Speech

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Balik Sigla, Bigay Saya 2023: A Nationwide Gift-Giving Day


Event Nationwide Gift-Giving Day
Location Malacañan Palace, Manila

Merry Christmas sa inyong lahat! Merry Christmas ‘yung mga maliliit na bata.

Alam niyo noong kasing tanda ko lang kayo maliit din ako noon, ‘yung tatay ko siya ang presidente rito. Kaya bawat Pasko ganito ang aming ginagawa dito. Ngayon lamang ay siyempre high-tech na tayo, hindi lang dito sa Palasyo nagkakaroon ng Maligayang Pasko at Gift-Giving, lahat ng ating gagawin ngayon kundi sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para naman ay lahat ng ating mga kabataan ay makaramdam ng Pasko.

At alam naman natin – we all know that Christmas is really about the children. And we always have a Merry Christmas when the children have a good Christmas. Na makita natin ang inyong mga ngiti, na kayo naman ay ‘pag sinabing Merry Christmas ay may kabuluhan.

But we are just so happy. This is for me – ito talaga ang ibig sabihin ‘pag Christmas spirit. Pagka napapaligiran tayo ng mga bata na ang gugulo, na maiingay, na makukulit na – pero masaya, iyon ang importante. Ayan – oh, kita mo. [laughs]

Gusto mo mag-speech? Speech ka muna. Nakalimutan ko ‘yung speech ko. Kaya naman it’s a very happy – a very happy time for us. I cannot say enough because siguro masasabi natin ito ay malaking kaibahan sa aming ginagawa ng araw-araw na seryosong trabaho. Ito puro katuwaan, puro saya dahil nga nandiyan ‘yang ating mga kabataan, nandiyan sila, at nabibigyan naman natin just for a few days a very good feeling na silang lahat ay iniisip natin at inaalagaan natin at tinitiyak natin na lahat ng ating mga kabataan ay maging masaya sa Pasko.

So Merry Christmas sa inyong lahat. Maraming salamat doon sa mga tumutulong sa mga bata. Those who are taking care of these children. [applause] We have to say kami we take care of the children only ‘pag Pasko, kayo nandiyan kayo all year round, every year. So, maraming, maraming salamat dahil… [applause]

Ito naman – ito ‘yung bahagi ng ating lipunan na pinakamamahal natin, alam naman natin ‘yun. Kaya’t ‘yung inyong ginagawa na pagmamahal, pag-alaga sa kanila ay napakahalaga, napakaimportante. At maraming salamat sa inyong pag-serbisyo para sa ating mga – ang sinasabi nga ‘yung kinabukasan natin.

So, kids Merry Christmas! Marami pa tayong gagawin. Nakita naman ninyo siguro – ‘yung isa kumakain na kanina, busog na busog na. Hindi mag-share. [laughter] Hinihingian ko ng ano – kakagatin ko ‘yung kinakain niya ayaw mag-share. Hindi bale marami diyan so hindi kailangan.

So, welcome to Malacañan Palace! Welcome to our Christmas celebration! Merry Christmas, mga anak. [applause]

— END —