Photos

PBBM launches the Kadiwa ng Pangulo in San Jose del Monte City, Bulacan
Malugod na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ayon sa Pangulo, layunin ng pamahalaan na pagtibayin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga maliliit na negosyo. Ibinahagi din ni PBBM na patuloy ang suplay ng mga produktong ibinibenta sa KNP para makapamili ang lahat. Sa ngayon, mayroon nang mahigit Php 415 milyon na kita ang nasabing proyekto na napapakinabangan na ng lagpas 1 milyon na magsasaka at 26,000 na mga mangingisda.