Photos
PBBM assures fellow leaders of ASEAN member states
Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang leaders-level plenary session ng ASEAN-EU Commemorative Summit, isang pagdiriwang para sa ika-45 na taon ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng ASEAN at EU bilang strategic partners. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo ang pagtutulungan ng dalawang organisasyon sa pagtugon sa pagbabago ng klima, pagpapatibay ng kooperasyong pangkaragatan, at pagpapasigla ng ekonomiya ng mga rehiyon.
Sa sidelines ng ASEAN-EU Commemorative Summit, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang PH-EU Business Roundtables kung saan kanyang hinikayat ang mga negosyante sa Europa na mamumuhunan sa Pilipinas. Ibinida ni PBBM ang number one asset ng bansa, ang ating labor force at binigyang-diin ang kakayahan at husay ng mga Pinoy lalo na sa wikang Ingles. Sinigurado din ng Pangulo na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat upang mas mapadali ang pagnenegosyo ng mga dayuhang negosyante sa bansa.
Nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at Estonian Prime Minister Kaja Kallas nitong Miyerkules, kung saan napagkasunduan ang pagpapatibay ng kooperasyon ng Pilipinas at Estonia sa larangan ng cybersecurity at e-governance. Kaugnay nito, inimbita ni Estonian PM Kallas si PBBM at ang delegasyon ng Pilipinas na bumisita sa kanilang bansa upang maibahagi ang kanilang mga stratehiya ukol sa digitalisasyon ng mga proseso sa kanilang pamahalaan at mga hakbang laban sa cyberattacks.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang delegasyon ng Pilipinas ngayong araw, Disyembre 14, ang pakikipagpulong sa mga top officials ng apat na malalaking multinational companies sa Europa para pag-usapan ang posibilidad na pamumuhunan sa bansa. Ito ay ang kumpanya ng Unilever ng United Kingdom; Ocea, isang shipbuilding company ng France; Acciona, isang Spanish multinational conglomerate sa construction industy; at Semmaris, isang multi utilities company mula sa France.
Dumating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang iba pang mga lider ng mga bansang kalahok sa ika-10 na ASEAN-EU Business Summit sa Belgium ngayong ika-13 ng Disyembre.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Brussels Airport Chief Executive Officer (CEO) Arnaud Feist sa sidelines ng ASEAN-EU Union Commemorative Summit sa Belgium.
Kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kababayan natin sa Belgium at Luxembourg bilang bahagi ng kanyang pagdalo sa ASEAN-European Union Commemorative Summit sa Brussels.
President Ferdinand R. Marcos Jr. departed for Brussels, Belgium on Sunday night, where he is set to push for Philippine priorities, particularly trade, maritime cooperation and climate action at the Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Summit.