Press Briefing

Press Briefing of Ms. Daphne Oseña-Paez with National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engineer Eddie Guillen

MS. OSEÑA-PAEZ: Magandang hapon, Malacañang Press Corps, at welcome sa huling briefing natin ngayon, huling araw ng Pebrero.

Before we start the briefing from today’s sectoral meeting with President Ferdinand R. Marcos, Jr., here are some new appointments from different government agencies: From the Department of Agriculture: Andrew Rodolfo Oraiz, Director IV; and Jose Elumba, Director III.

Department of Information and Communications Technology: Frederick Amores, Director IV; Sittie Rahma Alawi, Director III; Reynaldo Sy, Director III; Jocelyn Tendenilla, Director III.

Department of Labor and Employment: Kenneth Chua, member, representing the employer sector of the National Tripartite Industrial Peace Council; Milagros Ogalinda, member, representing the labor sector, National Tripartite Industrial Peace Council;

The DTI (Department of Trade and Industry): Leonila Baluyut, Assistant Secretary.

National Security Council: Marlo Guloy, Deputy Director General; Benjamin Madrigal Jr., Deputy Director General;

And the Department of Foreign Affairs: Manuel Antonio Teehankee, permanent representative of the Philippines to the World Trade Organization in Geneva, Switzerland, Chief of Mission Class I.

At iyan ang mga recent appointments.

So today, pinangunahan ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang sectoral meeting ng Department of Agriculture ngayong araw na tumalakay sa rice supply-and-demand outlook ng bansa ngayong 2023.

The DA presented to President Marcos interventions to ensure enough supply of corn, pork, chicken, fish and sugar and, of course, rice. The agency also recommends the continuous implementation of the Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program to speed up the recovery of the hog sector from African swine fever.

Furthermore, the meetings also tackled wealth production in agriculture by strategically implementing convergence initiatives. The National Irrigation Administration plays a big role in this program; at para ipaliwanag ito, makakasama natin si Engineer Eddie Guillen, the administrator of National Irrigation Administration. Sir?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Ma’am, hello po. Magandang hapon po sa inyong lahat.

Well, nai-present po namin kanina iyong ating National Food Security Convergence Program. Ang tawag po namin dito is Wealth Creation Capacity of Agriculture in the Philippines kasi naniniwala po kami na ang agricultural sector ay hindi lamang dapat iyong poverty alleviation ang tina-tackle niya ‘no, but nakikita ho namin na puwede siyang mag-create talaga ng wealth.

And, of course, dalawa ho iyong ating pinapanukala ho doon na mangyayari – iyong pagpapa-improve ng ating irigasyon and, of course, iyong pagtulong nga sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng pag-improve ng kanilang income. And ito po ay isang convergence project; ang talagang hangarin po natin dito, ng Pangulo po rito ay mai-deliver po iyong kailangan ng ating mga farmers na timely, ano ho, and then tama iyong mai-deliver na mga services.

Ang role ng NIA rito is, siyempre under ho namin iyong mga irrigators’ association and we have around 1.5 million hectares po na irrigated land sa atin ay nakikita ho namin na kapag na-converge namin, na-consolidated namin iyong aming mga farmers ay ang gagawin po natin, sa panahon ng tag-araw – kasi dalawa ang cropping season, ano ho – iyong sa dry season, i-focus namin iyong production natin ng rice through iyong mga high-yielding variety, so ito po iyong mga hybrid rice. And then, of course, kapag wet season naman ay may hybrid din at saka may inbred.

Ito po kasing inbred rice kahit na mas mababa naman rin ang kaniyang output ay mayroon namang mga good eating quality na mga mahal na mga varieties. So ito ho iyong isang focus natin kasi nga ang bilin sa atin ng ating pangulo ay paangatin [sic] iyong poverty incidence, ano po. So nakikita ho natin na kung tama lamang iyong climate-smart approach ay aangat talaga iyong ating production.

And lastly, ang isang diskarte po namin dito ay ita-target namin na dapat by September ay nakaani na iyong ating mga farmers. So ang release namin ng tubig sa wet season ay magri-release po kami ng mga May or April, ganoon ho, para by September ay nakaani na po tayo.

MS. OSEÑA-PAEZ: Is that everything?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Yes, ma’am. Kung may mga question lang po sila, i-elaborate ko po.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay, from NET 25, Eden Santos.

EDEN SANTOS/NET25: Good afternoon po, Engineer/Administrator. Since nabanggit ninyo po kanina ‘no is ano na, iyong dry season ano po at isa sa mga problema po talaga ng ating mga magsasaka ay iyong sapat na supply ng tubig through iyong irrigation. So, papaano po natin maa-assure sa ating mga magsasaka para makaani sila nang maganda sa September? Eh magkakaroon po tayo ng sapat na supply ng tubig sa pamamagitan ng maayos na irrigation program ng inyong tanggapan.

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, again, ito ho ay convergence effort ano po. Nakita po ng ating Pangulo na, of course kung NIA lang ang gagawa nito, hindi natin ho kaya ito ano ho so tutulungan kami ng Public Works dito, Department of Public Works and Highways. So ang magiging focus ng Department of Public Works ngayon ay sa kanilang flood control project, ang sa Pangulo dapat water management, climate change adaptation project.

Kasi po sapat ho iyong tubig natin sa Pilipinas sa isang taon, ang problema lamang po natin ‘pag tag-ulan kasi nandiyan iyong maraming supply ano ng maraming tubig so nagkakaroon ng baha. Now, kung magkakaroon tayo ng water management ng mga impounding dams, ng mga Sabo Dams, small river impounding projects… maku-control natin ang tubig.

Sa Pangulo kasi, anything that you cannot control, you cannot manage. So the best flood control project is water management at magagawa ho iyan ng mga dams. So iyon po, and then kung may mga Sabo Dams tayo, kasi iyong Sabo Dam ang mahal—sa dam kasi pag-construct iyong foundation eh ano po, malaking percentage ang pupunta diyan. So ‘pag may Sabo Dam tayo ngayon, palalagyan na rin iyan ng diversion dam dito sa baba para multipurpose na po siya and dito na kami mag-connect para doon sa aming mga irrigation needs sa NIA.

EDEN SANTOS/NET25: Opo. Administrator, medyo madali pong sabihin ano iyong mga plano, mga programa pero doon sa implementation tayo minsan nagkakaroon ng problema – natatagalan o kung anuman iyong mga dahilan kung bakit hirap na hirap ang gobyerno natin na maibigay iyong anuman iyong pangangailangan ng ating mga magsasaka at alam po namin na bago pa lang naman kayo sa NIA ano po. Papaano po natin maisasakatuparan itong mga programang ito sa ilalim po ng inyong pamumuno nang hindi po madi-delay? We know na parang may problema sa budget ang inyong agency.

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Yes. Kaya nga po kung mapansin ninyo iyong proposal po, iyong ating Pangulo Ilokano kaya kuripot ano [laughs]… gusto lang niyang ma-maximize iyong pondo. Hindi ho ito panibagong pondo o palalakihin ang pondo, ang gusto ng ating Pangulo is i-harmonize nga iyong budget para po magamit nang husto iyong pera ng gobyerno at talagang makakapagbigay po ito ng mas magandang serbisyo sa ating mga mamamayan.

So isipin po ninyo dati ang Public Works, ang construction lang nila is mga dikes ano po. Ang laki ng budget ng Public Works sa flood control ‘di ho ba? Now, sa amin kasi sa NIA, marami kaming nakahandang projects – mayroon na itong mga FS na tinatawag, mayroon nang detail engineering pero iyong budget nga lang ang problema ho natin. Pero kung ngayon makipagtulungan ang Public Works sa amin – ibigay namin sa kanila iyong plano, magtulungan kami for implementation.

Anyway, itong mga dams are flood control projects. Ang maganda po sa mga dams ano po, hindi lamang siya pang-irigasyon – puwede ring power source iyan eh; and of course flood control project, hindi lang iyon – pang-aquaculture, pang-tourism… iyong sa dam mismo puwede mong lagyan ng mga solar panels.

Dati ho kasi ang problema sa NIA iyong tinatawag nilang paralysis due to analysis ba – masyadong matagal iyong mga feasibility studies. Kasi noon hindi ho tayo Free Irrigation Act pa eh so dapat pag-aralan talaga nila kung iyon bang project na iyon ay Mababawi iyong investment. Eh ngayon dahil free irrigation naman na tayo, ang tinitingnan naming mabuti, mayroon bang source of water at mayroon ka bang papatubigan, at wala ba itong problema sa tao – iyong ganoong factor ano ho.

Kapag may source ng tubig, of course may mga study iyon – may hydrology, may geotechnical study… madali lang ho iyon. Actually ‘pag ginawa mo iyon baka tatlong buwan lang tapos iyon eh, tapos detail engineering ka na so mapapadali po iyon ano ho. And again, makikipagtulungan sa amin ang Public Works.

Ang budget ng NIA compared sa flood control ng Public Works baka wala pang 10%. So just imagine ano ho kung… kahit 10% lang ng flood control works ng Public Works ang itutulong ninyo sa NIA, nadoble na halos kaagad iyong aming pondo.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Job Manahan, ABS-CBN News Online…

JOB MANAHA/ABS-CBN NEWS ONLINE: Sir, how much po iyong tinitingnan sa project na ito tapos, possible po ba ito through PPPs?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Yes, of course. Again may mga FS na ito, may mga detail engineering na ito. So puwede nating i-offer ito sa PPP, puwede ring local fund ano… iyong ODA ‘no.

JOB MANAHA/ABS-CBN NEWS ONLINE: Pero how po, sir?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: May naka-ready ang NIA na projects ano, one trillion mahigit na projects—worth of projects. So bigyan ko kayo ng example. Itong Tumauini-Isabela Dam ano ho, ang kaniyang service area ay 8,200 hectares. Now, mayroon ding power component po ito so ten billion worth iyon. Kung ang pinag-uusapan natin—tantiya ko lang ano ho, kung mag-invest ang gobyerno natin ng worth 200 billion na project sa ating mga dams per year, sa anim na taon ho na pamumuno ng ating Pangulo ay malaki ho ang pagbabago ng agricultural landscape natin.

Again, hindi lamang food security ang kaniyang sino-solve dito. Sabi ko nga, you know, hitting multiple birds with one stone ito eh. So, pagdating sa tinatawag nilang economic internal rate of return o iyong benefit of the people return, wala hong duda na kapag dam ang ginagawa mo ay malaki ang pakinabang ng mga tao.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Administrator good afternoon. Sa meeting kanina, ano po ba iyong mga may kinalaman sa project na iyan na approved ng pangulo at mayroon ba siyang mga directives in relation to that na sinabi niya doon sa pulong kanina?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Yes at may mga nauna na kaming pagpupulong dito. Again, naibigay na namin iyong listahan noong projects at may bilin din siya kay Secretary Manny Bonoan ng public works na magtutulungan kami. So, kung mag-identify ngayon ang public works ng project, tutulong ang NIA ngayon. So ituturo namin, saan ba kami may kapakipakinabang na project diyan? O itong design namin na ito, itong aming nakahandang project plan na ito, puwede bang i-implement ng public works? Well, ibigay namin sa public works, kung ayaw po nila.

So again, ito po ay isang convergence effort, gusto ng pangulo na magtutulungan kami. Ito nga iyong unity, hindi ba. Alam ninyo ang isip niya kasi iyong parochial thinking ba ng national government agencies na kanya-kaniya, gusto niya itong i-bridge, gusto niya itong pagsama-samahin. Dapat may cooperation, mayroon kaming convergence of effort, at para iyong implementation ng projects natin mas makatipid tayo at mas makabuluhan.

Isipin po ninyo kung wala ito – tingnan po ninyo ha, itong distribution na lang natin iyong mga ibinibigay na ayuda ng DA sa ating mga magsasaka, itong mga hybrid rice, fertilizer, itong inbred rice, dati-rati kasi galing sa taas pababa iyon eh. Now, ang gusto ng pangulo ngayon, iyong talagang, okay, NIA sa inyo iyong IAs, tingnan ninyo kung ano iyong dapat na puwedeng itanim diyan.

Kaya nga nandoon din kanina ang PhilRice, nandoon din ang PhilMech, kasi tingnan ninyo ha, magkakaroon pala kami, ang gagawin ng NIA, iko-cooperative namin iyong aming irrigators’ association per town, para mas malaking asosasyon sila and then, makipag-coordinate kami kung ano iyong mga input na kailangan nila, at iyong mga machineries at iyong processing equipment.

Ang gusto kasi ng pangulo natin, dapat iyong sa whole value chain, ang rice production, magkaroon ng parte ang farmers hanggang doon sa processing and marketing. Kasi gusto ho niya na ma-capture naman ng mga farmers iyong value added ng production nila. Sabi ng pangulo, kasi dalawa ang problema kasi natin sa agriculture ano po, iyong tinatawag na low productivity. At tama nga naman siya, the only way para ma-solve mo iyong low productivity, number one is through consolidation or economy subscale production. Number two, iyong kakaunting ma-produce nila, mag-value adding naman tayo and through iyong processing.

Ang mangyayari ngayon nito, doon sa plano niya, itong mga farmers natin, hindi mo lamang inaalis iyong middleman eh, binibigyan mo sila ng capability na ma-capture iyong value added ng buong whole value chain. So, isipin mo na imbes iyong palay, halimbawa tatakbo sa mga malalaking gilingan, doon na mismo sa municipality ay doon na gigilingin.

For every 1,000 hectares lamang ng rice sa P20 na value added doon sa production from palay to rice, sa 1,000 hectares lang, around 200 million ang maiiwan doon sa community. Ito rin kasi nag susi ng Micro, Small and Medium Enterprises, iyong maraming perang iikot sa locality.

MS. PAEZ: Ace, Administrator, I just also wanna add, just for your information, the sectoral meeting was attended also by the DPWH, DILG, DTI, DAR, DA, TESDA, NIA, NFA, PHILRICE, PHILMECH, Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, PCIC and NCISRD. So, this is in keeping with the convergence initiative na sinasabi ni Administrator ngayon.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, Administrator, the president wants the NIA to work with the DPWH to ensure the faster implementation of irrigation projects, tama po?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Yes.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, ilan po ba ang goal na projects na mapatupad sa taong ito at magkano po iyong worth ng projects na iyon?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, again mayroon na po kaming isinabmit na listahan.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: For this year, Engineer?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Well, ang ideal, sinabi ko nga sa inyo kanina, ang ideal sana, para sa akin ano, sa tingin ko lamang po – mayroon sanang ma-implement ang gobyerno na around P200 billion worth of dam projects para lamang po mabago natin iyong agricultural landscape.

Tingnan po ninyo iyong dalawang dam na malalaki natin na ginawa pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., iyong Pantabangan at saka Magat, iyan pa lang po ang malalaking dam natin, pero ang tagal nang ginawa ng mga iyon, hanggang ngayon ang laki ng pakinabang po natin.

Now, mayroong, as comparison, ginamit ko kanina iyong Tumauini Dam, 8,200 hectares iyong service area noon. Sa 200 billion, 20 na ganoon ang gagawin mo sa isang taon, di ba. At nandiyan naman iyong listahan ng mga projects na puwedeng gawin.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Iyong 200 billion, mga ilang projects po iyon?

NIA ENGR. GUILLEN: Marami, iba-iba kasi ang sizes – mayroon kasing ten billion, mayroong one billion.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: So rough, kahit rough mga ilan kaya yon, Engineer?

NIA ENGR. GUILLEN: Rough lang iyon. Magkakaiba ng range po eh. Ang akin lang, sana iyon iyong budget per year. So, pipili siya kung ano iyong mga nakita niya na iyong malalaking impact talaga. Kasi makita mo doon sa EIRR kung ano iyong malalaking impact and of course sa area.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Nationwide po ito?

NIA ENGR. GUILLEN: Nationwide po ito. May mga dams din na may power, kumpleto, may power. So, tingnan niya kung ano iyong makita ho niya na malaking impact sa atin.

MS. OSEÑA-PAEZ: Any…okay, Job Manahan, go ahead.

JOB MANAHAN/ABS-CBN NEWS ONLINE: Sir, clarification lang, iyong mga dam projects na ito, ito ay para sa nabanggit ninyo kanina flood mitigation and ano pa po iyong mga benefits ng mga…

NIA ENGR. GUILLEN: Okay. Kapag mayroon ka kasing dam, automatic mayroon kang para sa irigasyon ‘di po ba? Pero iyong ibang dams kasi mayroon din power components siya eh – so, mayroon din pang-power iyan, ano ho? At iyong dam kasi mama-manage mo iyong tubig diyan – it’s a flood control project.

Ang pinakamabisang…again ulitin ko, iyong water management ang pinakamabisang flood control project kasi ma-manage mo iyong release mo ng tubig, etc. At isa pa, puwede mo rin iyang gamitin sa aquaculture, ‘di ho ba? And of course, again power – ang pinakamaganda kasing solar ano iyong sa taas ng mga reservoir ng dams. So, puwede ring pang-tourism, ‘di ho ba? Napakarami hong factors ang puwede mong gawin kapag mayroon kang dam.

MS. OSEÑA-PAEZ: Any more questions?

EDEN SANTOS/NET25: Excuse, Ma’am, additional lang ako, Eden Santos, nawala iyong ano. Sir, iyong nabanggit ninyo kanina na 1.5 no, no the irrigated land, 1.5 million hectares.

NIA ENGR. GUILLEN: 1.5 million hectares sa NIA as navigation.

EDEN SANTOS/NET25: Iyon na po ba iyong sa kabuuan sa buong bansa?

NIA ENGR. GUILLEN: No, no. We have…ang puwede nating ma-irrigate is around three million hectares, ang mayroon na tayo is around two million pero iyong iba kasi mayroon iyong DA, mayroon iyong local government, may private na mga around 500,000. So, we have two million talaga – ang irrigated natin. Kaya lang namin sinasabing 1.2 lamang ang hinihingan namin ng assistance sa government para sa mga farm inputs dahil may mga sira ho kaming mga system. At of course, ang case kasi ng lahat ng ilog natin ngayon sa buong Pilipinas silted po lahat iyan, so talagang kailangang-kailangan namin ng public works na tulong diyan. So, kahit mayroon kaming system, kulang naman sa tubig.

Pero mayroong system ang NIA para maparami iyong mataniman – iyong tinatawag na alternate wetting and drying. So, mag-i-increase sa around mga siguro 20% iyong mapataniman namin using that system, opo.

EDEN SANTOS/NET25: Iyon pong mga nagiging problema before na kunyari project ni Cong ganito doon sa kanilang lugar, nagpalagay ng irrigation project, pinondohan ng gobyerno pero sa mga lumipas pagkatapos noong proyektong natapos ay wala namang tubig na dumaloy doon – so, natengga lang po iyon [unclear] hindi napakinabangan hanggang sa matabunan na ng mga lupa. May mga ganoon pa rin po ba tayong mga problema or dapat ba magkaroon tayo ng sistema doon na hindi lang in-identify ni congressman or ni senator iyong proyekto na ito para doon sa whatever reason tapos mawawalang saysay lang dahil po hindi naman napakinabangan?

NIA ENGR. GUILLEN: Yes. Kaya nga po maganda rin iyong suggestion ng ating Pangulo – iyong creation ng Water Management…Department of Water kasi para once and for all ma-manage natin iyong paggamit ng tubig natin hindi iyong although minsan iisang ahensiya tayo may mga again ha parochial thinking kasi ang mga ibang national government agencies na kaniya-kaniya like for example, dati iyong sa National Greening Program natin, ang gusto nilang itanim dati lang is iyong timber, ayaw ho nila ng agroforestry kasi sa DA daw iyon but now nagbabago na ho ngayon ano ho. At ang maganda ho kasing klase ng project ay iyong naka-triple bottom line concept para may sustainability. Ano iyong mga iyon? Like for example sa dam – naka-triple bottom line iyan kasi may pang-environment iyan, malaki ang naibibigay niyan sa social, at saka may economic impact po diyan – ito iyong may sustainable na projects like kung flood control lang – environment and social lang iyon, wala siyang income.

So, tama din iyong direksiyon ng ating Pangulo – gusto niyang magamit nang tama iyong pera natin. Napansin ninyo ho ba wala naman tayong pinag-uusapan ditong additional na malaking budget, iha-harmonize lamang niya iyong budget natin.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Is that everything, Administrator?

NIA ENGR. GUILLEN: Opo. Wala na po silang tanong.

MS. OSEÑA-PAEZ: Thank you so much, Administrator Eddie Guillen from the National Irrigation Administration, and maraming salamat, Malacañang Press Corps. Magandang hapon sa inyong lahat.

###

 


News and Information Bureau – Transcription Section

Resource