Photos

PBBM engages with his fellow Leaders from the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) during the 42nd ASEAN Summit Retreat Session
Sa Retreat Session ng 42nd ASEAN Summit, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakatuon ang Pilipinas sa pagpapatupad ng Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) para sa mapayapang pagresolba sa mga isyu sa West Philippine Sea. Binigyang-diin ng Pangulo ang pagkakaisa ng bawat bansa sa pagsusulong ng hangarin at pagpapaunlad ng buong ASEAN. Nanawagan din si PBBM sa Myanmar na sumunod ito sa Five-Point Consensus.

Sa opening at plenary session ng 42nd ASEAN Summit, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kasulukuyang suliranin na kinakaharap ng rehiyon tulad ng tumatandang populasyon at ang seguridad sa enerhiya na matutugunan sa paggamit ng renewable energy. Binigyang-diin din ng Pangulo ang sama-samang pagkilos ng ASEAN upang himukin and mga mauunlad na bansa na tuparin ang kasunduan ukol sa isyu ng climate change sa ilalim ng Paris Agreement.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga heads of state sa pagbubukas ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia. Bago pormal na magsimula ang summit, nagkaroon muna ng isang family photo session ang mga ASEAN leaders.

President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Tuesday that he expects the leaders of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) to make an aggressive push to revitalize the region’s economy after being battered by multiple headwinds in the past few years.

Layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hikayatin ang pakikipagtulungan ng buong Timog-silangang Asya sa mga hamon sa rehiyon, partikular na sa larangan ng ekonomiya, seguridad sa enerhiya at pagkain, at pagsugpo sa transnational crimes.