was when the NPA started its pacification sa taas.
Tapos ang una political officer sige lecture. Iyan, pagpasok ng politic — political officers, pasok na ang mga lecturers ‘yon. Naniwala naman kayo. Maniwala kayo? Kayong mga Lumad na kapatid ko, maniwala kayo sa komunista? Maniwala kayo na kaya nila magtayo ng gobyerno? Susmaryosep. Puro walang ginawa ‘yan kung hindi maghingi ng taxes sa inyo at magpatay ng ayaw sumama sa kanila. Iyan ang problema.
So ulitin ko to review. Iyong batuta I have — pero ‘yung ano. Iyong batuta ibalik ko siguro but I do not want ‘yung kahoy. Pagka tumama sa katawan ng tao ang buto ma — it can break the bones inside the body. Iyong ano lang, ‘yung rubber.
Kakarating lang, kakapasok lang. May I just beg the indulgence of General Galvez? Unahin ko lang ito, sir. Ito ang DENR. Kay ano ito, kay Secretary Cimatu — General Cimatu, ang departamento niya.
Dismissed: Engr. Ronnie E. Ponferrada – neglect of duty, misconduct, gross neglect;
Virgilio Abragan – grave misconduct;
Wilfredo Factoranan – gross neglect of duty pati si Mario Tubania;
Pedro Gerena – dismissed for grave misconduct;
Rolando Palca – dismissed for [gross neglect of duty];
Engr. Jason Israel Dela Cruz – dismissed, neglect of duty;
Henry N. Valeros – dismissed, irregular issuance of permit for narra lumber. Ito kahoy. Itong mga lumber na the la — the remaining ano natin kahoy na magaganda wala na.
Masuwerte ka kung may makita kang narra. I hope the next generation would — maiwan — maiwanan sila ng ano para makakita sila kung ano ang narra tree. Iyong mga magagandang kahoy, yakal, it’s no more, wala na. Wala na ‘yon.
Engr. Jason Dela Cruz, ayon, [gross neglect of duty];
Henry Valeros – dismissed, grave misconduct;
Racquil Ali-Lucman – grave misconduct;
Pedy E. De Pedro – dismissed, grave misconduct;
Roger Madrideo – dismissed for mis — grave misconduct.
Ang mga suspended hindi ako prob — I will assign them to some other places kasi ‘yung prejudicial to the best interest in land — land titling delikado ‘to. Basahin ko na lang lahat, pareho sila. I think these guys will usa — mag-usap kami ni General Cimatu ilipat ito sila sa probinsiya at saka na — a job that has nothing to do with titling of lands.
Shiela Camagon; Nolindo Dutdut; Marlene Menor; Ruby Delia Preciosa Tumamao; Olivia Abitong; Joel Eden; Rowena Pulido; Engr. Nila Castanares; Charlotte Cabiao; Engr. Christina Moquia; Aurora Talua; Merlene Aborka; Emmanuel Tigpos; Mamerto Caballero; Athea Acevedo; Romulo Sumaculub.
I think I will ask for the — the records of these guys to the Office of the President. I might just decide to dismiss them. Land titling, kung saan mo ilagay gagawa rin ng kalokohan ‘yan.
Now, let us hear the man of the hour, General Galvez. Sir, iyo na.
PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER GENERAL CARLITO GALVEZ JR.: Sir, I will make a report sir on the vaccine. But beforehand sir, Mr. President, I would like to thank you sa maaga pong paglabas po ng EO 121 which will facilitate our immediate procurement of vaccine wherein the regulatory requirements will be cut down from six months to one month.
Sir, napakalaki pong tulong po sa amin po ‘yon dahil kasi at least iyong req — requirement po ng law na kailangan pong may FDA emergency use ay mapapabilis po ang ano po natin — pag-procure po natin ng vaccine.
PRESIDENT DUTERTE: Kung makatulong lang, sir.
SEC. GALVEZ: Yes, sir. Marami pong salamat, sir. At marami pong natuwa na ano sir, na taga DOH at saka sa ating mga hospital ano po sir natin dahil alam po nila na napakalaking tulong po ng EO 121 po, sir.
Sir, I will just have a five slides, sir. Sa ngayon po, sir, nagkakaroon tayo ng reorganization dahil — dahil sa report nga po ni Secretary Duque ay mahigit lang na five — 5% po iyong ano, ‘yung ating cases na very manageable.
So ang ginawa po namin itiniransfer (transfer) ‘yung National Incident Command Emergency Operation Center doon po sa NDRRMC-OCD considering na talaga naman po — talagang sa OCD po, kay Secretary Lorenzana po ‘yung pinaka NTF, siya ang chairman, para po i-delegate na lang po sa DOH, DILG, at saka sa NEDA ‘yung pag-aksyon sa ano po, dahil kasi ang gagawin po natin magkakaroon po tayo ng massive preparation for the national immunization program.
Napakalaki po ng ano ng ating preparation kasi it is unprecedented at saka ang ano po natin target po natin ay makapag — magkaroon po tayo ng tinatawag na immunization ng more or less 70 to 80 million. Kasi ang inyo pong order po sa amin ay magkaroon po ng nationwide immunization ang lahat po ng mga Pilipino lalo na po unahin po natin ang mga mahihirap at saka ‘yung tinatawag nating healthcare workers at saka ang mga frontliners natin, mga sundalo, at mga pulis.
PRESIDENT DUTERTE: One question. There are about a million — 100 million Filipinos plus, plus.
SEC. GALVEZ: Yes, sir.
PRESIDENT DUTERTE: You — you have pegged the initial mass vaccination at 60 million?
SEC. GALVEZ: Sir, kasi po ang ano po natin — sa ano po kasi natin ang problema ho, sir, natin ‘yung supply and demand.
PRESIDENT DUTERTE: Okay.
SEC. GALVEZ: Dahil po ‘yung 80 percent na po ng — ng mga vaciine na gagawin ay nakuha na po ng mga mayayamang countries.
PRESIDENT DUTERTE: Mayayaman.
SEC. GALVEZ: Kaya nga po napakaganda po ng mga speeches niyo po sa ating UN na dapat na katulad po natin ay mabigyan po tayo ng accessible sa equitable access doon sa vaccine po, sir.
Kaya maganda po ‘yung panawagan na ‘yon at maganda po na iyong mga ibang bansa na nakabili ng more than — more than their population, they are more than willing to ano — to share it with us particularly po ang Australia po, sir, at saka ‘yung ibang bansa.
And I believe ‘yung China po sir, nakausap na po namin si Ambassador Huang Xilian at they might be able to give some.
PRESIDENT DUTERTE: Contribute…
SEC. GALVEZ: Contribute po, sir. So ngayon po sir ongoing ang negotiation po namin sa kanila. Ire-report ko po mamaya, sir, sa inyo.
PRESIDENT DUTERTE: Let — let me just cut you there para malaman lang ng mga tao. Alam mo itong vaccine it could be from Pfizer, Moderna, it could be from Zeneca? [Sec. Galvez: AstraZeneca po, sir.] From AstraZeneca pati itong sa China.
Puro approved ito at puro mabisa ito lahat. I mean to say that they are not the cure but they can be the prevention and eventually make the nation healthy again. Iyong lahat na bakuna nabili ni General Galvez maski saan-saang countries na gumagawa. China, it could be Australia, pero puro okay ‘yan.
I assure you. I give you that guarantee. Sige, sir.
PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE: Sir, okay naman po tayo sa ating communication. Pero mabuti po in-explain niyo po ‘yung herd immunity kasi ang mga tinatanong po ngayon sa ating mga press briefing bukod doon sa kailan actually magkakaroon ng bakuna at sinasabi ko po nakadepende naman po ‘yan sa approval ng tinatawag na Emergency Use Authorization, eh marami rin pong nagtatanong dahil with a country of 110 million nga daw po, 60 million ang bakuna, paano ‘yung balanse na 70 million?
Ang sinasabi ko naman po ay ang pangako ng ating Pangulo ay ang pinakamahirap magkakaroon ng bakuna, sumatutal po ‘yan 60 million, pero gagawa rin ng hakbang ang gobyerno para ‘yung mga gusto bumili na kaya namang bumili ay makaka-angkat.
Although ang problema po ngayon ‘yung sa private sector, talagang ang lahat po ng gumagawa ng bakuna ay G2G. So hindi ko na po alam kung ano ‘yung gagawin ni Secretary Galvez pero ang tanong po na sa — nang marami eh paano naman kami na hindi mahirap? Six — 70 million pa rin po ‘yung hindi mapapasama doon sa 60 million natin. Ang assurance ko lang gagawa ng hakbang para maka-angkat din at since hindi naman gagamit ng pondo ng gobyerno, eh mas madali nga po ‘yon ‘no dahil sila’y makakabili.
Iyon lang po, Mr. President.
PRESIDENT DUTERTE: O ganun — if I may add, hindi sabihin na kinakalimutan natin ‘yung may pera. You are still a Filipino and it’s the people’s money, your money, everybody’s money. Ang akin lang is as I have said earlier, na itong mauna sundin ‘yung — ‘yung tulong pangkabuhayan sa — sa listahan ng DSWD.
Mayroon doon ‘yung pinakamahirap, medyo hindi mahirap, at saka ‘yung medyo hirap-hirap lang. Ang mauna talaga dito, my order is iyong mga mahihirap, iyong walang-wala talaga kasi iyon ang unang ano ‘pag tinamaan, walang medisina, wala lahat. And most of them, sad to say, mga kababayan natin na walang pera, mahirap, they kind of being intimidated going to the hospital lalo na malaking hospital. Kaya sa kanila kinakalimutan na lang iyong ano — tiisin na lang nila, masuwerte kung mabuhay o hindi.
So these are the people na — hindi naman total desperation but these are the people na dapat unahin natin. Iyong mahirap, dapat sundin talaga iyan, iyong mga mahirap, tapos iyong hindi ‘yung hindi masyado hirap, ‘yung hirap-hirap lang pati iyong — ‘yung nagyaman, ‘yung mahirap noon, nagyaman sa droga, ang injection ninyo, sa totoo lang, rabies. Ipakagat ko muna kayo ng aso.
It brings — you know, drug, please understand it, the drugs problem brings the worst out of me. Ang pinakamasama kong ugali, pinakamasama kong temperament, ang pinakamasama kong pagkatao lalabas basta droga na ang pag-usapan.
You have to take it — take it or leave it. Iyan ang makukuha ninyo sa akin. Hindi ako nag — I don’t moderate my words. ‘Pag sinabi kong injection mo tubig lang o rabies, iyan, hanggang diyan ka lang. P***** i** mo, pagka nandiyan ka sa droga, talagang sabi ko: Do not destroy the Filipino or else I’ll destroy you.
Mga kaibigan, in a few days, we’ll be celebrating Christmas. Now, the problem is the COVID, it has dampened — medyo humina ang ano natin, ang celebration ngayon. Nagtataka kayo na ba’t maraming hindi dito, hindi doon, puro hindi na lang.
It’s because we are fighting a deadly microbe and it’s COVID and it can kill you ‘pag tinamaan ka. Maski nga ako ‘pag tinamaan ako, puwede ako madisgrasya kaya naman nililimit ko iyong exposure pero at times talagang mapipilitan akong lumabas if there is a serious problem outside.
Tiis lang kaunti, tutal there’s a light at the end of the tunnel actually so to say — so to speak. Pati iyong ano — iyong there’s a news in the horizon na there’s already vaccines being produced. Kaya lang ang sinasabi nga the long and short ‘yung istorya namin ngayon is nauuna talaga iyong mayayaman and it is not our fault na mayaman sila. So if they have the clout or iyong mayayaman, sila mismo ang nagpo-produce, wala man tayo magawa kasi naghihintay lang tayo nang sobra. But it also — in every crisis, it brings out the humanity of a person. Like for example, China, Canada, may mga ano tayo noon — may mga kontrobersiya tayo pero at least kinakalimutan muna natin iyong alitan natin because people are sick and dying.
Ngayon, bago ko makalimutan iyong sa Davao kasi wala kang marinig na putok. Ako, because I’m also aware that the — iyong produkto ng ano — produkto ng mga tao dito sa Bulacan, iyong fireworks, hanapbuhay nila, pero I was really… You know, to tell you the truth, I was toying with the idea of making it just like Davao.
Maybe, ganito na lang, tutal nandiyan pa tayo ngayon, may one year pa kayo next December. Baka next December i-bawal ko na ang putok because it is really a dangerous thing and for reasons of public safety and health. Public safety, mamatay ka, magkasakit ka. Health is ma-ospital ka, maputol iyong kamay mo. It’s a health problem actually iyong inhalation ng powder smoke. So, it is a problem of health, public interest and public safety.
So, I am putting you on a warning na baka by mid-year, I will issue the necessary document banning totally — totally banning paputok kagaya sa amin.
Sa amin ngayon, maganda man. New Year, Pasko, we celebrate it with the family, may music, lahat na, gaiety and all. Walang — walang nasusugatan, walang namamatay.
Ang ayaw ko pa dito, ganito, ito talaga ang masakit, iyang magpaputok na may mga baril. Ito iyong mga walang hiya na walang utak. Bakit nagkaroon ng baril?
You know, if you can point out maybe I’ll — the — I will give you the — the wherewithals later on. Magpaputok ka ng baril, what goes up, goes down with the same velocity going up, same velocity going down. ‘Pag naka [garbled] itong mga — mga galvanized iron, ‘pag tumatama maraming napapatay, lalo na sa labas, sa ulo.
Itong mga tao na ito may special dedication ako, hintayin lang ninyo. Basta sunod may nagpaputok ka ng baril, ewan ko kung anong gawain ko. Mag-isip pa ako nang mabuti pero basta I will — lalo na iyong pagputok ng baril. I will make it a very serious offense. Not — I’ll go to Congress and…
You know, do not give me that shit ‘yung sabihin mo, “Hindi ko sadya, pataas man.” If you know that if it hits a head of a person, it will kill him. You are guilty of homicide or maybe murder. Walang kalaban-laban iyong tao, mahuhulugan ng ano… Hindi mo masabi disgrasya. It is not accident, anak ng p***** i** ka, kasi bala iyan, pagputok, sabi ko, velocity going up pati velocity going down, going up going down, same velocity, ‘pag tumama iyan ng… In the past mga bata.
P*** kung wala kayong utak, I am reminding ha. Policemen, military men and civilians, licensed or not, holding firearms, do not — do not — kasi ‘pag nahuli ka… Ito ‘pag nahuli ka, dito sa pagpaputok mo, wala pang — pero papahirapan kita.
Kung sa — kung sa New Year ka magpapaputok, I will detain you until kasi the following day ano man iyan sarado walang opisina. So, papahirapan kita. Sabihin ko sa mga pulis, “Huwag ninyong linisin iyang mga kubeta ninyo sa preso. Hayaan ninyong — huwag ninyong linisin sa Pasko pati New Year kasi diyan ko ipasok iyong mga p***** i**** iyan.” That’s an order. Do not clean. That is reserved for idiots who have no sense of — sense of fairness and ewan ko.
So, mga kasama, mga kaibigan, kaunting tiis na lang, kaunting tiis na lang. Magdasal kayo na si General Galvez hindi matamaan ng COVID, kay p*** lahat ng program na sinasabi niya, ma-diskaril iyan o ma-leche na naman tayo. Maghanap tayo ng ano, another hero from Marawi. So, idasal ninyo si General Galvez.
Maraming salamat po. [applause]
— END —