Photos

Meeting with the Filipino Community
Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ating mga kababayan sa Cambodia matapos ang kaniyang pagdalo sa 40th at 41st ASEAN Summits at Related Summits.
Taos-pusong nagpasalamat si PBBM sa mga OFW para sa kanilang pagsisikap at kontribusyon para sa bayan.
Siniguro din ng Pangulo na tuloy-tuloy ang serbisyo na ibibigay ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa ating mga OFW at ang pagpapatibay ng mga repormang pang-ekonomiya na magreresulta sa mas madaming oportunidad sa bansa.

Sa ginanap na 10th ASEAN-US Summit, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pakikiisa ng Pilipinas sa implementasyon ng mga programang bahagi ng ASEAN Outlook on Indo-Pacific kung saan nagpahayag ng suporta ang US.
Hinikayat din ni PBBM ang Estados Unidos na gamitin ang impluwensiya nito para maibsan ang suliranin sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis at krudo.

PBBM Thanks Japan for Hosting Filipinos, Providing Pandemic Aid

Sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawang ASEAN-Australian Summit ngayong araw, hinikayat niya ang Australia na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa ASEAN para sa pagpapabuti ng mga programa sa technical at vocational na pagsasanay, at ang suporta nito sa ASEAN Centre for Biodiversity para tugunan ang climate change.

Kasama ang iba pang mga kinatawan ng ASEAN, lumahok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-19 na ASEAN-India Summit kung saan ipinagdiwang ang ika-30 na anibersaryo ng ASEAN-India Dialogue relations.

World Economic Forum (WEF) Founder and Executive Chairman Klaus Schwab today invited President Ferdinand R. Marcos Jr. to the WEF in Davos, Switzerland on January 16-20, 2023.

Nakibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-25 na ASEAN Plus Three (APT) Summit ngayong araw kung saan inihayag ng Pangulo na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa organisasyon upang maisakatuparan ang bagong APT Cooperation Work Plan 2023-2027.
Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapatibay ng kooperasyon at pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at kasaganaan sa rehiyon.
Ang APT ay isa sa may pinaka-komprehensibong balangkas ng pagtutulungan sa rehiyon na tumatalakay sa mga usapin ng seguridad sa politika, kalakalan, enerhiya, agrikultura, kalikasan, edukasyon, kalusugan, at iba pa.

Sa ASEAN-United Nations (UN) Summit ngayong araw, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dedikasyon ng Pilipinas na bigyang-boses ang kabataan at patuloy isulong ang kapayapaan at seguridad nang inilunsad ang Philippines’ National Action Plan (NAP) noong Agosto. Siniguro rin ng Pangulo na buo ang suporta ng Pilipinas sa mga proyekto ng ASEAN at UN partikular sa usapin ng pangangalaga sa kapaligiran at pagtugon sa pagbabago ng klima.

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed hope to explore opportunities for technological cooperation on renewable energy sources with the Republic of Korea.

President Ferdinand R. Marcos Jr. pushed Friday for the early conclusion of a Code of Conduct (COC) in the South China Sea based on international law, which he said should be an example of how states manage their differences.