Interview

Interview with Former President Gloria Macapagal Arroyo

Location Davos, Switzerland

Napakahalaga ang World Economic Forum dahil napakaraming mga political and business influencers na dumadalo sa — dito sa Davos. At matagal nang paniniwala ko na magiging maganda ang dating ni Pangulong Marcos dito sa Davos.

He is western educated at intelehente siya at articulate siya. To put it in English, he speaks their language. Alam ng Pangulo na sa pag-uunlad ng ating bansa, napaka-importante ang pagsasama ng gobyerno at ng pribadong sektor.

At ikalawa naman, malakas at matatag ang paniniwala ng private sector sa ating Pangulo. Ibibigay ko ang aking general observations tungkol sa reaksyon ng mga international leaders gaya ni Prime Minister Blair.

Unang-una positive ang reaksyon nila tungkol sa ating COVID response. At ikalawa naman, kinikilala nila na mahusay ang pangangasiwa ng Pilipinas.

In fact, historically, maganda ang track record ng ating bansa na magagaling ang mga economic managers, kung sino pa man ang pangulo. So ibig sabihin stable ang pagpalakad ng ating ekonomiya, kaya maganda ang ating economic forecast sa 2023.

In one sentence, the Philippines is an excellent investment destination. We will welcome you. We will welcome you at tayong mga kapwa Pilipino, ipagmalaki natin ang ginagawa ng ating Pangulo para sa ganun dumami ang trabaho sa ating bansa.

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)