Photos
Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suporta ng Pilipinas sa panukala ng Association of Southeast Asian Nations- Business Advisory Council (ASEAN-BAC) na palakasin ang mga hakbang tungo sa food security, itaguyod ang mas mataas na produksyon, at kilalanin ang “nutrition-enhancing agriculture mechanism" na magbibigay ng mas maayos na sistema ng pagkain sa ASEAN. Bukod dito, kinilala rin ng Pangulo ang kritikal na tungkulin ng pribadong sektor, lalo na ang mga “nano businesses" sa kanilang ambag sa pagpapalago ng ekonomiya.


The Philippines and the Lao People’s Democratic Republic (PDR) vowed to work closely together to strengthen cooperation in various fields, including health, education, trade and people-to-people exchange agreements.


Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging partisipasyon ng mga kabataang Pilipino sa mga hakbang ng pamahalaan na tugunan ang epekto ng climate change. Sa kanyang pagdalo sa pag-uusap kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Youth, inilahad niya ang potensyal ng mga kabataan upang manguna sa pagsulong ng pagbabago sa rehiyon. Hinimok din niya ang ibang kasaping bansa sa ASEAN na sundan ang halimbawa ng mga kabataang Pilipino sa pangangalaga sa kalikasan. Isa sa inisyatibong kasalukuyang pinangungunahan ng sektor ay ang paggunita sa taunang ASEAN Youth in Climate Action and Disaster Resilience Day tuwing ika-25 ng Nobyembre.


Sa kanyang pagdalo sa pulong kasama ang mga kinatawan mula sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA), binigyang-pansin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang papel ng AIPA sa pagtugon sa climate change at iba pang mga hamon sa rehiyon. Inihayag ni PBBM ang kahalagan ng kooperasyon upang magkaroon ng pagkakasundo sa mga batas at regulasyon sa lahat ng mga kasaping bansa ng ASEAN.


Sa opening at plenary session ng 42nd ASEAN Summit, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kasulukuyang suliranin na kinakaharap ng rehiyon tulad ng tumatandang populasyon at ang seguridad sa enerhiya na matutugunan sa paggamit ng renewable energy. Binigyang-diin din ng Pangulo ang sama-samang pagkilos ng ASEAN upang himukin and mga mauunlad na bansa na tuparin ang kasunduan ukol sa isyu ng climate change sa ilalim ng Paris Agreement.


Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga heads of state sa pagbubukas ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia. Bago pormal na magsimula ang summit, nagkaroon muna ng isang family photo session ang mga ASEAN leaders.


President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Tuesday that he expects the leaders of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) to make an aggressive push to revitalize the region’s economy after being battered by multiple headwinds in the past few years.


Layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hikayatin ang pakikipagtulungan ng buong Timog-silangang Asya sa mga hamon sa rehiyon, partikular na sa larangan ng ekonomiya, seguridad sa enerhiya at pagkain, at pagsugpo sa transnational crimes.