Photos

PBBM gets assurance from Japanese shipowners of continuous hiring of Filipino seafarers
Japanese shipping companies assured President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday that they will continue to hire Filipino seafarers to man their vessels as they thanked the Philippine government for supporting initiatives to improve the skills and expertise of the country’s sea-based laborers.

Patungo na ng Japan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 8, kasama si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at ang delegasyon ng Pilipinas para sa kaniyang limang araw na official visit sa imbitasyon din ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio. Inihayag ni PBBM na isusulong niya ang interes ng bansa bilang magandang destinasyon ng pamumuhunan, pagpapatibay ng relasyong Pilipinas-Japan, at pagpirma ng iba't ibang kasunduan na sasaklaw sa mas malalim na ugnayan ng depensa, seguridad, pampulitika, ekonomiya at mga kooperasyon sa iba't ibang sektor.

Nagsagawa ng dalawang magkasunod na press briefing ang Presidential Communications Office ngayong unang araw ng Pebrero kasama ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP). Tinalakay ni Asec. Neal Imperial ng DFA Office of Asian and Pacific Affairs ang opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo at ang ilang mahahalagang aktibidad ng delegasyon ng bansa roon. Ibinahagi naman nina DILG Sec. Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. at PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang bagong update na bubuo sa 5-man committee na magsasala sa courtesy resignation ng mga opisyal ng pulisya bilang bahagi ng paglilinis ng kanilang hanay.