PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.
Para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bida ang Filipino consumer. Ngayong buwan ng Oktubre, inaanyayahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang lahat na makilahok sa Consumer Welfare Month celebration. Mula October 1, paiigtingin ng DTI ang pagpapalawig sa edukasyon at karapatang Pinoy consumers.
Kabilang sa selebrasyon ang iba’t ibang aktibidad upang isulong ang consumer welfare and protection ng bawat Pilipino gaya ng Fun Run sa October 26 sa Intramuros, Manila, National Standards Week, Nationwide Destruction of Uncertified Products, Appreciation and Recognition Night for Stakeholders, Nationwide Monitoring of Consumer Goods at iba pang aktibidad gaya ng Consumer Assembly sa Barangay.
Maging mapanuri at mapagmatyag sa inyong pamimili, alamin ang karapatan at lawakan ang kamalayan bilang isang responsible consumer dahil sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., bida ang consumer sa Bagong Pilipinas.
[VTR]
At maaari na po akong tumanggap ng inyong mga katanungan.
CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Good afternoon, Usec. May we know po the Palace’ statement or reaction sa resignation ni Mr. Zaldy Co as member ng House of Representatives? May mga umaalma po kasi na baka lalong hindi na po siya umuwi and even DOJ Secretary Remulla said, alam niya na baka hindi na magparamdam si Mr. Co.
PCO USEC. CASTRO: Sa pangyayari pong iyan, kung nag-resign po siya, iyan naman po ay kaniyang kagustuhan. Walang makakapigil sa kaniyang mga desisyon ngunit kung magkakaroon man siya ng kaso at maisasampa, hindi po niya ito maiiwasan, hindi niya po ito matatakbuhan. So, mas maganda po rito kung siya man po ay masasampahan ng kaso, ipaglaban na lang niya ang kaniyang karapatan at ipaglaban ang katotohanan na naaayon sa kaniyang mga ebidensiya.
CHRISTIAN YOSORES/DZMM: One follow-up lang po. How important po ba si Mr. Zaldy Co dito po sa gitna po ng mga investigation sa flood control controversy kasi lumulutang po iyon pangalan niya for the past weeks sa mga hearing in the Senate pati po sa House of Representatives?
PCO USEC. CASTRO: Kung nababanggit ang kaniyang pangalan, definitely dapat niya po itong sagutin dahil kung hindi niya po ito masasagot at iiwasan niya, lalabas lamang po siyang guilty. So, mas mainam po na maipaliwanag niya ang kaniyang side.
KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Good afternoon, Usec. Ma’am, may we know the status of the Blue Alert Notice for Congressman Zaldy Co? Has it already been granted and mayroon na po bang nabigay na whereabouts and current movement of the former congressman?
PCO USEC. CASTRO: Kausap pa lang po natin kanina kay Asec. Mico Clavano pero ang sabi po niya ay waiting pa rin po sila ng response, so hintayin na lang po natin.
KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Ma’am, follow up question. Na-raise po ba iyong issue ni former Congressman Zaldy Co and his resignation during the LEDAC where both President Marcos Jr. and House Speaker Bojie Dy were present?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po napag-usapan.
ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Good afternoon, ma’am. Ma’am, may we just get Palace [statement] po. Sino po iyong namili kay Azurin to be the Special Adviser, is it the ICI or President Marcos? And, ma’am, what were the things considered para si Azurin po iyong mapili nating kapalit ni Mayor Magalong?
PCO USEC. CASTRO: Kung sinuman po ang namili, ibibigay ko na lamang po sa inyo kung anong detalye diyan. Pero ayon po sa Pangulo, ang pagkakapili po kay Gen. Azurin ay base na rin po sa kaniyang karanasan, sa kaniyang mga kagalingan at siya naman din po ay imbestigador at walang komplikasyon – hindi po kasi siya pulitiko.
ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, but how confident is the President with Azurin being the Special Adviser po ng ICI given na he was implicated po sa isang—he was accused of allegedly covering up iyong drug haul sa Manila noong 2022 though hindi naman po siya kasama sa nakasuhan.
PCO USEC. CASTRO: So, iyan po maliwanag, kayo na po nagsabi hindi nakasuhan. Kasi kung naakusahan lang, madali po kasing mag-namedrop, madaling magbanggit ng pangalan, madaling magturo lalo na ngayon pero iba po kasi kapag nakasuhan at nagkaroon ng desisyon ng conviction.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Usec., good afternoon. In a privilege speech, Senator Chiz Escudero claimed among others that the investigation on flood control projects is following what he calls a “script” by the former speaker and the President’s cousin Martin Romualdez. Ang implication ho nito, selective ang nagiging imbestigasyon and happening at the behest of just one person na hindi ito iyong gustong mangyari ng Pangulo. Ano ho ang pahayag ng Malacañang kaugnay sa naging privilege speech ni Senator Escudero?
PCO USEC. CASTRO: Kung iyan po siguro ang kaniyang napapansin at nakikita, malamang hindi naman din po iyan ang napapansin ng iba. Sabi nga po natin, sa ngayon lahat po ng naituturo, lahat ng nababanggit na pangalan dapat nating ikonsidera na inosente. They should be presumed innocent until proven guilty. Let us go to where the evidence leads us.
So, ang mangyayari po dito, hindi po kasi nadadaan sa magandang talumpati, hindi nadadaan sa pagtuturo ang pagpapanagot sa mga nasabing umabuso ng pondo kung hindi sa pamamagitan ng sapat na ebidensiya. So, ang mga ebidensiyang ito, maaari naman pong ibigay sa ICI, at ang ICI naman po ay isang independent commission na maaaring tumingin ng lahat ng mga evidence, facts, records para matumbok kung sino ang dapat na mapanagot.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Nabanggit ninyo po iyong ICI and still on the former speaker. May pahayag po si Vice President Sara Duterte at, if you don’t mind, babasahin ko po iyong portion na hihingan ko kayo ng reaksiyon.
Ang sabi po ni VP Sara, “I have repeatedly questioned the judgment of President Ferdinand Marcos in choosing Martin Romualdez as Speaker of the House of Representatives especially after the Delaware court ruling was issued. Sadly, President Marcos continues to display this flawed judgment by merely changing the leadership in both houses of congress while keeping a stranglehold on the flood control probe through the creation of what is supposed to be an Independent Commission on Infrastructure that is clearly under his control. One day the floodwaters of truth and accountability will flow all the way to Malacañang and, on that day, the Filipino people will finally decide that we deserve better.”
PCO USEC. CASTRO: Okay. Nakakuha po tayo ng pahayag ngayon-ngayon lamang at atin pong nabasa ang kabuuan: Unang-una po, siya naman po ay abogado so dapat malaman niya kung ano ba ang pagkakaiba ng na-mention at ang conviction. Hindi po natin ipinagtatanggol dito ang former House Speaker or Representative Romualdez pero babase lamang po tayo sa kaniyang naging salaysay, unang-una, sinabi niya rin po, “Oo, sapagkat ito ay tugma sa mga nababalita na noong pagtanggap niya ng suhol.” Ang sabi niya po sa salita ‘napabalita’, so ibig sabihin nabanggit lang pero walang naging desisyon ang korte tungkol sa diumanong suhol.
Pangalawa, sinabi niya po na bakit pinili ng Pangulong Marcos si Rep. Martin Romualdez bilang Speaker of the House. Huwag niya pong kalimutan na mayroon pong separation of powers, wala pong kinalaman o wala pong maaaring responsibilidad sa pagpili noon kay Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker, so huwag niya pong kakalimutan iyon. At iyong binabanggit niya pong decision sa Delaware court, muli, nakita po natin ito pero wala rin pong mention na si Speaker Romualdez or si Representative Romualdez ay guilty. Ang sabi lamang niya dito sa kaniyang pahayag, na-mention ng 17 times. So, siya po mismo, ang Bise Presidente, ay nami-mention din sa mga diumano’y maanomalya na transaksiyon, dapat po ba natin siyang husgahan katulad ng ginagawa niya ngayon sa ibang mga mambabatas?
IVAN MAYRINA/GMA7: Ma’am, sorry. How about on this point where the VP is saying that the flood waters of truth and accountability will flow all the way to Malacañang?
PCO USEC. CASTRO: Maski na po mismo napakinggan po natin si Senator Chiz Escudero kahapon, kahit na nga po ang Pangulo sinabi po niya na walang kinalaman at siya pa po ang nagsumbong kung anong nagaganap kaya huwag niya pong ipahid, huwag ipahid ng Bise Presidente kung anuman ang patungkol sa mga maanomalyang nagaganap ngayon. Hindi po malilinis ng Bise Presidente ang mga akusasyon, hindi lamang akusasyon kung hindi pag-amin ng kaniyang ama mismo tungkol sa pagnanakaw sa pondo ng bayan. So, huwag niya pong ipahid kung anuman ang nangyari noong nakaraang panahon at ng administrasyon sa Pangulo ngayon na siya mismo nagpapaimbestiga ng maanomalyang flood control projects. Ang tangi lamang po yata niyang alam ay sirain ang Pangulong Marcos Jr.
EDEN SANTOS/NET25: Good afternoon po, Usec. Gaano pa rin po ka-solid ang Armed Forces of the Philippines sa gitna po ng mga nangyayaring korapsyon sa gobyerno at may mga sundalo na rin po iyong nagsasalita sa socmed in support po doon kay Guteza?
PCO USEC. CASTRO: May tiwala po ang ating Pangulo sa ating mga kasundaluhan na sila po ay mananatiling matatag at ang kanila lamang ipasusunod [susundin] ay kung ano po ang sinasabi ng Konstitusyon. At lahat naman po tayo, hindi lamang po ang kasundaluhan, ang galit sa korapsyon. So, atin pong igagalang ang kanilang mga mensahe dahil hindi po lahat ng tao ay gugustuhin na manakawan ang pondo ng bayan.
EDEN SANTOS/NET25: Wala naman pong mga intel reports na may mga kumikilos na po sa AFP para mag-withdraw ng support sa Pangulo?
PCO USEC. CASTRO: Nadinig na po natin si General Brawner. Sinabi po niya na mananatili silang matatag at hindi po sila sasali sa ganitong klaseng gulo, at ang ipapatupad lamang po nila ay kung ano ang nasa Konstitusyon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good afternoon po. Usec., ano po ang stand ng Pangulo tungkol doon sa panawagan na sana ay mai-open iyong hearing sa Independent Commission for Infrastructure?
PCO USEC. CASTRO: Noon pa po sinabi ng Pangulo na itong ICI ay isang independent commission. So, kung ano po ang kanilang magiging polisiya at ang kanilang magiging procedure po doon ay igagalang po ng Pangulo at hindi po manghihimasok ang Pangulo dahil sila po ay independent body or komisyon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., magsyi-shift lang ako. Kasi napabalita na mismong si Agriculture Secretary Tiu Laurel ang nagsabi na mayroong ghost project, in particular iyong farm-to-market roads sa Davao Occidental at saka Zamboanga del Norte. Alam na po ba ito ng Pangulo at nai-report na ni Secretary?
PCO USEC. CASTRO: Opo, nakausap ko rin po si Secretary Vince kaninang umaga, at sinabi po niya na ito po din ay tinututukan nila dahil dapat ito po ay magawan talaga ng paraan sa lalong madaling panahon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Pero may specific directive ba si Pangulo tungkol dito, Usec?
PCO USEC. CASTRO: Katulad po ng sinabi natin, lahat ng mga ganitong klase na may anomalya hindi lamang po sa flood control projects kung hindi sa lahat ng infrastructure, iyan po ay tututukan.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good afternoon, ma’am. When is President Marcos expected to come out with the new issuances for setting the buying price for rice and extending the importation freeze for the said local food staple?
PCO USEC. CASTRO: Sa lahat po na iyan, ang isyu po sabi sa atin ay hihintayin po natin ang magiging direktiba ng Office of the Executive Secretary. So, iyon po, hintayin na lamang po natin muna.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Tapos follow-up po. Is the President reconsidering the importation ban extension after the recent typhoons caused over a billion damage sa agriculture?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, sa ating pagkakaalam at ang pagkakasabi sa atin ay hanggang November 2. After that, hintayin na lang po muli natin kung ano ang magiging polisiya.
***
Nakatakdang pangunahan ngayong hapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang oath taking ng mga bagong halal at appointed officials ng League of Vice Governors of the Philippines (LVGP). Inaasahan na magpapaabot ng kaniyang pagbati ang Pangulo sa mga bagong halal at appointed LVGP. Aabot sa 70 vice governors ang inaasahang dadalo sa oath taking mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kinikilala ni Pangulong Marcos Jr. ang progresibong hakbang ng mga vice governors sa pagpapatatag ng kanilang kakayanan at kagalingan sa local governance at legislation. Bagama’t nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang mga vice governors, naniniwala si Pangulong Marcos Jr. na pinagbubuklod sila ng kanilang commitment na makapaglingkod sa taumbayan at sa bayan.
Ang LGVP ay isang non-stock, non-profit at nongovernment organization na nagsisilbing plataporma para sa tuluy-tuloy na legislative development at policy reform sa mga probinsiya; nagsisilbi rin itong plataporma upang mapalakas ang local autonomy ng bansa.
At pangungunahan ngayong hapon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang muling pagbubukas ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ilang buwan matapos na ipasara for renovation noong March 2025. Ang PICC ay pansamantalang isinara sa publiko upang paghandaan ang dalawang landmark events sa bansa sa susunod na taon – ang 50th Anniversary ng PICC at ang hosting ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation Summit.
Kabilang sa mga upgrades sa PICC ang installation ng complete state-of-the-art audiovisual equipment para sa international at local event servicing; ang malaking LED walls sa mga meeting rooms at halls; at high-speed complex-wide WiFi. Kasama rin dito ang enhanced security systems at energy efficient led lighting.
Ang PICC ay opisyal na nagbukas sa publiko noong September 5, 1976. Ito ay nagsisilbing historic at architecturally significant convention center na dinisenyo ni National Artist and Architect Leandro Locsin, at ito ay pagmamay-ari ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Kabilang sa mga historical events na ginanap sa PICC ang Ms. Universe Pageant noong 1994 at ang ASEAN noong 2017.
At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.
###