Photos

PBBM meeting and dinner with Japan Financial Institutions
Sa hapunan na inorganisa ng mga Japanese financial groups para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at delegasyon ng Pilipinas, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang tiwala sa mga bagong proyektong pagtutulungan ng Pilipinas at Japan sa iba’t ibang sektor. Ipinagmalaki ni PBBM ang ekonomiya ng bansa na nangunguna sa rehiyon ng Asia-Pacific. Umaasa rin siya sa mga proyektong masisimulan mula sa mga pagpupulong, kabilang ang paglilinang sa larangan ng animation at game development kung saan pinakakilala ang Japan.

Patungo na ng Japan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Pebrero 8, kasama si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at ang delegasyon ng Pilipinas para sa kaniyang limang araw na official visit sa imbitasyon din ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio. Inihayag ni PBBM na isusulong niya ang interes ng bansa bilang magandang destinasyon ng pamumuhunan, pagpapatibay ng relasyong Pilipinas-Japan, at pagpirma ng iba't ibang kasunduan na sasaklaw sa mas malalim na ugnayan ng depensa, seguridad, pampulitika, ekonomiya at mga kooperasyon sa iba't ibang sektor.

Nagsagawa ng dalawang magkasunod na press briefing ang Presidential Communications Office ngayong unang araw ng Pebrero kasama ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP). Tinalakay ni Asec. Neal Imperial ng DFA Office of Asian and Pacific Affairs ang opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo at ang ilang mahahalagang aktibidad ng delegasyon ng bansa roon. Ibinahagi naman nina DILG Sec. Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. at PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang bagong update na bubuo sa 5-man committee na magsasala sa courtesy resignation ng mga opisyal ng pulisya bilang bahagi ng paglilinis ng kanilang hanay.