Press Briefing

Press Briefing of Press Secretary Trixie Cruz-Angeles

Event Press Briefing
Location Press Briefing Room, Malacañan Palace in Manila

MODERATOR: Magandang hapon, Malacañang Press Corps. Narito na si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

SEC. ANGELES: Magandang hapon. Si Dr. Rosario Vergeire, kasalukuyang Pangalawang Kalihim para sa Public Health Services ng DOH, ay itinalaga ng ating pangulo bilang OIC ng departamento. Sa Philippine Charity Sweepstakes Office naman po, bilang General Manager, itinalaga si Melquiades Robles – mas kilala sa kaniyang palayaw na Mel – ay itinalaga na bilang General Manager. Siya ay dating administrator ng LRT; at bilang administrador ng LRT, siya ay kinikilala na kauna-unahang administrator to have made that agency profitable. Kasalukuyan siya ay isang negosyante na engaged sa real estate at may-ari ng isang rehabilitation facility.

Samantala naman, ikinalulungkot naming i-announce na si Mr. Mario Castro, isang Administrative Aide na naka-assign sa Information Communications Technology Office under the Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting, ay namatay kaninang umaga, apparently from a fall from the fourth floor of Mabini Hall. Ito po ay sa loob ng Malacañang Compound. Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaniyang pagkamatay at nagko-coordinate ang Presidential Security Group at ang PNP Security Force Unit. May naiwang asawa at mga anak si Mr. Castro. Kami po ay nakikiramay sa kaniyang pamilya.

MODERATOR: We are now opening the floor for three questions. Kat Domingo, ABS-CBN.

KAT DOMINGO/ABS-CBN: Ma’am, good afternoon po. Ma’am, under Memorandum Circular # 1, it says that designated OICs will only fulfill their responsibilities until July 31.

SEC. ANGELES: Opo.

KAT DOMINGO/ABS-CBN: Ilan po iyong mga pinagpipiliang tao ni President Marcos na magiging Secretary of Health na magiging kapalit ni USec. Vergeire after July 31? And, bakit po hindi pa dinesignate (designated) as secretary herself si USec. Vergeire?

SEC. ANGELES: Doon sa bakit, dahil siyempre pinagpipilian pa kung sino ang mamumuno sa Department of Health. Tama po kayo na ang M.C. [no.] 1 [ay] nagtatalaga lang po ng OIC hanggang sa katapusan ng buwan.

So, ini-expect natin kung wala pa pong naitatalaga na pinuno sa DOH before that time ay ii-extend ang pagka-OIC, but titingnan po natin kung ano ang mangyayari during that time; medyo speculative pa po kasi iyon.

KAT DOMINGO: Ma’am, just on the first question, ilan po iyong pinagpipilian pa ni President Marcos as Secretary for the DOH?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Wala po kaming impormasyon doon sa ilan ang pinagpipilian.

MODERATOR: Next question, Ace Romero of Philippine Star.

ACE ROMERO: Secretary, mapapaso na po sa July 15 iyong alert levels doon sa COVID-19. Kailan po magmi-meet iyong IATF to determine iyong mga updated alert levels?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Hindi po namin masasabi iyong kung kailan sila magmi-meet. Ang masasabi lang po natin ay tuluy-tuloy naman po ang trabaho ng IATF; hindi naman po sila naantala kahit nagkabago ng administrasyon, so itinutuloy pa rin po ang IATF.

ACE ROMERO: So, we can expect the announcement before iyong lapsing noong present alert levels?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Titingnan po natin. Medyo speculative kasi maaari naman po tayong gumawa ng extension for necessary agencies kung saka-sakali. So, we will see.

MODERATOR: Next question, Ivan Mayrina of GMA News.

IVAN MAYRINA: Naanunsiyo po ng Pangulo sa kaniyang social media accounts na kahapon ay pinulong ang mga opisyal ng NEDA, at isa sa mga napag-usapan ay ang pagpapabilis ng pag-imprenta at distribusyon ng National ID. Bukod po doon, mayroon pa bang napag-usapan partikular dito sa ating pressing economic concerns like inflation, wages, other issues?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Doon sa pagpupulong na iyon hindi kami sigurado. Ang primary purpose talaga iyong National ID System; bahagi nga po iyan ng ating economic recovery. So, necessary kasi iyong National ID doon, essential siya lalung-lalo na doon sa banking systems at pagtatayo ng maliliit na negosyo or kahit anumang negosyo. So, sa credit system mahalaga din po iyong National ID System.

IVAN MAYRINA: Maitanong ko na rin po, ano ang mga napag-usapan doon sa pulong naman the other day with officials of the Department of Agriculture?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Wala pa po kaming impormasyon para doon sa mga announcements na na-discuss nila at that time; kapag mayroon po ay ilalabas namin kaagad.

MODERATOR: Last question, Maricel Halili.

MARICEL HALILI: Ma’am, magandang hapon. Manghihingi lang kami ng update about the health condition of President Bongbong Marcos. Babalik na po ba siya tomorrow sa mga face-to-face na events?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Tinatapos lang po natin iyong isolation niya. Seventh day po ngayon, tapos na po iyon, ayon sa kaniyang doktor. Nakuha ninyo ba iyong health bulletin kahapon?

Iyon, iyon pa rin po. Wala na po siyang symptoms pero kailangan tapusin niya iyong isolation period.

MODERATOR: Maraming salamat, Malacañang Press Corps.

At diyan po nagtatapos ang ating press briefing sa araw na ito.

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Maraming salamat po.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center