Press Briefing

Press Briefing of Ms. Daphne Oseña-Paez with Department of Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian

Event PCO Press Briefing with DA

MS. OSEÑA-PAEZ: Magandang hapon, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw, May 12.

Recently, the Department of Agriculture issued Memorandum Order # 32 series of 2023 (Implementing Guidelines on the Distribution and Use of Biofertilizers) which aims to improve the productivity of farmers and rice production.

Sa pamamagitan ng memorandum order na ito, gagabayan ng DA ang kanilang regional offices sa pagpili ng biofertilizers at pamimigay nito sa ating mga magsasaka.

And to give us more details, we have here today, DA Undersecretary Leocadio Sebastian. Magandang hapon, Usec. Sebastian. Go ahead, sir.

DA USEC. SEBASTIAN: Magandang hapon, Daphne. Magandang hapon, Malacañang Press Corps at ating mga tagapakinig. Magandang hapon.

Ang rice production natin dito sa Pilipinas, nakita natin nitong nakaraang taon, nagkaproblema tayo sa mataas na presyo ng fertilizers, iyong inputs. At nakita namin sa Department of Agriculture, kailangan nating hanapan ng paraan na hindi tayo masyadong umaasa sa imported na inorganic fertilizer.

Isa pa, iyong kalidad ng ating lupa, noong tinitingnan ko, ina-analyze ko iyong situation natin dito sa Pilipinas, bagsak na rin ang soil fertility, iyong kalusugan ng lupa; alam ito ng ating mga magsasaka. Kahit na buhos tayo nang buhos – mayroon tayong fertilizer subsidy, mayroon tayong certified seeds na pinamimigay – nakikita namin na hindi na masyadong umaangat kasi iyong kalusugan ng ating lupa ay bagsak na.

Kaya ang isa sa mga nakita namin na solusyon ay iyong malawakang pag-promote ng balanced fertilization. Kapag sinabi nating “balanced”, gagamit tayo ng organic fertilizer as basal; gagamitan din natin siya ng biofertilizer para maganda ang decomposition ng organic, pagkatapos gaganda rin ang lago ng ating mga seedlings. At ang biofertilizer ay nagha-harvest din, kumukuha ng Nitrogen sa hangin o kaya sa lupa at kinu-convert into Nitrogen na nakukuha ng halaman; pagkatapos mayroon pa ring additional na urea. So iyon ang sinasabi nating balanced fertilization.

Balanced fertilization involves the use of organic fertilizer, biofertilizer and inorganic fertilizer – combination iyan. So iyon ang ating programa na gusto nating ipalaganap at para ma-maintain natin ang production natin ng bigas dito sa Pilipinas. Kasi we have to make our rice production more sustainable not only today but also in the future. And our continued use of inorganic fertilizer is unsustainable, it is making our soil acidic and it is making our production plateauing – ibig sabihin, hindi masyadong umaangat.

The Memorandum Order # 32 series of 2023 or Implementing Guidelines on the Distribution and Use of Biofertilizer was issued to guide the DA regional office on how to select and distribute these biological fertilizers to increase yield and promote growth in rice production. So iyon ang purpose noon.

Ang iniiwasan natin sa paggawa ng guide na iyon, iyong memorandum na iyon ay para maiwasan natin iyong kinatatakutan natin na mga fertilizer scam na naman. Iniiwasan natin iyong nangyari noong mga nakaraan, kasi alam na natin iyong leksiyon niyan: Marami sa amin sa Department of Agriculture ay naperhuwisyo lalo na iyong mga regional directors, mga opisyal dahil nagkakaso-kaso at sila naman ang naipit – naipit ang kanilang retirement at marami ay hanggang ngayon ay may mga kaso pa. So we don’t want a repeat of that fertilizer scam, that’s why we have developed this guideline so that we can have a fair, transparent and sure implementation, o kaya iyong implementation natin ay maganda para ma-attain natin kung anuman iyong magandang outcome ng paggamit ng biofertilizer.

With the many options in the market, we assure you that our regional field offices will follow a good guide in order to have a good implementation of our biofertilizer program na kasama rin iyong iba. Hindi niya pinapalitan na tuluyan iyong paggamit ng urea or inorganic; mayroon pa rin iyon, kasama pa rin sa ating balanced fertilization. Thank you.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Thank you, Usec. Sebastian. Any questions from the press corps? Allan Francisco, PTV 4.

ALLAN FRANCISCO/PTV4: Hi, ma’am. Hi, sir. Sir, para sa mga magsasaka nating nanunood ngayon, paki-differentiate nga, sir, itong biofertilizer at saka iyong usual na ginagamit na urea?

DA USEC. SEBASTIAN: Tatlo iyan, Allan – mayroon tayong organic, mayroon tayong inorganic or synthetic fertilizer, at mayroon tayo nitong biofertilizer.

Iyong organic, iyan iyong compost, iyong mga chicken manure, mga ganiyan, iyan ang organic. Mayroon din tayong inorganic – ito iyong urea, Triple 14, maraming klase iyan usually mga imported iyan. Imported ang karamihan niyan lalo na ang urea, galing sa production ng petroleum. Tapos mayroon tayong biofertilizer.

Itong inorganic natin, iyong urea lalo na, ito ay nagbibigay ng Nitrogen para sa halaman na siya namang kailangan ng halaman para mag-produce ng protein, mga ganiyan, iyong kaniyang mga prutas na immediate ang effect kung minsan. Kaya gustung-gusto itong gamitin kasi kaagad-agad nararamdaman mo iyong epekto niyan sa halaman.

Ngayon, ang biofertilizer naman, ito ay mga mikrobyo na galing din sa lupa na in-isolate pagkatapos kinulture [cultured] siya para puwede siyang ibalik na mas maganda at mabubuhay siya. Ngayon, ang kagandahan ng biofertilizer, ito ay kumukuha rin ng Nitrogen mula sa atmosphere at saka sa lupa na siya ring ibinibigay niya sa halaman.

Now, ang kagandahan ng biofertilizer ay kapag katagalan magiging more sustainable, mas maganda ang magiging klase ng lupa natin, maibabalik iyong kaniyang kalusugan. Hindi kagaya ng inorganic, kapag urea lang ang gamit mo, iyon ang nagiging problema natin ngayon, iyong nagiging acidic na iyong lupa natin, nagiging matigas, pagkatapos kapag nagtataas pa ang presyo ng urea sa merkado, sa global market nahihirapan tayo. Kagaya last year umabot ng 3,000 per 50 kilogram bag – hirap na hirap ang ating mga magsasaka. Bumagsak ang ating production ng palay last year dahil sa mahal na presyo ng inorganic fertilizer o urea.

So kapag titingnan natin, in the long run if we use biofertilizer, we can make our rice production more sustainable and at the same time we are going to a path of environment-friendly solution – green technology ito. Kapag tuluy-tuloy iyan baka tuluyan ding mabawasan ang ating paggamit ng urea o inorganic fertilizers kasi nga gaganda na ulit iyong kalusugan ng ating lupa.

So, maraming advantage iyan kaya lang kailangan palawakin natin ang paggamit kaya iyon ang gusto natin na programa na ilagay kasama sa rice program natin.

MS. OSEÑA-PAEZ: Ivan Mayrina, GMA 7.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Good afternoon, Usec. Separate resolutions have been filed in both Houses of Congress to investigate MO #32. Apparently, kakabit po ng biofertilizer ay iyong history ng fertilizer fund scam. How do you react to this at ano ang assurances po ang maibibigay natin na hindi ito magiging fertilizer scam?

DA USEC. SEBASTIAN: Iyong kagaya ng sinabi ko, Ivan, tayo naman ay natuto na sa nakaraan, iyong lessons from the previous fertilizer scam is still very fresh in our mind, so ayaw namin na mangyari ulit iyong ganoon. Kaya nga ginagawa natin iyong guidelines, kasi kapag walang guidelines, ang nangyayari ay nagkakaroon ng tailor-fitting sa baba kasi ang procurement ay gagawin sa region. So, without a good guideline that is transparent and fair to everybody ay puwedeng mangyari iyong scam na iyan kasi puwede silang madiktahan ng mga suppliers, puwede din silang madiktahan ng mga influential people to put a tailor-fitted specification during bidding process, during the procurement process.

Kung tingnan mo iyong ating ginawa na guidelines ay very clear: Mayroon siyang criteria on cost-effectiveness; mayroon siyang criteria on efficacy and effectiveness of that product in that location, hindi lang iyong nationwide – in that location, in that region; pagkatapos mayroon din siyang requirement na iyong biofertilizer na iyon must be locally produced and; the last one is you do not just sell to the government – hindi lang bibilhin ng gobyerno iyong produkto na iyan. Kailangan, ikaw na kumpanya, mayroon ka ring kakayahan na tulungan iyong mga magsasaka para ituro kung paano ang tamang paggamit ng biofertilizer. Kasi iyong nangyayari kung minsan kapag scam iyan susuplayan ka lang ng produkto, wala pang quality control, hindi pa registered sa FPA (Fertilizer and Pesticide Authority) o batch kung minsan tapos nag-disappear na iyong supplier, binigay na lang sa gobyerno iyong produkto na hindi mo alam kung lusaw o tama o mali – so ganoon ang iniiwasan natin.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Sir, follow up lang doon sa nabanggit ninyong cost-effectiveness. Magkano ho ang cost ng biofertilizer as against the traditional fertilizers? May binabanggit po si Senator Hontiveros, 4,000 per hectare ang cost ng biofertilizer pero ang urea is only 1,100 per bag or two bags per hectare which is roughly half the cost of biofertilizer.

DA USEC. SEBASTIAN: Siguro galing iyan sa—Mayroon kasi tayo sa memo, mayroon kasing nakalagay doon na for illustration purposes as illustrated sabi nga, na ang kinu-quote namin doon na presyo ng urea ay 2,000 pesos per bag. Iyong presyo na iyon na 2,000 pesos per bag, iyon ang nakita namin na presyo ng urea noong mga panahon na iyon na ginagawa iyong memorandum circular na iyon base sa FPA, iyong kanilang monitoring mayroon kaming kuwan diyan. Iyong FPA, ang prevailing price ng urea at that time is around 2,000, so ginamit lang namin na example. So, ang assumption doon kung ang isang sako ng urea ay 2,000 at dalawang sako ang papalitan ng biofertilizer, 4,000 iyong presyo ng urea at iyong biofertilizer mo assuming 2,000 ang presyo niya mayroon kang tipid na 2,000.

Ngayon kung iyong aktuwal na presyo ng urea ay 1,100 na kagaya ng sinasabi ni Mr. Rosendo So at na-cite din ni Senator Risa, ‘di iyong dalawang sako ay 2,200; ngayon kung sa bidding ngayon ng biofertilizer ang lalabas ay ano iyong presyo niya – 1,000 ba? 1,500? 2,000? 3,000? So, doon mo ngayon titingnan kung ano ang cost-effective – kung tama ba siya o hindi. Kasi kung nakikita naman natin na iyong plus and minus niya, eh mas maganda na lang, urea na lang ako, ganoon baga at nang makita nila, hindi nila pipiliin iyong biofertilizer na iyon.

Ang presyo ng biofertilizer sa market ngayon mayroong nasa 500, may nasa 1,000, may nasa 1,500; mayroon ding napakamahal na 3,000 or 5,000. Ngayon, titingnan mo ngayon doon iyong iba pang criteria niya – iyon bang biofertilizer na iyan na napakamahal o napakamura ay talaga bang gumagana dito sa area natin, sa region na ito baka naman hindi pa nati-test ito? So, iyon ang magiging disadvantage niya kung mangyari iyon. So, iyong criteria talaga very important, iyon ang guidelines, kasi para maiiwasan natin iyong mga tailor-fitting.

OSEÑA-PAEZ: Pass the mic please, to Jonel Maribojoc, UNTV.

JONEL MARIBOJOC/UNTV: Sir, malapit na ang budget season, hihiling po ba kayo sa Congress ng additional budget for this biofertilizer program para magtuluy-tuloy?

DA USEC SEBASTIAN: Iyon ang plano ng Department of Agriculture para tuluy-tuloy iyong pag-promote natin ng biofertilizer. Nag-propose din kami ng budget for 2024, so iyon ang kuwan doon.

JONEL MARIBOJOC/UNTV: How much is that sir?

DA USEC SEBASTIAN: As of now mga 1.9 billion. About 1.9 billion iyan.

JONEL MARIBOJOC/UNTV: For 2024?

DA USEC SEBASTIAN: For 2024.

JONEL MARIBOJOC/UNTV: Okay sir.

DA USEC SEBASTIAN: But, ang gagawin natin sa 2024, magiging voucher na siya. So, ibig sabihin iyong farmer hindi na magkakaroon ng bidding, iba-voucher na siya at pipili na iyong magsasaka kung ano iyong gusto niyang biofertilizer.

JONEL MARIBOJOC/UNTV: Sir, about rice production, may ilang grupo ng mga magsasaka na nagbanta ng rice crisis due to El Niño? Anong masasabi ninyo, sir, because of the El Niño phenomenon?

DA USEC SEBASTIAN: Alam mo magandang topic iyang El niño na iyan. Naghahanda naman kami sa Department of Agriculture kaya lang ako, I have experienced several El Niño and I’ve also have a found solutions to El Niño. Mayroong positive and negative na effect ang El Niño. Kaya ang ginagawa namin sa Department of Agriculture ngayon, mina-map out namin iyong mga areas na maaapektuhan negatively and positively. The areas that will be affected negatively ay doon lang kami gumagawa ng mga measures to mitigate the effect. But those areas where we will have positive effect—iyong positive effect kasi ng El Niño ay iyong maganda ang solar radiation, iyong init ng araw na nagpapataas ng ani.

There are areas in the Philippines where El Niño, during El Niño the yield is actually very high and those are areas where we will also optimize our intervention to increase their production. So, hopefully maba-balanced out iyong negative at saka iyong positive at kung successful tayo, we may even gain from those areas where we will have positive effect of El Niño.

JONEL MARIBOJOC/UNTV: So it means, sir, this year we don’t see any rice crisis?

DA USEC SEBASTIAN: Hindi this year, it should be next year kasi iyong El Niño natin, iyong effect niya ay mag-start lang iyan ng November, December ganun – going to 2024. Iyong this year, ang mitigation measures na natin ngayon, dahil ini-expect kasi natin ang July, August maulan ‘eh. Ang prelude kasi ng El Niño, maulan ang kuwan niyan ‘eh, iyong June, July, August nga, nag-a-advance tayo ng planting. So, in many areas we already have worked with NIA to advance the planting calendar.

JONEL MARIBOJOC/UNTV: Thank you, sir.

OSEÑA-PAEZ: We have time for one more question. Again Allan Francisco PTV4

ALLAN FRANCISCO/ PTV4: Sir, ihabol ko lang. You just mentioned earlier na bagsak na iyong kalusugan ng lupa. Ano, sir, ang ginagawa ng agriculture department para matulungan iyong ating mga magsasaka sa bagay na iyon?

DA USEC SEBASTIAN: Iyan. Kaya nga iyong program natin ngayon na gusto nating i-promote ay iyong balanced fertilization. So we do not want to just continue with usual programs of providing iyong mga synthetic fertilizer kasi marami na ang kakulangan, hindi nga lang iyong NPK Iyong Nitrogen, Phosphorous, Potassium. Marami na ring kakulangan ng micronutrients, marami na ring kakulangan ng macronutrients, ibang macronutrients.

Iyong ganoong baga na mga kakulangan ng kalusugan ng lupa kaya matigas na siya – iyong soil texture, walang soil carbon bumabagsak na rin. So, that’s why iyong balanced fertilization where we would like to scale up – ito huh, hindi lang demo – scale up the use of organic fertilizer as basal, and then biofertilizer and inorganic combined to improve productivity. Iyon ang gusto nating i-promote.

Ngayon tanong ninyo siguro, bakit hindi natin tinatanggal iyong urea? Because if we want to gain higher yield, we still have to put urea kasi immediate ang effect niya ‘eh. Ayaw natin iyong nangyari sa, alam ninyo nangyari sa Sri-Lanka? Ang ginawa nila binan (banned) nila iyong importation ng urea, organic silang lahat kaagad, ayun bagsak ang kanilang agriculture kasi hindi nakayanan. The demand that is needed was not satisfied by just using organic fertilizer. So, balansehin natin iyon. As we make our rice production more sustainable today and for the future, we should balance it also with our objective of making it environment-friendly.

OSEÑA-PAEZ: Okay. Thank you, last question from Tuesday Niu of DZBB.

TUESDAY NIU /DZBB: Hi, Sir. Hi, Ma’am. Sir, I wonder kung nai-deliver na po ba iyong expected volume of imported rice na inaasahan natin ngayon? At ang layunin naman po ng importation sabi nga ‘eh para mapababa iyong presyo ng bigas natin. But so far, sir, according to the monitoring ng DA mismo tumataas ang presyo ng bigas. How come when nandiyan na po iyong imported rice?

DA USEC SEBASTIAN: Iyong supply natin, iyong volume of imported rice, at this time huh, is already about 1.3 million metric tons, so medyo mataas. Ang nangyayari lang ay medyo may kataasan din ang presyo ng bigas sa merkado, global market. At saka with the higher cost of input also locally, kaya nakikita natin may movement iyong presy0. But the rice industry is a big industry, maraming nagko-compete diyan, so medyo mahirap iyong manipulation. So, nakikita natin nagba-balanced out palagi. So, kung mayroon mang increase ay hindi iyan masyadong tataas kasi iyong imported at saka iyong local ay nagko-compete din sa presyo.

So, iyong nakikita natin, makita ninyo iyong presyo ng bigas nitong nakaraang buwan halos flat na uli siya, tumaas but the nag-flatten na naman. So, we expect that to continue in the rest of the year.

OSEÑA-PAEZ: Okay. Thank you very much, Agriculture Usec. Leocadio Sebastian for briefing us on the use of biofertilizers and thank you, Malacañang Press Corp. Magandang Hapon sa inyong lahat. Thank you.

 

###