Interview

Media Interview of President Ferdinand R. Marcos Jr.


Location NFA Warehouse, Valenzuela City

PRESIDENT MARCOS: Nandito lang kami sa NFA warehouse kasi sa tanong – may nagtanong nung nasa ano tayo, nung nasa Quezon City tayo ‘yung supply ng Kadiwa ay baka mapatid, baka magkulang.

Kaya’t tinitingnan ko kung saan manggagaling ‘yung supply na pinagbibili natin sa mga Kadiwa. So pinuntahan ko na muna. Mukhang may laman naman ‘yung mga warehouse at mayroong parating pa nga at this is already the season na naglalabas na ng bigas.

So tuloy-tuloy na siguro ito kaya’t para naman natitiyak natin na ‘yung Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili, okay — at a good price, ‘yan yung 25 pesos.

Q: Kumusta po ‘yung ito pong inspection? Talagang marami po tayong supply ng bigas?

PRESIDENT MARCOS: Oo, mukha naman. Mukha naman so far. Nabawasan kasi talagang binawasan natin ‘yung importation, doon natin kinukuha sa production na — so okay. I think we’ll be all right. Pero siyempre kailangan bantayan nang husto ‘yan because ‘pag nag — ‘pag tinamaan na naman tayo ng masamang weather, mararamdaman na naman natin ‘yan sa supply ng palay, ng bigas.

Q: Sir, what about onions? Kanina po sa Kadiwa may nabili po siyang onions for 120 pero sobrang liit sir, almost shallots.

PRESIDENT MARCOS: Hindi, hindi galing sa amin ‘yun ‘yung ano — but no, the — ‘yung ano ng onion, ang nangyayari ngayon is that we’re finding a way. Ang daming nahahanap na smuggled na kinukuha namin.

Sabi namin, as much as — as quickly as possible naghahanap nga kami ng paraan kasi usually ‘yan kakasuhan mo pa bago ‘yung auction. By the time, i-auction mo ‘yan, wala na sira na ‘yan. Kaya’t sabi ko hanap tayo ng paraan para mailabas kaagad, mailagay sa market kaagad. So ‘yun ang pinag-aaralan namin ngayon. Baka by next week mayroon na tayong solution.

Okay. Thank you.

— END —

Resource