ANGELIQUE LAZO: Mapalad tayo ngayon dahil makakapiling natin sa sandaling ito ang bagong kalihim ng PCO (Presidential Communications Office) Secretary Dave Gomez. Magandang araw po sa inyo, Secretary, and welcome.
PCO SEC. GOMEZ: Magandang, magandang hapon din at magandang hapon sa mga tagapanood natin. Thank you for having me.
ALJO BENDIJO: Magandang araw po, Secretary. Kumusta po kayo, sir?
PCO SEC. GOMEZ: Mabuti naman, mabuti naman. Excited para sa SONA ng ating Pangulo.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sir, para sa kaalaman po ng publiko, kaka-appoint ninyo lamang po bilang acting secretary ng Presidential Communications Office. So, maaari ninyo bang ibahagi sa amin kung ano iyong magiging prayoridad ninyo bilang kalihim ng Presidential Communications Office?
PCO SEC. GOMEZ: Well, Joey, tulad ng nasabi ko noong unang interview, pag-upo na pag-upo ko, mga two weeks ago, ang priority ko ay iyong tinatawag kong 3Ps minus one ‘no, ito iyong pagko-communicate o pagso-socialize ng mga programa, proyekto ng Pangulo minus the politics. So, 3Ps minus one.
ANGELIQUE LAZO: Napulong ninyo na po ba iyong mga ahensiya na nasa ilalim po ng PCO dahil marami-rami rin po iyan, kasama na po diyan iyong PTV, of course, at iba pang agency?
PCO SEC. GOMEZ: Yes, Angelique, ang priority ko talaga, una is i-meet iyong mga ano, makilala iyong mga opisyal natin sa PCO, at iyon naman iyong ginawa natin noong nakaraang dalawang linggo. Sa susunod na linggo, iyong mga attached agencies ng PCO naman iyong dadalawin natin at magpapa-brief tayo sa kanila.
PCO ASEC. VILLARAMA: Siyempre, alinsunod din sa tagubilin ng ating Pangulo, iyong digitalization or digital transformation so isa sa mga concerns natin iyan. Paano ninyo po isusulong iyong digital transformation? At isa pang isyu ngayon is—well, perennial problem naman din iyong press freedom or iyong pag-curtail sa rights ng mga mamahayag. So, ano po ang plano ninyo doon, Sec. Dave?
PCO SEC. GOMEZ: Tama, Joey, I think ang priority namin talaga is to advance digital transformation within PCO by expanding the digital footprint of not only of the PCO, the Office of the President, but the entire government ‘no. So, alam naman natin iyong mga audience natin karamihan diyan ay digital public na eh, so we have to reach more of them to digital transformation by expanding the digital footprint of this administration.
ANGELIQUE LAZO: Bukod po sa digital transformation, ano pa po ang programa ang nais ninyo pong ihatid o isulong para po magkaroon tayo ng transparency sa paghahatid po ng impormasyon at malabanan din po iyong mga fake news ano ho?
PCO SEC. GOMEZ: Totoo, Angelique, iyon pa rin prayoridad ng PCO, labanan iyong mga fake news by just presenting facts and responding to misinformation. I think iyon ang prayoridad namin ngayon, hindi tayo makikipaglaban ng fake news laban sa fake news. Iyong fake news lalabanan natin ng tunay ng data, ng tunay na facts. We will present them the facts so that we can combat misinformation.
PCO ASEC. VILLARAMA: Alam naman natin, Sec. Dave, na nagkaroon ng bagyo, ng sama ng panahon last week, but we still have to prepare for the State of the Nation Address dahil constitutional duty ito ng ating Pangulo. So, ano po iyong naging paghahanda ng Presidential Communications Office para maipaalam sa ating mga kababayan ang paparating na SONA ng ating Pangulo?
PCO SEC. GOMEZ: Iyong Presidential Communications Office ay hindi naman nagkulang para ipahatid sa ating mga kababayan iyong nalalapit na SONA ‘no. Alam natin constitutional mandate iyan, that the President has to deliver the State of the Nation Address every fourth Monday of July. Medyo ano lang, hindi tayo pinalad last week at inabot tayo ng sunud-sunod na masamang panahon. Pero hindi ibig sabihin noon, titigil kami sa pag-imporma sa publiko na ngayong Lunes, in a few hours, mag-uulat na ang Pangulo sa ating bayan. This will be his fourth State of the Nation Address, and this must signal the start of the second half of his term ‘di ba, parang midway na tayo. Kumbaga sa basketball, ito na iyong second half; ito na iyong crucial second half of the ball game.
ALJO BENDIJO: Napakalaking hamon, Secretary, sa paghahatid ng tamang impormasyon lalo na sa ating mga kababayan doon sa grassroots level. Ano ba ang aasahan ng taumbayan sa PCO para makapaghatid tayo ng tamang impormasyon sa kanila na mula sa gobyerno?
PCO SEC. GOMEZ: Siguro ang importante sa amin sa PCO ay palakasin ang ating grassroots communications. Andiyan naman iyong infrastructure natin sa PIA, sa PNA, sa PTV4. Ang importante lang, we deliver timely and relevant information to the people especially in the grassroots area; hindi tayo dapat maging NCR-centric kumbaga or Metro Manila centric, but iyong balita maipakalat natin sa buong bansa.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat po, Secretary Dave Gomez, the Presidential Communications Office.
PCO SEC. GOMEZ: Maraming salamat po sa inyo. Thank you.
###