News Release

NEWS UPDATE: Itinaas na sa full alert status ang alerto ng Philippine National Police (PNP) kasabay sa isasagawang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.



NEWS UPDATE: Itinaas na sa full alert status ang alerto ng Philippine National Police (PNP) kasabay sa isasagawang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nagpatupad na rin ng full deployment ang PNP ngayong Lunes ng umaga, Hulyo 28.
Sabi ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, aabot sa 16,000 pulis ang ipapakalat sa buong SONA.
Pero sa kabuuan ay papalo sa 23,000 ang nakabantay sa SONA kabilang ang force multiplier mula sa AFP, BJMP, BFP at MMDA. | via Ryan Lesigues
#SONA2025 #IntegratedStateMedia #ISM