Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Diane Querrer and Gani Oro (PTV 4 – Rise and Shine Pilipinas)

Event Media Interview

QUERRER: Secretary Andanar, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Hello! Good morning, Diane. Good morning, Gani. It’s good to see you again.

ORO: Yes, Secretary, good morning po.

QUERRER: Thank you for joining us today, Secretary Andanar. Ano po ba ang aasahan ng ating publiko sa gaganaping SONA ni Pangulong Duterte po mamayang hapon, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang dapat sigurong tutukan natin, mga kababayan, iyong mga pag-uusapan natin ngayon. Well, ang pag-uusapan natin ngayong hapon ay itong pagtalakay ni Presidente, unang-una, iyong sa Human Development and Poverty Reduction Cluster. Nandiyan din iyong Participatory Governance Cluster. Babanggitin din siguro ang mga naging achievements ni Presidente sa Security, Justice and Peace Cluster, kasama na diyan iyong Climate Change Adaptation Mitigation and Disaster Risk Reduction Cluster.

Itong mga clusters na ito, ito po iyong mga paksa noong pre-SONA at malamang iyong mga nakalagay sa speech ni Presidente Duterte ay nandiyan din sa areas na iyan. And of course, kailangan din nating tutukan ang sasabihin ni Presidente pagdating sa ating COVID-19 response lalung-lalo na sa nalalabing labing-isang buwan ng kaniyang termino kung ano ang plano ng ating Presidente kung saan niya tayo dadalhin.

And of course, siguro, Diane at Gani, tingnan din natin iyong before and after. Sapagkat noong 2016, maalala ninyo, iyong SONA ni Presidente noon ay iyong paglatag ng kaniyang plano para sa Pilipinas. Wala pa doon ang mga accomplishment dahil nga kasisimula pa lamang ng kaniyang termino. So mayroon siyang before, ito iyong 2016 at after, ito naman five years after ngayong 2021 State of the Nation Address.

ORO: Secretary Martin, kumbaga iba ang pagtanggap ng taumbayan ngayon. Mapapansin natin, dumami po ang gustong makapanood, gustong makaalam at excited na marinig iyong SONA ng Pangulo pati sa mga oposisyon at pati sa administrasyon at sa mga pangkaraniwang mga mamamayan. Ano kaya ang dahilan, bakit ganoon kalaki ang kagustuhan ng tao ngayon, ng Pilipinas na marinig ang SONA na ito ng Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR: Palagay ko, Gani, number one is we are in a very unusual situation. We are in a very interesting time, especially na mayroong pandemya, iyong COVID-19. Hindi ko maalala, hindi pa ako siguro pinapanganak noong nagkaroon man tayo ng ganitong klaseng krisis. So this is one of the worst crisis that we have gone through, because it’s a world crisis also itong pandemya. At alam naman natin na from 2016 to about 2020, mga January or February ay napakaganda ng takbo ng ating ekonomiya hanggang tumama itong COVID-19 pandemic na nag-lockdown tayo.

Number two, this is the last SONA of President Rodrigo Roa Duterte. At kagaya ng mga nakaraang administrasyon, interesado lahat sa pinakahuling SONA ng isang Pangulo, dahil ire-report na ng Pangulo ang kaniyang mga naging accomplishments for the last five years. At alam natin na ngayon ay election season na. Pumasok na tayo doon sa sinasabing election season na mayroon ng election fever, lahat ang pinag-uusapan pulitika. Sa media, inaabangan kung mayroon bang babanggitin si Presidente o mayroon ba siyang pahapyaw kung sino iyong napupusuan niyang papalit sa kaniya. So ganoon iyong nagiging tradisyon sa atin sa media. So, inaabangan din iyan.

Pangatlo, itong ating Pangulo ngayon ay isang Pangulo na napakataas ng kaniyang popularity rating, acceptance rating, approval rating, more than 80%. Ito ay hindi pa na-experience ng ating bansa na magkaroon ng isang Pangulo na matatapos na lamang ang termino at napakataas pa rin ng approval rating at isang Pangulo na hindi naging lame duck. Kasi iyon nga sa bansa natin, nasanay tayo na kapag ang Pangulo ay nasa huling taon ay nagiging lame duck na. But we have a Presidente who even during his last year ay hindi lame duck, powerful pa rin at pinapakinggan ang ating mga kababayan.

QUERRER: Secretary Andanar, talking about accomplishments. Usap-usapan din po ngayon sa social media, ito pong infographic na Duterte legacy? Maaari po ba ninyo kaming kuwentuhan, Secretary Andanar, kung paano po napili iyong mga ilalagay po doon sa info graphics sa dami na rin po ng accomplishments ng Duterte administrations, Sir?

SEC. ANDANAR: Well, ang Duterte legacy ay bahagi talaga ng plano ng Presidential Communications Operations Office para maitatak natin sa ating mga kababayan kung ano talaga iyong ginawa ng ating Pangulo. Iyan naman ay trabaho ng Presidential Communications Operations Office na para makita ng ating mga kababayan iyong mga pagbabagong nangyari.

Bakit ka ninyo importante ito? Napakahalaga na mabigyan mo ng isang magandang legasiya or palabas iyong ating mga kababayan na magpapakita kung ano ang nagawa ng kanilang Pangulo. Sapagkat ang susunod na administrasyon na papalit sa Pangulo natin, at least iyong administrasyon na iyon ay mayroon silang tinitingnan barometro. Oh teka muna, ito pala iyong ginawa ni Presidente Duterte. Siguro tapatan natin or higitan pa natin ito. Because it is the responsibility of any leader to make sure na ang kaniyang mga kababayan ay mas maganda ang kanilang buhay kaysa noong panahon noong siya ay nag-takeover. Ibig sabihin, his responsibility is to improve the lives of his countrymen or fellowmen while he is governing. Kaya mahalaga na maitatak natin sa ating mga kababayan na ito iyong mga legasiya ni Presidente nang sa ganoon ay mayroon ng sukatan ang susunod na administrasyon na papalit kay Presidente Digong.

ORO: Secretary Martin, ito hindi pambubola ‘no. Bilang ikaw ay isang PCOO Secretary ng administrasyon na ito, napakalaki nang nagawa mo para mai-deliver o maiparating sa taumbayan ang lahat ng mga mensahe tungkol sa mga proyekto ng ating pamahalaan. Ano ang mensahe mo para sa mga manunood natin, sa mga kababayan natin? Kasi marami pong tututok sa special coverage na ito ng PCOO at ng PTV mamayang hapon sa SONA 2021: Pamana ng Pagbabago. Secretary Martin Andanar?

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Gani. Thank for the kind words. Tayo naman ay technocrat, nagtatrabaho lamang tayo. We have worked together for long time, Gani, galing pa sa GMA, nag-RMN, diyan sa PTV. At alam po naman ang ating vocation ay para mapaganda lamang ang ating industriya. Iyan naman ang aking pangako kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kaya tayo ay silent worker lamang. Sana po ang ating mga kababayan ay tumutok sa State of the Nation Address. Nariyan po tayo sa PTV, napakadaming nanunood ng PTV, hindi lang sa ating transmission, kung hindi pati sa ating social media ang daming followers. Nandiyan iyong Philippine News Agency, Philippine Information Agency. We have more than 90 Facebook pages around the country. Nandiyan iyong Radyo Pilipinas, ang Radio Television Malacañang ay magpi-feed din. Ang Presidential Communications Operations Office.

Mahalaga ang sasabihin ni Presidente. We need to know what he will do in the next 11 months, para ang ating plano sa ating mga pamilya, ating pamumuhay, lahat eh kahit papaano ay mai-adjust natin doon sa plano ng ating national government.

You know, kung ang national government at ang ating pamilya at iyong mga barangay, mga purok ay nagkakaisa pagdating sa plano – walang impossible, we will heal as one. Sapagkat kung isa lang ang kumpas at sinusunod natin ang kumpas, halimbawa na lamang, kapag sinabi ni Presidente – ito ay halimbawa lamang – magpo-focus tayo sa tourism, magpo-focus tayo sa ganitong klaseng mga industriya, aba eh, siyempre kung ikaw naman ang padre de pamilya o ikaw iyong madre de pamilya, eh puwede mong sabihin sa iyong anak, “Anak ito pala iyong ipo-focus ng ating pamahalaan, mag-i-invest pala ang ating gobyerno sa ganitong technology, sa ganitong industriya.” Siguro iyan siguro ang kunin mong kurso, sapagkat magaling ka naman sa siyensiya, etcetera. Iyong mga ganoong kasimpleng bagay na kung titingnan mo ay hindi national government lang iyan, hindi, hindi po. Lahat po ng aksiyon ng gobyerno – national, provincial, local ay makakaapekto po sa ating pamumuhay, lalung-lalo na ngayong panahon ng pandemya na kahit papaano ay naapektuhan po ang ating ekonomiya.

Please listen, watch the Station of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte at sana ay huwag po tayong kakalas kay Pangulong Duterte, labing-isang buwan na lang po, nasa last quarter na tayo ‘ika nga, wala pong iwanan. The same way na hindi po kayo iiwanan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte at ng kaniyang administrasyon hanggang sa huling araw ng kaniyang administrasyon. Maraming salamat po.

ORO: Maraming-maraming salamat po sa inyong panahon ngayon, Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office o PCOO. Thank you, sir.

QUERRER: Thank you, Secretary.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)