Press Briefing

Press Briefing of Press Secretary Trixie Cruz-Angeles on President Ferdinand Marcos Jr.’s activities in the United States

Event Press Briefing
Location New York, USA

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: [Airing starts]…mga tao to invest in one of the fastest growing economies, with good fundamentals – walang iba kung hindi ang bayan natin. So matapos po ng kaniyang pagbibigay ng talumpati, may kaunting diskusyon, may parang maikling question and answer with the vice chairman of the New York Stock Exchange.

Pagkatapos po noon, sa pagtatapos ng araw ng trading sa New York Stock Exchange, ang ating Pangulo ay siya po ang nag-ring ng bell para i-signify iyong pagsasara at pagtatapos ng araw of trading in the New York Stock Exchange. Isa pong karangalan ito, kung kaya’t nakakatuwa na ang Pangulo natin was loudly cheered by the people who were on the floor and maganda naman din po iyong kaniyang mga talumpati at ang paghihikayat niya sa pag-invest sa ating bansa.

Kaya medyo maganda po ang ano – medyo understated na naman po ako – maganda po ang kinalabasan ng araw na ito, maganda po iyong aming mga activities. Marami pong meetings ang ating Pangulo kanina kaya he’s really hardworking and very, kumbaga, on-the-go. Ang daming energy ni Pangulo.

So iyon lang po, niri-report ko iyong mga activities natin for today para alam ninyo iyong mga pangyayari dito sa New York habang nandito po kami. And bahagi kasi ito ng pag-transform sa ating ekonomiya, sa pag-ahon natin pagkalabas nitong pandemya. Ito po ay go, go, go na tayo; and one of the things that we need to do para maging mas aktibo at masigla ang ating ekonomiya ay iyong pagpasok ng mga ibang investors.

So kasama rin ng ating Pangulo ang ibang mga business leaders ‘di lang galing sa ibang bansa ngunit mga galing din sa Pilipinas kaya nakakatuwa po, maganda ang mga balitaktakan and very positive. Maganda po ang pagprisenta ng ating Pangulo sa ating ekonomiya kasama ang buong economic team plus, plus.

So halimbawa, of course nandito ang Secretary ng DTI, mga kalihim ng DTI, DOF, DBM, NEDA, Central Bank, nandito din po ang Kalihim natin ng Transportation, ng Turismo at ng DICT. Nandito din po para doon sa mga concerns ng ating migrant workers si Secretary Toots Ople.

So we are very positive and we are moving para makaahon tayo. Hindi lang makaahon ha sa pandemya, kung hindi ma-transform ang ating ekonomiya. Sinasabi nga ng ating Pangulo, we’re not seeking simply to recover kasi to recover… ano babalik lang tayo sa dati? Hindi! We’re seeking to transform the economy. So the President has imbued with new energy at siya po ang naghihikayat, nagkukuha ng mga panibagong investors at very exciting po.

Siguro in a few days masasabi na natin iyong ilang mga detalye, courtesy of our Secretary ng DTI. Gusto ko lang malaman po ninyo that everyday hindi po kami natitigil sa pagtatrabaho at malaki rin ang karangalan sa ating bansa dahil sa pagtrato sa ating Pangulo. He is well regarded, often loudly applauded. Masaya so far, ang ating pagbisita dito sa New York.

Tinatanong ni Ma’am Glorine(?): PS5 ba iyong nasa likod ninyo.

Hindi po, TV lang po iyan. Hindi po ako nagpi-PS, nagpi-Play Station.

Gusto kong batiin lahat ng nanunood sa atin ngayon.

Sabi ni Eds Garuvillas(?): “Ang ganda ng kaniyang speech, transformation and robust economy.

Totoo po iyon at hindi po siya nagsasawa na ipakita iyong magandang performance ng Pilipinas. After all, we had instituted tax reform; marami po tayong magagandang legislation that is geared towards not just foreign investment but geared towards investment and creating a more active, robust economy. At hinahanda rin natin ang sarili natin kung kaya’t hindi nakakalimutan ng ating Pangulo na mahalaga sa kaniyang programa ang edukasyon at katuwang si VP Inday na Kalihim ng Edukasyon sa pagpi-prepare/paghahanda ng ating mga taumbayan for this new and transformed economy.

Sabi ni Ma’am Glorina(?): “Humihingi daw ng pasalubong ang mga dati kong cohosts.

Ay, kung may oras po tayong mag-shopping. [laughs]Magandang gabi po sa lahat ng nanunood.

Rico Galeno says: “Pupunta ba daw sa White House si Presidente?

Hindi po. Bukas po ang kaniyang talumpati sa UN General Assembly High Level Debates at isa pa uli itong pagkakataon na maghikayat ang Pangulo, iprisenta ang Pilipinas and where we are now in the post – hopefully – post-pandemic era or moving—sorry, mas accurate na sabihin moving towards the post-pandemic economy. So among the fundamentals nga iyong ating pagsasaayos ng business climate sa Pilipinas – iyong cutting of red tape, tax reform, iyong national ID which sabi nga by 2023 mga 90 million na po ang naipamigay na national ID.

Bukod pa dito, hard-at-work ang ating mga kalihim tulad ng Kalihim ng Department of Tourism sa paglalahad ng mga polisiya at mga programa para sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya.

And DOT is one of the driving forces also of our economy – hindi lang for investment purposes pero tulad nga ng sinabi ng Pangulo natin sa mga overseas Filipinos na nakasalamuha namin yesterday na bakit hindi natin hikayatin ang mga kaibigan natin dumalaw sa Pilipinas, mag-‘bring home a friend’ tayo or we can ask everybody to invest in the Philippines. Mayroon din po tayong micro, medium and small-scale enterprises na maaaring maging targets for investment.

Tinitingnan ko po kung may mga katanungan kayo kasi ito iyong mga parang tulad ng mga live natin dati.

Sabi ni Jenny Aquino: “Thank you so much for the updates. Be well, stay safe and get some sleep when you get back.

Opo. So far kasi nga, always on-the-go ang ating mga kalihim dito kung kaya’t hindi naman puwede na napapag-iwanan tayo.

Sabi ni Samuel Peñalosa: “Mapalad po ang Pangulo at nariyan kayo na nagsisilbi sa kaniya.

Ako po yata ang, kumbaga mapalad, kasi nabigyan ng ganitong klaseng pagkakataon.

Sabi ni Howard Aresa(?): “Has there been a newly appointed executive secretary?

Mayroon pong mga kinu-consider na mga pangalan sa ngayon pero wala pa pong lumalabas na appointment.

Sabi ni Ma’am Melai(?),  na-miss daw niya ako sa Karambola.

Nami-miss ko rin po ang Karambola pero mahirap pong hindian kapag tinawag ka para magserbisyo sa bayan.

How does it feel working with a very hardworking President Bongbong Marcos?” Sabi ni Ma’am Winnie Cruz.

Challenging po, kasi kung ganiyan kasipag iyong ating Pangulo, hindi rin puwede na mapapag-iwanan. Kailangan po na tayo din, kumbaga hindi puwedeng ano… hindi tayo puwedeng [technical problem] sa kaniya ‘di ba? And with all his energy, with all his enthusiasm, we cannot be left behind. We have to equal or surpass that kind of energy. So it’s always very challenging, kasi nga sobrang energetic niya.

At saka because he loves his country it’s very easy for him to sell it, kumbaga to present it to other people para makita po nila this is a good opportunity, you cannot pass this by. Now is the time to invest in this fast-rising star which is we know as the Philippines.

Mas intensify po ba ang educational exchanges between the US and the Philippines? Wala pa po tayong mga detalye about that but of course, anything that will help our economy or help the people be equipped for our new economy then I’m sure this will be given the required attention.

Tinatanong ni Andrew kung maaari bang magkaroon ng PCOO TV in PTV? Well, unang-una po hindi na po kami PCOO kami po ay OPS, Office of the Press Secretary. Titingnan po natin kasi marami pong mga deserving na magkaroon ng programa sa PTV at saka sa IBC. So, we will see po kasi in many instances baka mas maayos kung mayroon tayong ganito, may live tayo tapos may mga press briefings tayo. Of course, we will always feature all the good programs of the government, we just have to look for a way that will maximize whatever resources we have para fully umabot ang mga programa ng ating Pangulo at mga achievements ng administrasyon sa taumbayan.

Nabanggit ninyo din po ang infra at saka transportation. Sabi din ng Pangulo natin, pinangako niya na tuluy-tuloy ang Build, Build, Build hindi lang po natin kukumpletuhin ang mga naumpisa ngunit ii-expand in particular areas para iyong momentum ay masu-sustain.

Magandang gabi kay Ma’am Merriam Mahinay Ito(?). Sabi ni El Manses (?), ingatan nawa ng Panginoon kayo at inyo pong mga kasama. Salamat po sa Diyos. Maraming salamat po parati po kaming grateful para doon sa lahat ng nag-iisip tungkol

sa amin or pinagdadasal po kami hindi lang po iyong mga kasamahan ko so pero iyong pamilya ng Pangulo, ang Pangulo natin mismo, of course ang mga Kalihim. Pero, we find it very selfless and thank you very much po sa lahat ng nagdadasal para amin. Malaking tulong po iyon.

Ito, sabi ni Ma’am Glorin(?), mahirap ba iyong trabaho as Sec. PCOO? Well, hindi ko po alam kasi OPS na po tayo ngayon.

Nabanggit po ng ating Pangulo that he will be meeting with other world leaders on the sidelines of the UNGA. So, kukunin niya po ang pagkakataon na ito na kausapin ang ibang mga namumuno sa ibang bansa for the same purpose to encourage them to take a look at the Philippines at look at our economy and invest in it.

Sabi po ni Jovencio Lee (?), thank you po sa heart-to-heart na pakikitungo at nakakarating sa masa ang lahat ng inyong gawain. Opo, maraming-maraming salamat po at hihingan ko na rin po kayo ng tulong na ipalaganap iyong mensahe natin dito, iyong mga kuwentuhan natin dito. So, kung maaari po like and share at mag-subscribe po dito sa pahina na ito nang sa gayon ay mas marami po ang makakita at makarinig sa atin tungkol doon sa mga pangyayari at gawain natin dito. Hindi lang dito sa mga trips natin pero siguro pag-uwi at may pagkakataon ay magla-live pa rin tayo para doon sa mga ibang mga mensahe o mga programa na kailangan maipaabot sa inyo.

Tinatanong ni John Lloyd Hernandez (?), sinu-sino ba daw ang mga heads of state na makakausap ng ating Pangulo. Hindi pa po natin masabi sa ngayon kasi in some instances ay nini-negotiate po iyan ng DFA, in other instances ang ating Pangulo po ay kukuha lang ng pagkakataon kung saan maaari after due preparations have been made. So, mari-report na lang po namin iyan kapag tapos na po, kapag nangyari na po. Huwag ma-alala kasi magla-live pa rin po uli tayo at magtutuloy sa aming mga press briefings nang sa gayon ay makikita ninyo po iyong mga gawain at iyong mga maa-achieve.

Tinatanong ni Ma’am Jenny (?), will his speech at the UN be covered? Yes, of course maku-cover po iyan. He will be on 3:00 o’clock or 3:15 New York time. So, abangan po ninyo. I’m sure maaano…the President never disappoints pagdating doon sa kaniyang mga talumpati. Okay.

So, tingnan po natin. Sabi ni JM Tan (?), “Grabe, malalaking company ang kausap ni PBBM. Sana makuha niya Tesla laking problema sa kuryente, paubos na ang Malampaya sa katagalan.” In fact, isa po iyon well hindi ko sinasabing Tesla, ang sinasabi ko is foremost sa bahagi ng ating economic transformation of course ang pagsasagot ng… ang pagpupuno para maging tama iyong supply ng kuryente at energy para ma-propel or mapaandar ang ating mga negosyo. So, huwag po kayong mag-alala continuously po iyon. Isa po iyong energy sa mga…energy provider sa tulad nga ng nabanggit natin mayroong mga new and sustainable fuels na businesses na kausap ang ating Pangulo, mayroon din pong mga providers ng renewable energy. So, huwag pong mag-alala parati po nating iniisip dahil essential po na bahagi ng pag-transform sa ating ekonomiya ang energy.

Sabi ni Robert Nocum(?), thank you for the updates. Missing you in Karambola. Hindi daw kayo hihintayin nila Attorney Gadon kapag magluto siya, ikuwento na lang daw nila sa iyo. Nakaganti yata si Attorney Larry doon, ang daya. Pero opo, nami-miss ko din po sila pero they’re also doing very good work in informing the people about what’s going on and may be providing their analysis and opinions. Maganda naman po iyon.

Sabi ni Ma’am Tess Dizon (?), ingat po kayong lahat. Salamat po sa mga balitang pinaaabot ninyo. Idol ka po ng apo ko and she’s only eight years old. Maraming-maraming salamat, Ma’am Tess at saka pakihalik at saka yakap iyong inyong apo. I’m sure that’s very easy for you to do.

So, maraming salamat ulit. So, muli iri-recap lang po natin, ang Pangulo po ay nakipagpulong sa ilang mga heads ng mga industriya, business leaders, in the aerospace industry, new sustainable fuels and renewable energy. Tapos noong hapon po ay naimbita siya at siya po ang kumalembang sa closing bell sa New York Stock Exchange. So, punung-puno po iyong araw namin ngayon at maraming trabaho po ang nagawa at natapos ng ating Pangulo. Muli ito ay tungo sa kaniyang vision para sa Pilipinas, ang pagbabalik sigla at pag-transform ng ating ekonomiya.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa ating diskusyon, sa ating maikling Q and A at maikling usapin dito sa ating live. Maraming salamat sa lahat ng nagla-like and share at maraming salamat sa lahat ng nagpa-follow sa ating pahina dito.

Muli, ako po si Trixie Cruz-Angeles. Babalik po ako bukas para i-report iyong ating mga gagawin tomorrow. Ang pinakamahalaga po ang address ng ating Pangulo sa UN General Assembly High Level Debates. Maraming salamat. We will see you tomorrow.

 

###

 

SOURCE: OPS-NIB (News and Information Bureau – Transcription Section)