Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZBB – Super Balita sa Gabi by Cecille Villarosa and Allan Gatus
25 September 2016 (6:50-7:00 p.m.)
ALLAN:
Magandang gabi po sa inyo, Secretary?

SEC. ANDANAR:
Magandang gabi, Alan at Cecille, sa DZBB. Mabuhay ka at mabuhay po ang inyong istasyon at mga nakikinig sa inyong programa.

ALLAN:
Mabuhay din po kayo, Secretary. Nagkaroon po ng bahagyang kalituhan simula kahapon, may mga darating na mga taga-UN dito sa Pilipinas. At isa ho kayo doon sa kino-quote, Secretary, na binanggit ninyo, kinumpirma n’yo daw sa isang interview sa radyo na darating nga itong mga taga-UN sa September 28 at 29. Pero sa advisory ng DFA, ito pala ay gagawin sa Geneva.

SEC. ANDANAR:
Hindi po. Kung titingnan n’yo po ang transcript ng DZBB, naalala ko si Francis Torres ang kausap ko kahapon. Oo, tapos tinatanong sa akin ni Francis Flores ang tungkol dito sa may UN Committee on Economic Social and Cultural Rights na darating daw, sabi niya according to the Philippine Star.

ALLAN:
Oo, sa Philippine Star. Oo nga po.

SEC. ANDANAR:
At ako naman, ang sabi ko, hindi ko siya maintindihan, sabi ko ito ba iyong sa high-commission ng human rights. Sabi ni Francis, “Oo, high commission human rights sa UN at darating next week. So, sabi ko, okay. Ang alam ko, iyong high commission on human rights ay kailangan pa padalhan ng sulat ng ating Pangulo at ipadaan sa protocol. So, ang nasa isipan ko ay iyong human rights na isyu. Kaya kung babalikan ninyo, Allan, iyong transcript, malinaw na malinaw po na ang aking tinutukoy ay iyong sa talumpati ni—

ALLAN:
Sa human rights.

SEC. ANDANAR:
Iyon isang talumpati ni Pangulong Duterte na kinukumbida niya iyong UN at saka iyong EU doon sa mga isyu pagdating sa EJK at human rights. So, hindi ko po sinabi na darating itong UN Committee on Economic, Social and Cultural Rights because in the first place, hindi ko naman alam na darating—

ALLAN:
Na may gagawing ganito, na review ang United Nations Committee on Economic, Social and Cultural Rights.

SEC. ANDANAR:
Yes. So, I think that the story of the Standard is clearly wrong. Ibig sabihin po, hindi binasa ng kanilang reporter iyong transcript. So dapat po sa susunod magbasa tayo ng transcript para hindi ho tayo (unclear)

ALLAN:
Kayo pa naman ang hine-headline dito sa report ng Standard na ito, Secretary.

SEC. ANDANAR:
You know, to me, it’s a wrong report and they should explain kung bakit ganoon. At malinaw po na hindi nila binasa iyong transcript.

CECILLE:
Okay po. Moving on po, Secretary Andanar, dito po sa magaganap na UN Committee on Economic, Social and Cultural Rights na review doon sa aspeto po ng—

SEC. ANDANAR:
Geneva.

CECILLE:
Yeah, sa Geneva, on September 28 and 29. Mayroon po bang mga kinatawan ang ating gobyerno na ipapadala po doon?

SEC. ANDANAR:
Alam n’yo po, ma’am, I will defer that question to the Department of Foreign Affairs. Kasi alam po natin na marami hong kalituhan pagdating dito sa mga ganitong aspeto, na ang DFA din ay very careful in answering these questions. So ayaw kong magkamali kung ano ang sasabihin ko po sa inyo. Pero rest assured na the Department of Foreign Affairs is on top of the situation.

CECILLE:
Okay. But, are we seeing the possibility na … iyong posibilidad po, kasi binabanggit nga po ng DFA eh may protocol para pumunta dito iyong United Nations team.

ALLAN:
Kailangan ng pormal na imbitasyon.

CECILLE:
Kailangan ng pormal na imbistasyon. Are we expecting that the soonest possible time na ipapadala po ng ating gobyerno?

SEC. ANDANAR:
Klaruhin po natin, ma’am: Ang pinag-uusapan po natin dito iyong sa human rights?

ALLAN:
Oo, human rights na po ang pinag-uusapan na ho natin dito, Secretary.

CECILLE:
Sige, para malinaw. Tama po.

SEC. ANDANAR:
Klaruhin natin.

ALLAN:
Opo, opo. Baka ma-misquote na naman kayo, sige.

SEC. ANDANAR:
Baka malito ulit iyong Standard eh kaya klaruhin natin. Kailangan ho talaga ng sulat. Kailangan ng sulat mula sa gobyerno natin inviting the Rapporteur to come over and going through the proper channels and following the protocol. At ang mayroon lang ho niyan, na talagang may karapatang magsalita diyan ay iyong Department of Foreign Affairs.

ALLAN:
So DFA po ang mag-iimbita. Hindi na po manggagaling sa Malacañang o kaya sa Office of the President, hindi na po manggagaling doon?

SEC. ANDANAR:
Ang pagkakaintindi ko po ay iyong DFA po ang magpo-proseso nito kasi sila po iyong tagapamahala and it is in their charge to implement the protocols. Sila iyong sanay diyan. So, iyong sinabi po ng Pangulo doon sa talumpati niya, he invited the United Nations and the EU to come over to investigate themselves. Pero hindi po basta-basta iyan kasi kailangan ng letter. At sinabi rin ng Pangulo that he will write a letter. But then again, kahit sinabi po ni Presidente iyan, we will have to wait for the protocol of the Department of Foreign Affairs.

ALLAN:
Opo. Pero, Secretary, sa ngayon po wala pa pong imbitasyon, pormal na imbitasyon lalo pa’t may pahayag na ang Pangulong Duterte na puwede imbestigahan? Niyayaya niya ang UN, ang EU, gayundin si President Obama na imbestigahan ito.

SEC. ANDANAR:
Wala pa po akong alam, Allan, na mayroong pormal na imbitasyon o sulat na nanggagaling sa ating gobyerno. Iyan po ay ibe-verify ko sa DFA.

CECILLE:
So, it will be the DFA po talaga ‘no, ang mangangasiwa. But the invitation, does it need to be directly coming from the Palace po, from the President himself?

SEC. ANDANAR: 
I am not so certain about that, Allan and Cecille. Ang alam ko lang ay, it’s a formal invitation by the government. So, whether it’s coming from the President or it’s coming from the Department of Foreign Affairs, what is certain is that the order will come from the President.

ALLAN:
Okay, maraming salamat po sa paglilinaw at pagpapaunlak ninyo ng panayam ngayong gabi, Secretary, kaugnay po dito sa isyu, kaugnay sa pag-imbestiga o gagawing review ng UN.

SEC. ANDANAR:
Maraming, maraming salamat po sa inyong dalawa. Mabuhay po kayong dalawa. Mabuhay ang DZBB at magandang gabi po sa ating lahat.