Maraming, maraming salamat. Maraming salamat sa ating Kalihim ng Department of Foreign Affairs sa inyong pagpakilala sa Secretary Ricky Manalo. [Please magsi-upo muna tayo at…] [Crowd cheers: BBM! BBM! BBM! BBM!]
Parang naaalala ko ‘yung mga kampanya parang hindi – parang kahapon lamang na ganyan ang mga isinisigaw naming. Alam niyo po ang sigaw ninyo dito kahit na nasa San Francisco kayo, naririnig po namin ‘yan sa Pilipinas kaya’t lumalakas ang loob namin. Maraming salamat sa inyo.
Hindi po ako makapagsimula na hindi magpasalamat sa suportang binigay ninyo sa amin noong nakaraang halalan at ito ay nagpakita na talagang ‘yung ating hangarin na ipagkaisa ang madlang Pilipino ay nagiging totoo. At nakikita na natin mga Pilipino na talagang ang pangangailangan ay magkaisa at sabay-sabay, pare-pareho ang tinutunguhan natin at sabay-sabay tayong nagtatrabaho at nagtutulungan para maging mapayapa, para maging matagumpay ang ating mga kapwa Pilipino at ang ating minamahal na Pilipinas.
Kaya’t maraming, maraming salamat muli. [applause] At ang ibabawi ko na lang po sa inyo, ang isusukli ko na lang sa inyo ay lahat po ng aming maaaring gawin upang tulungan ang Pilipinas kasama po kayo diyan. Ang OFW ng Pilipinas ay napakalaking bahagi ngayon ng aming mga pinaplano. Dahil sa lahat ng kahirapan na dinaanan ng Pilipinas, pagka nagkakaroon ng financial crisis na ganyang klase noong nangyari ng ilang taon, ay umaasa ang Pilipinas sa mga padala ng ating mga OFW. At kayo ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas kapag tayo’y naghihirap. Kaya naman ay napakahalaga ng inyong katungkulan hindi lamang sa inyong mga pamilya kundi pati na sa inyong mga kababayan at sa inyong bansa. Kaya’t ay kailangan ay magpasalamat kami sa inyong lahat.
At bago ang lahat, ipapakilala ko po at nakita po ninyo, ito siguro isa sa pinakamalaking delegasyon na aming nadala para sa itong mga conference na ating ginagawa dahil napakaimportante itong ating – napakaimportante nito. Marami po tayong mga kailangang pag-usapan sa ating mga kaibigan, hindi lamang dito sa Amerika kung hindi isa iba’t ibang bansa. At hindi lamang tungkol sa ekonomiya, hindi lang tungkol sa Negosyo, hindi lang tungkol sa investment, kung hindi pati na sa mga nangyayari na tinatamaan din tayo, nararamdaman natin. May giyera ngayon sa Ukraine, nagka-giyera na ngayon sa Israel, at ito po ay – mayroon tayong mga problema sa South China Sea. Ito po ay mahalaga na makausap natin lahat ng ating mga kasamahan, lahat ng mga ating kaalyado na bansa na tumutulong sa atin.
At kaya naman po sa panig ng ekonomiya, ng investment ay nandito po lahat ng ating mga economic manager. Nandito po lahat ang ating mga political leaders at para naman ay lahat ng maaari nating matupad sa ating mga gustong gawin sa Pilipinas ay matutulungan tayo at maipapatibay natin ang ating mga pagkakaibigan at pagsasama sa iba’t ibang bansa.
Nandito po ang ating Speaker, Speaker ng House of Representatives, Speaker Martin Romualdez; [applause] Iyong namumuno ng ating economic team, ang ating Finance Secretary, Secretary Ben Diokno; [applause] ito po ay ang susunod po ay matagal ng tiga-amin po ito na tiga-Ilocos din po pero matagal na siyang sa trabaho na ito at kaya’t siya ay kinuha namin para ipagpatuloy niya ang napakahalagang infrastructure program para sa Pilipinas, ang ating Public Works and Highways Secretary, Secretary Manny Bonoan. [applause]
Isa po sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng bahagi para palakasin na uli natin at pagandahin uli natin ang ating ekonomiya ay ang tourism. At ito po ay alam naman natin napakaganda ng Pilipinas at napakaganda ng mga Pilipino at masarap kasama kaya’t sa palagay ko ay ito’y magiging malaking industriya para sa atin at maraming matutulungan, maraming mabibigyan ng trabaho. Nandito po ang ating Tourism Secretary, Secretary Christina Frasco. [applause]
Isa pa sa ating mga economic manager ang ating Kalihim ng Department of Trade and Industry, Department Secretary, Secretary Fred Pascual. [applause] Ang ating – isa sa pinakaimportante ngayon na ating ginagawa ay inaayos po natin ang tinatawag na energy sector kasi dahil siyempre kailangan natin gawan ng paraan para maging sapat ang supply natin ng kuryente at maibigay naman natin, sinusubukan natin ibaba ang presyo ng kuryente. Ngayon ay medyo nahihirapan tayo dahil palipat-lipat ang presyo ng langis. Ngunit, ito po ay ating ginagawan ng paraan dahil hindi lamang sa dinadagdagan natin ang suplay ng kuryente kung hindi tayo’y dahan-dahang lumilipat ‘yung tinatawag na transformation from fossil fuels to renewables para naman ‘yung climate change mayroon tayong ginagawa. Ang namumuno po diyan, ang nauuna po diyan sa ating ginagawa sa energy, ang ating Energy Secretary, Secretary Popo Lotilla. [applause]
Isa pang napakaimportante para sa pagdaloy ng mga serbisyo, ng mga kagamitan ay ang ating transportation system sa Pilipinas. Malaking-malaki po ang ating ginagawa diyan at pinalalawak natin ang sistema natin ng transportation at ang namumuno ng ating transportation – ang ating Department of Transportation Secretary Jimmy Bautista. [applause]
Isa sa pinakamalaking pag-uusapan dito sa APEC na ito, dito sa magiging conference summit na gagawin simula bukas ay ang digitalization. At alam niyo nandito kayo sa California, kabisadong-kabisado ninyo ‘yan. Alam ninyo kung gaano kahalaga ngayon lalo na sa panahon ngayon na ma-digitalize natin ang ating pamahalaan para maging mas mabilis ang takbo ng trabaho. Magiging mas madali para sa bawat Pilipino ang mga kailangan gawin: ang pagbayad ng buwis, pagtanggap ng suweldo, lahat ito. Pati ‘yung mga application, mga certification, mga authority ay nais naming gawin na talagang digitalized na para ‘yung ating mga kababayan ay hindi na kailangan pumunta pa sa malayo, sa opisina, kung hindi nasa computer na lang sila at magagawa – nasa telepono kaya na nilang gawin. At ang gumagawa po diyan ay ang Department of Information and Communications Technology, ang Secretary po natin, Secretary Ivan Uy. [applause]
Ito po ang susunod naman ang nag – ang kanyang trabaho po ay ina-analyze ang ating ekonomiya at pinapayuhan po tayo kung papaanong – para mas pagandahin at kung ano ang mga nagiging problemang nakikita at nagbibigay ng mga solusyon doon sa mga problema na ating hinaharap dahil po mahirap na po ngayon.
Ang COVID pinalitan po lahat. Wala na tayong ginagawa noong 2019 na ginagawa natin pangkaraniwan, pang-araw-araw natin ginagawa, hindi na natin ginagawa ngayon ‘yan. At iba na ang buhay talaga ngayon, 2023. Kaya’t kailangan na kailangan ay tayo rin ay makapagsabay at i-transform din ang ating…
We are trying to transform our economy to adjust to the new global post-pandemic economy kung tawagin. At ang ating mga nagpaplano, ang ating mga naga-analyze, ang ating mga siyentipiko talaga — tungkol sa economics ay ang NEDA, ang National Economic Development Authority at ang namumuno diyan ay si Secretary Arsi Balisacan. [applause]
Ito po ‘yung pinaka ano — sa amin ‘yung pinakaimportante dahil dito po nanggagaling lahat ng pondo po namin. Kaya’t makita mo— ito naiba ito kasi kahit anong problemang ibigay mo sa kanya naka-ngiti pa rin. Kaya’t parang siya ‘yung— she’s like everybody’s little sister in the Cabinet. Our Department of Budget and Management Secretary, Secretary Amenah Pangandaman. [applause]
Nandito rin po ang ating kasamahan na Special Assistant po sa Pangulo na tumutulong sa atin ‘yung ating pang-araw-araw na patakbo ng pamahalaan nandiyan yata po si Secretary Anton Lagdameo, uh there, there he is. [applause]
Ang isa pang tumutulong para ayusin ang ating ekonomiya ay ang — ‘yung aking representative sa lahat ng economic team at siya ang nagmo-monitor at tinitingnan kung ano ba, para pabilisan, dahil alam niyo po ay lagi tayong nagmamadali. Pagka— masyadong matagal, masyadong matagal, dalian ninyo, bilisan ninyo. At ang tiga-habol po sa schedule ng mga ating ginagawa ay ‘yung Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs, Secretary Dec Go. [applause]
At hindi po natin makakalimutan ang matagal na nating naging ambassador dito sa United States at noong nakaraan pa, noong panahon pa ni Pangulong Duterte, siya na ang itinalaga bilang Ambassador to the United States. Noong ako ay nag-take oath, ako ay umupo na bilang Pangulo ay sabi ko napakaganda ng trabaho mo kaya’t diyan ka na muna sa Amerika. Gusto na niyang umuwi [laughter] pero sabi ko ‘you are the victim of your own success, kaya’t dito ka muna sa San Francis – ay dito ka na muna sa Washington, dito ka na muna at ituloy mo ang pag-represent sa Pilipinas.’ Ang ating Ambassador, Ambassador Babe Romualdez. [applause]
At ang ating Consul General dito sa San Francisco at maraming salamat sa kanyang napakagandang pagsalita kanina. Ang ating Consul General sa San Francisco Neil Ferrer. [applause] Aba, mukhang maganda ang trabaho at malakas ang palakpak ah. [laughter] At hindi ko naman puwedeng tapusin ang ating pagpakilala na hindi ko ipapakilala ang ating First Lady, First Lady Liza Araneta-Marcos. [applause] Ating mga kasamahan sa pamahalaan; the private sector partners na kasama natin dahil po marami po sa mga negosyante ay siyempre interesado sila para makapunta rito, para makita kung ano ‘yung puwede nilang dalhin na investment at nandito po sila para tulungan tayo dahil ang isang— ang trato po namin sa kanila ay hindi lamang private sector, kung ‘di partner talaga sa developments; at ang ating siyempre, bukod sa lahat, ang ating mga minamahal na kababayan na Pilipino, magandang gabi po sa inyong lahat. [applause] Naimbag nga rabi-i.
Maraming, maraming salamat. Thank you once again for the very warm welcome that you have given to me and my official family, the entire Philippine delegation to San Francisco.
I am here upon the invitation of President Joe Biden to participate in the 2023 APEC Economic Leaders’ Meeting.
But before I meet the leader of the world’s largest and most important economic region, I thought that I should first meet with our kababayans here in the Bay Area. [applause]
At balita ko, mayroon pa raw dumating na ating mga kababayan na nanggaling mula pa Nevada, as far from Alas — northern Nevada [cheers]. Malayong… Mayroon pa daw nandito galing sa Alaska [cheers], aba! Sa Washington state [cheers]. Aba ‘yung buong West Coast represented dito. Oregon, mayroon pa rin tayong mga kasamahan galing sa Oregon.
Kumusta po kayo? At sana naman ay naging maayos ang inyong pagbiyahe rito at maraming, maraming salamat at nakahanap kayo ng oras para makapiling namin kayong lahat.
I am very grateful for the, again, I will thank you for the overwhelming vote of confidence that you gave me and Vice President Inday Sara Duterte in the last election. You delivered the Marcos-Duterte tandem while setting the highest voter turnout in absolute numbers in the entire America’s region. [applause]
Sa inyong nag-uumapaw na pagtitiwala at pagmamahal, maraming, maraming salamat po. [applause]
Ngayon, dahil hindi kami makapunta rito dahil noong panahon na ‘yun ay COVID pa, hindi pa masyadong makapagbiyahe. Hindi kami nakaapak dito sa San Francisco noong panahon ng kampanya. So, allow us to relive the election experience through this small event this evening.
I am both honored and humbled to follow the footsteps of my late father President Ferdinand Edralin Marcos, who first visited San Francisco in 1966, the first year of his presidential administration.
My father considered San Francisco as an important city. Not only because it is home to a very significant Filipino population, but also because this city has always been the historical, cultural, and economic link of the Philippines to the continental United States. It is for this reason that in 1974, during my father’s time, the Philippine government purchased a set of buildings of Union Square in downtown area now known as the Philippine Center in San Francisco. Our permanent presence in San Francisco shows our commitment through the Philippines’ long-standing ties with the Bay Area, the Silicon Valley, and California as a whole and the surrounding states.
There are now more than 4 million Filipinos and Filipino Americans in the US, of which 1.3 [million] reside in the jurisdiction of the consul general of San Francisco. Out of that figure, around 700,000 of our kababayans live and work here in the Bay Area.
436 years na since the first recorded arrival and presence of Filipinos the so-called “Luzones Indios” or Luzon natives. Marami doon Ilokano pa [cheers] at nasa ugali talaga namin na hinahanap kahit saan pupunta, nagtrabaho. Pero sa simula sa Hawaii, marami sa amin ang nailipat dito para magtrabaho. Mula noon, sunod-sunod na. Lahat na ng Pilipino. Palagay ko lahat ng probinsya ng buong Pilipinas ay represented dito sa Amerika.
That is why Filipinos and Filipino Americans can be found in various sectors of American economy, society, and media, as well as politics and government. Filipino Americans have emerged successful in elections across many Bay Area cities including South San Francisco, the host city for our gathering this evening, led by the Fil-Am Mayor Flor Nicolas who is with us tonight. [applause]
We also have elected officials – Filipino American elected officials in Alaska, in Washington State. Of course, we take pride in the accomplishments of Filipino Americans in statewide elective positions, including Utah Attorney General Sean Reyes and the Bay Area’s very own California Attorney General Rob Bonta. [applause]
Dahan-dahan talaga nararamdaman natin ang Filipino community sa lahat, in all walks of life. It has always been… You can always find… Ang biro nga, lahat ng maka-usap ko na mga leader, mga pangulo, mga prime minister, lagi nilang sinasabi, kahit saan kami pumunta ay mayroon kaming nakikitang Pilipino. Iyon ang hinahanap namin dahil sila ang magaling magtrabaho, dahil sila ang masisipag, sila ang maaasahan [cheers], sila ang mga hari at reyna ng overtime. [laughter]
Kaya naman napakaganda po ng reputasyon dahil sa inyo. Dahil sa inyo napakaganda ng reputasyon ng Pilipinas, ng Pilipino, na tayong lahat… Basta’t nasasabi, magdadala, naghahanap sila ng – at every level kahit na ano, unskilled labor, skilled labor, professional, lahat, at every level, hinahanap nila Pilipino dahil nga kilalang-kilala na tayo na ang mga Pilipino ay maaasahan at matulungin kahit na hindi kasama sa trabaho, nagtutulungan at napakasipag at mapagkatiwalaan. That’s one of the most important things that people say.
Ngayon, ang nangyari pa during COVID-19, Americans experienced first-hand the Filipino way of caring and acting on the needs of others. [applause]
One in every five nurses here in the West Coast are trained in the Philippines. Our Filipino nurses, our doctors, our first responders, essential workers have all demonstrated the timeless Filipino virtues of malasakit, pakikipagkapwa, at ang bayanihan.
We are all grateful for your selfless service to humanity, and we look up to you as role models for future generations of Filipinos and Filipino Americans. [applause]
Dahil sa inyo napakasarap at napakadali at napakatotoo na maisigaw: Proud to be a Pinoy. [cheers and applause]
We recognize the hard work of Overseas Filipinos in the US. In 2022, the workers, health workers, injected [USD 14.89 billion] to the Philippine economy in cash remittances—making the United States the Philippines’ biggest single source of remittances. [cheers and applause]
Talagang ramdam namin sa Pilipinas kahit hindi tayo nagsasama nang madalas, ramdam na ramdam namin ang inyong pagmamahal. Hindi lamang sa inyong mga pamilya, kung hindi sa inyong bansa, at sa inyong mga kababayan.
So, we take pride in the achievements of young Filipino Americans including the Bay Area’s Sarina Bolden, who exemplified “Pinay pride.” She made history [at] the 2023 FIFA Women’s World Cup as the Philippines’ [first-ever] goal scorer [at] a Soccer World Cup.
We also commend the rising number of Filipino Americans in the Bay Area and Silicon Valley, now active as partners in Philippine development and nation-building, sharing their expertise, their, experience, their resources with up-and-coming Filipino startups and innovators.
I know that you all came to the United States for many different reasons, mostly economic. You sought greener pastures and a better life for yourselves and for your families, but this did not stop you from giving back to your homeland, to the Philippines.
Last July, I met around 300 of you who took part in the 2023 Very Important Pinoy or VIP Tour, where the Philippine Consulate of San Francisco served as the lead coordinator.
I believe that many of the VIP Tour participants are also with us here tonight. So, could you make yourselves known? Kayo ‘yung nakapagbisita doon sa amin. [applause] Listening to your stories during that call that we had [at] the Heroes Hall of Malacañan, I cannot help but feel proud of your achievements, be grateful for all that you do that create a positive image of the Philippines and of the Filipino people in America.
Mula noon hanggang ngayon, pinatutunayan ninyo na kayo ang mga bagong bayani ng ating salinlahi.
Kaya naman sa Bagong Pilipinas na ating itinataguyod, nais ng inyong pamahalaan na suklian ang inyong pagsusumikap upang bigyan ng mas magandang bukas ang ating mga anak.
Since its inception in 1989, the Philippines has been an active participant in the Asia-Pacific Economic Cooperation or APEC, because we believe that a more integrated and inclusive Asia-Pacific region will bring about economic prosperity for our people.
The Philippines has hosted APEC twice, once in 1996 and again in 2015, to show our country’s commitment to free and fair trade in our region.
I am happy to say that this year’s APEC [Economic] Leaders’ Meeting is being held now in San Francisco, the global center of high technology and innovation. We would like to attract more investments and increase foreign direct investments in the Philippines.
Investments from the United States have seen an upward trend, of USD 6.2 billion in 2022, or a 15.7-percent increase from 2021. In addition, California is an important trade and investment partner of the Philippines. Our country is also important to the state as it has been the most popular destination for greenfield investment from our country.
On the sidelines of the APEC meetings, my delegation will conduct business meetings in San Francisco to seek mutually beneficial exchanges and partnerships. Our presence in the Bay Area this week also supports the development of Philippine innovation ecosystem, in line with the National Innovation Agenda Framework.
Alam niyo po dito sa pagbabago ng ating ekonomiya, marami tayong hinaharap na panibagong suliranin. At kami naman, tayo naman ay umaasa na ang teknolohiya ang magdadala ng mga solusyon diyan.
Kaya naman ay tinitingnan po natin kung ano ang mga bagong dine-develop dito sa Amerika at sa ibang lugar para tayo’y matulungan at para natin maibago at pagandahin. Make more efficient, make life easier for those who are dealing in the digital world, and to increase connectivity, para lahat ng ating mga kababayan kahit na nasa malayo, nasa bundok sila na malayo ay mayroon silang internet. Iyan po ang ating ginagawa at marami po namang tumutulong sa atin.
Ngayon, ‘pag ating nabuo na at masasabi natin na ang karamihan ng Pilipino ay may internet na, aayusin po natin ang digitalization ng gobyerno upang ay ganoon nga, maging mas madali ang ating mga ginagawa with the government, with the private sector, and with the ordinary citizen.
Energy security, especially clean energy, is also a priority of this administration, and as such, we will have business meetings by the Philippine delegation in this regard.
By the end of the four-day visit to San Francisco, we hope to have witnessed the signing of agreements with various American businesses in the fields of digital infrastructure and connectivity, renewable energy, electronics manufacturing, health, and tourism, among others.
As we begin our mission here in San Francisco, I once again ask our Filipino Community in the Bay Area and the Pacific Northwest for your full support as your government works to build a resilient, sustainable, and inclusive future for our people back home.
Let us remain united and firm towards our common goal so that, together, we will be able to leave behind a New Philippines that our children and our grandchildren deserve.
Muli, magandang gabi sa inyong lahat. Maraming salamat sa inyong pagdating. [applause] Mabuhay ang mga Pilipino dito sa Amerika! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]
— END —