Photos
Bago bumalik ng bansa, humarap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng Philippine media delegation ngayong araw, Enero 5, sa siyudad ng Beijing sa pagtatapos ng kanyang tatlong araw na official state visit sa People's Republic of China. Ibinahagi ng Pangulo na naging produktibo at matagumpay ang state visit na ito bilang pagkakataon na buksan muli ang bagong kabanata ng matibay na relasyon ng Pilipinas at China sa ilalim ng kanyang administrasyon. Napag-usapan din sa panayam ang pagpapalakas ng koordinasyon at komunikasyon sa West Philippine Sea sa pagitan ng dalawang bansa.
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang roundtable meeting kasama ang mga negosyante sa industriya ng nickel processing at e-vehicles. Hinikayat ng Pangulo ang mga ito na mamuhunan sa Pilipinas lalo na sa industriya ng pagmimina at manufacturing ng baterya at kagamitan para sa pagbuo ng e-vehicles.
Inihayag din ng Pangulo ang suporta ng Pilipinas sa paggamit ng green technology.
Sa kanyang pagharap sa mga negosyante sa sektor ng renewable energy, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hangarin ng Pilipinas tungo sa makakalikasan at tuloy-tuloy na pag-unlad sa mga darating na taon.
Nagpasalamat ang Pangulo sa top officials ng mga kumpanyang naimbitahan sa pulong at inihayag ang buong suporta ng pamahalaan sa pamumuhunan nila sa Pilipinas kaagapay ang mga reporma na inilatag ng economic managers ng administrasyon ni PBBM sa unang anim na buwan.
Nakipagpulong ngayong Huwebes ng umaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga pinuno ng mga kumpanya sa sektor ng agribusiness bilang bahagi ng kanyang state visit sa People’s Republic of China.
Ibinahagi ni PBBM sa Chinese businessmen na ang sektor ng agrikultura ang pangunahing istratehiya ng kanyang administrasyon para sa pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemya. Nagpasalamat din ang Pangulo sa mga dumalo sa pulong at sa kanilang ipinakitang interes sa pakikipagnegosyo at pagpapabuti sa industriya ng agrikultura.
Inimbita rin ni Pangulong Marcos ang pamumuhunan ng mga kumpanya sa Tsina sa industriya ng coconut, durian, fertilizer, at livestock ngayong may mga kasunduang napirmahan na sa ilan sa mga ito.
Nagkasundo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping na palalimin ang kooperasyon ng Pilipinas at China sa naganap na bilateral meeting kahapon, Enero 4.
Napag-usapan ang pagpapatibay ng relasyon sa larangan ng ekonomiya, agrikultura, enerhiya, edukasyon, imprastraktura, kultura, at turismo.
Kasama rin sa makabuluhang talakayan ang pagpapatuloy ng pagbubuklod ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sa isang welcome ceremony, nakatanggap ng mainit na pagsalubong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos mula kay Chinese President Xi Jinping at First Lady Peng Liyuan kalakip ng state visit sa China. Pinakilala din ng dalawang pangulo ang kanilang mga gabinete at delegasyon.
The Philippines and China should build a strong partnership as they face multiple challenges in the future, President Ferdinand R. Marcos Jr. said during his meeting with Chinese Premier Li Kequiang on Wednesday.