Press Briefing

2025 Post-SONA Discussions Good Governance, Peace and Order and Security hosted by Palace Officer and PCO Undersecretary Claire Castro


Event 2025 Post-SONA Discussions Session 3: Good Governance, Peace and Order, and Security
Location Makabagong San Juan National Government Center, San Juan City

PCO USEC. CASTRO: Magandang araw sa ating lahat.

Ako po si Undersecretary Claire Castro at welcome po sa ating 2025 Post-SONA Discussions. Live po tayo ngayon mula sa makabagong San Juan National Government Center. Tayo ay napapanood sa Facebook at YouTube ng Radio Television Malacañang, Presidential Communications Office at ibang mga ahensiya ng pamahalaan. Sana rin ay nasa maayos na kalagayan tayong lahat matapos ang sunud-sunod na pagbagyo at pag-ulan.

Matapos ang matagumpay na State of the Nation Address ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mahalagang magkasama-sama tayo ngayon upang talakayin pa at maunawaan nang mas detalyado ang mga nilalaman ng talumpati ng ating Pangulo.

Mula sa mga paksa ng seguridad sa pagkain, pagpapa-unlad ng ekonomiya, pagprotekta sa kapakanan ng mga manggagawa, pagbuti ng serbisyong medikal sa bansa at marami pang iba, lahat ng ito ay tinatalakay natin. Ngayon araw, kasama nating ang good governance, peace and order and security cluster. Isang masigabong palakpakan para ating mga panauhin:

Department of the Interior and Local Government Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla, Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Department of Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro, Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation Secretary Nasser Pangandaman Sr., Philippine Drug Enforcement Agency Director General Isagani Nerez, National Security Council Adviser Secretary Eduardo Año, Anti-Red Tape Authority Director General Ernesto Perez, Armed Forces of the Philippines Chief Romeo Brawner Jr., Philippine National Police Lieutenant General Edgar Allan Okubo.

Para sa ARTA madiin ang pahayag ng Pangulo tungkol sa paglaban sa corruption, malinaw rin ang kanyang pag-promote ng digitalization of government services gamit ang eGov app, ano ang ibig sabihin nitong mga pahayag na ito para sa inyong ahensiya at ano pa ang maasahan namin mula sa ARTA kaugnay sa mga direktibang ito, DG Perez?

ARTA DG PEREZ: Maraming salamat Usec. Claire. Sinimulan po ng ating mahal na Pangulo ang SONA the other day sa pagtanggap o pagkilala ng mga hinaing ng taumbayan tungkol sa kakulangan ng serbisyo publiko at ito po’y kanyang tinapos sa pamamagitan ng pag-utos sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na lalo pang paigtingin ang ating mga programa. Ang Anti-Red Tape Authority po bilang ahensiya under the Office of President mandated to implement the national policy of ease-of-doing business, mayroon po tayong na-develop na digital-based platform which we called the electronic complaints management system. Ito po’y maaaring makatanggap ng reklamo ng taumbayan 24/7 gamit ang mga artificial intelligence, at dahil din po sa kautusan na tayo’y mag-inter connect sa eGovPH ginagawa na po natin ito.

Hindi lang po iyon, lahat po ng programa at mga inisyatibo ng Anti-Red Tape Authority towards good governance, kagaya po ng Philippine Business Regulations Information System, Anti-Red Tape Electronic Management Information System, Report Card Survey at ito pong CSM ‘no, lahat po ito ng mga program ay lalo pang mapabuti ang serbisyo ng bawat ahensiya ng gobyerno kasama na po dito na magbibigay sa mga taumbayan na i-rate iyong kind of services.

Dito po sa Anti-Red Tape dashboard na ating i-implement sa taong ito, lahat po ng taumbayan mayroon reklamo puwede po nilang gamitin itong dashboard na ito at ang dashboard will also have access by the President, by government agencies.  Hindi po ito isang digital-based platform ito po ay magiging monitoring system or control system or center ng ating mahal na Pangulo.

Dahil din po dito sa dashboard, makikita po natin iyong low performing agencies at high performing agencies, makikita din po natin dito ano ang ahensiya na maraming reklamo ang taumbayan. Dito din po makikita lahat ng mga proyekto na mayroong anomalya, mayroon question ang taumbayan at dahil po dito iko-callout natin, gagamitin po natin itong dashboard na ito, accessible to all public and private stakeholders. Ito pong dashboard na ito ay sinusuportahan ng ating mga kasamahan sa chamber of commerce, even our development partners dahil po dito ay open at with the use of artificial intelligence, dahil po dito nakikita ang kabutihan ng platform na ito, nakatanggap po tayo ng proposal from the Tony Blair Institute, Bill Gates Foundation upang lalo pang paigtingin ang programang ito, kasama po natin ang Asian Development Bank.

Pero dito ni-recognize po natin na ang ARTA po ay isang ahensiya na nag-i-interconnect ng government agencies. Nire-recognize po natin iyong lead agencies dito.

Ang ARTA po ay isang ahensiya na that has unique mandate to interconnect government agencies, that has the mandate to capacitate and enable government agency and at the same enforce and we have already resolved cases. Our resolution rate is almost 99%; the one percent cases that total less than 200 we referred it to the Office of the Ombudsman and the Civil Service Commission. Makakaasa po ang ating taumbayan na ang Anti-Red Tape Authority ay mabilis kumilos, makaka-resolve dahil po dito ang ating resolution rate is at 99.7%. Maraming salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Ayan, maraming salamat po at DG Perez, and of course dapat hindi mag-atubili ang ating mga kababayan na magsumbong kung may ganitong mga klaseng anomaly. Salamat po.

At sa isyu naman po ng droga at ilan pang illegal na gawain ang nabanggit ng Pangulo, sabi niya sa kaniyang naging talumpati: “Sa lahat ng mga operasyon ukol sa droga, mahigit isang daan at limampu’t tatlong libo ang naaresto, mahigit siyam na libo at anim na raan sa kanila ay high-value target; ang pinakamasaklap, mahigit na anim na raan at pitumput pito sa kanila ay kawani ng pamahalaan, mahigit isang daan ay halal na opisyal, mahigit limampu ay pulis.” Secretary Jonvic, sa hanay ng DILG at mga attached agencies nito, mula nang kayo ay nanungkulan, gaano ninyo pinagtuunan ng pansin ang paglilinis sa loob ng mga ahensiya at paano ninyo ito pinaiigting?

DILG SEC. REMULLA: Nauna na noong bagong upo pa lang ako, inuna namin iyong mga nagbobodega na pulis ng drugs, iyong operation na iyon, iyong operation Mayo, limampu ang pulis na pinakulong namin dahil kasama sila lahat.

Hold-over iyan eh from 2016 to 2022, may nagkaroon ng institutional practice na kung makakahuli ng 100 kilos ibobodega nila 90, isa-submit 10 para magkaroon sila ng accomplishment, kukuha ng sino man diyan nasa kanto babarilin maglalagay ng drugs kukuha ng reward. Ayan ang naging sistema at kultura noong panahon na iyon. Noong panahon ni Presidente Marcos, sabi niya ‘itigil na iyan’. Ang nangyari niyan, hinuli muna namin iyong bodega, wala nang reward system.

So, going from a consumption-based strategy in curtailing drugs, naging supply side ang kinuha namin. Just to give an example, since the President—the national consumption, estimated consumption of methamphetamine in the Philippines is 16 tons a year; in the last 8 months ang interdiction efforts ng PDEA, PNP, NBI, lahat ng ahensiya natin ay umabot na ng 6 tons. Correspondingly, umakyat ang presyo ng methamphetamine by 35%, it’s now 6,800 pesos per gram, street market value. Anong ibig sabihin niyan? Nag-curtail ng supply, ang demand lumiit na rin kaya tumaas ng presyo ng husto, that is our aim. You don’t only go for the consumption side iyong mga nahuli, but you go after the supply side.

Kung makikita mo, out of that six tons ang nawala, umaakyat din ang presyo, so the drug war is working without killing anyone, hindi kailangang patayin ang tao para manalo sa drug war.

PCO USEC. CASTRO: Kaya pala lumalabas din po kahit noong nakaraang administrasyon, hindi rin talaga nasasawata ang problema sa iligal na droga?

DILG SEC. REMULLA: Hindi, kasi naging endemic sa kultura na. Iyon ang nakasira sa kultura ng mga law enforcement agencies dahil ginawang reward side ang pagkuha ng droga. So, nilaro nila ang sistema – kung may reward side, pinapalaki nila ang reward nila. Ngayon, wala tayong reward side but it is… they’re just doing their job and the President is very serious, siya mismo nandudoon sa pag-incinerate ng drugs. It’s a record number amount of drugs – pure, tested ng mga laboratories na sinunog at one single time, at every week nagsusunog tayo. Hindi na tayo nagbobodega, diretsong sunog na.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat po, Secretary Remulla patungkol diyan.

Usaping tungkol naman sa pagpapalakas ng ating Sandatahang Lakas naman ang susunod na naging pahayag ng Pangulo: “Patuloy tayo sa pagpapatibay ng ating kapulisan at Sandatahang Lakas, ang mga armamento, sasakyang pandigma at sandata ng ating kapulisan at Sandatahang Lakas ay patuloy na nadaragdagan – angkop sa layuning modernisasyon at komprehensibong pagtatanggol ng ating mga kapuluan.

Sec. Gibo, puwede ninyo po ba kaming bigyan ng kaunting detalye patungkol po dito sa pahayag ng ating Pangulo at kontra sa paniniwala ng iba na nahinto na raw ang ating mga modernization efforts?

DND SEC. TEODORO: Ah, hindi. Tuluy-tuloy po ang modernization at lalo pa nating ninanais na bumilis ito. Kaya ang aming pakay ay sana maamyendahan din ng Kongreso ang modernization law ng AFP dahil ito ay nakasalalay sa 15-year na horizon at alam natin na nag-o-obsolete ang mga kagamitan in a much shorter time.

Pangalawa, pinaghahandaan din namin ang mga kinakailangan na suporta katulad ng mga base ng mga kagamitan upang magamit iyong mga bagong sistema na darating na na-order na noon kaalinsabay sa pag-order natin ng mga bagong sistema. Kasi nag-i-increase po ang area of operations natin at nagku-concentrate din tayo sa maritime domain, iyong karagatan natin na dalawang milyong square kilometers. Sa katunayan, doon sa anim na tonelada na nahuli na katulong natin ang partner-agencies, ang isang tonelada doon, Philippine Navy ang nakahuli at tinurn-over kaagad po sa ating mga partner-agencies kaya ganoon kaimportante na lumawak ang scope natin.

So, ang pakay ng ating Pangulo, hindi lamang magbago or continuous na pagbabago. Hindi puwede tayo bumili at hindi na magbabago iyon dahil nagbabago ang anyo ng mga hamon na hinaharap natin at tayo ay kailangang humabol sa ating mga nakikitang mga hamon kaya tuluy-tuloy po ito. At ito ay isang poste ng independent foreign policy sapagkat walang bansa sa mundo na may independent foreign policy na walang malakas na sandatahan. Kasi ang kapayapaan, ang indipendensiya, hindi iyan libre – pinaglalabanan iyan or pinaghahandaan upang walang tangkang guluhin ito.

At ang pakay din po natin ay bigyan ng mas malaking espasyo ang ating Pangulo sa pamamagitan ng tinatawag na deterrence para makaandar ang diplomasya at ang ating iba’t ibang security agencies.

Pangalawa, katulad noong diskusyon natin po kahapon ay sumasama ang mga tama ng disasters kaya inaasahan po natin sa unang yugto kung malalaki ang disaster, ang Armed Forces at ang PNP po ang inaasahan. Sa frontline po ang PNP, BFP, Coast Guard, pero ang heavy lifting ‘ika nga iyong magdadala ng maraming bagay lalo na sa mga liblib na lugar ang Armed Forces kaya ito, patuloy din nating minu-monitor.

Pangatlo, ang hamon hindi lamang ang tinatawag na traditional threats kung hindi, nandiyan na rin ang asymmetric and hybrid threats katulad ng cyber-attacks at iba’t iba pa. Ngayon, ang tinatawag nila noong araw na Moore’s Law na every two years nag-o-obsolete ang cyber technology, hindi na ho ganoon. Sa iba pong mga conflict areas ngayon, kada tatlong buwan nagbabago na kasi nga katulad noong sinabi ni Director natin sa ARTA, may artificial intelligence – natutumbok kaagad ng mga katunggali ang kapabilidad mo dahil may pamamaraan na sila na matumbok ito.

At pang-apat, sa 7,000 islands, two million square kilometers ay hindi natin masusustine katulong ang PNP at ibang agencies ang kapayapaan at deterrence sa size ng Armed Forces. Ikumpara natin, sa ating mga kapit-bayan, per capita ratio natin, population versus uniformed and non-uniformed members ng Department of National Defense ‘no, isa tayo sa pinakamaliit. Ang kasundaluhan natin ay 162,000 lang; ang kaalinsabay natin na bansa katulad ng Thailand, 360,000 na iyan maliban pa sa pulis. So, kung kapayapaan, kapuluan, deterrence ang pinag-uusapan, hindi lamang kagamitan kung hindi katauhan ang kailangan nating dagdagan.

Masabi ko rin, hindi lang po ito ang mandato ng Department of National Defense kung hindi ang pangangalaga at pag-aaruga sa ating mga beterano. Sa ganoong pamamaraan, ginawang priority project ng ating Pangulo ang paggagawa ng veterans health service kung saan idi-decentralize ang pagbibigay ng primary care at consultative care, telemedicine, reseta, blood transfusions. Kinse na tinatawag na VALOR clinic na ikakalat sa buong Pilipinas at dadagdagan pa.

Ang Veterans Memorial Medical Center na 1947 pa, kailangang bagbagin at i-remodel dahil ito’y luma na. So, ia-upgrade po ito, ito’y magiging specialty and high-quality tertiary care center ng ating mga beterano. Ngayon, para naman ma-decongest ang ating mga ospital dahil marami po sa ating mga beterano, humahaba ang confinement average dahil kinakailangan po nila ng hospice. Gagawa po ang Philippine Veterans Affairs Office ng mga hospice sa ating mga beterano na hindi na po kaya alagaan ang kanilang mga sarili at wala pong kapamilya na mag-aalaga po sa kanila.

Ang Government Arsenal naman, siya ang gumagawa ng bala at iba’t iba pang mga monumento de… iyong mga armas na kinakailangan natin, iminu-modernize din po natin. And iyong OCD po, na-discuss na natin kahapon na bilin ng ating Pangulo, response – anticipate potential disasters, bilisan ang response. Ngayon, itong ecosystem na ito, enterprise ang tawag dito sa private sector, enterprise eh dahil maraming ahensiya. Ang importante dito ang operational security natin dahil critical ang mga imprastraktura, dito ay napakaimportante na ang tao at ang ating mga proseso, ang ating kagamitan ay pangangalagaan ang seguridad kasi ito ay numero unong target na tina-target ng mga may interes na pahinain tayo. At alam ninyo na kung sino iyon? Hindi ko na babanggitin, na mga bansa – tatagal eh. Alam ninyo naman, kapag nasusian ako sa bansa na iyon, hindi na ako titigil.

So, ganoon, ito ay priority projects ng ating Pangulo. Ang target date ng completion natin sa mga priority projects ay 2028. Iyong strategic basing program natin kung saan dadagdagan natin ang ating mga base galing kaalinsabay ng Coast Guard dahil maraming maritime areas lalung-lalo na sa dako ng Pacific Ocean na kailangan nating dagdagan ay, of course, mag-i-extend ito ‘no pero kailangang umpisahan na ngayon. So, patuloy ang ating modernisasyon.

Ang isa pang importante, dahil walang bansa sa mundo nakikita natin na kakayanin whether natural or man-made calamity, pinalalaki ng ating Pangulo at isang importanteng hakbang sa kada foreign engagement niya, alinsabay ng ating National Security Adviser at Foreign Affairs Secretary, ang paggagawa ng alyansa natin para itaguyod ang international law kung saan itinataguyod natin ang karapatan natin na gamitin ang likas na yaman sa ilalim ng karagatan sapagkat tayo ay otsenta porsiyentong karagatan at alagaan ito.

Sabi ng ating Pangulo, hindi ako nagpupundar para ngayon lamang kung hindi para sa kinabukasan. So, pinupundar natin ito, pinangangalagaan natin ito para mayroon tayong ipamamana sa mga Pilipino sa kinabukasan nila.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Secretary Gibo. Naku, sa kinuwento po at ipinahayag ng ating Secretary Gibo, parang ang hirap maging DND Secretary.

DND SEC. TEODORO: Sa ilalim po ng pangunguna ng ating Pangulo, madali, lalung-lalo na po siya ang timon at may mga kasamahan po tayo na isang pamilya na suportado po namin ang isa’t isa.

PCO USEC. CASTRO: So, i-follow up ko lang: Hindi pala puwedeng i-request lang na gusto kong maging DND secretary tapos wala kang skills, mahirap po iyon lalo na at seguridad ang pinag-uusapan natin.

Para sa Armed Forces of the Philippines naman, sa parehong pahayag ng Pangulo, General Brawner, okay, patungkol pa rin po sa modernisasyon: Ano po ang inyong masasabi patungkol dito?

AFP GEN. BRAWNER: Well, kami po sa Armed Forces of the Philippines ay nagpapasalamat sa ating Pangulo dahil tuluy-tuloy po iyong ating modernisasyon ng ating Armed Forces.

Idagdag ko lang po sa sinabi ni Secretary Teodoro, bukod po sa mga base na dini-develop na po natin ay marami na po tayong nabiling mga kagamitan, mga platforms katulad po ng mga barko ng Philippine Navy. Dumating na po iyong bagong frigates natin. Mayroon na po tayong dalawang bagong corvettes. Parating na rin po iyong anim na offshore patrol vessels natin. Marami na po rin tayong mga mas maliliit pa na mga barko na dumating na.

Para sa Philippine Air Force naman po ay marami na po tayong Black Hawks, at dadagdagan pa ho natin itong mga Black Hawks natin na ito dahil kailangang-kailangan natin ito para sa seguridad ng ating bansa hindi lamang po sa pagdepensa ng ating bansa kung hindi sa panahon ng kalamidad, ito hong mga helicopters na ito, iyong mga C-130s po natin, ito po iyong mga nagdadala ng relief goods sa mga bayan na talagang nasalanta ng bagyo or naapektuhan ng mga disasters.

Bukod po dito, may mga bagong tangke tayo sa Philippine Army, at marami pa ho tayong mga self-propelled Howitzers, mga bago po ito, at marami pa ho tayong kinukuha. And mayroon po tayong in-order na mga 12 na karagdagang FA50, mga jet fighters po natin, nangsagayun ay mas madepensahan, mas mapatrolyahan natin hindi lamang po ang West Philippine Sea kung hindi iyong buong archipelago, iyong buong karagatan po ng Pilipinas.

Bukod po dito, tuluy-tuloy rin ho iyong ating ginagawang pag-update, pag-upgrade ng ating cyber systems dahil nakita po natin na talagang isa sa mga bagong anyo ng digmaan ay ang tinatawag nating cyber warfare kaya talagang pinapalakas po natin ito dahil alam natin na ang mga Pilipino po ay talagang mahusay, magaling, may talento sa cyber. Kaya’t gagamitin po natin ito hindi lamang po sa pagdepensa ng ating bansa pero kung kinakailangan na tayo ay umatake ay kaya rin po natin. So, I believe that when it comes to cyber security, kaya po nating lumaban sa mga bansang mas developed kaysa po sa atin.

So, marami hong ginagawang mga aktibidades ukol po dito sa modernization natin. Pero hindi lang po tayo ang nagmo-modernize, pati na rin po iyong ibang mga armed forces sa buong mundo kasi nga po, nagbabago ang anyo ng digmaan. So, kasama rin po natin iyong ibang mga bansa dito, tumutulong din po sila sa atin upang ma-develop iyong ating kakayahan na madepensahan iyong ating bansa.

Gusto ko lang pong banggitin din that mayroon po tayong programa, may programa ang ating Pangulo, iyong tinatawag po nating Self-reliant Defense Posture program kung saan po ay iyong mga defense industry, local defense industry ay tinutulungan nating ma-develop so that tayo na po dito sa ating bansa ang gagawa ng sarili nating mga gamit pandigma at pati na rin iyong mga bala at iyong mga kailangan natin na mga supplies upang madepensahan natin ang ating bansa.

Maraming salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, General Brawner.  Also, we’re not waging war against anybody, kailangan lang din pong handa tayo.

AFP GEN. BRAWNER: Tama po iyon, tama po iyon. Iyong sinabi ng ating Pangulo na we are friends to all, enemies to none, hindi po ibig sabihin na hindi na po tayo lalaban kung kinakailangan. That is why kailangang palakasin po natin iyong ating Armed Forces of the Philippines.

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, General Brawner.

At ang susunod naman po ay para sa Department of Justice. Ang sabi ng Pangulo: “Nagtutulungan ang buong pamahalaan para lutasin ang mga kaso ng mga nawawala dahil sa walang pakundangang kagagawan ng mga sindikato sa likod ng madilim na mundo ng mga sabungan. Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot, sibilyan man o opisyal. Kahit malakas, mabigat o mayaman, hindi sila mangingibabaw sa batas. Higit sa lahat, ipararamdam natin sa mga salarin ang bigat ng parusa sa karumal-dumal na krimen ng mga ito.” Secretary Boying, ano po ang inyong nararamdaman at papaano ninyo ma-explain ang ganitong klaseng direktiba ng Pangulo?

DOJ SEC. REMULLA: Ang mahalaga sa lahat ay marahil ang suporta na ibinibigay ng Pangulo sa Department of Justice sapagkat ang mga kalaban ng Department of Justice ay marami at marami po rito ay mayaman. At ang iniiwasan po natin dito ay maging batayan ang pera para mabuhay ang isang tao sapagkat iyong mga kuwento po na ating nakuha, nakalap dito po sa pag-iimbestiga ng mga nawawalang sabungero ay parang may presyo ang bawat buhay; at kung kayang bayaran ang presyo, mayroong magdi-deliver. Eh hindi po ito Grab, hindi po ito Lalamove. Ito po ay buhay ng tao na pinag-uusapan natin kaya napakabigat.

At siyempre lahat po iyan may pamilya, may kapatid, may asawa, may anak, may magulang, lahat po iyan ay hinahanap ng mahal sa buhay at hindi po dapat ganoon-ganoon na lang ang mangyayari sa atin na ang batas ay ipinatutupad lamang para sa mga taong may kayang magbayad. Hindi ho dapat ganoon.

Kaya ang ginagawa na ho natin dito talaga ay iniimbestigahan natin nang todo at kumukuha tayo ng mga testigo na magpapatunay at mga ebidensiyang magpapatunay ng ating kaso upang mabilanggo natin iyong mga salarin. Wala na ho tayong death penalty eh pero iyon nga, ang mahalaga sa lahat talagang masinop ang paghahanda sa mga kaso na aming pinupursige sapagkat naghihintay iyong mga pamilya na malaman kung anong nangyari sa kanilang mga mahal sa buhay.

At ang sabi ko rin dito, marami ho diyan ay sinetel [settled] daw ang mga pamilya at binigyan ng compensation para hindi na maghabol, pero dito po kasi estado na po ang may interes dito sa kasong ito. Kahit bayaran nila ang bawat pamilya hindi ho nila kayang bayaran ang estado sapagkat ang utang na ito ay utang nila sa mamamayang Pilipino. Kailangan mayroon tayong peace of mind, dapat lagi ho tayong may katahimikan sa buhay na tayo ay natutulog na alam natin na kung may mangyayari ang batas ay kakampi natin. Kaya hindi ho namin tinitigilan, tatlong taon na ho naming hinahabol ang mga salarin dito at ngayon ay malapit na malapit na po nating matunton ang lahat at sa ilang linggo marahil ay ang mga kasong nararapat ay maisasampa na upang magkaroon ng closure at magkaroon ng katahimikan ang mga kaisipan natin tungkol sa mga taong gumagawa ng ganitong karumal-dumal na krimen. 

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Sec. Boying. May follow up question lang po ako kay Sec. Boying. Tuwing nakikita ko po kayong ini-interview, ako napansin ko po ito, kapag tinatanong po siya at sabihin, “Kumusta na po? Mayroon na bang ebidensiya?” Mayroon kayong palihim na ngiti patagilid. Ano po ba ang ibig sabihin ng ganoong klaseng ngiti?

DOJ SEC. REMULLA: Hindi kayang sabihin ang lahat eh, may mga bagay na mabuti nang kami na muna ang nakakaalam sapagkat hindi ho ito teleseryeng ganoon-ganoon lang, ito po ay ebidensiyang kinakailangang ilabas natin sa tamang panahon, iyon po. Kapag tayo ay nakangiti, ibig sabihin, may nangyayari at araw-araw naman nakangiti tayo.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sec. Boying. Salamat.

Talakayin naman po natin ang susunod na pahayag ng ating Pangulo para sa Department of Foreign Affairs. Sabi po ng Pangulo: “Subalit ngayon mas mataas pa ang ating kumpiyansa dahil sa mas marami na tayong mga kasangga na magiging kabalikat natin sa oras nang matinding pangangailangan.” Secretary Tess, maaari ninyo po bang palawigin pa ang sinabi na ito ng ating Pangulo?

DFA SEC. LAZARO: Sinabi rin ng Pangulo na we are friends to all and enemies to none – nabanggit iyan ni General Brawner at ni Secretary Teodoro – tunay po na ang diplomasya na iyan ang tunay na adhikain ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. Kami po siguro ang talagang nagdadala nitong mga salitang ito dahil kami po ang nakikipag-usap sa lahat ng mga bansa sa buong mundo.

Ngayon, dito po sinabi ng Pangulo, ang ibig sabihin ay nabanggit na rin po ang alyansa – marami po tayong mga kaalyansa sa buong mundo na nagbibigay sa atin ng maraming tulong: una, tinataguyod nila ang rule of law particularly the UNCLOS at saka iyong arbitral award natin. So, itong iyong peaceful resolution of disputes, tinutulungan tayo ng mga iyan, marami na po sila.

Pangalawa, tinutulungan tayo sa ating mga OFWs. Sila rin ang tumutulong at nagbibigay rin po ng livelihood sa mga kababayan natin at particularly the seafarers. Nakita ninyo naman there was an incident na nandiyan palagi ho sila tumutulong sa mga nagiging problema ng ating mga manggagawa at mga seafarers.

At pangatlo, ang mga bayan din na ito na aming kinakausap ang tumutulong sa atin sa mga developmental needs natin – infrastructure, defense equipment at marami pong ibang mga tulong na ginagawa. So, ito po talaga ang pinaka-essence ng Ugnayang Panlabas at ang aming pakikitungo sa mga maraming bansa kaya po medyo … iyon ang sinabi ng Pangulo na medyo nakakagaan.

But I’d like to go further, marami pong mangyayari next year, 2026 tayo po ang magiging chair ng Association of Southeast Asian Nations [ASEAN], ito po ay isang malaking pulong ng mga bayan at nitong ating Association of Southeast Asian Nations at marami pong mga dialogue countries. So, taon po na ito we will be discussing political security issues, economic issues pati na po iyong mga sociocultural issues.

So, marami pong ahensiya na kasama namin sa pagtulung-tulong para ma-project ang Pilipinas at ating mga ginagawa bilang consensus builder, peacemaker and other facets that will project the Philippines well. Mayroon din po tayong inaabangan na eleksiyon again next year. Sa Hunyo po tayo po ay magkakaroon ng botohan sa United Nations whereby tayo po ay bidding for a non-permanent member of the Security Council ng United Nations. Kapag nakuha po natin iyang position na iyan plus the chairship of the ASEAN, this will be a very momentous occasion para sa bayan. This is now the projection of ang Bagong Pilipinas at ang leadership ng Pangulo among others.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sec. Tess. Pero alam ninyo po ba na iyong mga kaibigan natin sa media ay masaya po kasi kapag may mga issues about foreign policies, foreign relations ay mas mabilis tumugon ang DFA sa inyo pong pamumuno.

DFA SEC. LAZARO: Salamat po.

PCO USEC. CASTRO: At para naman po sa susunod na usapin, ito naman ay may kinalaman sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development. Ang sabi po ng Pangulo: “Magkakasangga ngayon ang AFP, PNP at mga dating rebelde sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa BARMM.” Secretary Pangandaman, ano po ang ginagawa sa hakbang na ito upang mapanatili ang kapayapaan sa BARMM?

PA FOR MARAWI REHAB SEC. PANGANDAMAN: Well, salamat, Usec. Claire. Tuluy-tuloy po talaga ang rehabilitation efforts ng Marawi at kaakibat po rito is iyong pagtulung-tulong ng iba’t ibang ahensiya lalo na po ang Armed Forces of the Philippines at saka Philippine National Police. In fact, ito pong ginagawa nating rehabilitation efforts ngayon sa Marawi ay nabago po iyong konsepto nito ngayon dahil noong una po right after the Marawi siege ang humawak po ng rehabilitation efforts dito ay inter-agency task force noong una. Medyo nababagalan po siguro ang ating mahal na Pangulo kaya binago po niya iyong approach dito. Ang ginagawa po natin ngayon is ito pong rehabilitation efforts sa Marawi City ay hawak na po ngayon ng Office of the President – dati po inter-agency task force na hinahawakan ng trenta y singkong ahensiya ng pamahalaan. So ngayon po, na-streamline iyong ating operations at ito po ay hinahawakan ngayon, directly being supervised by the Office of the President.

So, napapabilis po ngayon iyong rehabilitation kasi ang sabi po ng ating mahal na Pangulo ay medyo matagal-tagal na rin po—actually, kaka-assume lang po natin last year at in-enhance po natin iyong rehabilitation efforts sa Marawi kasi nakita po ng ating mahal na Pangulo na despite of the resources that were downloaded to these agencies medyo mabagal pa siya at mayroon pa pong mga ginagawa pa ngayon so we are now addressing iyong mga gaps po iyong mga hindi po natapos, iyong mga naabandonang mga proyekto at saka iyong mga proyektong hindi pa po naumpisahan.

So, ongoing po iyong rehabilitation efforts ngayon, in fact medyo nagtataka po ang ating mahal na Pangulo dahil bakit ganoon kalaking resources ang nabuhos dito at hanggang ngayon medyo marami pang kulang. We are looking at a figure of probably around 43 billion that were downloaded to the Marawi rehabilitation efforts at medyo marami pa po tayong gagawin. Anyway, I will not discuss the details of this.

Ang ngayon po ang ating kuwan ngayon is nagtutulungan po iyong Armed Forces, iyong Philippine National Police at saka iyong ating mga nakikitang mga ahensiya ng pamahalaan para itulak, para mapabilis po iyong rehabilitation ng Marawi City; at saka pangalawa, isa po sa direktiba ng ating mahal na Pangulo ay ginawa niyang mas komprehensibo iyong ating rehabilitation, this includes iyong compensation po ng mga victims po noong nakaraang Marawi siege. So, ito po iyong mga biktima na dapat po tulungan natin through the Marawi Compensation Board.

So, iyong Marawi Compensation Board ngayon is an attached agency na po ngayon ng aking opisina. Tinutulungan po natin sila para mabayaran kaagad po natin iyong compensation ng mga biktima po ng Marawi siege.

Ngayon nakatutok po kami sa dito sa mga gaps, ang sinasabing gaps, ito po iyong malalaking proyekto sa Marawi rehabilitation na hanggang ngayon ay hindi pa po natatapos.

So, anyway, I am very optimistic po na with this comprehensive approach ay mapapabilis po natin iyong rehabilitation ng Marawi. Unang-unang tinututukan po natin dito is iyong tubig, kasi iyong tubig po kasi, isa po iyan sa mga basic needs ng ating mga kababayan diyan sa Marawi, kasi nadurog po talaga iyong water system ng Marawi because of the siege. So, unti-unti po nating niri-rehabilitate iyan at ako po ay natutuwa at tinutulungan po tayo dito ng Armed Forces of the Philippines, nandito po si Secretary Teodoro at inumpisahan at pinapabilis po natin na matapos iyong bulk water supply project ng Marawi that will cater to, iyong mga residente po ng Marawi City.

At, of course, isa po nating tinututukan dito, ay iyong kuryente po, iyong how we will be able to restore iyong kuryente po diyan sa Marawi and it is now a work in progress, hopefully by the next four or five months ay mari-restore na po totally ang kuryente sa Marawi.

Pangatlo, dahil po sa direktiba ng ating mahal na Pangulo, tinututukan rin po natin iyong housing needs ng ating mga kababayan doon. Ongoing po iyong mga housing projects natin doon. In fact, recently, bumisita po iyong ating mahal na Pangulo sa Marawi, this was before the SONA of the President. At mayroon po siyang mga direktiba na binitawan doon at ako po ay natutuwa na lahat ng mga ahensiya na nabigyan po ng direktiba ng ating mahal na Pangulo ay tumutulong po ngayon para itulak, unang-una, mabuksan po iyong mga eskuwelahan doon.

So, in the next few months, we will be opening up iyong mga school buildings po na ating ginagawa ngayon. Mayroon lang pong kaunting kulang doon, this will house mga more or less 10,000 students, Usec. Claire, na ito ay more than 200 classrooms.

So, kapag natapos po ito—ito pong ating mga bata na nag-aaral ngayon po ay naka-house sila sa mga temporary learning centers, doon po ito sa mga lumang palengke, doon po sila nag-aaral. Nabisita po natin, ng ating mahal na Pangulo ito at nagbigay po siya ng direktiba na dapat matapos kaagad itong mga school buildings na ito at para mailipat natin iyong mga estudyante natin.

Now, isa rin pong direktiba na ibinigay ng ating mahal na Pangulo noong pagbisita po niya ng Marawi City is dapat, sabi niyang ganoon, mabuksan na ninyo iyong Marawi City General Hospital.  So, ako po ay natutuwa at gusto ko pong ipaabot sa ating mga kababayan lalo na po iyong ating mga kababayan sa Marawi na in the next few days, the President will be inaugurate iyong Marawi City General Hospital kasi kailangang-kailangan po talaga iyong ospital dito  at ito po ay initially, this will be manned by the Department of Health, kasi medyo may kulang pa pong mga requirements na dapat pong gagawin ng local government unit of Marawi.

But ultimately, this will be turned over to the local government of Marawi but initially, in the interim, ito po ay patatakbuhin muna ng Department of Health. Diniscuss ko na ito po sa ating tungkol sa ating mahal na Secretary, si Secretary Ted Herbosa, at nag-commit naman po siya. In fact, in the next few days magkakaroon po kami ng dry run para ma-inaugurate na ng ating mahal na Pangulo itong ospital.

Now, ito naman pong mga ibang mga proyekto, tuly-tuloy po ito.  Aasahan po ninyong mapapabilis po ito, dahil ito nga po, ito ay hawak na mismo, directly supervised   by the Office of the Presidente.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po, Sec. Pangandaman. And maganda pong balita iyan dahil 2017 pa po naganap iyong tinatawag nating Marawi siege, pero ngayon po talagang pinabibilisan ng Pangulo natin para  ma-rehabilitate at makabalik  na talaga iyong mga kababayan natin dito sa Marawi. Thank you po, Secretary Pangandaman.

At sa usaping droga naman, para sa Philippine Drug Enforcement Agency, ang susunod na pahayag ng Pangulo: “Sa tatlong taon lamang halos mapantayan na ang kabuuang huli noong nakaraang administrasyon. Sa kabila ng mga ito, tila nagbabalikan daw ang mga pusher, kaya patuloy ang ating operasyon laban sa mga drug dealer, sila man ay big time or small time.”

Director General Nerez, payapa at bloodless itong drug war ng ating Pangulong Marcos Jr., paano naman nangyayaring halos mapantayan na ang suma tutal na huli ng nakaraang administrasyon, nasa kalahati pa lang tayo ng termino. Ano ang iba sa ngayon na ginagawa ng PDEA?

PDEA DG NEREZ: Thank you, Ma’am Claire. Yes, Ma’am Claire, ang istratehiya ng ating administrasyon ngayon ay pinaigting doon sa dating istratehiya noong nakaraang administrasyon. Ngayon, emphasize na emphasize po iyong human rights, iyong respect ng human dignity sa pagsagawa ng operasyon laban sa droga. At ito ngayon, sa ating enhanced anti-drug strategy po ngayon. Noon anti-drug strategy, ngayon sa administrasyon ng ating Presidente ay Enhanced Anti-Drug Strategy.  Enhanced dahil po, ito po ay ini-emphasize ang human rights ng ating mga kababayang Pilipino at ito ngayon iyong ino-observe lahat ng ating mga law enforcement agencies na nagsasagawa ng anti-drug operation.

Dito ngayon tayo kung bakit halos mapantayan na ng ating administrasyon iyong accomplishment o kaya iyong mga nahuli na droga ng mga past administrations.

Ito po ngayon ang datos po, ang value po ng droga na nakumpiska ngayong first three years ng administration na ito ay umabot na ng 82 billion, samantalang iyong mga nakaraang administrasyon, sa six years, ang pinakamataas lang iyong nakaraang administrasyon na 91 billion. So, kaunti na lang iyong deperensiya ng ating administrasyon ngayon para mapantayan o mahigitan pa ang nahuli na droga ng mga past administrations.

Ito ngayon ay ang resulta ng ating Enhanced Anti-Drug Strategy ng ating administrasyon ngayon: Sa Enhanced Anti-Drug Strategy, ito po ay dalawang component po ito: Iyong supply reduction at saka demand reduction. Sa supply reduction po, naka-emphasize po ito na ang mga target nito ay mga big drug lords, mga talagang mga high-value targets. At dahil sa istratehiya ng ating administrasyon ngayon, ito ay napaigting ang samahan ng mga law enforcement agencies laban sa droga at ito po ay nagdulot ng magandang samahan o kooperasyon ng ating law enforcement agencies like the PNP, the NBI, the Coast Guard, even the PPA, the Bureau of Customs and of course ang ating AFP.

So, ito ngayon iyong resulta ng Enhanced Anti-Drug Strategy na ang bunga ng ating efforts sa supply reduction ay nakahuli sa the first three years ng ating administration ng 9,686 high-value targets. As compared to the past administration na doon sa first three years nila ay nakahuli lang ng 7,054 HVTs or high value target. So, kung titingnan natin, mas mataas, mas marami ang nakuha ng ating administrasyon ngayon sa first three months na paghuhuli ng mga high-value targets kaysa mga past administration.

Kaya ito po ang explanation kung bakit ngayong first three years pa lang ay halos mapantayan ng ating administrasyon ng mga nahuling droga ng mga past administrations during their six-year term compared to the three years pa lang ng ating Pangulo.

So, kung titingnan natin ay mas mataas o mas marami ang nakuha ng ating administrasyon ngayon sa first three months na panghuhuli ng mga high value targets kaysa mga past administrations. Kaya ito po ang explanation kung bakit ngayong first three years pa lang ay halos mapantayan na ng ating administrasyon ang mga nahuling droga ng mga past administration during their six years term, compared to the three years pa lang ng ating Pangulo.

PCO USEC. CASTRO: Magandang balita po iyan. So, ngayon po iyong 9,800 something?

PDEA DG NEREZ: Six hundred fifty-six.

PCO USEC. CASTRO: Six hundred—oo, na high value targets na nahuli po, nakademanda na po ba ito?

PDEA DG NEREZ: Yes po, at iyon po iyong ating kuwan po, ito po ay standard operating procedure sa lahat ng law enforcement agencies po na kapag iyan ay may operation may huli ay kailangan ay isangguni sa departamento ni Secretary Boying Remulla para iyan umusad ang hustisya.

At isa po doon, doon sa demand reduction po naman, ang demand reduction ito po iyong whole of the nation approach na doon sa pagbaba ng demand ng droga. At ito ay tulung-tulong iyang mga TESDA, nandiyan na rin iyong CHED at saka DepEd at saka lahat-lahat, DSWD. At ito ngayon ang focus po nito ay para bumaba ang demand. At mababa ang demand dahil ang mga kababayan natin ay aware na, alam na nila ang masamang dulot ng droga, iyon po naman iyong pakay ng demand reduction. Pero ang amin pong pakiusap, ito pong laban sa droga ay hindi lamang po obligasyon ng ating gobyerno; ito ay responsibilidad ng bawat Pilipino, responsibilidad po nating lahat. Maraming salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Thank you. And, of course, maliban diyan, nakademanda na pero siyempre malaki pa rin ang obligasyon ng state prosecutors, ng public prosecutors para talaga sila ay maparusahan. Kasi minsan siyempre, sir, kapag high value target ay magagaling iyang mga lawyers niyan. Kaya ano po, iyan na po sa kagalingan ng DOJ, thank you po. Thank you.

At muli, maraming salamat, DG Nerez.

At para naman sa National Security Council, ang libo-libong mga nag-alsa dati laban sa pamahalaan, nagbagong buhay at nagbabalik-loob na, tinataguyod natin kasama ang kanilang pamilya. Katuwang ang pribadong sektor, pinapaunlad din natin ang kanilang pamayanan at naglalatag tayo ng mga daan, patubig at marangal na hanapbuhay. Secretary Año, kumusta naman po ang kalagayan ng mga nabanggit ng Pangulo sa kaniyang pahayag?

NSC SEC. AÑO: Maraming salamat, Usec. Claire. Unang-una, iyong tagumpay na ito o milestone ay ating nakamit dahil sa whole of nation and whole of government approaches sa pamamagitan ng national task force to end the local communist armed group, ang NTF-ELCAC na mismong pinangungunahan ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Itong NTF-ELCAC ay isang inter-agency task force na binubuo ng mga iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan, local government units, pribadong sektor pati mismo iyong mga tao sa komunidad, kaya binibigyan din po natin ng pugay iyong ating mga LGU executives – iyong ating mga governors, mayors at barangay captains. At ang layunin nito ay puksain ang armadong pakikipaglaban, bigyan ng lunas ang nagiging ugat ng insurhensiya o rebellion at bigyan ng bagong kinabukasan ang ating mga former rebels at siguraduhing hindi na makakabalik ang insurhensiya sa ating mga liblib na lugar.

At sa armadong pakikibaka, karamihan po naman naging miyembro dito ay nalinlang lamang. Kaya binigyan natin sila ng pagkakataon na makapagbagong-buhay mula July 2022 hanggang May 2025, a total of 7,586 rebels po ang nag-surrender at ito ay binigyan natin through the enhanced comprehensive local integration program (E-CLIP) naglaan tayo 384 million at binigyan natin sila ng cash assistance, assistance for livelihood, pati sa kanilang tirahan, seguridad at even training sa TESDA para mai-prepare sila sa bagong buhay nila. At hindi pa riyan, mayroon tayong amnesty program na kasalukuyang ipinapatupad ng National Amnesty Commission. Sa ngayon ay mayroon tayong 2,936 applicants at kapag ito ay maproseso natin, lahat ng mga naging kaso nila mabubura iyan at talagang mabibigyan na sila ng panibagong kinabukasan.

So, ito iyong mga programa natin sa mga libo-libong nag-surrender na ngayon ay kasama na natin. In fact, nagkaroon sila ng national organization, iyong Buklod Kapayapaan Foundation Incorporated. Sila ngayon ang nagbibigay ng gabay sa mga bagong nagsu-surrender. Binibigyan natin ng assistance iyan ‘no para makapag-prepare, magkaroon sila ng trabaho and at the same time, maging self-reliant later.

Now, nabanggit ng Pangulo mayroon pang ibang mga binigay natin para mapaunlad ang kanilang kabuhayan, papasok po dito ang ating Barangay Development Programs na kung saan ito ang cornerstone ng community development. Ito ang sinasabi nating lunas, solusyon sa ugat ng insurhensiya. Mula 2021 hanggang 2025 mayroon pong total na 4,830 barangays na na-clear natin, ito ang binigyan natin ng suporta ng BDP programs ‘no; 7,700 projects ang ibinigay natin, 5,436 na ang nakumpleto; ang iba ay malapit narin makumpleto.

At itong mga projects na ito ay sa mga tinatawag natin geographically isolated and disadvantaged area, so iyong mga nasa laylayan. At masasabi natin na umabot ng 38.2 billion ang na-allocate ng ating pamahalaan. Dahil dito ay nakapagpagawa tayo ng 1,711 kilometers na farm-to-market road, 793 classrooms, 1,711 na sanitary and water system at saka 6,160 families ang nabigyan ng kuryente at about 15,000 na street lights. Sa kabuuan ay 13 million ng ating kababayan ang nakikinabang dito, at itong mga lugar na ito ngayon ang mga mismong taga-barangay ang pumili ng kanilang projects na dapat isagawa sa barangay.

At ito ngayon ang sasabihin natin na mga social services infrastructure na makapag-boost sa economic development para ma-attract iyong mga investors at sisiguraduhin natin na patuloy ito sapagkat mayroon tayong inapprove ng Pangulo na National Action Plan for Unity, Peace and Development. So, dito na tayo magtutuon ngayon para siguraduhin natin ang unity para sa mga nagbalik-loob; peace, para siguraduhin natin na ang mga lugar na ito ay hindi na mababalikan ng mga armado; at development, para magkaroon ng magandang buhay ang ating mga kababayan. Ito ay tuluy-tuloy na gagawin sa pangunguna ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang chairman ng NTF-ELCAC.

So, napakaganda. Dahil dito, ang ating Armed Forces ay makakatuon na sa external defense. Ang mga lugar na ating sinasabing mapayapa puwede ng pangunahan ng Philippine National Police ang pag-maintain ng peace and order. So, ibig niyan ay tahimik na ang ating Pilipinas.

Iyong dating 89 guerrilla fronts ngayon ay wala ng aktibong guerilla fronts sa ngayon at mabibilang muna lang sa daliri ang natitirang armado. Siguro sa ating huling tala, ito ay nasa 901 at 731 firearms. Eh bilangin mo iyong barangay sa buong Pilipinas, 33,000 barangays so halos wala na ‘no. Pero bibigyan pa rin natin sila ng pagkakataong magbagong-buhay; bukas ang ating pamahalaan para sila ay bumalik at bibigyan natin ng panibagong pag-asa.

Doon naman sa mga puting area or sa mga white area na nagkakaroon pa rin ng mga recruitment effort sa eskuwelahan, sa komunidad, sa online, sa indigenous people area, nandiyan pa rin po iyong ating mga iba’t ibang ahensiya para siguraduhin matigil na itong ginagawang panlilinlang ng mga armadong CPP-NPA.

PCO USEC. CASTRO: Napakagandang balita niyan, magandang kinabukasan para sa mga nagbabalik-loob. Pero, sir, tanong ko lang, Secretary Año. Dati po kasi iyong NTF-ELCAC, parang hindi maganda iyong imahe sa pang-aabuso sa red-tagging. Tayo ba ngayon ay hindi na dapat mangamba na may ganito pa ring klaseng pagri-red-tagging na abuso?

NSC SEC. AÑO: Well, unang-una, misnomer kasi iyong sinasabing red-tagging ‘no. Wala tayong ginagawang red-tagging sapagkat, unang-una, wala naman sa batas iyan; pangalawa, hindi natin iyan polisiya. Ang nangyayari, mayroong mga dating rebelde na nag-surrender, nagbagong-buhay na, sila ang nagbibigay at nagpapaliwanag kung papaano nalilinlang ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga front organization ‘no, iyong mga legal na organization pero ito pala ay kasangkapan ng CPP-NPA-NDF. So, sila ngayon ang naghahayag ng katotohanan.

Siyempre may mga tinatamaan dito at ito iyong nagki-criticize at kung anu-ano iyong mga sinasabi samantalang ang mismong mga kasamahan nila mismo ang nagbuking o nagbigay ng patotoo kung ano talaga ang ginagawang panlilinlang. So, sabi ko nga, hindi iyan natin policy, hindi ninyo maririnig na nagri-red-tagging tayo pero tayo naman ay bukas sa lahat ng katotohanan. Bayaan nating maghayag iyong mga dating nagrebelde dahil nais din nilang maliwanagan iyong iba pang natitirang kasamahan nila at makapagbagong-buhay din.

PCO USEC. CASTRO: ‘Yan, iyan din po talaga ang gusto naming marinig, Secretary Año. Salamat po.

Mabilis na aksiyon, ito ang naging isa sa naging direktiba ng ating Pangulo sa ating kapulisan. Sabi niya: “Kaya ang puwersa ng ating kapulisan ay nagbabantay at rumuronda para nararamdaman ng taumbayan. Sila ay reresponde sa tawag ng tungkulin sa loob lamang ng limang minuto.” Bakit naging mahalaga ang pagronda ng mga pulis? Hindi ba sapat na sila ay nasa kanilang mga outpost at nag-aabang ng tawag? Lt. Gen. Okubo?

LT. GEN. OKUBO: Salamat po, Ma’am Claire ‘no.

Ang programa po ng ating Chief PNP ay ito pong mabilis na serbisyo para sa ating bayan at inayos po niya ang aming PNP Command Center, inayos po niya ang mga regional command centers, ang aming radio trunkline system inayos po niya at pinagana po niya at inayos din ang 911 system para po maabot ang mabilis na serbisyo. Ito ay pina-practice namin palagi araw-araw at kapag kayo’y tumawag sa 911 sa kahit anumang banda ng Pilipinas, iku-connect kayo ng aming mga PNP operators, PNP personnel at sasagutin po ng mga police stations na doon po kung saan nangangailangan ang mga response na ito.

Sa araw-araw po naming pag-practice doon po sa data ng aming Directorate for Operations, may mga major cities na nakakaabot na ng 5-minute response and mayroon din pong mga 7-minute response and may 10 minutes. Pero may kasabihan po diyan na “constant practice will make it perfect,” at of course, may mga bagay din na medyo kailangan i-solve diyan gaya ng kakulangan ng radio, kakulangan ng sasakyan. But sa huling panayam po with our SILG ay bibili po ng karagdagang motorsiklo at mga sasakyan para po sa pagtugon sa mga positive response na iyan.

Kung gusto po nating testing-in, kailangan po natin din ng command center – dial 911 lang po at tutugon po ang aming mga PNP operators and iku-connect nila sa respective police stations at aabutin po namin iyong 5-minute response na programa po ng aming Chief PNP dahil noong siya po ay director ng Quezon City Police District, naabot po niya at nagawa ang programang ito, ang 5-minute response.

Actually, sa Quezon City, 3-minute response ay nakakaresponde na po ang ating mga kapulisan para po sa kapakanan ng ating mga bayan na nangangailangan po ng tawag at assistance sa ating kapulisan.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat po, Gen. Okubo. Pero kung nanunood po kayo ng mga balita, mayroon pong ibinalita tungkol sa mabilis na pagresponde ng pulis kasi po nagroronda sila. May ninakaw na motorsiklo pero dahil nandudoon po iyong kapulisan, nakuha po agad nila iyong motorsiklo at mabilis po silang nakaresponde.

LT. GEN. OKUBO:Tama po iyan, Madam Claire, dahil iyong mga police outpost ay in-abolish na po namin; mas prinaktis [practice] namin na nandiyan sa mga kalsada na ang ating mga kapulisan. Mayroon po nga kaming slogan na huwag ninyo nang hanapin ang ating mga kapulisan sa kanilang mga outpost o presinto, sa telepono pa lamang ay nandiyan na po kami. Mas nakikita po kasi natin na kapag ang mga kapulisan ay nasa labas at nagroronda, at mayroon silang tinatawag na “concentric ring of circle of jurisdiction,” naaabot agad nila iyong mga tawag na police assistance na dumarating sa kanilang mga radio at telepono.

And, at the same time, sa mga immediately na nangangailangan ng police assistance at napadaan o nakikita nila na nagroronda ang pulis, natatawag po nila, napupuntahan nila agad kaysa po pupuntahan pa at hahanapin ang ating mga police outpost or mga presinto.

PCO USEC. CASTRO: So, in other words, Gen. Okubo, hindi kayo naniniwala na hindi na epektibo iyong police visibility at kailangan na lang na mga robot daw yata ang gumagana sa labas?

LT. GEN. OKUBO: Puwede naman po iyon, Madam Claire, kung tayo’y mabigyan ng magandang teknolohiya gaya ng mga CCTV, mga drone, mas mapapaigting natin, makikita ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating mga lansangan/komunidad. Pero kailangan din po natin ng napakaepektibong command center para po ma-monitor lahat ang mga lansangan natin at puwede nating hindi na deploy-an, naka ready lang po ang ating mga kapulisan para rumesponde sa loob po ng limang minuto.

PCO USEC. CASTRO: ‘Yan. Maraming, maraming salamat, Gen. Okubo. Napatunayan natin, pati sa mga news na kapag ang pulis ay rumuronda, mabilis ang aksiyon.

‘Ayan. Maraming, maraming salamat sa ating mga panelists. Ngayon naman po ay babasahin natin ang ilang mga questions mula sa mga estudyante. Ang nandidito po ay mula sa San Juan National High School at ang unang katanungan ay mula kay Carlene Gabion. Naku, Carlene, mukhang kailangan nating susian si Secretary Gibo sa tanong mo. [laughs]

Secretary Gibo, kung sinasabi pong “friend to all, enemy to none,” ang polisiya ng ating foreign relations, paano ito ipinapatupad sa harap ng patuloy na panggigipit at militarisasyon sa West Philippine Sea.

DND SEC. TEODORO: Ah, maliwanag ang utos ng ating Pangulo na tayo ay ‘friend to all’ dahil hindi tayo nakikipag-away kahit kanino man. Ngunit ang pagkakaibigan tulad din ni—Carlene, ilang taon ka na ba? Okay, pag-abot po ng disiotso baka may manliligaw sa iyo. Katulad din ng kaibigan love is a two-way street, kaya makikipagkaibigan ka ngunit kailangan galangin din ang pagiging kaibigan mo.

Ngayon, ang sinasabi ng ating Pangulo, bukas tayo basta ang pagkakaibigan ay base na kinikilala ang ating mga karapatan, ating kasarinlan at hindi inaabuso ang likas na kabaitan ng Pilipina at ng Pilipino para mang-abuso lalong-lalo na kung ang ikinakalat o ang itinutulak ay walang basehan. Kaya ang leksiyon: Kapag may manliligaw sa iyo, Carelene, ganoon din, suriin mong mabuti kung ang intensiyon ay kapuri-puri at karapat-dapat sa iyo bilang dalagang Pilipina.

PCO USEC. CASTRO: Well anyway, Secretary Gibo, mukhang na-practice ko iyan noon bilang dalagang Pilipina [laughs]. Ito po, another question from May Awitin: Secretary Año, paano ninyo po nasabi na ang nag-alsa noon laban sa pamahalaan ay tunay nang nagbabalik-loob?

NSA SECRETARY AÑO: Unang-una, nakikita natin iyong sinsero sa kaniyang loob talaga na magbalik-loob. Unang-una, alam mo kasi diyan sa kilusan ay mayroong tinatawag diyan na coercion na kapag naging miyembro ka ng partido ay sasabihin nila na kamatayan lamang ang pupuwedeng maghiwalay sa iyo at sa partido. So, ibig sabihin noon kapag nag-surrender kasama na iyong peligro sa buhay kaya mabigat na desisyon para sa isang miyembro ng armado sa pag-surrender at iyon ang binibigyan natin ng paliwanag sa kanila sapagkat hindi totoo na kamatayan lang pupuwedeng maghiwalay sa kanila sapagkat marami nang nag-surrender pero hindi sila namatay; nagkaroon sila nang magandang buhay.

At a mga programang ginagawa natin ay nakikita rin natin, naoobserbahan natin iyong kilos nila at galaw nila at talagang napapatunayan na sinsero sila lalo na kapag sila ay nagbagong-buhay na pag-surrender nila kasama iyong pamilya, iyong magulang sa paghahanap ng ugnay dito sa government kung papaano sila makakapag-surrender.

Mayroon pa ring mga ibang ilan-ilan na bumalik sa kilusan pagkatapos mag-surrender pero abut-abot ang pagsisisi na nangyari sapagkat ang nangyari ay namatay lamang sila sa mga engkuwentro. Katulad noong nakaraang linggo nagkaroon ng engkuwentro sa Masbate, pitong NPA ang nasawi dito sa engkuwentro sa Masbate laban sa Armed Forces of the Philippines –sayang ang buhay nila, mga bata pa naman ang mga ito. Kaya nga lalo na ang mga nakikinig sa atin dito ay mga estudyante kailangan ay maging maliwanag ang pag-iisip natin at doon lamang tayo sa kung ano ang totoo.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Secretary Año.

Secretary Jonvic or Secretary Gibo, ito po ang katanungan: Kanina ay napag-usapan natin kung ikaw ay liligawan o mayroon kang boyfriend, ito po bang nag-aalsa balutan na asawa paano ninyo malalaman kung totoong nagbabalik-loob sa tunay na asawa?

DND SEC. TEODORO: Kung nahuli mo minsan puwede mong patawarin, pero kung umulit pa huwag mo na pagkakatiwalaan dahil ikaw na ang may pagkukulang kapag pinagbigyan mo uli.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Secretary Gibo.

DILG SEC. REMULLA: Ako, ang payo ko sa mga lalake, sa mga kalalakihan natin dito, mabuti nang pumili kayo ng mapagpatawad kaysa mabait.

DND SEC. TEODORO: Para klaro ‘no, pumili kayo ng sundalo – mapapagkatiwalaan. Sige na rin, pulis na rin puwede.

PCO USEC. CASTRO: Si General Brawner, totoo po bang mapapagkatiwalaan ang mga sundalo?

DND SEC. TEODORO: Naku, siya ang number one na talagang ehemplo ng matipunong mapapagkatiwalaan.

DILG SEC. REMULLA: Ang asawa niyan mapagpatawad talaga.

PCO USEC. CASTRO: Parang may ibig sabihin iyon.

DILG SEC. REMULLA: Hindi, lagi kasing nasa duty kaya nawawala lagi.

PCO USEC. CASTRO: Sige po. Para sa PDEA, okay ito po, sir, DG Nerez, saan daw po napupunta ang mga nakumpiska na droga?

PDEA DG NEREZ: Yes, Ma’am Claire. At sa nagtanong po doon, ang lahat po ng droga na nakukumpiska, ayon sa batas ay kailangang sirain po natin. At ito ngayon ang requirements bago natin sirain, ito kasi kapag tayo ay nakahuli ng droga at may naaresto kailangan pa natin mag-file ng kaso at hindi natin puwedeng sirain iyon kung wala iyong court order/iyong order ng court para i-destroy iyong nakuhang droga. At iyon namang droga na sabihin natin walang nahuli o kaya’y sinurrender [surrender] lang sa mga law enforcement agencies, ang kailangan lang po para masira natin/sirain natin ay sertipikasyon lang na galing sa PDEA at iyon po ang ginagawa ng ating PDEA, iyon po ang ginagawa namin in coordination with other law enforcement agencies like the PNP at saka iyong NBI dahil ang PNP at saka NBI mayroon din silang mga laboratories.

Ngayon, with close coordination, with great coordination with the other law enforcement agencies dumadating po iyong lahat ng mga nakumpiskang droga ng law enforcement agencies sa PDEA at obligasyon ng PDEA ayon sa batas na sunugin o sirain iyong mga droga, at ito ay nangyari noong mga nakaraang buwan na kung saan ang PDEA at sinaksihan iyon nandoon ang ating Secretary Jonvic Remulla at ang ating mahal na Presidente sila po ay nasaksihan nila kung paano sirain ang droga. At mayroon pa ulit kaming sisirain sa mga susunod na weeks, itong weeks na ito and next month kasi kailangan sirain natin ito para hindi na, wala na iyong temptation na ibalik pa doon sa ating lansangan at ito ay ayon sa batas na dapat sundin ang nakalaan sa batas na lahat ng mga nakukuhang droga ay dapat sirain.

DILG SEC. REMULLA: Ma’am, padagdag lang po doon.

PCO USEC. CASTRO: Yes, Sec. Jonvic.

DILG SEC. REMULLA: Iyong dati pong naging kasanayan basta po makakuha ng droga niri-recycle sa market kaya hindi nag-iiba ang presyo ng droga – so, kung ano iyong pumapasok ganoon pa rin. Ngayon po may sistema na within so many days may destruction kaagad, wala na pong recycling ng drugs ngayon sa Pilipinas.

PCO USEC. CASTRO: Magandang balita iyan at mukhang nawala na rin ang “ninja cops”?

DILG SEC. REMULLA: Nawala na po, iyon ang sinigurado namin. Napakagaling po ng ating kampeon na si Nic Torre na sinisigurado niya po na wala nang “ninja cops.”

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Sec. Jonvic. Iyong kanina pala na tanong patungkol sa kung nasaan iyong nakumpiska na droga ay mula kay Maria Angelica Arellano, sa kaniya po galing iyong tanong.

DILG SEC. REMULLA: Ma’am, talagang within so many days. Sa Capas po is laki ng isang…gaano kalaki iyong destruction facility natin, incinerator?

PDEA DG NEREZ: Iyong capacity po noon, sir, is aabot ng mga 10 tons.

DILG SEC. REMULLA: Ten tons. Ano po iyan under 700 degrees of heat for 12 hours ginigiling po talaga iyang drugs na iyan tapos it takes some other 12 hours to cool down, tapos titingnan iyong abo iti-test ulit sa laboratoryo kung may drug component pa siya. So, it’s a very thoroughly scientific-drawn process, nasisigurado namin na madi-destroy talaga lahat ng captured drugs.

PCO USEC. CASTRO:  Bigyan lang natin nang kaunting minuto si Sec. Jonvic. Pakipaliwanag po iyon kasi po ‘di ba lumabas po sa news ito ay positibo na droga; noong sinunog, after sunugin sinabi hindi na siya positibo sa droga. Iyong ibang mga fake news peddlers tini-twist po iyong kuwento. Pakipaliwanag nga po iyan, Sec. Jonvic.

DILG SEC. REMULLA: Siyempre po, under extreme high heat – 700 degrees, 12 hours po gigiling iyan iikot po iyong parang tumbler ho siya na mainit; after 12 hours of intense heat magiging abo na lang iyan. The chances of their being methamphetamine still – molecules lang ang hinahanap natin after 12 hours is almost zero pero ti-testing-in pa rin natin iyon.

So, it came in positive, may videos tayo na nag-positive siya sa mga vials nilalagay doon at after iyong ash iti-test it comes out negative. Kaya sinasabi nilang wala kaming nilagay na drugs doon, next time sumama kayo at kung gusto ho ninyong makita talaga lahat ng proseso – it is open to the public para makita nila, open to scrutiny.

PCO USEC. CASTRO: Yes, DG Nerez.

PDEA DG NEREZ: Yes, Ma’am Claire. Tama po iyong kuwan po. Kasi po iyong lahat ng mga klase ng droga, iyong shabu or even cocaine ang kaya lang nilang i-sustain na heat is hanggang 300 degrees Celsius lang kaya doon sa destruction facilities sa Tarlac iyon po ay umaabot ng 750 Celsius. And after na maging abo iyan iyong mga chemist po natin ay iti-test ulit on the presence of methamphetamine o cocaine – iyon po iyong proseso para masigurado natin na totally useless iyong ashes na po doon.

At sabi nga ng ating SILG si, Sir Jonvic, you’re welcome at mayroon na ulit kaming destruction po mga second week of August.

DILG SEC. REMULLA: Ilang kilos ..?

PDEA DG NEREZ: Two point five tons po ang nakakuwan po, para destruction this coming August.

PCO USEC. CASTRO: Actually, sir, gusto kong pakumbida ninyo sa pagsusunog ay iyong isang journalist, ibubulong ko sa inyo kung sino.

DILG SEC. REMULLA: Huwag mo naman susunugin. Hindi puwedeng sunugin iyon. Bawal iyon.

PCO USEC. CASTRO: Kukumbidahin lang natin para manood siya kasi binibigyan niya ng twist iyong kuwento tungkol doon.

DILG SEC. REMULLA: Isama mo, isama mo pero hindi natin siya ipapasok sa ano.

PCO USEC. CASTRO: Opo, hindi natin siya isasama. Ibubulong ko sa inyo kung sino. Okay na po?

DILG SEC. REMULLA: Ah ayun, oo, iyon.

PCO USEC. CASTRO: Kuha ninyo na kung sino.

Maraming salamat sa inyong pakikilahok. Bilang pagtatapos sa sesyon natin ngayon—

DILG SEC. REMULLA: May plug lang po si Sec. Gilbert.

PCO USEC. CASTRO: Okay, sige po.

DILG SEC. REMULLA: Iyong sinabi mo sa akin, magpo-produce po siya sa sine ng The Nick Torre Story. Naghahanap daw kami ng leading man na kamukha niya eh so baka may volunteers diyan. Magkano talent fee, Sec. Gilbert?

DND SEC. TEODORO: Ano iyan, dahil naka-15 million siya, so ten percent, 1.5 million o 1.6 million. Dudoblehin iyon para sa leading lady.

DILG SEC. REMULLA: Pero dapat kamukha ni Nick ha, talagang nag-ieksaktuhan ang itsura nila. Pero isa lang ang leading lady.

PCO USEC. CASTRO: Hindi puwede ako, sir. Maganda iyong asawa ni General Torre.

DND SEC. TEODORO: Dalaga na iyong hanapin na leading lady.

PCO USEC. CASTRO: Baka gusto niya mas sexy.

DND SEC. TEODORO: Eh sexy naman talaga.

PCO USEC. CASTRO: Ay, tayo pala iyong pinag-uusapan. Well, anyway, pasensiya na po, General Nick Torre dahil wala po kayo dito, kayo po iyong nagiging pulutan namin. Pasensiya na po kayo.

At ngayon ay nais ko pong tanungin ang ating mga panelist: Ano ang aasahan ng taumbayan sa administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. upang mas mapaganda at maiangat ang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng Bagong Pilipinas? Very briefly, complete the sentence: Sa Bagong Pilipinas ____. Sec. Tess.

DFA SEC. LAZARO: Sa Bagong Pilipinas, paiigtingin namin ang alyansa para makatulong sa sambayanang Pilipino – alyansa sa mga countries sa buong mundo. Salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Sec. Tess. Sec. Gibo?

DND SEC. TEODORO: Nasagot ko na kahapon iyan eh.

PCO USEC. CASTRO: Iba po iyong isyu doon. Ngayon, good governance at saka security.

DND SEC. TEODORO: Ah, okay. Sa Bagong Pilipinas, lalago ang kapayapaan, prosperidad at katahimikan, at kasarinlan.

May announcement lang tayo na sana makinig ang ating mga kababayan lalo na iyong sa Pacific Ocean side dahil mayroon tayong minor tsunami warning sa Pacific side. Sa lahat ng mga nasa tabing-dagat diyan sa Pacific Ocean magmula Batanes, Cagayan hanggang sa Davao, kung mayroong babala ang ating mga local officials na umakyat tayo sa high ground, huwag po tayong magdadalawang-isip na sumunod kaagad dahil buhay po ay maaaring … maaaring masawi ang mga tao ‘no. So pakinggan po natin ang mga local officials.

Kanina pa po namin dini-disseminate ito nguni’t gagamitin ko na itong okasyon na ito upang magbabala na may possible tsunami warning tayo, malalaking alon sa Pacific Ocean. Salamat po. Ayan ang maagap na Bagong Pilipinas.

PCO USEC. CASTRO: Salamat po, Secretary Gibo. At doon po sa mga kababayan natin, huwag na po kayong magdalawang-isip, huwag masyadong pasaway, kapag may announcement po ang mga lokal na opisyal po natin, sumunod na po tayo. At Sec. Jonvic?

DILG SEC. REMULLA: Sa Bagong Pilipinas at sa mga abangers, one day before, alam ninyo na kung walang pasok at within five minutes, darating na ang pulis, bumbero at ambulance sa inyong bahay kung may emergency kayo.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Sec. Jonvic. Sec. Año?

NSC SEC. AÑO: Sa Bagong Pilipinas, ang lahat ng ahensiya sa ilalim ng NTF-ELCAC ay pananatilihin na walang karahasang magaganap anumang panig ng ating bansa upang magkaroon ng pagkakataon sa ating economic development. At sa NTFWPS naman ay sisiguraduhin natin na patuloy ang pagbabantay sa West Philippine Sea; ipagtatanggol ang ating teritoryo; at puprotektahan ang ating sovereign rights, ang ating EZZ sapagkat ito ay ating karagatan, ito ay ating kinabukasan.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po. Sec. Pangandaman?

PA FOR MARAWI REHAB SEC. PANGANDAMAN: Sa Bagong Pilipinas po, makakaasa ang ating mga kababayan sa Marawi City na mapapabilis po ang ating rehabilitation diyan sa Marawi City. At atin pong tinitingnan dito, mabigyan po natin sila ng sapat na kabuhayan para po ma-sustain natin iyong efforts diyan sa Marawi City. Maraming salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po. DG Ernesto Perez?

ARTA DG PEREZ: Sa Bagong Pilipinas po, bawal ang tamad, nakasimangot at corrupt na public officials. Sabi po ng ating mahal na Pangulo, sa mga corrupt na public officials, mahiya naman kayo. Sa ating mga kababayan, huwag na po nating antaying mahiya sila dahil marami pa rin pong mga corrupt public officials na walang-hiya, isumbong po ninyo sila, i-ARTA po ninyo po sila at makakaasa po kayo na isang mabilis at magandang serbisyo publiko. Maraming salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, DG Perez. DG Nerez?

PDEA DG NEREZ: Thank you, ma’am. Sa Bagong Pilipinas, asahan ninyo ang pinaigting at malakas na laban sa droga para sa mapayapa at masayang Pilipinas.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po, DG Nerez. General Okubo?

PNP LT. GEN. OKUBO: Sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis [inaudible]. Maabot po namin iyan sa programa ng aming Chief PNP, the 5-minute response system.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po. And, of course, General Romeo Brawner Jr.

AFP CHIEF GEN. BRAWNER JR.: Sa Bagong Pilipinas, kayo po ay makakatulog nang mas mahimbing dahil ang inyong mga sundalo ay gising at alerto upang depensahan ang ating bayan. Maraming salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumama sa atin sa 2025 Post-SONA Discussions.

At siyempre, maraming salamat sa nagpatuloy sa atin dito sa Makabagong San Juan National Government Center, maraming salamat po Mayor Francis Jamora at sa buong LGU San Juan. Mabuhay ang San Juaneños.

Ang pag-unlad ng ating bansa ay tunay na hindi lang hawak ng mga nakaupo sa gobyerno. Ang bawat indibidwal po ay may ambag din para makamit po natin ang pangarap nating maayos at masaganang Bagong Pilipinas. Ika nga ng Pangulo, dahil ang Pilipino ay likas na matapang, magaling, masipag, matibay at mabuti, tayo ito – tayo ang Bagong Pilipino.

Muli, ako po si Undersecretary Claire Castro, at ito ang 2025 Post-SONA Discussions. Maraming salamat po.

 

###