Press Briefing

2025 Post-SONA Discussions on Education and Workers’ Welfare Development hosted by Palace Press Officer and PCO Undersecretary Claire Castro


Event 2025 Post-SONA Discussions Session 1: Education and Workers' Welfare Development
Location Makabagong San Juan National Government Center in San Juan City

PCO USEC. CASTRO: Magandang araw sa ating lahat.

Ako po si Undersecretary Claire Castro at welcome po sa ating 2025 Post-SONA Discussions. Live po tayo ngayon mula sa makabagong San Juan National Government Center. Tayo ay napapanood sa Facebook at YouTube ng Radio Television Malacañang, Presidential Communications Office at ibang mga ahensiya ng pamahalaan. Sana rin ay nasa maayos na kalagayan tayong lahat matapos ang sunud-sunod na bagyo at pag-ulan.

Matapos ang matagumpay na State of the Nation Address ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mahalagang magkasama-sama tayo ngayon upang talakayin pa at maunawaan nang mas detalyado ang mga nilalaman ng talumpati ng ating Pangulo.

Ngayong umaga, pag-uusapan natin ang tungkol sa edukasyon at paggawa – ang Education and Workers’ Welfare Development. Upang samahan tayo ngayong umaga, isang masigabong palakpakan para sa ating mga panauhin: Department of Education  Secretary Sonny Angara; Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma; Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac; Technical Education and Skills Development Authority Director General Jose Francisco “Kiko” Benitez; at, Commission on Higher Education Chairperson Shirley Agrupis.

Binigyang-diin sa talumpati ng Pangulo ang pangangailangang punan ang kakulangan sa mga classroom. Aniya ng Pangulo: “Katuwang ng pribadong sektor, sisikapin nating madagdagan pa ang apatnapung-libong silid-aralan bago matapos itong administrasyon. Maglalaan tayo ng sapat na pondo para rito. Alang-alang sa ating mga mag-aaral, hihilingin ko ang buong suporta ng ating Kongreso.

Secretary Angara, gaano kabigat ba ang problema natin sa kakulangan sa mga classroom? Ano itong mga partnership kasama ng pribadong sektor na tinutukoy ng ating Pangulo?

DEPED SEC. ANGARA: Magandang umaga, Usec. Claire, sa mga honorable secretaries, sa ating mga distinguished guests, mga mag-aaral.

Mabigat po ang problema ng kakulangan sa classrooms dahil apektado po iyong learning quality or iyong abilidad ng isang estudyante na matuto nang maigi. So, tama iyong sinabi ni Presidente na kailangang mag-think out of the box tayo at may hindi pangkaraniwang solusyon ho tayo, Usec. Claire, at ito iyong public-private partnerships. Dahil on the average, for the last decade or so, we’ve only been building a maximum of 6,000 classrooms a year. Kapag ginawa natin iyong public-private partnerships, siguro in the 5 to 10 years we can build over a hundred thousand classrooms – at iyan ang tinutukoy ng ating mahal na Presidente.

PCO USEC. CASTRO: Naku, sana po talaga sa tulong na rin ng Panginoon ay maaayos natin ito.

Kakambal ng pagtaas ng kalidad ng edukasyon ang makabagong teknolohiya, sabi ng Pangulo. Nakahanda na ang mga high-tech at digital na mga materyales – mga smart TVs, libreng Wi-Fi at libreng load sa Bayanihan SIM Card. Dahil dito, handa na rin ang ating mga estudyante para makasabay sa makabagong paraan ng pag-aaral sa makabagong mundo.

Again, Secretary Angara, umaasa kaming lahat sa rollout nito. Kailan ba ito makakarating sa ating mga eskuwelahan?

DEPED SEC. ANGARA: Eh, habang nagdidiskasyon ho tayo dito, ginagawa na po natin – nagdi-deliver na po tayo sa 46,000 public schools nationwide, Usec. Claire. At alam mo kaya tayo… isa sa mga rason kung bakit lagpak ho tayo sa mga international assessment exams eh unang beses makahawak noong examinee or noong estudyante noong mouse ng computer. Kaya isang oras hindi niya masagot iyong mga questions at tanong. So ngayon, lahat noong kumuha noong PISA (Programme for International Student Assessment) exam last year, binigyan po namin ng computers so walang makakasabi na siya ay hindi marunong gumamit ng computer doon sa computerized exam.

Tapos alam naman natin, we are living in the age of artificial intelligence – kailangan po natin ng makabagong gadgets at kailangan natin ng magandang datos otherwise hindi natin mari-realize itong benefits of technology.

PCO USEC. CASTRO: Yes. Noong nakaraang taon po ay nagkaroon po ng hearing at nasabi ninyo nga po sa nakaraang liderato ng DepEd, hindi nga po naipamigay agad iyong… kung hindi ako nagkakamali ay 1.5 milyon na mga laptops, mga ibang materyales. Ano na po iyong estado nito?

DEPED SEC. ANGARA: Sa nakaraang mga nakaupo kasi, hiniwalay nila iyong pagbili at iyong pag-deliver. Dapat siguro kapag nangontrata ka ng mga kagamitan, kasama iyong delivery! Eh doon, nakatengga two million items – iyong mga laptops – in fact, takot ilabas. So sabi ko, noong bago ako umupo sabi ko gamitin na natin iyan, ilabas na natin iyan at hiningi natin iyong tulong ng Sandatahang Lakas, mga sundalo ang naglabas nitong mga kagamitan natin. But now, inilalabas na ho natin. Mapapakinabangan na ho ito ng ating mga schools.

PCO USEC. CASTRO: Ano iyong naging effect nito kasi considering laptops po iyong hindi na-deliver kaagad? Ano naging effect nito sa mga nakaraang taon at kayo lang po ang nakapag-solve? Anong effect niya sa mga estudyante at mga teachers?

DEPED SEC. ANGARA: Alam ninyo po ang pangunahing mensahe, Usec. Claire, ng ating Pangulo sa atin after the midterm elections is solusyunan ninyo na iyong mga immediate problems. Naniniwala ang publiko na kaya nating gawin iyong grand visions natin kapag nariresolba natin iyong day-to-day problems like delivering things on time. Kapag nakita nilang nagagawa natin iyan, maniniwala sila doon sa mga grandeng bisyon natin.

PCO USEC. CASTRO: Iyan ang maganda mga kababayan natin, kapag kayo po naipuwesto lalo na kapag kayo iyong pinaka-leader or head ng agency, dapat talaga eksperto kayo sa larangan na iyan. Hindi lang iyong pukpok, pukpok lang at nag-uutos nang nag-uutos pero parang wala namang alam sa ipinag-uutos. So congratulations to that, Secretary Sonny.

DEPED SEC. ANGARA: Maraming salamat, Usec. Claire, at dahil… ang tagumpay ko ay dahil matibay po ang suporta ng Pangulo sa mga departamento.

PCO USEC. CASTRO: At mahal na mahal po ng Pangulo natin ang mga guro at siyempre ang mga estudyante.

DEPED SEC. ANGARA: Ah, ramdam na ramdam po nila dahil ang daming bagong guro, ang daming guro na nakakapag-concentrate sa pagtuturo dahil by the end of next year, lahat ng forty-plus thousand public schools natin, mayroong tinatawag na administrative officers para si teacher, hindi na niya sinusukat iyong timbang ng ating mga estudyante for the feeding programs, hindi na siya iyong magri-repair ng mga sirang computer, hindi na siya… kapag may sirang delivery vehicle, siya magdadala. Mayroon na tayong tauhan dahil sa suporta ng ating mahal na Pangulo.

PCO USEC. CASTRO:  At good news po—thank you for that. Good news po, pati po ang PCO kasama po ang DepEd, magkakaroon na po ulit tayo ng school caravan para buhayin iyong nasyonalismo sa buhay at sa puso ng mga estudyante.

DEPED SEC. ANGARA: Thank you, Usec. Claire. Salamat sa ating mahal na Pangulo.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Secretary Angara.

At para naman po sa usaping trabaho, sabi ng Pangulo: “Dumarami ang mga nalilikhang hanapbuhay sa ating bansa ngayon. Magpupursige ang DOLE, DTI, DSWD, kasama pati ang DOT at mga kaugnay na ahensiya sa paghahanap ng paraan at ng mga oportunidad para sa natitirang apat na porsiyento ng ating puwersang-manggagawa na hanggang ngayon ay walang trabaho.

Secretary Benny, ano po ang masasabi ninyo sa pahayag na ito ng Pangulo? Ano pa ang mga programa ng DOLE para matiyak na mapupunan itong apat na porsiyento na ito?

DOLE SEC. LAGUESMA: Maraming salamat, Usec. Claire. Una muna, pagbati ng isang magandang araw sa atin pong mga kasama sa bulwagang ito, ganoon din naman doon sa mga nakikibahagi at sumusubaybay sa kanilang tahanan o kaya sa kanilang mga opisina.

Alam mo, ang pagtukoy at pagbanggit ng ating Pangulo doon sa mga specific na departamento at mga ahensiya kaugnay sa usapin ng hanapbuhay at sa larangan ng paggawa ay sumasalamin doon sa isang mahalagang ‘ika nga’y masasabi natin na hallmark o characteristic ng pangkasalukuyang administrasyon. Ang aking tinutukoy ay iyong katagang “convergence” ‘no – pagsasama-sama, pagtatagpo, pagkakaisa at pagsasanib ng puwersa ng mga departamento dahil halos lahat naman ng mga departamento ay mayroong kaugnayan sa usapin ng paggawa at panghanapbuhay.

Kaya nagpapasalamat po ako sa presensiya ng ating mga kinatawan ng manggagawa at namumuhunan, narito po sila sa ating harapan. Palakpakan po natin sila [applause].

Sa bahagi ng DOLE, Usec. Claire, at aking mga kasamahan sa gabinete ng Pangulo, mahalaga po sa amin ang kolaborasyon/kooperasyon ng pribadong sektor. Nabanggit ko nga ang napakahalagang bahagi ng manggagawa at ng atin pong mga namumuhunan, iyon po ang matibay na pundasyon ng mga gawain ng Department of Labor and Employment. Una, sa larangan po ng employment promotion na ating tinatalakay sa araw na ito, iyon pong aming isinasagawang mga employment facilitation activities, lagi po naming kabahagi diyan ang halos lahat ng mga departamento ‘no. Sabihin na natin na ang DSWD, mayroon pong nilunsad ang ating Pangulo sa pagsisimula ng taon – Trabaho sa Bagong Pilipinas.

Ano ang kaniyang tina-target na beneficiaries? Mga graduating 4Ps. Ina-access po ng department ang mga pagkakataon sa tulong ng pribadong sektor, mga business organization. Una po iyan na ginagawa natin at tuluy-tuloy po dahil ang sabi ng Pangulo, buwanang paglulunsad o pagdadaos ng job’s fair ‘no.

Ikalawa, amin pong pinalalakas iyong aming labor market information system lalo na po iyong aming online portal, PhilJobNet. Dito po, puwedeng mag-access ang mga kabataan kasi ang mga kabataan ay napakahusay at ika nga’y adept sa technological developments, mga innovations. So, puwede po kayong mag-access diyan dahil ang mga programa ng Department of Labor and Employment ay tumutukoy sa youth employability ay makikita po natin na puwedeng mag-access ang ating mga kabataan.

Ikatlo po, iyong pagpapalakas sa aming ugnayan sa public employment service office nang sa ganoon po ay mapalawak ng Department of Labor and Employment ang reach or ang access sa mga hanapbuhay na available. At napakahalaga po rin ang koordinasyon natin sa mga local government units dahil makikita po natin na sa kanilang matapat at maayos na pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment, nahihikayat natin ang mga negosyante na existing na palakasin pa, magdagdag ng puhunan; ikalawa ay may kinalaman sa paghihikayat ng mga bagong investors. At ito ang laging tinutukoy ng ating Pangulo sa lahat ng kaniyang mga pagbisita sa ibang mga bansa, so bahagi po iyan ng ating mga programa.

At iyon pong nabanggit ko sa youth employability, napakahalaga po na ating palakasin nang sa ganoon ang mga kabataan na umaasang makakahanap ng tamang trabaho, angkop na trabaho, dekalidad ay matagpuan nila. Eh hindi ko po sasaklawin iyong pagpapaliwanag ni Secretary Kiko tungkol sa upskilling at saka retooling – kaniya po iyon eh. Pero bahagi po kami ng convergence na binabanggit ko. Wala pong magaganap kung hindi tayo magkakaroon ng pagtutulungan, napakahalaga para iyong ating nakita, iyong nabanggit mo kanina, Usec. Claire, dumaraming hanapbuhay, patuloy pa rin po ang hamon sa ating pamahalaan na sana ang malikha pa nating mga hanapbuhay ay dekalidad at pangmatagalang hanapbuhay.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Benny, tanong natin, papaano ba malalaman ng mga kababayan natin iyong schedule ng job fairs? Kasi baka hindi nila alam, naku, may job fair pala sa ganitong lugar.

DOLE SEC. LAGUESMA: Lagi pong mayroong information dissemination. Bahagi po diyan ang ating nasa tri-media, lagi po tayong—mayroon din po tayong sariling website. Pero ang higit na mahalaga ay iyon pong aming koordinasyon sa mga PESO. Lahat po halos ng local government units ay mayroong tinatawag na Public Employment Service Offices na under the technical supervision po ng Bureau of Local Employment ng Department of Labor and Employment.

Nabanggit ko rin po iyong ating online portal, philjobnet@gov.ph. Iyon po iyong puwede nilang gamitin, matingnan nila kung mayroon bang available na trabaho diyan. At gusto ko pong sabihin na buwan-buwan po, iyan po ay nililinis, kini-cleanse para po matiyak natin na ang mga naka-post diyan na trabaho ay tunay at talaga pong active na trabaho. Ang mahirap po kasi, kung nagpu-post lang tayo tapos wala naman pala, madi-disappoint po ang ating mga job seekers.

So, malalaman po nila iyan at halos lingguhan po ay mayroong mga posting eh; iba-iba po ang mga schedule na ginagawa job fairs ng mga LGUs, ng kanilang PESO, but always in coordination with the regional office or the provincial office ng Department of Labor and Employment.

PCO USEC. CASTRO: Magandang balita iyan, Sec Benny. Pero ito pa po ha, mayroon pa po sa inyong pahayag ang Pangulo. Ang pahayag na ito ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang talumpati: “Sa DOLE at sa DSWD, ipagpatuloy pa ninyo ang mga ganitong klaseng internship at pre-employment programs para sa ating estudyante sa kolehiyo. Malaking tulong ito sa kanila habang sila ay nag-aaral, malaking tulong ito sa bansa.” Anu-ano na po ngayon ang mga pre-employment programs ang mayroon ang DOLE? At ano ang proyektong nakaabang pa sa ating mga mag-aaral?

DOLE SEC. LAGUESMA: Sa totoo lang, Usec. Claire, hindi lamang siya pre-employment, iyong iba ay parang nandoon ka na sa mismong employment eh kasi nabanggit ko kanina iyong Special Program for the Employment of Students (SPES), Government Internship Program (GIP), JobStart, at mayroon po kaming pinalalakas na programa, iyon pong atin pong counseling – career counseling development program – iyon po, ang layunin ay gabayan ang ating mga mag-aaral.

Batay po sa aming mga interaction, sa aming mga ugnayan sa mga pribadong sektor, ano po ba ang nakikita nila na potential manpower requirement nila sa darating na hinaharap lalo na sa bahagi po ng IT ‘no. Iyon po talagang … anuman po ang gawain natin ngayon, nangangailangan ng kaalaman sa teknolohiya eh. Anuman pong trabaho, anuman pong trabaho lagi pong may hinahanap na ganiyang klase.

So, ang amin pong internship, actually, hindi lamang sa DSWD, mayroon din po kami sa DepEd. Ito po ay may kinalaman sa programa ng DepEd na Academic Recovery and Accessible Learning – ARAL Program. So, mayroon po kaming bakit, ito po ay kaugnay doon sa napansin ng ating Pangulo na kakulangan, una sa pagbasa, sa mga simpleng arithmetical computation – iyong nabanggit ni Sec. Sonny Angara kanina, bakit tayo bumabagsak ‘no. Kasi dapat sundan kaagad natin sa murang gulang pa lamang, murang edad, mayroon ng paggabay. So, ito, amin itong ilulunsad sa susunod na buwan. Hinihintay po namin iyong mga, ‘ika nga, papaloob sa nasabing Government Internship Program. Halos lahat po ng mga national government offices, sa mga regional offices nila, tumutulong po ang programang Government Internship Program. At karamihan po ng nakikinabang diyan ay mga bagong graduate, mga nagsisipag-aral sa kolehiyo nang sa ganoon, sa pagsisimula pa lang ng kanilang, ‘ika nga’y pagpasok sa larangan ng paggawa, mayroon na po silang kaalaman.

Kasi hindi na po ngayon sapat lamang o tama na mayroon kang hard skill; kailangan mo po ngayon ay may soft skills ka rin – puwede kang mag-interact, puwede kang mag-relate, at iyong kailangan may diskarte na ngayon ang mga manggagawa nang sa ganoon, tunay na mapagmalasakitan nila ang kanilang mga mamumuhunan. At atin namang inaasahan, Usec. Claire, kapag nagmalasakit ang mga manggagawa, balik naman ang mga namumuhunan – karagdagang benepisyo, karagdagang pagmamalasakit nang sa ganoon ay parehas silang nakikinabang sa maganda o stable na operasyon ng mga kumpaniya.

PCO USEC. CASTRO: Iyan po ha, maraming estudyante rito, okay, kasi tinutulungan tayo ng gobyerno, ng Pangulo, ng mag liderato natin dito para kayo matuto. Okay, since may laptops ibibigay ang DepEd, may internet, magandang trabaho, pero ang estudyante, aba, kung may laptop kayo ay huwag naman puro games ‘di ba. Oh, mga estudyante dito, aral muna saka na mag-games, after tapusin ang assignment. Kasi siyempre, Sec. Benny, Sec. Sonny, kukunin din naman ng employer kapag ikaw ay magaling na estudyante. So, ibinibigay ang tulong, so galingan ninyo na rin. Maging magaling kayong empleyado, manggagawa, at maging magaling na Pilipino.

DOLE SEC. LAGUESMA: Yes, tama iyan, Usec. Claire. In fact, minsan natutuwang-nalulungkot kami dahil iyong isang programa namin, iyong JobStart, medyo mas ano ito eh, mas malawak, mayroong academic, tapos mayroon talagang on the job, hindi pa natatapos iyong period ng kanilang pagsasanay, kinukuha na po sila ng employer. Pero pinapakiusap din namin sa mga mag-aaral, tapusin ninyo ‘no. Talagang iyong hikayat, iyong atraksiyon ng trabaho, minsan mahirap i-resist ‘di ba, mahirap tanggihan. Pero tandaan natin, sa karagdagang kasanayan at kaalaman, mas higit tayong makakapag-demand, makakahingi ng mas magandang suweldo, mas maganda benepisyo.

PCO USEC. CASTRO: Iyon, well said, Sec. Ben.

Okay, itong susunod naman ay para kay Secretary Hans Cacdac ng Department of Migrant Workers. Ayon sa Pangulo, “Gayundin, dahil sa ating masigasig na pakikipag-ugnayan sa loob ng tatlong taon, nagawaran ng kapatawaran ang mahigit na animnaraang kababayan nating nahatulang dahil sa sari-saring paglabag sa batas sa ibang bansa, lalo na sa UAE, sa Qatar, sa Bahrain at sa iba pa.” Sec. Hans, ano po ba ang kalimitang nagiging paglabag ng ating mga kababayan? Mayroon bang ginagawang hakbang ang inyong ahensiya para maiwasan ito? At nakakatulong din ba ang ating magandang ugnayan sa mga bansang ito para tayo ay mapagbigyan sa mga ganitong kahilingan?

DMW SEC. CACDAC: Magandang umaga, Usec. Claire, mga kasama sa Gabinete, mga stakeholders sa overseas employment. Mga estudyante sa likod, kumusta na kayo?

Well, unang-una, I think dapat patingkarin natin iyong muling pagpugay-kamay ng ating Pangulo sa ating mga mahal na OFWs. Nagbigay ulit siya ng recognition sa pride and honor na binibigay ng mga OFWs sa ating mahal na bayan. At alam natin doon sa huling SONA, iniutos na ng Pangulo iyong pagtatalaga ng mga OFW Lounge, pagaanin iyong karanasan ng pagbiyahe, gawin ang lahat para maipamalas itong tribute/parangal sa serbisyo at programa at mga pasilidad na katulad ng OFW Lounge na ginampanan ng DMW at OWWA at nakapaglingkod sa 1.2 million OFWs na dumaan doon mula noong ipinag-utos ito ng Pangulo last year. Naalala ko iyon soft launch ang plano pero nagkaroon ng emergency sa airport last year, sabi ng Pangulo ay buksan na agad para itaon doon sa emergency. So, since that time 1.2 million OFWs ang napaglingkuran ng OFW Lounge sa airport – parang business class passengers ang trato bilang parangal sa mga OFWs natin na bumibiyahe.

At karugtong nito binanggit din ng ating Pangulo iyong digitalization – nabanggit niya roon na kasama na ang mga OFW documentation doon sa eGov app na mismong inilunsad din ng Pangulo dito two weeks ago with DICT Sec. Henry. So iyon naman, ang plano doon ay itong OEC na tinatawag – Overseas Employment Certificate ay maglalaho na/mawawala kaya’t ang magiging outcome document ay iyong eTravel pass. Again, all in the name of para pagaanin iyong travel experience ng OFWs at para bilang parangal sa kanila na muling ipinahiwatig ng ating Pangulo.

Ngayon, bahagi doon sa serbisyo doon sa inyong tanong, Usec., is iyong ating AKSYON Fund na nakakadalawang Labor Day instructions na si Pangulo na patingkarin iyong AKSYON Fund which is a legal assistance fund at iyon ang tinutumbok ng katanungan at iyong binanggit ng Pangulo na mga tulong natin sa mga kaso sa abroad.

Isang example for instance, iyong death row case natin recently sa Saudi Arabia kung saan nagawan ng paraan na mapawalang-sala iyong ating OFW mula doon; iyong sa Qatar iyong recent na karanasan doon sa mga chinarge [charged] ng illegal assembly na napawalang-sala rin, na na-lift din iyong kanilang travel ban kaya’t nabanggit ang bansang Qatar doon sa SONA; and then of course dito sa UAE at sa Kuwait ay mayroon ding ginagawang paraan iyong mga lawyers natin katuwang ang DFA – mahalagang banggitin dito ang DFA Sec. Tess Lazaro at iyong mga ambassadors doon sa mga bansang nabanggit dahil nagawaan ng paraan iyong pagpapawalang-sala ng ating mga OFWs. Ang cases na kinaharap nila ay iba’t ibang kasong kriminal at mga labor cases din kung saan tinutulungan natin sila doon.

So, itong AKSYON Fund is not just a legal fund, it’s also a medical assistance fund and a financial assistance fund. Ang isang ehemplo dito mayroon tayong recent na pinauwi, stage 4 cancer, mula sa Qatar at mayroon din tayong tinutulungan na mga pasyente doon sa mga ospital binabayaran natin iyong kanilang hospital bills kapag hindi masagot ng insurance – so, example ito ng mga natutulungan ng ating AKSYON Fund na iginawad ng Kongreso at ng ating mahal na Pangulo para sa mga OFWs. 

PCO USEC. CASTRO: Yes, Sec. Hans, nabanggit ninyo po iyong 17 na OFWs natin sa Qatar na naakusahan ‘no, parang nareklamo at nakulong pansamantala for the illegal assembly kasi ito iyong pinaka-recent sa akin po kasi at that time iyong parang iyon iyong tumimo sa isipan ko na ang laki ng nagawa ng Pangulo at ng inyo pong ahensiya, Sec. Hans, para po talagang itong ating mga OFWs ay mawalan na ng kargo sa kanilang balikat.

Kumusta na po itong mga 17 po na mga OFWs na nandiyan sa Qatar? Nandudoon pa po ba sila?

DMW SEC. CACDAC: Nandoon pa sila Qatar, patuloy na naninilbihan, lifted ang travel ban and they continue serving and working for their employers in Qatar. Yes, naalala ko iyong panahon na iyon, Usec. Claire, tayo iyong nagko-coordinate at si Pangulo ang instructions niya noong panahon na iyon, napakalinaw: Kumustahin iyong kanilang welfare habang sila ay nasa detention at i-secure iyong kanilang safe release at of course, eventual lifting of their travel bans – napakahalaga din po noon kasi now they are free to travel outside of Qatar and of course resume their employment there. 

PCO USEC. CASTRO: Na-realize ba nila na dapat hindi na muling gumawa ng ganoon? 

DMW SEC. CACDAC: Yes, I think mahalaga iyong pangalawa ninyong binanggit. So, muling pagpapaalala sa ating mga mahal na OFWs na siguraduhing sumunod sa mga batas ng host governments. Alam naman natin kaya naman tanyag ang mga OFWs kasi sumusunod sila precisely sa mga batas ng host countries kaya’t munting paalala lang naman ito na ipagpatuloy lang iyong kanilang observance of host country laws, rules and regulations. And of course, I join the President in thanking the State of Qatar dito sa nagawa nilang pag-absuwelto, pagdi-dismiss ng mga kaso dito sa ating mga kababayan.

PCO USEC. CASTRO: Salamat po, Sec. Hans.

At mapunta naman tayo sa mga nakahanda ring training para sa ating mga kababayan na nais mahasa ang kanilang mga kaalaman. Sabi ng Pangulo: “Ibig sabihin nito, ang mag-aaral ng senior high school pa lang makakapili na siya kung bookkeeping, agribusiness, electrical, graphic design ang kaniyang napupusuang larangan. Napakaganda na sa senior high school pa lang ay may kakayanan nang magtrabaho.” Paki-describe nga po ito sa atin, DG Benitez, kung paano ba ito talaga mai-implement?

TESDA DG BENITEZ: Salamat, Usec. Claire. Sa totoo lang kagaya ng sinabi ni Sec. Benny, human development and education malaking bagay po ang convergence. So, dito po sa programang ito para sa senior high school unti-unti naman hong ini-embed ang TechVoc skills and training sa senior high school – pasalamat ho kami kay Secretary Sonny Angara.

Sa ngayon ang nangyayari, mayroon ho tayong assessment na ginagawa para sa mga senior high school students para mayroon na ho silang NC II or NC III man kung iyon ang gusto nila at makakapili po sila ng iba’t ibang klaseng trabaho, iba’t ibang klaseng domains ng industry. Nagbibigay po ang TESDA ng assessment at sa ngayon, in the last year mga 175,000 senior high school students na po ang na-assess at nakakuha ng kanilang NC IIs and NC IIIs.

Malaking bagay po para sa senior high school na sa ngayon, according to the surveys of industry and business, four out of five companies are willing to hire senior high school students kung mayroon ho silang certification ng kanilang skills. So, number one po is ang assessment na ginagawa po ng TESDA kasama ang DepEd ‘no; second is siyempre iyong pagpipili po ng iba’t ibang klaseng pathways na puwede pong puntahan ng ating mga mag-aaral kung ano man ang aspirasyon nila sa kanilang buhay.

So, we’re also creating the higher level NCs para malinaw po ang career progression ng ating mga mag-aaral. Kung gusto man nilang pumunta ng trabaho kaagad, nandiyan po ang TESDA’s assessment at kagaya din ho ng nasabi ni Sec. Benny, ongoing din po ang convergence ng DOLE at ng TESDA at ia-align po ng TESDA ang aming registry and training doon po sa PhilJobNet at PESO data ng Labor Market Intelligence ng DOLE. So, tinutuhug-tuhog ho namin iyan at what’s coming is galling din ho, utos din ho ng Pangulo.

Mapupunta rin po kami sa eGov platform kasama po ng PhilJobNet at ng data ng DOLE, our seamless pathways for career progression ay magiging malinaw sa ating mga mag-aaral. Simula pa lang sa senior high school hanggang kolehiyo po dapat malinaw ang mga options nila kung gusto na nilang magtrabaho, kung gusto nilang mag-upskill, kung gusto nilang magtapos depende po sa kanilang aspirasyon. Wala ho sanang pangarap ng isang batang Pilipino ang hindi makahanap ng paraan. At I think, malinaw naman dito sa—itong panel po ng mga nandito na Gabinete lahat ho kami ay may convergence. Mayroon din po tayo for overseas workers na ginagawa rin po namin ni, Sec. Hans, para again iyong seamless pathways and career progressions ng bawat Pilipino ay siguradong matugunan po ng gobyerno.

PCO USEC. CASTRO: DG Benitez, alam po ba ninyo na ang mga bisita  natin dito ay mula sa San Juan Technical Vocational  and Livelihood Senior High School. So, nandiyan, nadinig na po ninyo ang programa ng TESDA, galingan ninyo na lamang po. At baka naman mayroon  kayong gustong sabihin sa ating mga estudyante dito?

TESDA DG BENITEZ: Ang sasabihin ko na lang, I will echo iyong sinabi ni boss ko po sa TESDA Board, Secretary Benny ng DOLE. Sana naman malinaw sa inyo na in the fast changing world of work today, dapat ang ating in-imbibe ay iyong mindset po ng lifelong learning. Wala pong katapusan ang upskilling, dahil pabago-bago po ang larangan ng trabaho at dumadami at lumalawak ang mga klase ng skills na kailangan nating pagsanayan. So, sana naman, the students who are here realized na ang pagsasanay ay magdudulot ng kahusayan at mayroon tayong lifelong learning kung saan sana naman, gaya rin ng sinabi ni Sec. Benny, hindi lang trabaho kung hindi magandang trabaho ang ating makukuha.

Sa totoo lang, napakaganda na rin po ng ating unemployment rate, ang 4% po ay maliit, sisikapin nating mas paliitin pa iyan, pero sana naman ang underemployment natin ay atin ding matugunan. And so, the seamless pathway that the government is trying to create and construct is really meant to address not only the training to trabaho of unemployment, but also addressing any skills mismatch that creates underemployment. But in order to do that, sana naman iyong go through the lifelong learning process of constantly upskilling and reskilling and TESDA is here ready to ensure that the possibilities are there for you.

PCO USEC. CASTRO: Ayan ha, mga students, pakinggan.  Sa talumpati ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nabanggit niya ang paglalaan ng pondo sa libreng edukasyon. Sabi niya: “Sa susunod na taon, maglalaan pa rin tayo ng halos animnapung bilyong piso para sa libreng edukasyon sa pampublikong kolehiyo at sa Tech/Voc.”  DG. Benitez, kasama sa direktiba ng Pangulo ang libreng Tech/Voc, ano po ang tingin ninyo dito?

TESDA DG BENITEZ: Kasama po Unifast Law ang Free TVET. So, ang libre pong Tech/Voc ay kasali po doon sa bilang na 60 billion pesos sa susunod na taon. Ito rin po ay kaakibat din ng seamless pathway na ginagawa po ng TESDA at ng CHEd, para maging malinaw po na nandoon nga ang oportunidad, kasi  ang utos nga naman ng Pangulo is ang bawat pamilyang  Filipino ay dapat may isang college graduate or isang Tech/Voc graduate. So, iyon po ang ating hinahangad, kasi kailangan pong malinaw na wala pong human development potential ng Filipino ang maaksaya o hindi mabibigyan ng pagkakataon na maging productive po.

So, that is also still part of the same intention of creating as robust a seamless pathway and career progression as we possibly can.

PCO USEC. CASTRO: Magandang balita po iyan, DG Benitez. Thank you very much.

Dumako naman po tayo sa Commission of Higher Education. Ang sabi ng Pangulo: “Sa mga kasama naman sa listahan ng 4Ps, itong susunod na tatlong taon, bibigyan natin ng mataas na prayoridad ang mga anak ninyong tutuntong sa kolehiyo.” Ano po ang proseso para maging bahagi ng proyektong ito para sa kaalaman ng ating mga kababayan, Chair Agrupis?

CHED CHAIRMAN AGRUPIS: Magandang umaga po, Usec. Claire, at sa lahat ng panauhin dito at sa mga kasama ko sa entablado. Parang nag-iisa akong resource person dito na babae.

So, marami pong salamat for that question. Totoo po ang sabi ng Pangulo na kaagapay sa UniFAST Law ang pagbibigay ng libreng tuition fee at miscellaneous ay ang sinasabing tertiary education subsidy. So, ang tertiary education subsidy ay assistance ay ang financial assistance sa mga estudyante na papasok sa ating unibersidad, at kung paano ang papasok dito? You don’t need to go to a very difficult procedure because ang DSWD po ang siyang   nagbibigay ng Listahanan, dito sa loob nakikita ang mga qualified na household na sinasabi nating 4Ps. Iyon po ay pupunta sa Commission on Higher Education, bina-validate po natin ngayon and to date, iyong household natin is 16 million.

Pero ang ginagawa po namin ay nililinis ang listahan, we clean them up so that we have that number para ma-determine namin kung ilang kabataan ang puwedeng pumasok. So, to date—for 2024-2025, na-identify namin na mahigit 535,000 ang qualifiers, pero ang nabibigyan lang is more than 300,000.  So, ang mithiin ng ating Pangulo, na every single household sa Listahanan who belongs to the poorest of the poor ay sana man lang may graduate ng Tech/Voc or college, malapit na po tayo doon.

So, this 2026, binigyan nila kami ng P20 billion to sustain iyong mga ongoing 4Ps scholars natin and in order for us to accommodate around 161,000 qualifiers na nandoon sa listahan namin. Kailangan po namin ng 4.4 billion, and true to his SONA totoo po na si President, ang ating Presidente, ang ating Pangulo ay he believes in the power of education for nation building.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po for that.

At pinalakpakan din ng mga dumalo ang kaniyang SONA, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nang mabanggit niya ito, ang sabi niya:  “Kung kalidad lang din ang pag-uusapan, hindi nagpapahuli ang mga unibersidad at kolehiyo natin dito sa bansa. Mula sa 22 noong 2022, ngayong 114 na ang sa kanila ay kinikilala sa buong mundo; 60 na po nito ay public schools.” Ano po ang ginagawa natin para mapataas pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa? Nakakatuwang malaman na kinikilala ang ating mga state colleges and universities, Chair Agrupis?

CHED CHAIRMAN AGRUPIS: Yes po, ito ay isa sa mga legasiya ng ating komisyon, on top of our mandate to provide accessible, inclusive and quality education ay kinakailangan din natin itaas ang antas ng higher education sa international stage. At kaya ngayon, Usec. Claire, inanyayahan ko ang mga presidente na mga top performing higher education institution dito sa Pilipinas na silang nangunguna ngayon dito sa international ranking. Nandito ang University of the Philippines Chancellor ng UP Manila, and allow me to acknowledge them; Mariano Marcos State University of course, kung saan ako nanggaling; NVSU, Nueva Vizcaya State University at sa lahat ng aming mga kasama na nandito, Commission on higher Education, I would like to really commend the effort of CHED-IAS, the International Affairs Service, because they never stop affiliating our higher education institution to international programs. Mayroon kaming tinatawag na FLAIR (Filipino Leaders in Advancing International Reputation), so we conduct international fairs in the different regions to make it inclusive po.

Pinagsasabihan namin, we invited resource person, para po lahat, hindi lang po iyong 114 state universities and colleges, pati na rin po iyong mga more than 1,700 private higher education institution in the Philippines. Inaanyahan po namin sila, iyong mga criteria, ano iyong mga impact rankings sa international para po ma-recalibrate nila ang kanilang direksyon.

So, Ma’am Claire, as of the SONA ng President, sinasabing there are already 114 higher education institution, 60 doon ay state universities and colleges. As of July 2025, noong natapos ang world university with real impact,  we call it WURI, nagiging 171  higher education institution na po ang nari-recognize, they are judged by different criteria, innovation, renewable energy and many more. So, 171 na po over 2,000 higher education institutions.

So, ang objective po ng higher education institution ay gagawin namin, iaantas kasi po wala dapat ang maiiwan. So, patibayin namin ang aming programa sa international affair services para po lahat ng mga nasa laylayan ng higher education institution ay tataas din at makilala sa international stage.

PCO USEC. CASTRO: Ayan, napakagandang balita niyan, kaya kapag ang liderato ay aksyon, aksyon marami talagang mararating.

At nabanggit ng Pangulo ang isa pang uri ng scholarship na ipapamahagi sa ating mga mag-aaral. Ang sabi niya: “At bilang natatanging pagkilala, gagawaran natin ng Presidential Merits Scholarship ang mga high school graduate na makakakuha ng mataas ng honor.” Chair Agrupis, maaari ninyo po ba kaming bigyan ng detalye tungkol dito sa naging pahayag ng Pangulo?

CHED CHAIR AGRUPIS: Yes po, totoo iyon and this is a manifestation that our beloved President means business. He wants to implement every single provision of the Free Higher Education Law. Ang ating Free Higher Education Law kasi po nagpo-provide ng tertiary education subsidy, ang target po ay poorest of the poor. So, nasaan ang mga anak ng mga middle class, iyong mga salaried family? They don’t belong to poorest of the poor, but they are not capable enough to send their children to their ‘choice school’ para matupad ang kanilang ambisyon.

So, we made—ito ay upon the idea naman ng ating Presidente at ito’y hindi ginawang mag-isa ng CHEd, this is in full consultation with my partner here, Secretary Benitez and of course DepEd Sec. Sonny, and of course EDCOM 2, kami po’y naglatag ng mga ideas sa isang table and we came up with this Presidential Merit Scholarship, we call it ‘Triple A’ scholarship. Now, we are going to target the best of the best in the 12,000 senior high school in the Philippines.

Bakit po Triple A? Because we are giving them the privilege to follow their pangarap nila, and one qualification hindi ka lang magaling kung hindi willing ka na mag-enroll sa mga hard to fill in na program tulad ng health, agriculture, fishery, digital, artificial intelligence. Kasi po ito ay mga kailangan natin sa workforce, bibihira po ang nag-e-enroll dahil po kung wala man sa regional schools ay nandoon sa mga pribadong unibersidad. Kaya po iyong Presidential Merit Scholarship kahit saang eskuwela ka, pribado or gobyerno or government universities basta nandoon ang iyong gusto at natanggap ka sa paaralan na ito, tutustusan po ng gobyerno. That will solve and supply the critical mass of the human capital.

PCO USEC. CASTRO: Thank you for that, Chair Agrupis. So, sa mga estudyante ha, pag-aano nagbibilin na nanay, mag-aral ha.

So, muli asahan po ninyo ito na hindi gagawing sukatan ng galing ninyo or ng performance ninyo ang dami lamang ng estudyante na inyong ipinapasa, kung hindi ang dami ng mag-aaral na inyong pinapahusay at pinapataas ang ambisyon sa buhay,” iyan po ang sinabi ng Pangulo sa SONA. Secretary Angara, ano po ba ang konteksto ng pahayag na ito?

DEPED SEC. ANGARA: Alam mo malalim, Usec. Claire, malalim ang pang-unawa ng ating Pangulo sa mga suliranin ng sektor ng edukasyon, ng sektor ng trabaho. Kaya bagama’t ang instruction niya po sa amin solusyunan ninyo ang pang-araw araw na problema, malalim din ang kaniyang solusyon na binibigay, na sabi niya ‘we’re not building for today, we’re not building for the present, we’re building for tomorrow’. Eh sa edukasyon you do not see result in one year, in two years, in three years, you will see it over decades actually. A good education policy will produced result over decades, kasi long brewing iyan eh, ‘di ba. Niluluto pa iyan and it’s—you can’t do it within the length of one presidency, alam ng Pangulo iyan.

Kaya alam niya, importanteng magtanim tayo ng maraming binhi para malalim po, the roots—it will root and the results will be a felt for many generations, iyon ang kagandahan. Kaya ang emphasis po, I’ve never heard a SONA that dwelt so much on education that gave so many details, that shows the depth of understanding of our President on the problems. It’s not a cosmetic, it’s not artificial understanding of the problems, it’s a real deep understanding and it comes from felt need to provide solution for our youth.

PCO USEC. CASTRO: Totoo po iyan Sec. Sonny, kasi kapag kayo gumaradweyt (graduate) hindi lang dahil naka-graduate kayo, dapat gumaradweyt kayo ng magaling, nakapagtapos kayo ng magaling.

Okay, ngayon naman po ay dapuan natin ang mga katanungan mula sa ating mga kaibigan sa media. Okay, Sec. Sonny, ano iyong concrete plan in case may bagyo kagaya noong nangyari last week para maiwasan ang learning loss? Ito’y galing kay Bella Cariaso ng Philippine Star.

DEPED SEC. ANGARA: Salamat, Bella, and nagko-cover po sa atin iyan. Finding nga po ng EDCOM, nandito sila Director, mga resource persons namin, na dumarami na po iyong ‘days of learning loss’ dahil sa climate change. So, there are many instances where children are at home, itong nakaraang linggo, buong linggo nasa bahay po ang ating mga anak. So, anong ginawa natin? Iyong alternative delivery mechanism ng ating educational system, may modules po tayo, may learning sheet ho tayo. But in the end I think we need to go further and provide books, actual books to our student especially ang gusto ng ating Pangulo, mag-focus naman tayo doon sa foundational learning, kasi nakikita natin iyong poor results later on iyong nirireklamo ng mga kumpanya ay naka-base po iyon sa early learning, foundational learning.

So, iyon tinatawag na Key Stage 1, iyong kinder to grade three diyan nabubuo talaga iyong literacy, iyong numeracy kaya binanggit din ng ating mahal na Pangulo sa kaniyang talumpati Usec. Claire, iyong pagbibigay ng early Childcare centers at Daycare center sa buong bansa, with a focus on the poorest municipalities, dahil doon hindi sila nakakatayo. Alam natin iyong mga likes of San Juan, the likes of Makati, Quezon City magaganda po ang patakbo niyan pagdating Daycare centers nila, very professional, may trainings ang kanilang daycare workers. Pero doon sa mga liblib na lugar sa Mindanao, sa Visayas, sa mga isla, sa mga bundok ay wala silang daycare center doon.

Kaya pumasok na po ang national government, bagamat ang nakalagay sa batas, mga local government ang responsible diyan. Sabi ng Pangulo: “Hindi natin puwedeng antayin na magkaroon ng salapi ang ating mga poor municipalities, pasukan na po natin at tulungan na po natin sila, iangat na natin ang antas ng edukasyon ng ating mga kabataan.”

PCO USEC. CASTRO: Okay, thank you. Muli kay Sec. Sonny: Noong mga nakaraang buwan na-discover ninyo po iyong worth na parang 65 million peso worth ng mga na-recover or what—about the ghost students?

DEPED SEC. ANGARA: Yes, iyong sa voucher, sa voucher system po.

PCO USEC. CASTRO: Voucher, ghost students noong nakaraang liderato ng DepEd, ano na po ang mangyayari doon sa pondo na na-discover ninyo, at least na-recover?

DEPED SEC. ANGARA: Opo, nag-file na po kami ng kaso hindi lang civil para ma-recover po iyong bayad, pati kriminal para maturuan na rin ng leksiyon na iyong sistema hindi dapat pinaglalaruan dahil mataas ang halaga ng pinag-uusapan dito, hindi iyong halaga ng pera, pero iyong halaga ng nawawala sa nararapat na dapat tumanggap ng voucher na ito, ito ay kanilang—future ng mga kabataan natin.

At iyong voucher system natin, halos 50 billion pesos na at hindi lang sa mga public schools iyan. Itong voucher na ito ay para sa ating pribadong eskuwelahan. At dagdag ko na rin, nais ng ating Pangulo na hindi maiwan ang mga teachers dahil ang reklamo ng mga private schools, tumataas ang suweldo ng mga public school teachers, hindi sila nakakasabay, na napa-pirate iyong kanilang mga teachers. Kaya ang nais ng ating Pangulo, iyong matagal nang hiling ng ating private schools na itaas iyong teacher’s subsidy na binibigay na dati P18,000, gawin nang P24,000 – magiging totoo na iyan sa darating na 2026 budget sa pamumuno at direksiyon ng ating Pangulo.

PCO USEC. CASTRO: Mag-follow up po ako doon. Buti na-discover ninyo po agad ito, kasi 65 million pesos ang nakataya dito.

DEPED SEC. ANGARA: Hindi lang 65, parang mas malaki pa yata, Usec. Claire.

PCO USEC. CASTRO: Ah, mas malaki pa po?

DEPED SEC. ANGARA: Oo, parang nasa 100 na yata eh. So, talagang… kami, continuous ang ating investigation diyan at paano palakasin iyong sistema para wala nang makakadaya nito dahil hindi po maganda na itong mga programa na sa ating kabataan ay iyon ay pinaglalaruan lang o hindi siniseryoso ng ibang institusyon.

PCO USEC. CASTRO: So, thank God at kayo’y napuwesto bilang DepEd Secretary.

DEPED SEC. ANGARA: Salamat ha, mayroon tayong Pangulo na nagpapahalaga sa edukasyon. Lahat po kami ay united diyan sa aming sentimyento, Usec. Claire.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po.

At sa lahat ng nagbigay ng katanungan mula sa media, maraming-maraming salamat po sa inyo. At siyempre po, mayroon din pong mga katanungan mula sa mga mag-aaral na nandito ngayon sa auditorium.

Pero ang una nating katanungan ay hindi manggagaling sa estudyante kung hindi sa teacher, okay. Kay Ma’am Benny Atienza, nasaan si ma’am? “Nag-implement kami ng strengthened senior high school, nag-adjust ng mga core subjects, kailan po ba or mayroon na po bang ibinigay na textbook or supplementary materials na maaaring gamitin ng mga bata sa bagong subjects?”

DEPED SEC. ANGARA: Ah, wala pa po dahil iyong implementation ng bagong senior high school curriculum, dapat next year pa iyon. Pero dahil nagmamadali po ang ating Pangulo at gusto niya maganda iyong curriculum ng ating mga senior highs school students, pinauna namin iyong pilot this year. So, ang undergoing, that is 900 – mayroon ho tayong mga workbooks na binigay sa atin pero it’s too late to print the books, hindi aabot sa oras, at dahil developing pa po iyong curriculum/iyong programa, nag-aantay kami ng feedback from the 900 pilot schools.

We will do that in the future pero iyong importante, na-decongest natin. Sabi nga ng Pangulo, dapat naka-focus tayo at dapat binibigyan natin ng importansiya iyong gusto ng bata, kung ano ang gusto niyang pasukan. At dahil we’re in the age of artificial intelligence, we don’t know what skills will be important in the future. The skills of the past may not be the skills that are important in the future, ‘di ba? Sabi nila STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), tayo STEAM (Science, Technology, Engineering, Arts and Mathematics) – science, technology, engineering – pero in the future Humanities may become increasingly important again because artificial intelligence takes care of all technical information and data.

So iyon, dapat medyo open – we must learn to live with uncertainty and give… make children empower to make their own choices. We don’t have to do those choices for them in this kind of world ‘no.

PCO USEC. CASTRO: Tama ang Pangulo kasi doon sa Bagong Pilipinas ni-launch niya na bawal ang tamad, bawal ang makupad. So, ibig sabihin, gusto agad ito ipa-implement ng Pangulo pero mayroon na po tayong 9 pilot schools—

DEPED SEC. ANGARA: Nine hundred, 900 po all over the country.

PCO USEC. CASTRO: Ah, nine hundred. Yes, so most probably ang San Juan by next year mayroon na – San Juan Tech-Voc and Livelihood Senior High School.

DEPED SEC. ANGARA: Malamang marami dito sa San Juan dahil maraming mga mahusay na private school. Ako, I studied here in San Juan, sa Xavier po so there are many outstanding schools in San Juan, in Metro Manila. Pero all over the country, may pilot schools tayo sa senior high school and we’ve been working in coordination with TESDA, sila iyong nag-a-assess doon sa ating technical-vocation na magiging… tatawagin na po nating “tech bro” – at diyan may options, iyong binanggit na quote ni Presidente na puwedeng graphic design, puwedeng electrical.

Iyan ay pinatotohanan ni Sec. Kiko at saka nila Chair Shirley, Sec. Benny, Sec. Hans para talagang quality jobs iyong makukuha. Hindi lang iyong minimum wage jobs but quality jobs to address the longstanding problems of unemployment at saka iyong tinatawag na middle income track ‘di ba. Bakit hindi nakakaangat ang mga bansa? Kasi hindi nila tinitingnan iyong kalidad noong mga trabaho sa kanilang bansa.

PCO USEC. CASTRO: Iyon. Actually ‘no, trivia lang ng kaunti. Noong bata ako siguro kung may ganito, kukunin ko siguro na tech-voc na course siguro ay iyong pagiging cartoonist. Gusto kong gumawa ng komiks eh. Gusto kong i-revive iyong komiks.

TESDA DIR. GEN. BENITEZ: Mayroon ho kami, puwede pa.

PCO USEC. CASTRO: Puwede pa po ba ako kahit lawyer po ako?

TESDA DIR. GEN. BENITEZ: Lifelong learning po tayo. Puwedeng, puwede pa!

PCO USEC. CASTRO: Opo, and malay mapunta ako sa movie ng Disney ‘di ba, Pixar. Anyway—o, Ma’am Benny, okay na po ba?

Well ito po, mula sa estudyante, kay Precious Tammy Dañas(?)—nasaan si Precious? “Para sa mga nakapagtapos ng senior high school na balak magtrabaho, paano maiiwasan ang job mismatch sa natapos na strand or track?” Sino kaya puwede sumagot po nito?

TESDA DIR. GEN. BENITEZ: Depende po iyan ‘no. Ang ginagawa ngayon ng TESDA and this is a little bit more technical, gumagawa po kami ng skills framework para makita po sa anong job, ano ang mga skills at tasks na kailangan nilang gampanan and the training that TESDA provides, actually shows the matching ‘no. Kung may mismatch man ho kayo, mayroon ho kaming tinatawag ngayon na micro-credentials, kasi kadalasan ang mismatch ninyo ay maliit lang ‘no. So, TESDA is creating micro-credential courses to help address the mismatch in the shortest span of time.

So, ang micro-credential ho depende sa competency na hinahanap – puwede pong apat na oras lang ‘no, puwede pong isang linggo, isang linggo’t kalahati.

Para po matugunan din natin ang tinatawag natin na near-hires problem ‘no—again, pasalamat ho tayo sa Pangulo, ay dinagdagan po ang budget ng TESDA specific for micro-credentials for near-hires precisely to address this very concern. Mayroon na ho ngayon this year at may dagdag pa ho for next year.

DOLE SEC. LAGUESMA: Dagdagan ko lang, Usec. Claire. Dagdagan ko lang iyong binanggit ni Sec. Kiko. Alam mo po, iyong usapin ng—matagal na po iyang usapin, iyong job skills mismatch pero mayroon ding geographical mismatch kasi. Sa isang rehiyon, maraming ganitong klaseng nakapagtapos, wala naman doon iyong trabaho, nasa ibang rehiyon. Sinasama po iyon, iyong tinatawag natin na mapping para makita po natin, magabayan hindi lamang po siguro ang mga mag-aaral pati po ang mga paaralan ‘no.

Kasi mayroon ding programa ang DOLE, iyong Job Placement Office sa mga unibersidad ‘no. Kasama diyan, ka-partner namin ang University of the Philippines upang asikasuhin din iyong concern ng kanilang mga nagsipagtapos ‘no. Bukod diyan, mayroon po tayong tinatawag na Trabaho Para sa Bayan Plan na kung saan mayroon pong interagency council na binubuo po hindi lamang ng mga kinatawan ng atin pong pamahalaan ‘no – ang atin pong chair diyan ay ang DEPDev na dating NEDA, vice chairperson po ang DOLE at DTI, bahagi din po diyan ang DILG, ang DOF, DBM, ang TESDA; at ang pinakamahalaga, bahagi po ng nasabing council, kinatawan ng mga manggagawa, kinatawan ng mga namumuhunan pati po ang vulnerable at informal sector.

Iyon ho iyong sinasabi ng atin Pangulo lagi, whole-of-society approach, whole-of-government approach dahil kung magtutulung-tulong po at—kami po kasi sa DOLE, ang napakatibay po na batayan ng aming mga ginagawa ay iyon pong prinsipyo ng konsultasyon, tripartism, dialogue ‘no. At the end of the day, mayroon po kaming nabuo na sumunod po naman iyan sa Philippine Development Plan 2023-2028, iyon po ‘yung Labor and Employment Plan 2023-2028 – ito po iyong core ng Trabaho Para sa Bayan Plan na tumatagos ng sampung taon ‘no.

Bakit sampung taon? Kasi para makita po natin ano po iyong mga kaganapan dahil mayroon din pong oversight committee ang nasabing plano ng DOLE at nabuo po iyan—hindi po iyan government document, iyan po ay tripartite document. May bahagi po ang mga manggagawa, kinatawan nila, at atin pong mga namumuhunan dahil napakahalaga po ng konsultasyon para sa amin.

So, ito po, tulung-tulong ‘no. At iyon pong nasabing council, mayroon pong mga partisipasyon ang mga sektor na may kinalaman sa iba’t ibang mga industriya, bahagi po sila ng working group nang sa ganoon ay matiyak natin sa pagbabalangkas ng mga hakbangin, mga gawain, lagi pong may input ang ating pribadong sektor. At the end of the day, ang gobyerno po ay … ang kaniyang tungkulin ay mag-create ng enabling environment, conducive to investment and attracting more investment. So, iyan po, para sa kapakinabangan ng mga manggagawa at ng mga namumuhunan.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sec. Benny. Chair Agrupis?

CHED CHAIRPERSON AGRUPIS: Yes po, gusto ko lang i-echo iyong pathways na sinasabi ng ating secretary ng TESDA. Sa higher education naman po, we already intensified our academia industry partnership because we value the feedback of our industry who are the recipient of our graduates. We also intensify our government to government partnership para po malaman namin, so we are doing gap analysis for that matter so we develop a micro-credential pathways with equivalency sa mga degree programs na ino-offer namin.

And noong June 9 or a week after my oath-taking, ang ating mahal na Pangulo ay ni-launch niya ang sinasabing ETEEAP program, the Expanded Tertiary Education Equivalency Program na kung hindi nakatapos at matagal ka nang nagtatrabaho ay binibigyan na ng equivalency ang unit na iyon para mabigyan ka ng corresponding degree program.

PCO USEC. CASTRO: Maganda po iyan, iyang batas po na ETEEAP. Kasi po iyong matagal nang nakapagtrabaho na, may skills na sila eh, at least ma-credit iyon para sa kanilang academic merits. Thank you po for that.

At ito po, huling tanong na po mula kay Anthony Castillo—nasaan si Anthony? Ayun, Anthony. Mabigat po ang tanong niya pero huwag kayong matakot. Ganito po, mukhang dapat kay Sec. Sonny ito: Para po sa inyo, paano ninyo po mas maiengganyo ang mga kabataan na nasa liblib na lugar upang tapusin ang kanilang pag-aaral?

DEPED SEC. ANGARA: Magandang tanong po iyan. First of all, you have to make education engaging and fun, kapag nag-i-enjoy po ang bata, papasok ho siya. And it’s proven na maraming pag-aaral na technology is engaging for—technology will not necessarily make a person more intelligent. But if a person is present in the classroom, kapag nandoon ang presensiya niya at siya ay engaged, at saka iyong teacher hindi … tulad ng sinabi ng Pangulo, kapag nakakapag-concentrate siya sa pagturo ay maganda iyong relasyon ng teacher. Nakikita niya kapag may mahinang estudyante, nabibigyan niya ng atensiyon iyon.

So, iyon iyong mga factors na talagang detalye na nakikita ng ating mahal na Presidente, at sinabi niya, i-address natin iyan sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga estudyante, sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga teachers. Kaya iyong reports ng mga teachers natin, sinabi ng Presidente, binawasan na natin. I think, 50 to 60% ng reports na ginagawa, tinanggal na nila at ginawang digital na rin iyong pag-submit. Kaya kahit nasa Mindanao siya, nasa dulo ng Palawan, nasa Coron, puwede niyang i-submit iyong mga reports sa division office, sa regional office. Hindi niya na kailangang magbiyahe, talagang naka-concentrate doon siya sa function niya sa pagturo, imparting knowledge to our learners.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sec. Sonny.

Maraming salamat din sa ating mga mag-aaral na nagbigay ng kanilang mga katanungan. At bilang pagsasara sa unang sesyon ng araw na ito, nais ko pong itanong sa ating mga panelist: Ano ang aasahan ng taumbayan sa administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. upang mas mapaganda at maiangat ang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng bagong Pilipinas? Very briefly po, kumpletuhin ninyo po ang pangungusap: Sa isang Bagong Pilipinas ____. Unahin po natin si Sec. Sonny.

DEPED SEC. ANGARA: Salamat, Usec. Claire. Sa isang Bagong Pilipinas, ang educational system ay bukas para sa lahat at binibigyan ng maraming oportunidad ang lahat ng Pilipino – matanda, bata. Tulad ng sinabi nila, may upskilling, may reskilling – you are never too old to learn; and you are never too poor, there are always options for you. There are scholarships programs, there are assistance programs. At ang gusto ng Pangulo ay talagang dekalidad na edukasyon at dekalidad na trabaho.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sec. Sonny. Sec. Benny?

DOLE SEC. LAGUESMA: Sa isang Bagong Pilipinas, paglilingkod at serbisyong maayos, matapat, mabilis, walang bahid at inklusibo, maaasahan ng mamamayang Pilipino mula sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo. Maraming salamat.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sec. Benny. Sec. Hans?

DMW SEC. CACDAC: Yes, sa Bagong Pilipinas, magpapatuloy ang ating parangal at pagbibigay-pugay sa mga OFWs sa pamamagitan ng mga programang tagos sa kanilang puso at diwa sa pamamagitan ng mga proseso na magpapaginhawa sa kanilang pagbibiyahe, pag-uukol ng karagdagang panahon para sa kanilang pamilya para mas mabilis ang ating proseso ‘no, para ang kanilang bakasyon ay lalong guminhawa.

And then, of course, ang welfare at proteksiyon; ang ating pagbibigay pagdepensa sa karapatan ng ating mga OFWs, pagbibigay ng medical assistance lalo na doon sa talagang nangangailangan ng tulong pinansiyal in terms sa pagbayad ng hospital bills at pagpapagamot. And then, of course, doon sa mga nasa emergency situations, doon sa mga nasa gitna ng sigalot at digmaan at problema sa mga kasong ligal, tutulungan din po namin kayo.

At last na lang, iyong ating espesyal na instruction ng Pangulo, tulungan din ang OFW families, including OFW children, kaya’t katuwang natin ang OWWA sa pagpapalawig ng mga programa na magpapalakas ng mga … magbibigay ng serbisyo, values formation, ating mga arts and recreational activities para sa mga OFW children and, of course, iyong scholarships. Ang performance ng OWWA sa scholarships ay nadagdagan ng 100 to 200 percent. So, ipagpapatuloy sa Bagong Pilipinas, marangal at serbisyo sa OFWs, sa kanilang pamilya lalo na sa mga anak ng OFWs.

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, Sec. Hans. At thank you na rin po kay OWWA Admin PY Caunan.

DMW SEC. CACDAC: Yes, of course, through our dear Administrator PY Caunan ng OWWA.

PCO USEC. CASTRO: And Sec. Agrupis?

CHED CHAIRPERSON AGRUPIS: Sa Bagong Pilipinas ay binubuo ng matatag na workforce sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon.

PCO USEC. CASTRO: Thank you for that. And, of course, DG Benitez?

TESDA DG BENITEZ: Sa Bagong Pilipinas, ang hangarin at panaginip ng bawat Pilipino ay mabibigyan ng paraan para silang lahat ay magiging productive at sama-sama na iangat hindi lang ang kanilang sariling kapakanan, kanilang mga pamilya kung hindi ang ating bayan.

PCO USEC. CASTRO: Salamat for that.

Dekalidad at mas abot-kamay na edukasyon at proteksiyon ng manggagawang Pilipino, ito ang Bagong Pilipinas.

Maraming salamat po at magbabalik po kami mamayang alas dos ng tanghali para sa susunod na session para sa infrastructure development and energy cluster.

Ako po si Undersecretary Claire Castro, at ito ang 2025 Post-SONA Discussions. Maraming salamat.

 

###