Photos
Sa hapunan na inorganisa ng mga Japanese financial groups para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at delegasyon ng Pilipinas, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang tiwala sa mga bagong proyektong pagtutulungan ng Pilipinas at Japan sa iba’t ibang sektor. Ipinagmalaki ni PBBM ang ekonomiya ng bansa na nangunguna sa rehiyon ng Asia-Pacific. Umaasa rin siya sa mga proyektong masisimulan mula sa mga pagpupulong, kabilang ang paglilinang sa larangan ng animation at game development kung saan pinakakilala ang Japan.


Sa ginanap na Philippine Business Opportunities Forum sa Tokyo, Japan ngayong ika-10 ng Pebrero, inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga negosyanteng Hapon ang kakayahan ng Pilipinas sa pakikipagnegosyo. Inihayag ni PBBM na ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya, pinadaling proseso ng pamumuhunan, at pagtatayo ng imprastruktura ang mga pangunahing dahilan para maging bukas ang bansa sa maraming oportunidad. Pinasalamatan din ni PBBM ang pakikipagtulungan ng Japan para maisakatuparan ang mga malalaking proyekto ng bansa sa iba’t ibang sektor tulad ng transportasyon.


Nagkaroon ng pulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tokyo Gas Co. Ltd. na pinangunahan ni CEO Takashi Uchida kung saan pinasalamatan ng Pangulo ang investment nitong liquefied natural gas (LNG) na makakadagdag sa pangangailangan ng bansa sa enerhiya. Inilahad din ni PBBM ang plano ng kanyang administrasyon na mas palawakin pa ang paggamit ng renewable energy sa bansa.


Sa pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japan International Cooperation Agency (JICA) President Dr. Tanaka Akihiko nitong Biyernes, siniguro ng JICA na patuloy nitong susuportahan ang Pilipinas sa mga proyekto nitong nakapokus sa pagpapaunlad ng bansa. Ang JICA ay ang pinakamalaking bilateral aid agency sa mundo at isa din sa nangungunang partner ng Pilipinas pagdating sa socioeconomic development.


Nakibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang high-power luncheon at networking event na inorganisa ng mga nangungunang organisasyon sa pagnenegosyo sa Japan bilang bahagi ng kanyang opisyal na pagbisita sa bansa. Ipinahayag ni PBBM sa kanyang talumpati ang pasasalamat na makabilang sa luncheon kasama ang mga lider sa pagnenegosyo. Ibinahagi rin niya ang mga oportunidad na natanggap ng Pilipinas sa mga naunang ginanap na pagpupulong. Umaasa si PBBM sa mga bagong pagtutulungan na mabubuo sa mga talakayan ay patuloy pang lumago.


Nasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda ng 35 na Letters of Intent/Agreement sa pagitan ng Japan at Pilipinas ngayong araw, Pebrero 9, sa Tokyo, Japan. Nagpaabot ng pasasalamat si PBBM sa pamahalaan ng Japan at mga business leaders doon sa kanilang kumpiyansa na mag-negosyo sa Pilipinas at palawakin pa ang kanilang operasyon na makatutulong sa pagkakaroon ng mas marami pang trabaho sa bansa. Kabilang sa mga industriya na kasama sa mga kasunduan ay ang manufacturing, imprastraktura, enerhiya, transportasyon, healthcare, renewable energy, pagpapalawak ng negosyo, at iba pa.


The Philippines and Japan have further “broadened” and “deepened” ties with the signing of seven key agreements witnessed by President Ferdinand R. Marcos Jr. and Prime Minister Fumio Kishida in Tokyo on Thursday.


Japan will provide “dynamic support” in helping a long-time-ally, the Philippines, attain upper Middle Income Country (UMIC) status by 2025 while supporting the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. in a wide range of areas of cooperation.


A Japanese power generation company on Thursday assured the Philippine government of stable supply of liquefied natural gas (LNG) to support the economic growth of the country.