Speech

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa League of Cities of the Philippines (LCP) National Executive Board (NEB) at League of Municipalities of the Philippines National Executive Officers


Event Oath-taking Ceremony: League of Cities of the Philippines (LCP) National Executive Board (NEB) and League of Municipalities of the Philippines (LMP) National Executive Officers
Location Ceremonial Hall, Malacañan Palace, Manila

Maraming, maraming salamat sa Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo. [Please take your seats.]

The League of Cities of the Philippines President Francisco Javier Zamora… Hihingi lang ako ng paumanhin, ‘yung mga mikropono kasi namin hanggang dito lang [tawanan] dahil ‘yung mga tiga-rito mga bansot eh. Hindi… Walang basketball player na nakatira dito sa Palasyo.

The League of Municipalities of the Philippines National President Faustino Dy; the newly elected and appointed officials of LCP and LMP; my fellow workers in government; ladies and gentlemen.

Isang magandang araw sa inyong lahat.

Una sa lahat, binabati ko ang mga bagong halal at hirang na opisyal ng League of Cities of the Philippines at ang League of Municipalities of the Philippines.

Bilang mga pinuno ng lokal na pamahalaan sa ating bansa, kayo ang unang nilalapitan ng taumbayan.

At dahil kayo ang unang nakakaalam ng mga hamon sa inyong lungsod o munisipalidad, kayo rin ang unang nakakahanap ng solusyon at nakakapagbigay ng serbisyo sa inyong nasasakupan.

And this is why local governance is where true leadership lies. May it be in the barangay halls, the city offices, municipal grounds, public service is very much felt in these spaces.

I know this because I have been in your shoes.

Naranasan ko kung gaano kabigat ang responsibilidad ng paglilingkod sa tao. Sa kabilang banda, wala ring kapalit ang makita ang magandang pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan nang dahil sa tapat nating paglilingkod.

So today, as you take your oaths, remember what our people expect from us as their leaders.

Nasusukat ang mabuting pamamahala sa mga pagbabagong nararamdaman ng ating mga kababayan sa kanilang araw-araw na buhay.

Kapag may sakuna at agad ninyong narerespondehan, doon nagkakaroon ng saysay ang salitang lingkod-bayan.

Tuwing nakikita nilang may maayos na kalsada, tulay, o silid-aralan, doon natin naibabalik ang kanilang tiwala.

Sa gitna ng lahat ng ito, isa sa pinakamahalagang aspeto ng mabuting pamamahala ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mamamayan na umunlad.

At nagsisimula ito sa magandang kalidad ng edukasyon.

Alam nating lahat na ang edukasyon ang pundasyon ng maunlad na komunidad. Kapag may kaalaman ang tao, mas nagiging handa siyang harapin ang hamon sa buhay, makilahok sa lipunan, at mag-ambag sa bayan.

Kaya ipagpatuloy natin ang mga magagandang programang nagtataguyod ng edukasyon.

Isa sa ating isinusulong ngayon ay ang Early Childhood Care and Development Program. Layunin nito na magtayo ng Childhood Development Center o CDC sa ilalim ng mga lokal na pamahalaan upang ihanda ang mga bata para sa pormal na edukasyon.

May nakalaang higit 300 milyong pisong pondo para sa Fiscal Year 2026, kung saan may 264 na milyon ang nakalaan para sa pagtatayo [at] pagpapabuti ng mga CDCs sa ating bansa.

Kaya’t hinihingi ko ang inyong suporta sa mga pambansang proyekto at programa natin hindi lang sa edukasyon, kundi sa lahat ng sektor upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

So, as I have mentioned before, this is what Bagong Pilipinas truly means.

It is how we transform our thinking, how we do our work, and how we work together. It is about transforming our economy, our communities, and one decision and one act of service at a time.

Mga kasama kong mga lingkod-bayan, alam kong hindi madali ang trabaho sa lokal na pamahalaan.

Marami ring hamon ang kinakaharap ng ating bansa. Lahat tayo dismayado sa mga ulat ng katiwalian na nakikita natin sa pamahalaan.

Ngunit, malinaw ang ating adhikain. Sa Bagong Pilipinas, walang puwang ang korapsyon at ang pandaraya.

We must take responsibility to eradicate this abhorrent culture of corruption that has poisoned the public trust and has robbed us of a better future.

Let us continue to do the work that changes millions of lives. Be testaments that public service can still be honest and hopeful.

Kaya’t ang ating mga bagong mga isinusulong na sistema ay ibinabalik natin –lahat ng kayang gawin ng ating mga local government ay ibibigay na lang ng national government sa local government.

Nagsimula ito sa school building. Sinabi natin, mamamahala na sa mga school building, sa rehabilitation, sa repair ng school building ay ang mga local government.

Ngunit hindi ibig sabihin kailangan ding pondohan ng local government. Kailangan popondohan pa rin ng national government.

Ngunit dahil hindi naman kaya, halimbawa ng DepEd, ng DPWH, na gawin lahat ay aasahan namin ‘yung mga lungsod, ‘yung mga municipality, ‘yung mga probinsiya na may kakayahan ay ida-download na lang namin sa inyo. Kayo na ang bahala. [palakpakan]

At dahil sa ganoon, hangga’t kaya ninyo… Para makarami tayo. Dahil inaasahan lang natin DepEd, DPWH.

Ngayon, mayroon tayong ginagawang PPP para sa school building, para makarami. So, may private – public-private na partnership na gagawin.

Eh naiisip ko, eh sinabi na nga, hindi ba ‘yan na nga ‘yung bagong polisiya na ang repair and rehabilitation ng mga damaged na school building ay sa local government na.

Kaya’t sabi ko, sige. Basta’t tingnan natin – basta’t kaya nila.

Malakas ang loob ko kasi ‘pag local government dahil ibang klase ‘yung ‘pag local government. ‘Pagka gumawa kayo ng kalokohan, nakikita kaagad sa susunod na halalan. [tawanan]

‘Yung mayor namin eh masyadong maraming kalokohan eh, masyadong [garbled] ito eh. Nagpagawa – nakatanggap siya ng ganitong milyon na piso, eh wala namang itinayo, hindi naman maganda ang pagkagawa.

Iyon ang ating – sabi ko, hindi nila puwedeng pagtaguan ‘yan. Kaya’t malakas ang loob ko na kahit papaano na ang mga local government executives ay gagawin nila ‘yung tama. [palakpakan]

Bukod pa dito, noong… Akala ko na mayroong rule o batas na nagsasabi na ang national government ay hindi maaaring gumastos sa provincial, city, municipal, at barangay road.

Pinag-ara – hindi ba ganoon ang ano natin eh? Ang congressman nababahala sa national road, ang city ang nababahala doon sa kalsada ng city, et cetera, et cetera, hanggang barangay level.

Pinag-aralan namin nang mabuti, walang rule na ganito. Puwedeng – puwedeng gumastos ang national government sa lahat ng klaseng kalsada kahit barangay road. [palakpakan]

Kaya ‘yung mga sinasabi mga bypass road, mga farm-to-market road, mga farm – eh ‘yung mga tourism roads, maggagawa tayo, kaya na ‘yang gawin ng mga lokal.

Kaya’t kailangan – para makarami ulit tayo, para mapabilis ang trabaho ay isasama na namin kung mga – [palakpakan] ‘yung mga project na ipinapagawa ninyo sa national, kung kaya nang gawin sa local, eh ganoon na lang ang gagawin natin. Dadagdagan na lang ng national ‘yung aming gagawin.

Ulit para makarami tayo dahil kung aantayin natin… Alam naman natin, kami sa national government, kapag gagawa ng kalsada, ‘yung right of way lagi ang problema. Kami, saan kami tumatakbo para ayusin ‘yung right of way? Sa inyo.

Pupunta kami sa mga mayor. Pupunta kami sa inyong lahat. Kausapin niyo naman ‘yung may-ari. Ganito, ganiyan, ganiyan, ganiyan. Hahanap tayo – gawan natin ng ano. O kung minsan, binibili ng local government ‘yung lupa para magamit sa proyekto.

‘Yun ang – kaya’t nakikita ko, talagang puwede nating i-expand ‘yung ating trabaho na ginagawa at… That is part of the national plan but hindi natin – hindi sufficiently na nagagamit ang local government, sa aking palagay.

Maraming kakayahan ang local government na hindi nagagamit. Eh simpleng-simple lang eh, magpagawa ka ng construction. Ipagawa po mo sa Public Works, magkano? Ipagawa mo by administration, magkano? Gaano katagal? Walang problema sa procurement. Walang problema sa – ‘yung right of way, naaayos ninyo.

Mas mabilis, mas maganda, at ulit, hindi puwedeng makipaglokohan ang local executive dahil pupuntahan kayo. Alam niyo naman pupuntahan kayo sa bahay ng mga matatan – pagagalitan…

Ako governor ako, ginagawa sa akin ‘yun eh.

Pinupuntahan ako sa bahay, pinapagalitan ako ng mga auntie ko, “Anong ginagawa mo rito? Hindi maganda ‘yan. Ayusin mo ‘yan.” But that’s – ‘yan ang buhay ng local government.

Kagaya nang sabi ko, although, mahirap, matrabaho ang local government, malaki naman ang satisfaction na ‘pag nakita natin ‘yung ating nagawa, eh nagbago ‘yung buhay ng isang pamilya, nagbago ‘yung buhay ng isang barangay. [palakpakan] Eh ‘yun ang – ‘yun ang – ‘yun na lang ang… That is the best reward that we can hope for.

And one of the things that I noticed sa pagpunta ko, sa pag-inspeksyon – nagulat nga ako, pag-inspeksyon sa mga ito na nga, ‘yang mga flood control project. Kausap ko – hindi ko kinakausap masyado ‘yung mga national official – ‘yung mga DPWH, ‘yung mga kontratista – hindi ko sila kinakausap. Lagi kong kinakausap ‘yung barangay chairman. Tinatanong ko sa barangay chairman, kailan nag-start itong project na ‘to? Sinong gumawa? Kailan natapos?

Siyempre sila ang nakakaalam dahil araw-araw nilang pinupuntahan ‘yun. Araw-araw nila – dinadaanan nila ‘yung project o ‘yung walang project.

So, nagulat lang ako, noong kausap ko ‘yung isang chairman sa Bulacan, sabi niya, “Sir, wala ng approval, wala ng acceptance ngayon.”

Nagulat ako dahil noong governor ako, hindi namin tatanggapin ang project kung hindi accepted ng local government.

Ngunit in the past – I don’t know, last administration, tinanggal na ‘yun. Kaya’t sabi ko, eh anong ginagawa? Basta darating sila dito, sasabihin may project sila. Hindi nakikipag-usap sa amin. Hindi nakikipag – wala, walang koordinasyon sa amin.

Basta’t pupunta sila rito, gagawa sila nung gagawin nila. Tapos aalis na lang, tapos na. Tapos makikita mo na lang, ang report sa Public Works, ang report sa amin, completed, bayad na.

Alam niyo. Nakangiti ‘yung mga iba sa inyo. Alam na alam ninyo ito eh. Kaya’t binabalik ngayon natin. Huwag kayong magpalampas ng project na hindi ninyo ina-accept.

Puntahan ninyo ‘yung city engineer ninyo, papuntahin ninyo. ‘Yung municipal engineer ninyo, papuntahin ninyo. Kayo mismo, mag-inspeksyon kayo bago niyo pipirmahan ‘yung acceptance.

Dahil ang bagong gawain ngayon, sinabi ko sa Public Works – sa DBM, hindi puwedeng bayaran ang project hanggang in-accept ng local government, [palakpakan] at every level.

Eh sabi nila may ano rin ng corruption ‘yan. Eh kasi kung loko ‘yung local executive, sasabihin, “hindi ko pipirmahan ‘yan hanggang mayroon ako.” [tawanan] ‘Di ba? O puwede. Totoo nga naman. May possibility na ganoon.

Pero again, I go back to the fact na you have to deal – in local government, you have to deal with the people every single day.

At hindi mo kayang bolahin ang tao kapag nandiyan, nandiyan ‘yung flood control project na giba-giba, na sira-sira, na hindi tapos, hindi mo naman masasabi sa report, tapos. Eh hindi, sir, hindi tapos eh.

Kaya’t ‘yan ang hinaharap ninyo. And that’s the safety valve for me. Kaya’t malakas ang loob ko, sabi ko as much as possible, ‘yung ginagawa ng national government para makarami tayo, gamitin natin ang local government.

They’re just waiting – they are just waiting to help at saka may capability na ‘yan. Mayroon naman… Iyong mga ibang city mayroon ng mga cracking plant, mayroon ng mga asphalt ano. Marami na silang – ang dami nilang heavy equipment. Kaya na nilang gawin lahat – marami sa trabaho na sinasabi natin.

Kaya ‘yung una, ‘yan, ‘yan ang ating gagawin. Gagawin natin… Siguro dahil nga sa pagka dumaan talaga ako bilang local executive ng probinsiya, nakikita ko talaga kung ano ‘yung mga wasted na opportunities na hindi natin pinagsasamantalahan.

The other item that I would like to explain to you is ‘yung aming – the new policy. I think nasabi ko na yata ito noon.

Pero ay talagang pinapatibay namin ang ginagawa ng RDC ngayon. Because if you know, the original concept ng RDC, ‘di ba mayroon tayong provincial – mayroon city development council, et cetera, et cetera, hanggang regional development council. So, may barangay development council pa eh. Hanggang pataas nang pataas.

‘Yun, dada… Ipagsasama-sama. ‘Yun ngayon, dati ang sistema, pinapadala ngayon ‘yan sa NEDA. What was NEDA before ngayon DEPDev na. Pinapadala sa NEDA.

Iyong NEDA ngayon pag-aaralan kung ano ‘yung plano ng national at ‘yung mga recommendation ng mga RDC. So, ‘yun ang ginagawa, ‘yun ang magiging plano ngayon para sa mga area – para sa buong Pilipinas. That will be become the economic plan.

Now, we are – nawala ‘yun. Kung ilan sa inyo ay umupo sa RDC, nakikita naman ninyo, sige panay ang proposal ninyo, wala namang ugnayan dito sa national government.

Well, we are returning the function of the RDCs to its original concept. Not only RDCs but all the development councils, all the way down to the local government.
Because it’s very – mas madali para makita kung anong rekomendasyon ng mga local development councils. Titingnan namin dito sa national ano ‘yung kasama dito, ano ‘yung kasama doon sa national development plan. Tapos, baka mayroon kaming hindi nakita.

Sinasabi gumawa tayo ng bypass road dito o upgrade natin ‘yung airport dito, o whatever, ‘yung puwerto naming hindi – maliit lang masyado. Malalim naman pero maliit masyado ‘yung pantalan. That sort of thing.

Those are the things that we need to hear from you. And I do not think – I do not believe really in the top-down kind of proposal.

Kailangan namin marinig kayo. Mayroon kami – siyempre mayroon kaming overall plan. Pero the way to achieve – to be successful with our overall plan, needs the inputs of local government, of the cities, of the municipalities, or even down to the barangay.

So, that’s why this is very important. Because it is the coordination now between the national government and the local government.

And that is why, eh kailangan na kailangan na magtutulungan tayo. Magtulungan tayo at ipakita natin na may mga lingkod bayan na tapat, na may kakayahan at tunay na naglilingkod sa bayan.

‘Yan ang kinakailangan. Iyan ang hinahanap ngayon ng taumbayan. Dahil siyempre kahit papano, nakikita nila maraming katiwalian, maraming hindi magandang nangyayari, kanino pa sila tatakbo?

I’m sure, kahit bago pa nangyari lahat ito, mayroong mga nagsusumbong na sa inyo, nagsasabi, “Boss, mayroon silang ginawa rito.” O mayroon daw ditong tulay, wala namang tulay na ginawa. Mayroon daw dito na bypass road, ginawa lang mga 200 meters. Dapat ay siyam na kilometro ‘yan.

Iyon. All of those things, those we need to hear about, and those we need for you to say, “hindi puwede. You go there, hindi puwede.”

Hindi na puwede. Can you imagine itong flood control na nagkagulo-gulo? Can you imagine? ‘Yung mga mayor, ‘yung – ‘pag pinupuntahan – dahil pumutok na nga lahat ito. ‘Yung mga local government, mga executive, pinupuntahan ‘yung project, ayaw papasukin nung contractor.

‘Yung mayor ng isang LGU, ayaw papasukin doon sa lugar kung saan may dapat na project.
Ang hindi nagpapapasok ‘yung kontraktor, may dala pang pulis. Pambihira.

Baliktad na ang mundo kapag nangyayari ‘yun. [tawanan] Hindi na tama. Hindi na talaga dapat ‘yun. Kaya huwag kayong…

You speak up. Magsalita kayo. Magsabi kayo. Pagka ‘yun – ‘yung… Totoong-totoo ‘yung aking hiniling sa ating mga kababayan, hindi lamang sa mga ordinary citizens kundi kayo na rin, isumbong ninyo sa Pangulo kung anuman ang nakikita ninyo. Ayaw na natin ‘yan. Hindi na tayo papayag diyan. Gagawin natin ang lahat para matigil na lahat ‘yan. [palakpakan]

Kaya’t magkaakibat tayo. We have to work together. We have to be in coordination. We have to continue to strengthen.

Dahil walang synergy ang national government at saka local government kung hindi nagko-coordinate, kung hindi nag-uusap, kung hindi nag-uugnayan.

Ngunit kapag naging matibay ang pagsasama ng national at saka local, ay makikita natin – makikita talaga natin, napakalaking bagay.

Pagka nangyari ‘yun, ang mathematics doon, hindi one plus one equals two, one plus one equals five ‘yun, ‘yung tinatawag na synergy.

So, let us work hard to achieve that and we can do it. We can do it if we work hard, if we work together, and we remain committed to our service to the people – not to ourselves, not to our party, but to the people.
Maraming salamat at mabuhay kayong lahat.

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [palakpakan]

— END —