Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Mariz Umali – Unang Hirit, GMA-7


UMALI: Magandang umaga po, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po sa inyo at magandang umaga, Pilipinas.

UMALI: Una po sa lahat, Secretary kumustahin po muna namin iyong lagay ng Pangulo iyong kaniyang kalusugan? Kahapon muntik po siyang mabuwal noong papasok po siya sa plenaryo?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo, wala naman po siyang extra ordinary na problema ‘no.  He is who is, he is a senior citizen at mukhang nadulas lang naman siya kahapon. I don’t think it’s anything to worry about, kung ang iniisip ng taumbayan ay iyong kaniyang kalusugan. Parang nadulas lang talaga siya kahapon.

UMALI: All right, that is good to know, Secretary.

Sa SONA ni Pangulong Duterte kahapon, inamin po niya na hindi pa talaga natanggal ang illegal na droga at korapsiyon, kailangan pa raw magdeklara ng martial law. Bakit po ito nasabi ng Pangulo at ibig sabihin po ba ni Secretary ay kailangan ng martial law para masugpo ang droga sa ating bansa at masugpo ang korapsiyon?

SEC. ROQUE: Actually hiwalay po iyon, iba iyong problema sa droga, iba iyong korapsiyon ‘no. Ang sabi niya talagang matatanggal lang ang korapsiyon kung talagang isasarado mo ang gobyerno, papalitan mo lahat at ibibigay mo sa susunod na henerasyon. Doon niya binanggit iyong martial law. I think tinututukan lang ni Presidente na napaka-embedded sa sistema ng gobyerno natin ang korapsiyon na kung hindi po tatanggalin lahat ng tao sa gobyerno, eh baka hindi matigil. It’s an expression of frustration kumbaga, dahil talagang gustung-gusto niyang linisin ang gobyerno, pero he could not do it in six year’s time. Naintindihan ko, literally, ibig sabihin po, kinakailangan ng martial law pa para diyan.

UMALI: All right. Itong binanggit po ni Pangulong Duterte na batas na pinasa ng Kongreso gaya ng free irrigation, free tertiary education, pati na rin po iyong Universal Health Care. Sabi po ni Senator Lacson, mga regular legislation lang naman daw po ito at hindi na kailangan ng kamay ng Pangulo? Ano po ang masasabi ninyo rito, Secretary?

SEC. ROQUE: Naku! I disagree it only because I was a principle author of Universal Health Care at saka iyong free irrigation. Alam mo, I filed it as a freshman congressman at kaya lang naman naisabatas iyan, because the Presidente considered it as part of the administration priority bills. Kung hindi po iyan binigyan ng prayoridad ng Pangulo, hindi po iyan maisasabatas. Siguro naman po napapansin ninyo sa kongreso, na talagang mahirap makapagpasa ng batas, kinailangan po talaga ng political will ang Presidente na maisulong iyan.

Sa katunayan doon sa final botohan ng Universal Health Care, eh iyong Makabayan Bloc, hindi pa bumoto, bumawi ng kanilang sponsorship speech, dahil ang sinasabi nila, payayamanin lang daw ang mga pribadong ospital diyan. So, hindi po totoo! As primary author of those two bills, eh I can attest to the fact na kung hindi sinuportahan ng Presidente iyan, hindi uusad. Now, pagdating naman doon sa free tuition, mayroon talagang initiative dati na ma-veto iyan, kasi sabi nila masyadong mahal and I know this for a fact, kasi natalaga ako noong chairperson   ng Committee on Higher Education na si Congressman Ann Hofer, na kausapin nga ang Presidente and to convince him not to veto it at iyon naman ang nangyari. Sabi niya we are investing on our people, so I will sign it into law, rather than veto it. So hindi po siya mga ordinaryong mga batas, extraordinary legislation po sila that required political will para maipasa po and that’s coming from the principal author.

UMALI: All right. Secretary, pinuri naman ng Pangulo si Senate President Tito Sotto, at sinabi niyang magiging mabuting vice president daw po ito. Ano ang nais ipahiwatig ng Pangulo rito, iniendorso ba niya si Senador Sotto at ibig sabihin din po ba nito ay hindi na siya tatakbo sa pagka-bise presidente?

SEC. ROQUE: Hindi naman po. I think kinikiliti lang niya si Senate President, kasi naroroon siya and they had of course an occasion to meet, dahil siya iyong sumalubong sa Kongreso. Kumbaga he is just encouraging Senate President to pursue his political plans. Dahil sa demokrasya naman importante na mayroong pagpipilian ang taumbayan.

UMALI: Ito naman po, Secretary. Kulang daw po ang SONA sa mga plano ng Pangulo sa hinaharap lalo na pagdating sa kahirapan o iyong kumakalam na tiyan? Reaksiyon po ninyo rito, Secretary?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaiba kasi ng SONA ng Pangulo, kumpara doon sa ibang mga Pangulo ay mayroon na tayong mga tinatawag na Pre-SONA, ‘no. Iyong iba’t-ibang mga clusters, kasama na iyong economic team ay nagkaroon na ng Pre-SONA at doon na pinalantsa ang detalye kung paano tayo magri-recover. Uulitin ko po, iyong ating recovery, eh nakatutok po iyan doon sa number one, pagbibigay ng financial at saka monetary, hindi lang incentives, but stimulus ‘no. Stimulus to stimulate the economy, kasama iyong pagbibigay ng social assistance kung kinakailangan at siyempre po iyong malawakang pagbabakuna as part of our strategy to reopen the economy.

UMALI: All right. Maraming-maraming salamat po sa inyong paliwanag at sa inyong panahon, Secretary Harry Roque. Magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE: Maraming salamat at magandang umaga po.

##

 

News and Information Bureau-Data Processing Center