Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Claire Castro with Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Rhoel Aguda


Event PCO Press Briefing with DICT
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.

Para sa Pangulo, ang mga guro, hero sigurado. Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kinilala ang mga guro sa National Teachers’ Day. Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa libu-libong guro sa bansa kasabay ng obserbasyon sa National Teachers’ Day sa Pasay City kung saan personal niyang pinasalamatan at kinilala ang kabayanihan ng mga guro. Sa kaniyang mensahe, binigyang-halaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malaking kontribyusyon ng mga guro sa paghubog ng kagalingan ng mga kabataan at sa mga natutunang aral sa kanilang propesyon.

Kabilang sa mga bayaning guro na kinilala ng Pangulo si Teacher Marivic Villacampa ng Bulihan Integrated National High School na araw-araw pumapasok upang masiguro ang kaalaman ng mga kabataan sa kabila ng kaniyang personal na laban kontra cancer. Kinilala rin ng Pangulo si Teacher Mary Jane Reodica ng Laguna dahil sa kaniyang inilunsad na Luisiana Alternative Livelihood and Advancement Project kung saan nagsasagawa siya trainings sa baking, meat processing, paghahabi ng pandan, paggawa ng kandila, computer literacy at iba pang maaaring mga kabuhayan.

Naniniwala si Pangulong Marcos Jr. na maisasakatuparan lamang ng mga guro ang kanilang tungkulin kung kaakibat nila ang pamahalaan sa lahat ng kanilang mga adbokasiya at programa para sa mga kabataan. Inilunsad din ang DepEd Heroes kung saan kinikilala ang kabayanihan ng mga guro, mga magulang at education partners na humubog sa kaalaman ng mga kabataan. At upang maiangat ang sektor ng edukasyon, nag-allocate ang pamahalaan ng 26.55 billion pesos na budget para sa Department of Education, kinuha mula sa flood control projects ng DPWH para sa taong 2026.

Binigyang-pansin din ng Pangulo ang mga hakbang ng pamahalaan para mas lalo pang maiangat ang edukasyon kabilang na dito ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, ang Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act at ang DepEd Order No. 005 upang masiguro ang fair training and fair teaching load. Kasama rin dito ang partnership ng pamahalaan at ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa eLearning Academy at ang pagbababa ng paperworks ng mga 57%.

Sa mga hakbang na ito ng pamahalaan, patunay lamang na ang Marcos administration ay may puso at totoong nagsiserbisyo para sa mga guro sa saan mang panig ng mundo.

[VTR]

Tulong sa mga nasalanta ng bagyo at lindol nagpapatuloy. Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng nasalanta ng bagyo at lindol, sa Cebu, tuluy-tuloy ang tulong na ipinaaabot ng DSWD. Sa huling tala ng DSWD, nakapamahagi na ang ahensiya ng 225,864 family food packs sa mga residenteng naapektuhan ng lindol, ayon ito sa kahilingan ng lokal na pamahalaan ng Cebu. Namahagi rin kaninang umaga ang DSWD ng mainit na almusal mula sa Mobile Kitchen ng ahensiya para sa mga residente na pansamantalang nakatira sa mga tent sa Bogo City.

Umabot na rin sa 596,598 family food packs ang naipamahagi ng DSWD sa mga naapektuhan ng Bagyong Mirasol, Nando, Opong, Paolo at ng hanging habagat sa NCR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CALABARZON. Namahagi rin ang DSWD ng mga family packs sa mga residente ng MIMAROPA, Bicol Region, Central Visayas, Western Visayas, Negros Island, Soccsksargen, Caraga, CAR at BARMM. Ayon sa ahensiya, nakatakda na rin nilang simulan ang pamamahagi ng cash transfer matapos ang pamamahagi ng family food packs sa mga nasalanta ng bagyo at mga tinamaan ng lindol. Walang maiiwan, lahat ay maaabutan ng tulong sa ilalim ng Marcos administration.

[VTR]

Sa ating patuloy na laban kontra fake news, hindi maiiwasan na maging target tayo ng mapanirang mga balita gaya na lamang po nitong mga nagkalat na maling balita at ginamit pa ang sakuna upang maghasik ng kasinungalingan.

Ito po ay hindi ko po sinabi ngunit ginamit po ang ating larawan para makapagbigay po ng fake news. Sana naman po ay huwag ninyong gamitin ang mga kababayan natin para sa pansariling interes dahil sa totoo lang, ang ginagawa ninyo ay kahiya-hiya na po.

Ngayon naman ay makakasama natin si DICT Secretary Henry Aguda upang bigyan po tayo ng updates sa connectivity restoration sa mga lugar na apektado ng kalamidad at iba pang inisyatiba ng ahensiya. Good morning, Sec. Henry.

DICT SEC. AGUDA: Good morning po, Usec. Claire, at saka sa mga Malacañang Press Corps at saka sa mga nakikinig po.

Ako po’y napag-utusan ni Presidente several months ago pa na gamitin ang technology at ang buong kakayahan ng DICT para sa lahat ng sakuna, manmade man iyan o dahil sa kalikasan ay  may solusyon na po tayo – at hindi lang solusyunan nang paisa-isa kung hindi ipermanente na.

So, iyong mga idi-discuss ko po iyong… sisimulan natin doon sa sakuna na dulot ng kalikasan tapos mamaya, iyong nabanggit din ni Usec. Claire kanina na fake news, eh sa akin sakuna rin po iyan, gawa naman ng tao. So, idi-discuss po natin mamaya. Unahin po muna natin iyong situation report doon sa nangyari po sa Masbate at saka sa Cebu, doon sa mga kababayan po natin sa kanila doon, nandito po kami at pumunta rin po ang buong lakas ng national government para tumulong po sa sitwasyon ninyo.

Iyong status po ng connectivity ay nagagalak naman po akong ihayag na ito po iyong status ngayon, ito po iyong official – pupuwede pong pag-end of the day, 100% na po lahat iyan. Si Globe po ay 100% fully restored, si DITO 100% fully restored sa probinsiya po ng Cebu, si Smart is 98%. Pero si Smart po kasi in fairness to them, sila po iyong may pinakamaraming cell site po sa Cebu at nakikipag-ugnayan po ako sa kanila na sabi nila baka hindi matatapos itong linggo na ito, 100% na rin po sila. In fact, I have a meeting with their COO this afternoon and regular po silang nag-a-update sa amin. Iyon pong si Globe, si DITO medyo okay na po sila.

Doon naman sa Masbate ganoon din po, 100% restored na rin po si Globe, 100% si DITO at again, si Smart naman ay double time po sila. Again, uulitin ko po, sila po iyong may pinakamarami doon.

Gusto ko po sanang pasalamatan din iyong ibang departamento na kasama namin: iyong DOE, kapag wala hong power, wala rin kaming capability mag-connect; DPWH, kung hindi nila naayos iyong mga daan at nagawa iyong clearing ay tatagal po iyong restoration; DOTr po, iyong mga naglagay noong mga tao natin at relief goods sa kanila; at saka National Electrification Authority po; so whole-of-government approach po iyan. Immediately after the President called the Cabinet to action mobilized na po kami doon. I was personally on the ground to look at the situation noong puwede na pong lumipad doon.

Mayroon lang po tayong pinakita, noong mga nakaraang bagyo, mapapansin ninyo hindi tayo nagkaproblema sa connectivity kasi ang problema noon dati baha. Ang karamihan po ng mga linya natin ng connectivity, nandoon po sa mga poste. Eh kapag bumabaha naman, hindi naman po umaabot doon sa poste – nagkataon lang po sa Masbate, high winds po. nakausap ko po si Mayor Kho, ang sabi nga niya in within two hours, mga 200 plus kilometers iyong hangin na dumaan so bumagsak po iyong mga poste. Ganiyan din po iyong nangyari sa Cebu lalo na po sa Bogo dahil doon iyong bumagsak ang mga poste. Ito po ang mandato ng Presidente, hindi pupuwedeng taun-taon na lang eh mararanasan natin iyong ganiyang problema.

So, nakikipag-ugnayan na po tayo sa mga telco na baka pupuwede ngayong administrasyon ni Pangulo ay ibaon na iyong mga fiber optic cable para kung bumagyo man o lumindol ay may connectivity po tayo.

I-stress ko po kung gaano kaimportante ang connectivity: kapag nagkaroon po ng disaster sa isang area mahirap pong mag-relief operation kapag walang connectivity eh hindi na po tayo puwedeng sabi nga mabagal sa relief operations ‘di ba – eh bumibilis po iyan with connectivity; hindi lang po iyan, iyong paghahanap po natin ng mga kamag-anak natin, mga kababayan maganda kapag may cellphone na po sila madali na natin silang ma-contact.

Papasalamat din po tayo sa mga telco kasi through bayanihan spirit si Globe, si TM, si PLDT, si Smart, pati na rin po si Converge nagbigay po ng mga free charging stations at iyong iba diyan ay nagbigay ng free services. Galak na galak po kami doon sa pagresponde po nila, dinamayan po nila ang ating mga kababayan.

And ngayon ang call to action po natin sa telco, hindi na muling mangyayari dapat ito. So, nagdo-double up po kami in terms of making sure na hindi lang ma-restore, maging resilient pa siya.

Nagpapasalamat din po kami doon sa isa nating tumulong din – ang Starlink po ay pagmamay-ari ng SpaceX. So, noong nagkaroon po ng problema sa Masbate tumawag po tayo sa international emergency response ng SpaceX. So, nagpadala po sila ng 100 na Starlink; habang iyong mga ibang poste po ay nakababa, 100 Starlink po ang idineploy at saka hindi na po babawiin iyan. Sabi ko nga po kay Mayor Co, “Ito po ay pang-resiliency ninyo na,” para sa susunod na bagyo may Starlink na po sila diyan.

Nakikipag-ugnayan na rin po kami kay Starlink for Cebu, hinihintay lang po nating mag-stabilize iyong Cebu kasi may mga tremors pa. As soon as mag-stabilize na po iyon ready na po ring mag-deploy nang additional Starlink facility sa kanila.

So, iyan po iyong update natin doon sa kamakailan na bagyo at earthquake na nangyari. And makakaasa po kayo ang DICT po ay laging nakaantabay kasama ang telco at saka Starlink.

Iyan po ay manmade na sakuna. Ito naman po iyong nabanggit kanina ni Usec. Claire, laban naman po natin iyan, ito po manmade na sakuna naman po, ito naman po fake news.

Ang laban po namin sa fake news: Noong September 19 nag-usap-usap na po kami ng mga telco at saka mga social media platform. Iyong content moderation ay inaral na po nila na para pumunta po sila dito sa Pilipinas na kasi overseas iyong mga content moderation nila eh iyong konteksto po ba na kontekstong Pilipino hindi nila masyadong nakukuha kapag nasa ibang bansa sila. So, dito po at saka makikipag-ugnayan sila nang mabuti sa atin.

So, si Cybercrime Investigation and Coordinating Center, sila po iyong nangunguna sa pagsugpo ng fake news, iyan din po iyong mga kamakailan marami tayong nakikitang mga deepfake ‘di ba eh mahirap na po iyan baka kahit sinong Pilipino puwede nang mabiktima dahil kukunin lang nila iyong image ninyo biglang magugulat kayo nagbibenta na kayo ng kung anu-ano sa internet; ito po ay inter-agency cooperation din po with DBM, DICT, DSWD, BOC and DPWH po.

Iyong susunod naman po, ang direktiba po ng Presidente sa amin malapit nang mag-Pasko sabi niya, “Puwede ba pagdating ng Pasko mawala na iyong mga online financial scams. So, kamakailan po nag-cooperate po kami with the Global Anti-Scam Alliance, nag-sign up po diyan ang Globe at saka iyong mga ibang telco.

Ang aspiration po natin ngayon ay kapag nag-transaction kayo online nitong Pasko kung saan mataas ngayon ang paggamit ng credit card at saka online payment ay kampante po tayo.

Mamaya po sa question and answer mababanggit ko po in details iyong mga ibang concern na inihayag ninyo po sa akin kanina, puwede po natin i-resolve po mamaya.

So, ayan po fake news, deepfake, hacking at saka financial scam, mga manmade sakuna po na sosolusyunan po natin.

Ito naman pong susunod ay ano lang advance Merry Christmas po ng Presidente. May libro po si Presidente, binigay ko po sa kaniya iyan iyong Blockchain Book po. Ang Blockchain Book po, Usec. Claire, nakadokumento diyan lahat noong mga blockchain solution na ginagamit dito sa Pilipinas na gawang Pinoy.

Marami kasing nagsasabi, ano ba iyang Blockchain na isinusulong sa Kongreso at sa Senado na supposedly will provide transparency and immutability in all the budget transactions na.

Ito po ay isang libro na puwede ninyo nang i-download as an e-book sa DICT website, libre po iyan. So, ina-acknowledge po natin iyong ating mga author niyan na mga Pilipino at saka iyong publisher.

Para lang ba magkaroon kayo ng idea kung ano po si Blockchain. It’s an easy-read and ito pala, Usec. Claire, ibibigay ko po sa inyo.

PCO USEC. CASTRO: Thank you.

DICT SEC. AGUDA: So, doon sa Malacañang Press Corps, puwede ninyo pong i-download na lang kasi wala na akong dalang analog. So, hardcopy, you can buy in the stores but huwag na download ninyo na lang para environmentally friendly.

But anyway iyan po ang balita ko on the Blockchain. Ngayon kung tatanungin ninyo na po ano po iyong status niyan, doon sa last hearing with Senator Bam Aquino sabi niya, “Sec., paki-prioritize naman.” Sabi ko sa kaniya, “Yes, subukan nating habulin, Senator, for the 2026 budget.” The House congressmen who have been pushing this may six bills na po na pending; ang DBM po ay naka-ready dito – in fact, una na po silang nagsulong ng Blockchain for budgeting.

Panghuli na lang po, ang DICT ay patuloy na gagabay upang matiyak na sa bawat barangay may koneksiyon, sa bawat Pilipino may access, at sa bawat click may kaligtasan. So, patuloy po kami na tutupad sa utos po ng Pangulo na nobody gets left offline. Maraming salamat po, Usec. Claire.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Good morning po, sir. Sir, recently the President said iyong Blockchain ay tinitingnan nga para ma-ensure iyong transparency ng national budget. Sir, how feasible is this and how will it work? What are the dynamics of this proposed measure?

DICT SEC. AGUDA: Okay. Thanks, Ann. So, doon sa isang recent interview ni Presidente sabi nga niya Blockchain ay isa sa mga solusyon. Component lang iyan ng technology ‘di ba. May sinabi rin siya na kailangan iyong proseso, iyong rules, lahat iyon kailangan pa.

Now, on the technology, gaano ba ka-feasible ito? Marami na po tayong kakayahan in the Philippines to do this and marami po tayong dalubhasa on Blockchain. Ang Blockchain po maraming use cases iyan kung maalala ninyo Bitcoin isa; tapos kung maalala ninyo during the pandemic marami po tayong Pilipino na naglaro ng mga crypto games, alam ninyo kapag bagong technology mabilis ang mga Pinoy.

So, very feasible siya, in fact ang isa sa mga assignment ko ngayon is to provide minimum viable product for a prototype and show it to the Senate and Congress para makita nila na feasible nga siya bago natin italon doon sa actual execution.

Sa private sector po kilala ako sa agile execution, kilala rin po ako doon sa startup. So, sa akin kasi nabanggit ko na dito I am about action over perfection. So, papakita namin kung ano na iyong nagawa siguro mga next week mapapakita na namin sa kanila tapos sila na ang magsasabi sa amin kung okay na siya o hindi pa.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Sir, there are at least two measures regarding this Blockchain. How big of a budget are we talking about here and how are we going to ensure that this platform will be safe from hackers?

DICT SEC. AGUDA: Okay, iyong sa hackers muna. Iyong sa hackers madali kasi the Blockchain itself was designed by hackers kasi iyong mga hackers, noong una gusto nila magkaroon sila ng sarili nilang encrypted currency, and because it’s encrypted and because the hackers were the ones who built it, na-built in na rin sa kaniya iyong natural cybersecurity measures. So, hindi maha-hack iyan, pero alam mo naman sabi ng ibang tao wala namang bagay na hindi maha-hack. Pero sa ngayon, mas secure iyan than any technology that we can use.

Now iyong tanong about the budget, alam naman po ninyo, marami pong gustong tumulong sa atin, isa na diyan mga kaibigan natin sa mga ibang bansa na nagsasabi na basta bigyan ninyo kami ng magandang news case, nakahanda kaming tumulong at magbigay ng grant. So, hindi ko na po pangungunahan iyong gustong magbigay ng grant pero may dalawa na po na nag-approach sa akin. Kasi sinabi ko sa kanila, alam ninyo iyong 2026 budget, hindi pa lumalabas, so parang iikot tayo – bago po makakuha ng budget, dapat  lumabas  muna iyong 2026, pero papaano naman mailalagay sa Blockchain si 2026 kung wala pa akong budget.

So, para hindi tayo mag-endless loop, eh ang solusyon diyan ay may magkakawanggawa. Eh dadaan po sa tamang proseso din iyan, kahit na donation man iyan, eh dadaan po sa isang governance process iyon. Pero bago po natin kunin iyong funding for that, ipapakita po muna natin at hihingin natin iyong opinyon ng legislature kung okay na sa kanila iyong sistema. So, hindi po tayo magkakaproblema sa funding, hindi po natin gagamitin iyong sa kaban ng bayan; industry and private sector will help fund that, kasi para sa ating lahat din naman iyan.

KENNETH PACIENTE/TV4: Good morning, Sec. Sir, doon po sa paglulunsad ng blocklist monitoring dashboard, paano po masisiguro na masusunod iyong due process habang pinapabilis nga po iyong pag-block ng illegal sites nang hindi naman po naaapektuhan iyong mga legitimate a platforms?

DICT SEC. AGUDA: Oo, so importante sa amin iyong freedom of expression, importante din sa amin ang privacy especially na nasa amin din ang National Privacy Commission. Iyong gagawin diyan sa blocklisting na iyan, encrypted lahat iyong databases. Ma-access lang namin siya kapag mayroon nang probable cause.

Ang ginawa po naman ng CICC-DICT at saka telco and NTC, in-automate lang natin iyong proseso. Kasi dati kapag mayroong nagreklamo sa amin, paper-based, kailangan magsulat ka ng memo, iyong memo lilipat ng mga tatlong ahensiya bago pumunta sa telco para ma-takedown.

In-automate lang po natin iyan, so wala po tayong babaguhin doon sa substantive requirements of the law, i.e. to protect the rights of the people; pabilisin lang po natin.

KENNETH PACIENTE/TV4: Sir, on other matter lang. Sir, na takedown na po sa TikTok iyong video ni Representative Kiko Barzaga calling for the resignation of President Marcos Jr., pero sa Facebook po ay nandoon pa rin, ano po iyong magiging hakbang po ng DICT dito?

DICT SEC. AGUDA: Okay, tamang-tama iyong mga toxic content na in clear violation of our laws, and in clear violation of their own community standards, sabi ko nga sa kanila, sa mga platform, kung responsableng platform kayo, i-enforce na ninyo, i-take down na ninyo iyan, dahil alam naman ninyong nakakasama iyan.

Pero we took one step forward. Nagpadala po ng talagang request si PNP and in-outline nila iyong legal basis for taking it down. Hindi ko na po pangungunahan iyong mga abogado pero nakalagay naman doon iyong basis to take it down. Si TikTok po acknowledge ko, nagsabi si TikTok, they will follow, they will comply, kasi nga kapag duly authorized authority na ang nagsabi na sa kanila na violation iyan, sunod sila. And just to be clear about it, mabilis naman po si TikTok.

Si Facebook po ang medyo may challenge tayo, kasi hirap pong magdesisyon—wala ang desisyon dito sa Philippines eh, pinapasa nila sa Singapore, si Singapore, hindi ko na po alam kung saan nila pinapasa, Singapore office po ni Meta and somewhere else, so mahirap po.

Noong lumabas po ang content na iyon, kinol [call] na namin iyong atensyon ng mga platform, in-acknowledge nila na may problema, pero we just have to go through the process. So we went through the process, we ask the lawyers of PNP to write and study para malaman lang po ninyo na may due process talaga iyan. And noong nagbigay na ng legal opinion ang PNP na talagang it’s a violation of our laws, takedown naman noong isang platform kaagad. Up to this point po ng press briefing, hindi pa ako nakakakuha ng confirmation from Facebook kung kailan nila iti-takedown, pero na-acknowledge na natanggap na nila ang letter natin; ano po iyan, noong weekend pa po kami nag-uusap.

Kaya po iyong kongreso at senado nagsusunog ng legislation na dapat I-require ang mga social media platforms na maging regulated sa Pilipinas.  Unfair naman po kasi, dahil kayo po journalist, may ethical standards po kayo, at the same time, marami kayong batas na dapat tuparin bago kayo mag-provide ng salitain ninyo dahil you are the guardians of truth. Eh iyong platform na malaki iyong reach, eh bakit wala namang standard at saka ano tayo, totoo lang sa totoo, hindi po fake news, kumikita po kasi sila diyan – kumikita sa bawat click, sa bawat views, sa bawat share. So sa akin, unfair naman iyon. Wala namang problemang kumita, pero huwag naman iyong makakasakit na ‘di ba?

So, I will continue to coordinate with them and again, lilinawin po natin, we respect free speech and the right of people to express their opinions, pero  kapag nag-violate na po ng batas at nagsabi na ang mga law enforcement na violation na po iyan, dapat naman, the least that they can do is to comply po.

TINA MARALIT/MANILA TIMES: Sir, good afternoon. Kanina po nabanggit ninyo iyong sa financial scams. So what campaign or initiative does the DICT have to address this, kasi po karaniwan pong nangyayari iyong text or scam messages, pati po sa email at messaging apps, parang lumalabas po ang mga official channels din po ng telcos and financial institutions ang lumalabas?  

DICT SEC. AGUDA: Tina, ang ganda ng tanong na iyan and you are giving me an opportunity to educate the public.

Alam po ninyo iyong kampanya po ni DICT na i-eliminate iyong 3G at saka 2G ay para po maprotektahan iyong taumbayan sa mga scam. Kasi ang 2G and 3G signal po, hindi na po secure ang mga iyan. Ang kagandahan naman, iyong tatlong telco po nagsabi, dapat wala na silang 3G and hinihintay na lang ni NTC ang confirmation na wala na silang 3G.

Mayroon palang naiiwan na 2G. Ngayon, ang ang 2G ay hindi rin secure. Ang  problema po, iyong ibang  mPOS, mobile POS, na ginagamit natin sa mga mall, bantayan po ninyo, kapag 2G ang ginagamit nilang connectivity, delikado po iyon. Mag-ano kayo, mag-ingat-ingat po kayo, kasi iyon po iyong na-i-intercept iyong signal ng mga tinatawag natin na stinger o kaya MC catcher. Iyong MC catcher po o kaya stinger, parang cell site na naka-backpack, kasya lang sa isang backpack o kaya  sa isang maleta, ito po sinasagap iyong signal ng 2G at saka 3G, tapos akala ninyo ang nagmi-message sa inyo, iyong bangko o gobyerno, pero hindi pala, na-change na nila, nagpapanggap lang sila.

So, iyan po iyong kampanya namin. Now, sabi ko naman sa mga telco, kung hindi pa ninyo talaga matanggal iyong 2G at least man lamang sa mga malls kung saan maraming gumagamit ng online payment at saka credit card, mapalitan muna ninyo iyong 2G.

So in the meantime, 3G muna ang natanggal na, hinihintay ko lang po ang confirmation nila. Iyong 2G naman is pagpaplanuhan natin, kasi marami rin naman tayong mga kababayan mga 10 million pa rin iyan, karamihan gumagamit pa rin sa mga remote areas. Doon sa remote areas walang problema, wala namang credit card, kasi GIDA nga walang credit card, online payment. Ang problema po kapag iyong 2G ay ginagamit sa mga malls at saka sa Metro Manila, isa po iyan.

Pangalawa po, iyong global anti-scam alliance, iyan nagdo-double down na po kami, iyong mga telco, kasi naghahanda po kami sa Pasko. Ang sabi nga ni Presidente, itong Christmas na ito, sana naman lahat ng magta-transact sa digital infrastructure ay safe, iyong mawawala na ang scam.

Mayroon din po, nakikipag-cooperate kami doon sa mga bagong technology na ilo-launch like “World”. Iyong World, ang gumawa po nito si Sam Altman, iyong nangunguna po sa AI, ito po iyong kukunan ng retinal scan ang mata ninyo. Kung ikaw iyong bangko at sisiguraduhin mo na hindi robot o kaya deepfake iyong kumakausap sa iyo, puwede kang mag-enlist doon sa World. Iyong World is a solution that is very unique, parang captcha kasi baka alam mo na, marami kang AI, baka ma-hack na iyong captcha; ito, iyong retinal scan.

Another application in the future, kapag ginamitan ka ng deepfake, sasabihin mo, hindi ako iyan, tingnan mo iyong retinal scan; pero kailangang mag-enlist ka nga doon sa World.

Ito po ay isa sa mga solutions provider na libre po iyan, in fact iyong iba nga binabayaran pa para ma-capture iyong retinal scan para lang makakuha sila ng mas magandang database and lumaki iyong kanilang AI analytics. Nakikipagtulungan po kami with CICC, Cybercrime Investigation Coordinating Center, at magsa-sign po kami ng MOU. I-encourage po namin iyong mga bangko gamitin ninyo iyan, hindi lang sila marami pang iba diyan, pero isa lang po iyan sa mga ehemplo. So, gagamitin din po natin ang AI technology na iyan para ma-solve ang mga scams na iyan.

HARLEY VALBUENA/DZME: Good afternoon, Secretary. Sir, doon sa blockchain digital platform, magkakaroon ba tayo ng limitations doon sa mga puwede lang mag-donate doon sa funding noong Blockchain, kasi right now marami nang private contractors ang involved sa flood control anomaly. So, baka lang po magkaroon lang conflict of interest in case iyong mga magdo-donate ay baka involved din sa government projects?

DICT SEC. AGUDA: Ay, oo, malabo iyon! Hindi ba dapat kapag magbibigay ka ng donation sa government tinitingnan din nila kung may conflict of interest, kung ano iyong provenance kung saan nanggaling iyong donation et cetera. Nag-coordinate din kami ni ano, ni Secretary Vince, hindi ko na sila pangungunahan pero tinitingnan din nila iyong Blockchain to solve their situation, eh excited din po ako doon dahil alam ninyo si Sec. Vince medyo forward looking din in the use of technology. So, isa iyan sa mga magiging key use cases.

So, kapag makikita mo; budget siguro DPWH iyong isa, all of the times ‘di ba; tapos DBM, DBM nanguna na eh, so pagtatahi-tahiin na lang po natin iyan. So, kung may magdo-donate po niyan padadaanin natin sa proseso and we’ll also make sure na walang conflict of interest.

HARLEY VALBUENA/DZME: Other questions, sir. I’ll just ask, may cooperation po ba ang DICT in the efforts to locate the resigned Congressman Zaldy Co?

DICT SEC. AGUDA: So far, CICC malamang iyan, kami naman ang support na mabibigay lang namin is digital footprints, ability to trace on social media and ability to check the internet on whereabouts. So, CICC po iyong nakiki-collaborate po diyan, but I don’t have any specific at this point.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, on the retinal scan, how soon can this be rolled out in banks?

DICT SEC. AGUDA: Hi, Katrina. Actually it’s being rolled out ngayon sa mga communities. For the banks, we just need one bank to do a use case and nasa sa kanila na iyon. Siguro, hindi ko na pangungunahan si World ‘no, siguro nakikipag-usap na naman sila sa mga bangko. So, just one use case and siguro tuluy-tuloy na iyan ‘di ba. Ang pakiusap ko lang is sana bilisan nila kasi magpa-Pasko na, mas maganda pagdating ng Pasko wala na tayong agam-agam sa mga online transactions natin.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, for government use, how else could this retinal scan be incorporated in government transactions and systems?

DICT SEC. AGUDA: Well, maganda iyan kung halimbawa iyong mga beneficiaries ‘di ba, iyong beneficiaries kapag na-scan muna, alam mo na sila iyong tatanggap talaga ng ayuda. Marami siyang application, I think the job of DICT is to stimulate innovation, encourage people to experiment then provide the necessary cybersecurity guidelines. The use cases parang iyong national ID ba, iyong national ID, I think right now nasa mga 17 million na kami, when we started six months back nasa mga two to three million. Pero noong dumami iyong use cases, like si GCash tinatanggap na ang KYC ng national ID ng ibang bangko, dumadami na iyong gumamit. So pakiusap sa private sector, tingnan ninyo iyong mga new technology solutions that can battle fraud and prevent fraud. Alam ninyo po, kailangan natin we fight technology with technology eh.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, last question. Sir, what policies or measures are in place to make na iyong scanning are legitimate because ill actors could actually like ask you to register for a scan and use your data for other purposes?

DICT SEC. AGUDA: I think I will leave that to the organization noong World, iyong sa kanila, they have internal mechanism for that. Ang sa amin ang binabantayan namin is the privacy of the individual. We have to make sure, that if they capture the individual’s identifying information, first of all may permission. Alam ninyo po dito sa Pilipinas, ang tawag natin permissive regime eh, you’re the owner of your private information, you also have the right to give it or to not give it. We have to make sure na iyong permission ninyo nandoon.

And second, kapag sinabi nilang hindi nila i-store iyong private information and gusto mong ma-delete iyong private information mo, dapat they can prove that. As to the guidelines on, halimbawa ako iyong magpo-fraud, magpapanggap ako na si Juan dela Cruz, pero hindi ako si Juan dela Cruz, I think there’s already an internal mechanism to prevent that, maliban na lang kung pareho kayo ng retinal scan which is highly unlikely. So it was designed na hindi siya magagamit for fraud.

CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Good morning sir. Sir, iyong sa crackdown natin until Christmas, paano po ang gagawin ng DICT, mag-a-add po ba tayo ng manpower para mas mapadali?

DICT SEC. AGUDA: Mayroon na, nagdagdag na kami nakaabang na iyan. Tawag nga namin hindi whole of government approach iyan, dapat whole of nation approach so kailangang-kailangan namin ang mamamayan. So, mayroon kaming action center line which is 1326, tawagan ninyo iyon, kapag may nakita kayong problema itawag ninyo kaagad, kukunin namin iyong detalye then will—para bang i-crowd source natin kung ano iyong problema. Mayroon din sa 1326@dict.gov.ph. Kapag halimbawa nag-message kayo kaduda-duda, i-screencap ninyo lang tapos ipadala ninyo sa 1326@dict.gov.ph.

Kung fake news, video whatever padala ninyo lang din po, mayroon pong AI nakaantabay iyan kina-classify namin kung anong klaseng violation.

Kailangan po natin iyong taumbayan—siguro since nandiyan na tayo sa crowd sourcing na iyan, isa po sa objective din po namin ay maayos ba iyong cell service ng Pilipinas, so isang puwede ninyong gawin mag-download po kayo noong open signal para lang nagda-download kayo ng Waze, libre po iyan. Pagdating ninyo doon sa open signal, i-speed test ninyo lang siguraduhin ninyo lang na cell provider siya hindi siya Wi-Fi ha, cell provider, tapos kapag  nakuha ninyo na iyong performance benchmark i-click ninyo lang para ma-email sa amin. Tapos kapag na-email ninyo sa amin malalaman namin kung saan may dead spot, kung weak ang signal, kung saan putol-putol; ito po ay para matulungan po namin ang telco na ayusin din po iyong ano nila iyong service.

Kasi sabi nga namin sa telco, sige tulungan namin kayo kung saan iyong mga dead spot para ma-plug ninyo, tapos tulungan din namin kayo kung saan hindi maganda iyong signal. And then, siguro bago matapos ang taon ipa-publish namin iyong service levels per telco. So, iyan din po, crowd sourcing, so i-crowd source po natin iyong mga issue sa fraud, 1326, 1326@dict.gov.ph at i-crowd source din po natin kung saan may problema iyong mga signal po natin.

CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Sir, may ibang topic lang. Sabi mo nga last time na nandito ka sa Palace, first week of October mayroon ng IRR ang Konektadong Pinoy, kumusta na po iyon and ano po iyong mga inputs from Telco companies?

DICT SEC. AGUDA: Oo, so na-submit—eh siyempre kailangan makinig kami doon sa stakeholders namin, kung gusto man naming ilabas—ako gusto kong ilabas first week kaso  may mga comments po sila na hindi naman namin puwedeng hindi lang pakinggan.

So, ang status niya ngayon, iyong final consultation natapos na noong first week of October, iyong publication will happen at the earliest next week. So, publication will take about 15 days. Hindi matatapos itong buwan na ito ay in effect na po iyong batas. Pasensiya na po kung medyo umusog nang kaunti, kailangan lang namin masigurado na napakinggan na po natin lahat kasi ang gusto nga ni Presidente, ang utos, niya make sure na ang Konektadong Pinoy improves the services for everybody in the Philippines at the same iyong mga existing stakeholders natin na mga telco napakinggan and fair po iyong treatment din sa kanila.

MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po, Secretary. Sir, going back lang doon sa connectivity natin during calamities, how long will it take for us to fix the fiber optic cable, iyong sinasabi po ninyo na dapat ibaon nga ng mga telcos, and do we have priority areas for that?

DICT SEC. AGUDA: Yes, magandang question, Maricel. So, ganito, we’re making it very systematic ‘no. Doon sa mga areas ngayon na hindi pa nati-trench kasi dapat i-trench mo iyan eh, ang magaling po diyan, I’ll acknowledge iyong mga telco – PLDT at saka Converge, magaling silang mag-trenching. Siguro abot po iyan ng mga bago matapos iyong administrasyon ni Pangulo. Pero matagal na pong ambisyon natin iyan na ibaon kasi pangit nga na parang sampayan ‘di ba. Dapat ibaon na para resilient doon sa earthquake, resilient na sa baha, resilient na sa high winds.

Iyong immediate po na ginagawa sa Masbate and Cebu, inaayos pa lang muna kasi nasa power lines pa rin and feeling namin, ang uunahin namin na i-trench siguro magsisimula kami kung saan tapos na iyong National Fiber Backbone, so susuyurin namin norte pababa. Ang isa po sa mga balak naming gawin is sa Region I kasi doon po unang nag-activate iyong National Fiber Backbone. Para magkaroon po kayo ng idea, methodical iyong ginagawa natin, tinatapos muna ni DICT iyong National Fiber Backbone, minamadali po natin iyan. Matatapos na po iyan hanggang Mindanao by end of next year.

Tapos gagawin natin iyong middle mile. Iyong middle mile po, iyan iyong mga nasa poste, iyan iyong ibabaon natin. Kasi iyong National Fiber Backbone, nandoon iyan doon sa mga power pylons eh so kahit na mag-earthquake iyan, kahit na high winds et cetera, hindi iyan babagsak. Ang bumabagsak is iyong ano eh, iyong middle mile so kapag sisimulan natin sa norte pababa, imi-middle mile na natin, ibabaon.

Medyo… right now, ginagawa na po natin ng plano, marami na po tayong mga dalubhasa from international organizations that will put the plan together including the financing package po para maibaon na. So bago matapos ang termino ng Presidente, siguro bandang Luzon medyo nabaon na tapos i-execute na lang hanggang Mindanao iyong pagbabaon.

MARICEL HALILI/TV5: Salamat, Sec.

DICT SEC. AGUDA: Thank you. At saka iyon, mas maganda iyong view ‘di ba kapag wala ka nang posteng nakikita ‘di ba. Hindi na sampayan, mas lalago iyong mga puno.

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, Sec. Henry. Paano nga po nila ulit mada-download itong e-book na ito?

DICT SEC. AGUDA: Ah, punta lang po kayo doon sa DICT website – dict.gov.ph – may instructions po doon. I-click ninyo lang and, again, it’s the electronic version PDF and feel free to share it. Kapag na-download ninyo, i-share ninyo lang nang i-share. Kinausap na po namin iyong mga authors for the copyright, they’re very willing to share it po kasi nga this is the call of the times so if we use technology to finally put an end to corruption ay matutuldukan na po natin. And maganda rin, the more people having knowledge about what we’re doing in DICT, the better din po sa amin iyan.

PCO USEC. CASTRO: Maagang pamasko ng Pangulo.

DICT SEC. AGUDA: Maagang pamasko ng Pangulo – libreng knowledge based on blockchain.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po, Sec. Henry.

DICT SEC. AGUDA: Thank you, Usec. Claire. Maraming salamat po sa inyong lahat.

PCO USEC. CASTRO: At maaari na po akong tumanggap ng inyong mga katanungan.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Ma’am, has the President already chosen who the next ombudsman will be?

PCO USEC. CASTRO: As we speak, wala pa po sa aking napaparating. Hintayin na lang po natin.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Ma’am, no word yet as to when the President intends to decide on this matter considering that it’s quite important?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa po dahil ang kaniyang deadline ay October 25 so puwedeng mapaaga, puwedeng on the date so abangan na lang po muna natin.

EDEN SANTOS/NET25: Usec., good morning po. President Marcos said and I quote, “When I was in local government, when national government came in and it was going to do a construction they come in, they do the project. But some point, they come back to the local government executive and say tapos na, natapos namin iyong project. Iinspeksiyunin namin ngayon iyon, kapag nakita naming hindi maganda ito, hindi tama iyong ginawa ninyo, hindi ko pipirmahan iyong acceptance.” Pero sa kaniya pong pagkadismaya, na-shock siya, itong proseso na ito ay nawala po entirely kaya parang nagkaroon ng mga ganitong mga anomalya sa flood control projects. After three years po, why now lang nakita ni Pangulong Marcos iyon pong pagkakatanggal noong mahalaga palang proseso po na iyon?

PCO USEC. CASTRO: Magandang katanungan ay kung bakit tinanggal ang proseso na ito noong nakaraang administrasyon. Ang mga nagsagawa nito ay namayagpag at iyong ibang nagsagawa nito ay nag-crossover sa pamumuno ni Pangulong Marcos Jr. – same people na siyang nagri-report kay dating Secretary Bonoan. Ang magandang tanungin po dito ay bakit hindi naipaalam ni Secretary Manny Bonoan ito sa Pangulo at ang Pangulo pa po ang siyang nakaalam at nakadiskubre kaya po siya talaga pong nadismaya sa ganitong klaseng ginawa. So, matagal na po ito at kung hindi pa po nadiskubre ng Pangulo, baka hanggang ngayon ay namamayagpag pa po sila.

EDEN SANTOS/NET25: Isa lang pong follow up, isa pang question. Sabi po ni VP Sara, wala raw sinseridad sa pag-iimbestiga sa flood control projects. Hinayaan lang nilang… parang pinapakita lang nila na kunwari may ginagawa po sila. Any comment po from the Palace?

PCO USEC. CASTRO: May ginawa na po ba ang nagtanong niyan at ng nagkomento niyan? Magtrabaho po muna sila.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Usec., just a follow up on the ombudsman. What do you say to the claim of Senator Imee Marcos that the President is set to appoint Justice Secretary Remulla as the next ombudsman?

PCO USEC. CASTRO: Tingnan po muna natin, huwag muna pong pangunahan ang Pangulo. Marami pong pagpipilian, pito po ang nasa shortlist. Huwag pong pangunahan ni Senator Imee.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, any timeline as to when the new ombudsman will be appointed?

PCO USEC. CASTRO: Akin pong sinabi kanina, hanggang October 25 pa po at tingnan po natin kung mapapaaga o on the date po niya masasabi kung sino po iyong napiling ombudsman.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, by October 25 or earlier?

PCO USEC. CASTRO: Puwede pong earlier. Puwede pong earlier, puwedeng on the date.

ANNA FELICIA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, may we know the reaction of the President on the revelation of AFP Chief General Brawner that there were some retired officials who urged the military to withdraw the support from the Marcos administration?

PCO USEC. CASTRO: Matagal na po niya itong nalaman, kahit naman po before pa September 21 ay mayroong mga maliliit na grupo na nagsa-suggest ng ganito. Pero according nga po kay General Brawner at General Nartatez ay mananatili po silang loyal sa konstitusyon at sa chain of command, so walang dapat pong ipag-alala ang taumbayan patungkol po dito.

ANNA FELICIA BAJO/GMA NEWS ONLINE: So, ma’am, si President po hindi naman po siya bothered or worried sa mga ganitong information na lumabas?

PCO USEC. CASTRO: Kinikilala niya po ang kagalingan ng AFP at ng PNP at ang lahat ng kasundaluhan at kapulisan natin at tiwala po sila na gagawin nila ang dapat at nararapat.

ANNA FELICIA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, last na lang. Does the Palace see this as an act of sedition po or treason from those groups?

PCO USEC. CASTRO: Aaralin po kung ano po mismo ang naganap na dito para kung mayroon man pong dapat na managot ay siguro po dapat makasuhan.

TUESDAY NIU/DZBB: Ma’am, good morning po. Comment lang po from Palace mula doon sa statement ni Senator Imee Marcos na nagsabing nagri-request siya ng budget para doon sa mga public service endeavors niya pero lagi daw pong rejected or for later release or FLR. Tinaguriang pa nga po niya iyong FLR as “First Lady Reject,” ano po ang komento diyan ng Palasyo?

PCO USEC. CASTRO: Unang-una po, sana po pigilan, pigilan nila lalong-lalo na iyong mga public servants, pigilan nilang magbigay ng insinuation nang wala naman pong ebidensiya. Kasi ang mga insinuation na ito na walang ebidensiya, nakakasira lamang po sa nagiging trabaho po ng gobyerno.

Unang-una po, kung sinabi po niya na siya’y nagri-request, inaamin po ba niya na may insertion, na siya ngayon na gusto niya sanang ipa-release? So, iyan po ang una nating katanungan. Pangalawa, nakausap po natin ang DBM at sinasabi po nila na kapag po ang budget ay nagmula sa NEP, ito po ay may comprehensive release. So, malamang po, ito ay congressional insertion, iyong sinasabi po ni Senator Imee.

At may pinag-utos po kasi ang Pangulo para po maingatan ang budget, may mga congressional insertion na napansin or nakita na umaabot halos 797 billion pesos na ipinalagay po ng Pangulo for conditional implementation. Ibig sabihin po, hindi po ito basta-basta mairi-release nang hindi po kumpleto ang dokumento para po ito mai-release. According to DBM, ang proseso po dapat ay ang magri-request ay ang implementing agency through the department head or secretary. Dapat may kumpletong dokumento at dumaan sa masusing evaluation at may certification ng Bureau of Treasury na may actual excess revenues.

So, kapag ito po naman ay naipakita at kumpleto hindi naman po ito hahadlangan lalong-lalo na kung ito naman po ay proyekto para sa publiko.

TUESDAY NIU/DZBB: Thank you, ma’am. Another question isahin ko na lang may isa pa akong question. I understand, ma’am, nasa PTV4 si Secretary Dave Gomez at mayroon pong reklamo iyong mga empleyado ng PTV4 against certain official po doon. Ano na po ang aksiyon ni Secretary Gomez after his instruction last weekend na paiimbestigahan niya iyong incident?

PCO USEC. CASTRO: Opo. In-order-an na po iyong taong concerned na mag-explain – may notice to explain na po at ngayon po iyong deadline, binigyan po siya ng 72 hours to explain. At kapag naisumite na po ang mga kasagutan ay maaari na po ang management na sila po ang magbigay ng solusyon or decision on this matter.

MARICEL HALILI/TV5: Good morning po, Usec. A month ago or just a month after the change in leadership in the Senate there’s another talk that there might be another change in Senate leadership. What does it say about the stability of government officials as a whole? Do you find this concerning? How concerning is this?

PCO USEC. CASTRO: According to Senate President Tito Sotto, stable naman po ang pangyayari sa Senado at nag-i-express lamang po sila ng kanilang mga damdamin at karapatan naman po nilang pumili kung sino iyong nararapat na maging leader or mamuno sa kanila.

So, may freedom of expression sila, may democracy sila sa loob ng Senado – so, hindi naman po siya alarming.

MARICEL HALILI/TV5: Pero kung sakali na magkaroon po ng panibagong pagbabago, how will it affect particularly the legislative agenda of the executive, of the administration?

PCO USEC. CASTRO: Kung sino man po ang mamumuno muli sa Senado at may bagong liderato makakaasa naman po siguro tayo na sila ay gagawa para sa taumbayan at hindi pampersonal na interes.

So, makikita naman po nila kung ano po iyong mga priority bills na maaaring makatulong sa taumbayan. So, hindi po natin nakikita at kinakikitaan na magkakaroon ito ng problema.

MARICEL HALILI/TV5: Salamat, Usec.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Hi, Usec. Good afternoon po. On the part of the Palace po, kumusta po iyong image ng ating bansang Pilipinas in terms of potential or lined up investments from other countries who have expressed their willingness to connect with us since iyong problema po natin sa corruption ay lumalalim na?

PCO USEC. CASTRO: Definitely po kahit papaano po ay magkakaroon ito ng epekto but marami po sa mga investors na mas gugustuhin po nila na ang gobyerno ay lumalaban sa korupsiyon. Mas gugustuhin nila na ipinaglalaban ng gobyerno ang karapatan ng taumbayan.

So, with that mas mananatili siguro ang tiwala nila sa Pilipinas para dito mag-invest.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Thank you, Usec.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good afternoon. Just a reaction lang from the Malacañang. Sinabi kasi kahapon ni House Minority Leader Representative Marcelino Libanan na mas mabuting isulong ang constitutional change sa halip na snap election kung nais talaga nang tunay na pagbabago sa ating bansa hindi lang sa mga nakaupong politiko kundi sa buong sistema po. Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Ang Pangulo po ay hindi po sa ngayon naaayon or sumasang-ayon para sa isang constitutional change. Marami pong paraan para po maresolba ang ganitong klaseng korupsiyon, marami na pong batas na maaaring gamitin kung susunod lamang ang mga public officials natin, hindi po iyong katulad noong nangyari na may batas pero isinantabi o sinet [set] aside kaya po tuloy hindi na po nagti-turnover ang DPWH sa mga local government units. Matatandaan po natin, mayroong batas at iyan nga po ang ikinadismaya ng Pangulo – bakit hindi na nagti-turnover sa LGUs, bakit? Dahil tinanggal noong nakaraang administrasyon.

Marami nang batas, so dapat na lamang po ito ay i-enforce, i-implement, sundin ng ating mga public servants at public officials. Hindi po siguro nararapat sa ngayon ang constitutional change, ang kailangan ay change of attitude ng mga officers at change of heart, maging maka-Pilipino, maging makabayan.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Last na lang po isang follow up, Usec. Iyong sa pahayag naman ni Senator Alan Peter Cayetano na resign all at magdaos ng snap election.

PCO USEC. CASTRO: Nabanggit na po natin kahapon ang ating mensahe diyan. Binanggit po natin na ito ay isang wishful thinking lamang malamang ni Senator Alan Cayetano at wala po tayong panahon na pag-isipang malaliman ang mga personal desires ng sinumang public servants.

Abala po ang Pangulo sa pagtatrabaho, abala sa pagtulong sa mga nasalanta ng lindol at bagyo. So, wala pong oras ang Pangulo sa ganitong klaseng pamumulitika.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Salamat, Usec.

CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Good afternoon, Usec. Agriculture Secretary Kiko Laurel said the plan to open a one-month import window in January and extend the import ban through 2025 is more or less approved by the President. Could you clarify what specific directives or policies has the President formally approved to operationalize this plan?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Nakausap po natin si Secretary Balisacan at sa ngayon po ay inaral po ito, ini-evaluate at magkakaroon po ng recommendation. Siguro by the next week tingnan po natin kung mayroon na pong recommendation ang DEPDev.

CHLOE HUFANO/BUSINESSWORLD: Thank you.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Undersecretary, just a reaction on the CBCP statement, they want the government, including Malacañang and the Congress, to uphold the integrity of the investigations of the ICI and the Senate on the flood control mess and I quote the CBCP says, “Any move to change Senate leadership or redirect investigations now would only heighten public suspicion of a cover.” And the bishops also strongly oppose any attempt to preempt or derail the investigation through backroom deals, leadership takeovers or selective justice.

PCO USEC. CASTRO: Unang-una po, ginawa po ng Pangulo ang ICI para po magkaroon ng independent na imbestigasyon, malawakan pero independent po na komisyon na mag-iimbestiga sa mga maanomalyang flood control projects at sa mga infrastructure.

Hindi po ninanais ng Pangulo na magkaroon ng cover up dito – iyan po ang ayaw ng Pangulo ang magkaroon ng cover up. Kung anuman po ang magiging desisyon ng Senado sa kanilang pag-iimbestiga hindi na po ito saklaw ng Pangulo.

So, sa ICI po alam po natin na ito ay magiging open sa lahat, hindi lang po natin alam kung ano iyong magiging proseso pero hindi naman po nila itatago kung anuman po ang kanilang naimbestigahan.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: But does the Palace share the bishop’s view that any move to change Senate leadership or redirect investigations would heighten public suspicion of a cover up?

PCO USEC. CASTRO: Hindi po natin alam kung ano pa ang gagawin po na proseso ng Senado dahil nasa kanila po iyan pero hindi naman po ibig sabihin na kapag po hindi sila nag-imbestiga ay ibibigay lang po sa ICI, hindi naman po nangangahulugan na magkakaroon na ng cover up po dito.

Muli, hindi po tayo makikialam sa ICI, may independence po ang ICI pati po sa Senado.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Thank you po.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Ma’am, nabanggit po iyong word na cover up at saka iyong suspicion ng public alam ko po nabanggit na ninyo that the Palace will not intervene in the business of the ICI, dahil independent nga po sila. Pero  where does the Palace stand on the clamor for  transparency of ICI proceedings, kasi as of today, hanggang ngayon po ang desisyon nila is close door pa rin ang imbestigasyon nila. What is the Palace position on this?

PCO USEC. CASTRO: Of course ang gusto po ng Pangulo ay maging transparent ang lahat, pero kung paano po ito gagawin–

IVAN MAYRNA/GMA 7: So, open?

PCO USEC. CASTRO: Kung ano po ang gagawin ng ICI dito ay kanila po ang kanilang proseso, so hindi po puwedeng magdikta ang Pangulo kung ano ang gagawin ng ICI, baka sabihin po ay dinidiktahan ng Pangulo ang proseso. So, hayaan po nating magdesisyon ang ICI kung nadidinig po nila ang clamor ng tao ay maging open ito for public ang hearing nila, sila po ang may karapatang magdesisyon dito. Salamat.

Para mas patatagin pa ang ating mga kababayan, sa isang direktiba ng Department of Finance, mabilis na pinakikilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Landbank, Bureau of Customs at BIR upang mapaabot ang cash assistance at relief support para sa mga naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu at Bagyong Opong sa Masbate.

Aprubado na ang 4.9 million pesos cash assistance para sa mga ongoing emergency relief operations, medical assistance drives at pagpapaayos ng mga nasirang public infrastructure; dalawang milyong piso mula sa pondo ang mapupunta sa provincial government ng Cebu; 1.5 million sa city government ng Bogo; 500,000  para sa provincial government ng Masbate at 200,000 para sa city government ng Masbate; magkakaroon din 100,000 ang municipal government ng Uson, Dimasalang, Cawayan, Cataingan, Mandaon, Milagros at  Palanas.

Bukod sa cash assistance, sinisigurado rin ng pamunuan ng Landbank na mapanatiling operational at accessible ang mga  ATM sa lugar para malayang makapag-withdraw ng pera ang mga residente.

Sa kabilang dako, may donation na 100 sacks of rice, 56 rapid emergency tents, 1,067 assorted tents at 50 units ng mobile power supply ang Bureau of Customs para sa immediate relief ng mga earthquake survivors sa Cebu.

Bilang pag-alalay din sa mga nasalanta, in-extend naman ng BIR ang deadline ng filing and payment of taxes at submission of documents hanggang October 31 para maiwasan ang pagbabayad  ng penalties.

Ang mga hakbang na ito ay parte ng whole of government approach ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. upang siguruhing lahat ng pangangailangan ng mga apektadong komunidad ay napupunan.

[VTR]

Filipino skills angat sa mundo.

Bilang pagpupugay sa  kanilang kontribusyon sa skills standards sa bansa, pinangaralan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga nagwagi sa 14th World  Skills Association  of Southeast Asian Nation kaninang umaga sa Malacañang Palace. Namahagi ang Pangulo ng tig-100,000 pesos sa bawat gold medalist; 80,000 sa silver medalist at 60,000 sa mga nag-uwi ng bronze medals at 50,000 pesos sa may  medallion of excellence.

Sa ginanap na 14th World Skill Asia noong August 21 to 31 ngayong  taon sa World Trade Center at Philippine Trade Center sa Pasay City, nasungkit ng Pilipinas ang sampung gold medals, pitong silver medals at walong bronze medals; nakakuha rin ang Pilipinas ng limang medallion of excellence. Sa kabuuan, umabot sa 30 medals ang nasungkit ng Pilipinas mula sa patimpalak. Patunay sa panibagong milestone ng bansa sa World Skills ASEAN History.

Ang World skills competition ay isang patimpalak na nagpapakita sa skills at talent ng mga young professionals na may layuning i-promote ang world class standards, innovation at excellence sa technical, vocational, education at training dahil basta Pinoy, winner! Congratulations po sa inyo.

At bago po tayo magtapos, good news para sa ating mga good news spreader na Grades 10, 11 and 12, para sa inyo po ito. Panoorin po natin ang video:

[VTR]

At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.

 

###