PCO USEC. CASTRO: Magandang araw sa ating lahat.
Ako po si Undersecretary Claire Castro at welcome po sa ikatlong sesyon ng ating 2025 Post-SONA Discussions. Live po tayo ngayon sa Facebook at YouTube ng Radio Television Malacañang, Presidential Communications Office at ibang mga ahensiya ng pamahalaan. Sana rin ay nasa maayos na kalagayan tayong lahat matapos ang sunud-sunod na bagyo at pag-ulan.
Matapos ang matagumpay na State of the Nation Address ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mahalagang magkasama-sama tayo ngayon upang talakayin pa at maunawaan nang mas detalyado ang mga nilalaman ng talumpati ng ating Pangulo. Mula sa mga paksa ng seguridad sa pagkain, pagpapaunlad ng ekonomiya, pagprotekta sa kapakanan ng mga manggagawa, pagbuti ng serbisyong-medikal sa bansa at marami pang iba. Lahat ng ito ay tatalakayin natin sa susunod na dalawang araw.
Kaninang umaga ay napag-usapan natin ang tungkol sa seguridad sa pagkain, pag-unlad ng ekonomiya, pangangalaga sa kalikasan at pagtugon sa mga kalamidad. Kaya ngayong hapon naman pag-uusapan natin ang paksang nagbibigay ng halaga sa pangkalahatang kapakanan ng ating mga kababayan, ang health and social welfare protection.
Upang samahan tayo ngayon hapon, isang masigabong palakpakan para ating mga tauhan at panauhin – Department of Health Secretary Teodoro Herbosa; Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian; Department of Human Settlement and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling at PhilHealth Senior Vice President for Health Finance Policy Israel Francis Pargas.
Isa sa pinakamahabang pinag-usapan sa SONA kahapon ang kalusugan at ang kapakanan ng ating mga kababayang nangangailangan ng tulong, kaya ngayon mas palalawigin pa natin ang mga ito sa tulong ng ating mga panelist. Isa sa mga tumatak na sinabi ng Pangulo: “Pinaspasan na natin ang pagpapabakuna ng mga bata, sa DOH kumpletuhin na natin ang bukana para matapos na sa lalong madaling panahon na kumpleto na lahat ang ating mga anak na nabakunahan na”.
Para po sa inyo, Secretary Herbosa, paano ninyo mapapatupad ang direktibang ito at kumusta na po sa ating mga vaccination campaign sa ngayon?
DOH SEC. HERBOSA: Salamat, Usec. Claire, at magandang hapon sa inyong lahat. Alam ninyo, ang isang pinakaimportanteng public health program ay ang pagpapabakuna ng ating mga kabataan at mamamayan. Sabi nila worth it na ma-prevent iyong vaccine-preventable illness, kasi diyan namamatay iyong ating mga kabataan kapag hindi sila nabakunahan sa measles, sa mumps sa rubella and all other vaccine preventable diseases.
So, ang target niyan kada taon dapat 95% ng about two million children makukumpleto iyong about 16 vaccines. So, ang plano namin dito, tulong-tulong ito, binibili ng pamahalaan ng national government ang iba’t ibang klaseng bakuna. Mayroon kaming pentavalent lima sa isang bakuna, mayroon kaming mga drops doon sa polio, mayroon binibigay sa hepatitis sa bagong panganak, may binibigay sa school-aged. So, ang kailangan naming tulong dito is the help of the local government and vaccine teams. And every year mayroon kaming programa like itong susunod na September, October ilo-launch namin iyong school age vaccination, mayroon kaming measles-rubella vaccination catch up, mayroon kaming tetanus diphtheria at mayroon din iyong sa HPB para sa mga kababaihan nine-year-old girls, binabakunahan namin ng HPB para hindi sila magkaroon ng cervical cancer. First time po iyon, ‘yung HPB dahil prior to this administration, ang binibiling HPB vaccine lang pamahalaan para sa pinakamahihirap.
Namungkahi ko kay Presidente, lahat na ng babaeng nine years old ibili na at binigay naman iyong budget for 2025. So, this is the first time gagawin natin iyong vaccination.
Kung binibili ninyo iyon 4,000 per dose iyon, two doses so almost 8,000 anak ko lahat kasi babae kaya alam ko iyong cost nito. And the government will pay for this sa lahat ng eskuwelahan babakunahan lahat ng mga bata. So, kailangan namin ng tulong, mga volunteers, even the rotary clubs helps in—like when eliminated polio rotary club ang tumulong diyan. So, this vaccination will happen with the help of local government, civil society pati military and private sector para lahat ng bata kailangan mabakunahan, mabakunahan.
PCO USEC. CASTRO: So, ibig ninyo pong sabihin, mga ilang taon ulit iyong mga batang ito, sir?
DOH SEC. HERBOSA: So, our 16 vaccines, binibigay—mayroon tayong vaccines for the children, ito iyong binibigay natin before two years old. Tapos mayroon tayo at school-age parang booster at mayroon din tayo sa mga senior, iyong mga pneumococcal, influenza na vaccine na binibigay natin sa mga matatanda, iyong mga senior citizen. So lahat niyan, it’s the national immunization program.
PCO USEC. CASTRO: So, paano po makakatulong iyong local government unit dito, katulad ng sinabi po ninyo?
DOH SEC. HERBOSA: So, iyong mga nagtutulong sa amin iyong vaccine teams, composed of barangay health workers. Iyong mga barangay health workers sila iyong mga tumutulong para mahanap iyong mga batang kailangang bakunahan, so usually iyan nasa health center or ngayon mayroon akong programa Purok Kalusugan na pinahahanap namin iyong mga bata sa bahay-bahay na kulang pa ang bakuna para mabigay iyong mga vaccines nila. So, proactive kami parang—ngayon katatapos ko lang this morning with the First Lady iyong Lab-for-All sa Malabon. Part of the services na binibigay namin, nagbibigay rin kami ng bakuna sa mga nangangailangan nang bakunahan.
PCO USEC. CASTRO: So, Sec. Ted paano natin masasabi sa mga magulang na iyong mga anak ninyo po kailangan bakunahan para mas maging malusog, kasi ‘di ba noong nakaraang taon parang kinakatakutan itong bakuna eh?
DOH SEC. HERBOSA: Tama, lalo na iyong mga bagong bakuna at marami kapag nababasa ko iyong social media parang madaming tinatawag na antivaxxer, madami silang conspiracy theory kung na anu-ano daw ang nilalagay sa bakuna, hindi po totoo iyan. In fact, nagpa-survey kami at nakita namin 85% of mothers gustong mabakunahan ang kanilang mga anak, so the demand is there. Akala lang natin maingay sa social media, but most mothers gusto nilang mabakunahan iyong mga anak nila.
So, our job is to buy the vaccines, make sure nasa LGU siya at make sure kapag pumunta sa health center may bakuna iyong ating mga kabataan.
PCO USEC. CASTRO: So, talagang kailangan din po natin iyong mga barangay officials dito para ipaalam din sa kanilang mga kapitbahay sa mga nasasakupan na may vaccine ang available?
DOH SEC. HERBOSA: Correct! Whole of society ito, kasi iyong dating at delivery ng vaccine, may timing, so kailangan talaga ng coordination with the local health system, with local mayors with the local city health officer, municipal health officer at pati iyong civil society. Kasi iyong iba nagko-contribute sila, hinahatid nila sa health center kapag nagba-vaccination kami.
PCO USEC. CASTRO: Ayan, maliwanag po iyan.
Iniulat din ng Pangulo ito: “Sa loob ng tatlong taon, pinarami natin ang mga pampublikong hospital at specialty centers, nariyan na rin limamput tatlong BUCAS centers sa tatlumput dalawang lalawigan sa bansa, may libreng check-up, x-ray, lab test at iba pa. Ito ay para sa agarang serbisyong outpatient na hindi na kailangang magpa-confine pa sa hospital, asahan ninyo marami pa ang ating bubuksan na BUCAS”. Pakibigyan ninyo nga po kami ng kuwento dito dahil marami po talagang nag-aabang ng mga libreng serbisyo dito sa BUCAS centers?
DOH SEC. HERBOSA: Maganda iyong story nito, Usec. Claire. Matagal akong nagwo-work sa hospital sa Philippine General Hospital at talagang dagsa ang tao sa hospital. Kasi sa hospital noong pinasa natin iyong Sin Tax Law, na modernize natin ang mga hospital. May CT scan, may ultra-sound, may lab—ang problema iyong mga local hospitals hindi masyadong nag-develop, kasi nga local funds ang ginagamit. So, ang nangyari napuno ang mga public hospital, pero 80% ng pumupunta public hospitals—DOH has 87—80 to 85 percent hindi naman magpapa-hospital gusto lang magpa-x-ray, mag-blood test magpa-konsulta. So, sabi ko, ilabas natin iyan, ilabas sa regional hospital iyan, dalhin sa komunidad.
So, tamang-tama, noong katatapos ng COVID, binigyan ako ng Santo Tomas, Pampanga ng isang temporary treatment and monitoring facility; dito iyong kina-quarantine natin, ina-isolate natin iyong COVID. So, ang ginawa ko wala silang personnel pinatakbo namin through our regional hospital, pero pinaalis ko iyong hospital beds, it became an outpatient facility at naging blockbuster. Talagang pinipilahan iyong serbisyo, kasi karamihan pupunta pa ng one hour to JB Lingad sa Angeles sa San Fernando.
So, nag-target kami na mag-build ng about 28 of this. Pero alam mo after by the middle of May 53 ang operational all over the Philippines at all over the country talaga; ang nagpapatakbo nito, iyong Department of Family Medicine, iyong Family and Community Medicine ng aming regional hospital at iyong mga emergency medicine doctors. Maganda iyong sistema dito, kasi bukas iyong BUCAS hanggang 6:00AM to 10:00PM.
Noong araw, pupunta ka sa outpatient ng hospital pipila ka doon, siguro for one hour, you line up for two hours pababalikin ka pa the next day for the x-ray for the lab. Dito sa BUCAS, you can come at 6:00 AM matitingnan ka na ng doctor, magagawa na iyong blood test mo, makukuha muna iyong reseta mo, makakaabot kapa sa opisina ng alas nuwebe. So, ganoon din kapag umuwi ka after five bukas pa iyong aming BUCAS center. So, lagi talaga siyang very useful lalo na sa ating working class, iyong mga arawan na kapag nag-absent ka the whole day ay wala kang kita, wala kang trabaho kasi dinala mo iyong anak mo or loved one mo sa hospital.
So, naging hit itong BUCAS center, ngayon 53 na iyan mayroon pa kaming ipapatayong almost 31 this coming year, nasa GAA na. So again, napondohan iyan, so dadami pa iyan so that it will be available all over the country, so sa lahat ng probinsiya magkakaroon niyan.
PCO USEC. CASTRO: Naku, magandang balita po iyan. Pero siyempre hinihiling din po natin ang tulong ng mga mayors, vice mayors, lahat ng opisyal po ng local government units, ipaalam po ninyo ang BUCAS Centers kung available na po sa inyong lungsod o sa inyong mga probinsiya. So, iyon po kasi kailangan po ma-disseminate itong information na ito na may BUCAS Centers na bukas sa kanilang lugar.
Bukod sa kalusugan, mahalaga ring nabanggit sa SONA ng Pangulo kahapon ang ukol sa pamamahagi ng murang pabahay para sa mga Pilipino. Narito ang kaniyang pahayag: “Ang mga naglalakihang proyekto ay nakalatag sa buong kapuluan – mga daan, tulay, tren, paliparan, pantalan, patubig at murang pabahay. Habang pinapataas natin ang kalidad ng serbisyong medikal mahalagang bigyang-pansin din ang aspeto ng pamumuhay partikular na ang pabahay para sa mga Pilipino.
Pakilatag nga po, Secretary Aliling, itong mga patungkol po dito at hakbangin ng inyong ahensiya patungkol po sa murang pabahay.
DHSUD SEC. ALILING: Magandang hapon, Usec, Claire. Malinaw po ang direktiba ng ating Pangulo na dapat maging accessible ang pabahay para sa lahat. So, ang ginawa po natin recently is in-expand natin iyong flagship program ni PBBM na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH). Ano ba ang ibig sabihin natin nang magiging accessible? Dapat bawat income segment ng ating lipunan mayroong available na housing program na puwede nilang i-avail. So, unlike before ‘no kaya natin tinatawag itong 4PH na Expanded 4PH, we expanded the modalities of the program. Dati po condominium-style ang puwede lang mag-avail ng 4PH, ngayon po in-expand natin ito horizontal o ito iyong mga subdivision-like developments, house and lot or puwedeng lote lamang ang inyong bibilhin.
Ngayon, ano ba ang epekto nito sa pagiging accessible ‘no? Ang hulog, iri-relate natin ito sa monthly amortization – dati ang hulog using the normal 6.25 percent interest rate ng Pag-IBIG – assuming 1.8 million po ang isang unit ng condominium, ito po ang ceiling price ng socialized housing natin sa condominium. Ang hulog po nito is 11,200. So, nabalitaan ninyo naman po siguro na recently mayroon pong ni-launch ang Pag-IBIG na three percent interest rate program, plus ang 4PH po ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program mayroon po tayong interest subsidy. Kapag pinasok po natin itong interest subsidy at saka kapag kinonsider [consider] natin itong subsidized rate ng Pag-IBIG, iyong 6.25 percent po ay magiging three percent, tapos mayroon po tayong additional two percent na interest subsidy – iyong 11,200 po na monthly amortization, magiging 5,800 na lang, so iyon po ang naging epekto noong programang 4PH Program po ng Pag-IBIG.
Ngayon, sa vertical po iyon. Kapag pumunta naman tayo sa horizontal development – ito iyong house and lot o iyong mga row houses – iyong hulog po dati na 5,200. Kapag kinonsider natin iyong subsidized rate ni Pag-IBIG at saka iyong interest subsidy na binibigay po ng national government, iyong 5,200 pesos a month po ay magiging P2,700 ang monthly amortization. Ganoon po kaganda at ganiyan po pinalawak ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ang pagiging accessible ng bahay para sa bawat Pilipino.
Ngayon, iyong mga hindi pa rin kaya na maka-afford ng mga binanggit ko na mga presyo, mayroon po tayong dinagdag ulit na modality, ito naman po iyong rental housing modality po ng 4PH. Ang frontline naman natin dito na ahensiya will be the National Housing Authority and the NHMFC – iyong National Home Mortgage Finance Corporation po na pareho rin pong katulad ng Pag-IBIG, attached agency po ng DHSUD.
Mayroon pa rin po tayo, iyon talagang tinatawag nating nasa ISF areas binuksan na rin po natin iyong CMP Program iyong Enhanced Community Mortgage Program natin – ito iyong ina-award natin sa bawat Pilipinong pamilya kung saan nakatirik po iyong bahay nila, ina-award po sa kanila iyong titulo nitong mga lugar na ito. Lahat po itong nabanggit kong modality ay naka-integrate po dito iyong tinatawag nating incremental housing – ang ibig sabihin po ng incremental housing, kung ano muna iyong kaya, iyong basic specifications po na kayang bilhin, allowed pong bumili ang bawat 4PH beneficiary nito. Then kapag nakaluwag-luwag po, puwede po tayong mag-avail noong mga Pag-IBIG house improvement loan para ma-improve naman po iyong specifications, mapaganda po ninyo iyong inyong mga tahanan.
So, ito po basically ang nagawa natin ngayon sa pag-improve ng programa ng ating mahal na Pangulo na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH).
PCO USEC. CASTRO: Ang tanong po ngayon, Sec. Aliling, iyong mga gustong mag-avail, marami po tayong kategorya iyong binanggit ninyo po hanggang sa umabot na po doon sa talagang ibibigay po iyong lupa sa mga indigent natin na mga kababayan. Paano po silang mag-a-apply para maka-avail po nitong programa na ito?
DHSUD SEC. ALILING: Uunahin ko po iyong mga gustong bumili either horizontal, ito iyong mga subdivision type, or condominium – simple na lang po ang proseso para mag-apply maging 4PH beneficiary: number one, pumili kayo ng kahit anong socialized housing development na saan gusto ninyo pong bumili ng bahay tapos puwede na po kayong mag-apply ng 4PH subsidized loan package sa Pag-IBIG either po doon sa developer na inyong bibilhan ng bahay, sa DHSUD or diretso sa Pag-IBIG. Two steps lang po, uulitin ko, pili kayo ng socialized housing na gusto ninyong bilhin puwedeng house and lot, puwedeng lote; then punta na po kayo sa developer, sa DHSUD, sa Pag-IBIG para mag-apply noong 4PH three percent loan.
Ngayon, dito naman po sa CMP program, ang CMP po kasi ang pini-finance ng SHFC – ng Social Housing Finance Corporation ay iyong community. So, iyong mga gustong magpa-orient, gusto ninyong iyong community ninyo po mag-apply nitong programa na ito ini-encourage namin kayo na mag-inquire na kayo diretso sa SHFC para ma-guide kayo papaano ba ninyo bubuuin iyong mga kooperatiba o mga homeowners association ninyo.
And then, pagdating po sa rental program natin hintayin po ninyo in two weeks po ia-announce po ng NHA saan iyong mga initial sites po ng rental housing po natin under the Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.
So, lahat po iyan in line po sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ginagawa na po natin ang paraan na maging available po ang imbentaryo – iyan naman po kasi ang una eh, dapat may imbentaryo ‘di ba. So, papaano ba namin ginagawang hinihikayat ng mga private developers na mag-produce ng socialized housing: number one, pinadadali natin iyong proseso through streamlining and digitalization at higit sa lahat tinatanggal natin ang korapsiyon sa DHSUD at saka sa lahat ng mga ahensiya – NHA, SHFC, Pag-IBIG kasi alam po natin, para pumasok po ang private sector sa programa ng gobyerno dapat maitaas natin iyong credibility ng departamento at ng programa – magagawa lang po ito kapag tatanggalan natin ang korapsiyon.
So, ang DHSUD po strictly implemented po ang zero corruption policy. Salamat po.
PCO USEC. CASTRO: Salamat. Napakagandang balita po niyan. So, sa mga gustong mag-avail ng murang pabahay, aba’y makapag-coordinate na po kayo sa tamang ahensiya.
At para naman po sa DSWD, sinabi ng Pangulo, “Tuluy-tuloy pa rin ang ating programang 4Ps. Hangad din natin na amyendahan ang batas ng 4Ps upang matiyak na talagang sapat ang panahon para maitaguyod ang kanilang paghihirap, maitaguyod sila – ang mga mahihirap.”
Pakipaliwanag nga po ito, Sec. Rex, dahil medyo napakalaki po talagang programa po ito ng ating Pangulo.
DSWD SEC. GATCHALIAN: Magandang hapon, Usec. Claire. Magandang hapon sa inyong lahat. Alam ninyo iyong tinutukoy ng ating Pangulo ay iyong flagship anti-poverty program ng ating bansa – iyong 4Ps kung kilala natin, iyan ang pinakamalaki nating programa para mabali iyong kahirapan na naisasalin mula sa sang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon.
Kaya kailangang amyendahan iyong batas kasi alam ninyo, Usec. Claire, iyong Pangulo natin nakatuon siya sa paglilinis noong listahan ng 4Ps. Marami kasi tayong naririnig na mayroong mga nandoon sa loob ng listahan na dapat grumaduate na, may mga iba naman na nag-aantay para makapasok, mayroon naman na iba na hindi pa rin handa kaya kailangan manatili sa programa.
Alam ninyo, may good news lang, nabanggit rin ng Pangulo kahapon. Alam ninyo mula nagsimula ang ating Pangulo hanggang ngayon, 1.4 million na pamilyang Pilipino ang lumikas na or grumaduate na sa programa dahil gumanda na iyong buhay, maayos na iyong kanilang estado – at tagumpay iyan ng atin Pangulo at tagumpay iyan ng ating programa.
Ngayon, iyong aamyendahan iyong batas, kasi doon sa batas na iyon may nakalagay na pitong taon lang puwedeng mamalagi ang isang benepisyaryo sa programa. Alam ninyo, Usec. Claire, dahil sa mga nangyari katulad ng COVID, iyong inflation, talagang umatras nang umatras iyong iba nating mga mahihirap na kababayan. Kung dati-rati dapat naka-graduate na sila, ngayon hindi pa sila puwede grumaduate kasi kulang pa iyong panahon para talagang maiahon nila iyong kanilang mga sarili sa kahirapan.
Next year, mayroong nagbabadya na halos dalawang milyon na pamilya na kahit na hindi pa maayos ang kanilang mga pamumuhay ay mapipilitang alisin sa programa dahil sa panukala ng batas na iyon. Pero, dahil sa panawagan ng ating Pangulo, hindi na nila kailangan mangamba dahil aamyendahan iyong batas sa tulong ng Kongreso at ng Senado para iyong mga hindi pa ready umalis sa programa, manatili muna.
Kasi itong programa na ito, namumuhunan tayo sa taumbayan, namumuhunan tayo sa Pilipino. This is an investment in human capital. Kumbaga, hindi pa tapos iyong ating pamumuhunan, kailangan siguraduhin natin na hindi masayang iyong investment natin kaya mayroon pang sektor talaga na kailangan maiwan sa programa.
Usec. Claire, kung ma-imagine ninyo, dalawang milyon sa apat na milyon ang mapo-force exit next year dahil sa probisyon ng batas. At can you imagine, kapag inalis ninyo sila doon, hindi pa naman maayos iyong kanilang pamumuhay – babalik lang sila ulit sa kahirapan so sayang lahat ng naipundar this past 13 years, sayang in-invest na natin sa kanila. Kaunting panahon pa pero hindi naman ibig sabihin na wala tayong ipapa-graduate. Kapag nakita na ng mga social worker natin na handa na sila dahil gumanda na iyong pamumuhay, magagaya sila doon sa 1.4 million na pamilyang Pilipino na grumaduate dahil gumanda na iyong buhay.
Ang sa atin, ang batayan dapat ng pag-stay sa programa ay iyong estado mo sa buhay. Hindi dahil may 7-year na probisyon sa batas na kumbaga finished or not finished ay aalisin ka nang sapilitan. So, siguro sa mga 4Ps beneficiaries na nanood kahapon ng SONA, good news na good news ito dahil tiningnan talaga ng Pangulo iyong kapakanan nila at iyong estado nila sa buhay rather than iyong pipilitin natin na ialis sila sa programa – masasayang ang pamumuhunan natin sa kanila at masasayang iyong programa as a whole.
PCO USEC. CASTRO: Kung i-extend po ito, Secretary Rex, kasi para makaahon sila kasi sabi ninyo baka ito – dalawang milyon halos na pamilya—
DSWD SEC. GATCHALIAN: Dalawang milyon sa four million na benepisyaryo.
PCO USEC. CASTRO: Oo, na hindi pa nakakaahon talaga. Eh, mga ilan taon ang i-extend or idadagdag po?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Hindi naman natin ini-extend iyong programa, ang sinasabi lang natin iyong programa nandiyan na iyan, may batas iyan. Huwag lang natin gawing batayan iyong seven years sa pagpapaalis sa programa. Kailangan tingnan natin iyong estado ng pamilya – kaya na ba talaga nilang tumayo sa kanilang mga sariling paa, iyong mga anak ba nila ay nakatapos na?
Alam ninyo, Usec. Claire, sa DSWD – kami siguro iyong departamento na may pinakamaraming social worker. Sa huling talaan ko, 9,000 mahigit iyan at itong mga social worker, pinag-aralan nila iyong case management – iyan ang pinakamabisang armas ng isang social worker kapag kinikilatis niya ang isang tao kung anong tulong ang kailangan. Sa lahat ng programa ng DSWD – mula sa AICS, mula sa AKAP, mula sa 4Ps, emergency cash transfer – case management lagi ang paninindigan at sandigan ng isang social worker.
Sa case management kasi, binibisita iyong benepisyaryo, tinitingnan kung okay na siya o hindi siya okay.
Alam ninyo sa ating Pangulo kasi, hindi sila numero lamang kung hindi may mukha ang mga 4Ps beneficiaries natin – may pangalan, may kaniya-kaniyang kuwento, may kaniya-kaniyang mga struggle, may kaniya-kaniyang mga pangarap. At sa ating Pangulo, iyong kaniyang mungkahi o iyong kaniyang statement na amyendahan iyong batas ay kinikilala ang bawat pamilya ng 4Ps na may sariling kuwento. Hindi mo puwedeng ilagum sila lahat na, “Okay, seven years, alis na kayo” – hindi ho ganoon ang ating Pangulo. Ang ating Pangulo malaki ang puso para sa ating mga kababayan lalong-lalo na sa mga kababayan natin na mahihirap.
PCO USEC. CASTRO: Sa mga natutulungan din po ng 4Ps, naku gawin ninyo po ito lahat para maiangat din ang inyong sarili dahil tinutulungan po kayo ng gobyerno. Makipagtulungan din po kayo para kayo din po ay maiahon ninyo ang sarili ninyo sa hirap.
At isa rin sa pinagmamalaki ng Pangulo, ito po: “Sa ikalawang taon ng ating ‘Walang Gutom’ program, mabibigyan ng tulong ang animnaraang libong pinakanangangailangan ng kabahayan sa kanilang nutrisyon at sa 2027, dadamihan pa natin sa pitong-daan at limampung libong kabahayan ang maaabot ng feeding program natin.” Wow, napakalaking programa ito, Secretary Rex. Pakipaliwanag nga po kung paano ba ito magagawa?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Well, una, iyong “Walang Gutom” program ay inilunsad ng ating Pangulo para wakasan ang kagutuman. Alam ninyo, sa ganitong mga panahon, magugulat tayo na may 750,000 pa na mga Pilipino na natutulog nang kumakalam ang sikmura. Kung tutuusin, sa ganitong mga panahon krimen iyan – dapat wala nang pamilyang Pilipino na natutulog nang gutom o walang bata na nagsasabi na gutom pa siya pero pipilitin natin na mairaos na lang.
Ang vision ng ating Pangulo, kapag natapos siya sa 2028, wala nang pamilyang Pilipino na matatawag na food poor. Ang food poor family, Usec. Claire, sila iyong mga pamilyang Pilipino na hindi kumikita ng hihigit sa siyamnalibo kada buwan. Imagine ninyo, siyamnalibo, hindi lumalagpas iyong kinikita nila so sa pagkain at pagkain pa lamang, kulang na kulang na.
So, ang ginawa natin, sa direktiba ng ating Pangulo – nilunsad natin iyong kauna-unahan na anti-hunger program ng ating bansa. Ito ang pinakaagresibo, pinakamalawak, pinaka-targeted na interbensiyon para once and for all wakasan na ang kagutuman. Walang administrasyon na naglunsad ng ganitong programa, tanging ang administration lang ng ating Pangulo ang gumawa nitong programa. Binibigyan sila ng food credits na tig-tatatlong libo, pupunta sila sa pinakamalapit na tindahan at pipili sila ng pagkain na angkop sa kanila – masarap, mura, nutritious—nutritious, delicious, affordable.
Pero hindi sila puwedeng bumili ng kung anu-ano doon, limitado lamang iyong kanilang puwedeng bilhin – iyon ay naaayon sa Pinggang Pinoy ng DOST at ng FNRI, noong Food and Nutrition Research Institute. So, doon lang sila pipili at alam ninyo, Usec. Claire, ang tagumpay nitong programa – makailan natatandaan mo, iyong Globe nagkomisyon ng isang SWS survey at doon sa mga benepisyaryo, iyong unang hanay ng tatlong-daang benepisyaryo, bumaba ang incidence ng kagutuman by 4 percentage point. At uulitin ko, hindi mga numero lamang ito kung hindi mga pamilya na kung dati takot na walang kakainin sa araw-araw, ito ay libu-libong mga pamilya na naisalba natin mula sa nakakatakot na problema ng kagutuman.
It’s a modern-day scourge. Pero dito sa ating administrasyon, sa administrasyon ng atin Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., winawakasan na ang kagutuman. At by next year, iyong 750,000 na pamilyang Pilipino na tinatawag nating food poor o iyong pinakamahirap sa mahirap, lahat sila mapapasok na sa atin sa food stamp program natin o sa Walang Gutom program natin.
PCO USEC. CASTRO: Good news po iyan. Secretary Rex, ayaw ko na pong i-shortcut, nadudulas iyong dila ko eh [laughs].
Balik naman tayo sa kalusugan. Sabi ng Pangulo sa kaniyang SONA: “Sa ilalim naman ng bagong lunsad na YAKAP Caravan, matitingnan na ang kondisyon ng kalusugan hindi lamang ng mga mag-aaral kung hindi pati na ang mga guro. Mabibigyan sila ng libreng medical checkup, libreng lab test tulad ng cancer screening at libre na gamot.” Kuwentuhan ninyo nga po kami sa programang ito, PhilHealth Secretary Vice President for Health Finance Policy Israel Francis Pargas.
PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. PARGAS: Magandang hapon po sa ating lahat. Magandang hapon, Usec. Claire.
Well, ito pong ating tinatawag na YAKAP (Yaman sa Kalusugan Program), it is actually a rebranding of what we have right now as Konsulta Program. Iyon pong Konsulta Program is the primary care program ng PhilHealth, so ito po ay sa atin pong pag-aaral ay lumalabas na ang dating noong konsulta ay parang magpapa-checkup ka kasi may sakit ka or may nararamdaman ka. But because what we want is the mandate for the primary care is really a promotive, preventive one. So, kahit wala kang nararamdaman, dapat ikaw ay nagpapatingin, napapa-checkup, lumalapit sa isang health facility para alam mo kung ano iyong health profile mo.
So, hindi po ito iyong ikaw ay may sakit para gumaling ka, pero kahit wala kang sakit, para mailayo ka natin sa sakit. Kaya po ito ay tinawag natin ngayon na PhilHealth YAKAP Program. Dito po sa ating YAKAP na ito, mayroon tayong mga serbisyo, una, libreng konsultasyon at saka check-up; pangalawa, mayroon po itong kasama na labintatlong laboratoryo na libreng makukuha rin, kasama po diyan iyong mga eksaminasyon sa dugo, X-ray, ECG, pati po iyong mga eksaminasyon sa taba ng dugo, creatinine, sa ihi; at kung kinakailangan, mayroon pong libreng 21 drugs na ibinibigay para sa ating lahat na miyembro. At ito po ay ibinibigay sa lahat ng ating … currently, have more than 3,000 YAKAP centers or YAKAP clinics, nationwide po; ito ay maaaring rural health center, maaaring ospital, or private clinics. We have around 500 private clinics who are participating as a YAKAP center.
So, ito po ngayon ang ating ginagawang programa, at soon po, in about two weeks’ time, we will be launching an expansion of this program with, iyon nga pong nabanggit ng ating Pangulo, we will now cover free cancer screening test for around six cancers and we will expand the 21 drugs na libre to … we will add 54. So, magiging 75 drugs na libre na siyang makukuha ng ating mga miyembro.
At iyon naman pong pagdating sa ating mga estudyante at saka iyon pong sa ating mga teachers, we actually signed a MOA with the DepEd to make sure na iyon pong kanilang mga clinics, school clinics, ay maging accredited ng PhilHealth as a YAKAP center, and that iyong mga estudyante doon ay matitingnan para po makita natin at magabayan iyong kalusugan ng ating mga estudyante pati na rin ang ating mga guro.
And we just recently signed also an MOU with the DOLE, at dito naman po ang tina-target natin is ma-accredit din natin ang mga health clinics ng mga employers or ng mga malalaking korporasyon or iyon pong mga health clinics ng mga opisina para po iyong ating mga empleyado ay mayroon ding pupuntahan para po dito sa ating YAKAP program.
PCO USEC. CASTRO: Ganito po, Sir Pargas, halimbawa po ako ay … gusto ko lang magpakonsulta, wala naman akong nararamdamang sakit. Pero gusto ko pong magpakonsulta at gusto ko po sa YAKAP center. Taga, let’s say—saan na po ba mayroon tayong makikita ngayon?
PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. PARGAS: Sa ngayon po, we have around 3,200 nationwide YAKAP centers and clinics. Ang listahan po noon ay makikita natin sa website ng PhilHealth.
PCO USEC. CASTRO: So, halimbawa po sa Manila, mayroon na po ba tayo sa Manila ngayon?
PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. PARGAS: Yes.
PCO USEC. CASTRO: Okay. Ano po ang itatanong ko, sa ospital po ba ito, center, hiwalay po ba?
PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. PARGAS: Kung gusto po natin at actually, ito po ay para sa lahat ng Pilipino. At para po tayo ay makakuha ng benepisyo na ito, kinakailangan po nating magparehistro doon sa YAKAP center or clinic na choice po natin. Of course, iyong choice natin would be, one is for convenience, kung saan kayo mas malapit, kung saan kayo nagtatrabaho or kung saan mas madaling pumunta sa inyo kung kailangan ninyong magpa-check-up. So, doon po sa ating website, makikita po natin doon at puwede tayong pumili para po doon ay magpa-register tayo.
Paano tayo magpapa-register? One, we can use iyon pong ating current na ipinagmalaki rin ng Pangulo, iyong eGov app. Doon po puwede tayong magpa-register para sa konsulta. Actually, makikita rin doon ang listahan ng ating Konsulta, or puwedeng doon sa ating portal, sa PhilHealth website, or puwede po na pumunta mismo doon sa ating mga opisina para makapagpa-register tayo.
PCO USEC. CASTRO: Iyon, maliwanag po. So, papaano ako magpapa-register? Ano ang ipapakita ko para masabi ko na Pilipino ako kasi maraming gumawa ng fake birth certificates? So paano ko masasabing ako ay tunay na Pilipino at pro-Philippines ako?
PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. PARGAS: Pero sa ngayon po, actually, wala naman tayong niri-require because ang sinasabi natin, ang lahat ng Pilipino, by virtue of the Universal Health Care Law, ay miyembro na ng PhilHealth.
Pero para po dito sa atin, sa ating primary care na YAKAP nga po, ay kinakailangan nating ma-register doon sa YAKAP center or YAKAP clinic kasi sila po iyong mag-aalaga sa atin. So, ito po iyong isa sa nabanggit ng ating Secretary Ted Herbosa kanina who happens to be the chair of the board of PhilHealth na ang dapat ang mga Pilipino ay mayroon nang dapat nagtitingin at nag-aalaga sa kanila, so dito po iyong mangyayari sa YAKAP.
PCO USEC. CASTRO: Ayan, maliwanag. So, ito pa po, sir: Isang katerbang panibagong benepisyo at coverage rin mula sa PhilHealth ang inilatag ng Pangulo, mula sa pagdami ng dialysis sessions, serbisyo at gamot matapos ang kidney transplants; dengue coverage na tumaas sa 47,000 pesos; pagtanggal ng katarata, tumaas sa 187,000 pesos; pati ang mga sari-saring outpatient services and coverage. Pakibigyan ninyo nga po kami ng detalye dito, Sir Pargas?
PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. PARGAS: Yes, we actually aggressively started increasing and expanding our benefits in 2024. Kung matatandaan po ninyo, across the board iyong ating around 9,000 case rates, in-increase natin by 30%. And then, come 2025, nag-increase ulit tayo across the board sa 9,000 case rates natin ng 50% on top of the 30%. So, halos nadoble na po iyong mga pakete natin.
Maliban po dito, tayo ay mayroon ding mga piling pagkakasakit na in-expand at in-increase gaya ng nabanggit ninyo, iyong atin pong severe dengue ay 47,000 na ngayon na dati ay 16,000. Iyon po halimbawang severe pneumonia na dati is around 36,000, ngayon po ay kulang-kulang na 90,000 pesos na. Iyong dialysis po, ito po dati is 2,600 pesos pero itinaas na po natin ito sa 6,350 to cover for all the services in eight hemodialysis session. Kaya nga po kapag doon sa hemodialysis, dapat wala nang babayaran especially kung itong mga serbisyo na ito ay para lamang talaga doon sa dialysis sessions.
Maliban doon, nag-expand din po tayo ng ating mga catastrophic cases. One, katulad po doon sa cancer natin, iyong atin pong breast cancer, kung dati ang coverage natin sa kaniya is 100,000, ngayon po is up to 1.4 million pesos na po iyong coverage natin doon.
Iyong atin pong kidney transplant, from 600,000, ngayon po ang ating pakete na is from 800,000 up to 2.1 million depende po ito kung ang atin pong ooperahan ay bata or matanda.
And we also expanded iyon pong donor ng ating kidney transplant. Hindi na lang po ito living donor but we also cover deceased organ donor. And ang maganda po dito, alam natin na kung ikaw ay nagpa-transplant ng kidney, pagkatapos ng transplant mo ay mayroon kang buong buhay or lifetime na iinumin na gamot – iyon po iyong anti-rejection drugs at saka immunosuppressant na umaabot po ito sa halos 40,000 amount, and kasama po doon, mayroon din pong monthly laboratory monitoring.
So ngayon po, with the expansion of the kidney transplant, mayroon din po kaming bagong benepisyo for post-kidney transplant monitoring and medications, of course, as approved by our board. At sa unang taon po, it will cost around 800,000; sa second and succeeding year, it will cost around 600,000, and lifetime po iyon na mayroon po tayong ganoong ginagawa.
Ang isang pinakamaganda po rin natin na benepisyo na inilabas ay iyon pong para sa atake sa puso, iyon pong acute myocardial infarction. Dati po kasi, ang ating benepisyo para diyan, kung halimbawa ang gamutan ay medikal, iyon pong tuturukan lang ng gamot para pangpatunaw sa bara ng puso, ang benepisyo natin doon is around 13,000 pesos, ngayon po ay nasa 130,000 na siya. At kung kinakailangang operahan, like angioplasty, dati po ang benefit natin is around 30,000 ngayon po ay nasa P530,000 na.
At ang pinakabago po naming benepisyo, Usec. Claire, is mayroon tayong primary care, mayroon tayong in-patient care or iyong mga nako-confine ka. Pero kapag nadala ka sa emergency room para sa urgent care or sa BUCAS Center for urgent care, wala tayo dating coverage niyan. Pero ngayon po, mayroon na tayong outpatient emergency care package na kung iyong mga pasyente madadala sa emergency room, binigyan ng unang panlunas, inobserbahan, pinauwi at sa bahay na lamang magkakaroon ng gamutan, covered na rin po natin ang emergency care package.
PCO USEC. CASTRO: Napakagandang balita niyan. Pero, tandaan po ninyo mga kababayan, ang proyekto na BUCAS Centers, YAKAP at iyong Expanded PhilHealth coverage ay proyekto at programa po ni Pangulong Marcos Jr., kasama ang DOH at ang PhilHealth, huwag po kayong magkakamali. Pero kahit po may mag-aalaga sa inyo, bawal pa rin pong magkasakit.
Isa pang magandang balita ang yumanig talaga kahapon, Sec. Ted. Areglado na, ito ang sabi ng Pangulo: “Areglado na ang lahat sa ospital pa lang, wala nang kailangan pang puntahan o lapitan pa. Ito po, itinuloy na po natin ang zero balance billing, libre po, ibig sabihin ang serbisyo sa basic accommodation sa ating mga DOH na ospital, wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo.” Uulitin ko, wala nang kailangang bayaran ang pasyente, basta sa DOH hospital, dahil bayad na po ang bill ninyo, napakagandang balita niyan. Sir, paki-explain nga po.
DOH SEC. HERBOSA: Napakaganda niyan, iyan ang talagang umpisa ng Universal Health Care. Ang Bayad na ang Bill Mo, dati nang ginagawa pero sa pinakamahihirap, kailangan indigent ka o 4Ps ka, kapag naospital ka no balance billing. Dito sa utos ng Pangulo, dinagdagan ang budget namin, iyong tinatawag na MOOE, Maintenance and Operating Expense of the 83 hospitals of DOH para kapag ikaw na-admit sa basic accommodation, ito po iyong ward, pero iyong ward po namin, air-conditioned na po, ang DOH hospitals, ang ward po 40 of the 83 hospitals ang ward po, air-conditioned, puwede ko kayong samahan para makita ninyo.
Hindi na siya parang kawawa at wala ka nang babayaran. Makikita doon, PhilHealth will pay for the hospitalization, iyong case rate, iyong MOOE, iyong tinatawag naming quantified free service galing sa aming pondo, iyong doktor bayad na kasi may suweldo po iyan.
So, kapag ikaw ay nagpa-admit sa basic accommodation, wala ka nang babayaran. So, kapag ikaw ay nagpunta sa private may bayad, pero kapag nagpunta ka sa DOH hospital, any of the 83 DOH hospitals all over the country at ikaw ay na-admit sa basic accommodation, wala ng babayaran. Sabi nga ni Presidente, bayad na ang bill mo.
PCO USEC. CASTRO: Napakaganda po talagang balita niyan, Sec. Ted. Pero ngayon, sa puntong ito naman, atin pong sasagutin ang mga katanungan mula sa ating mga kaibigan sa media.
Okay, unahin po natin si Secretary Rex: Ano po itong nababanggit po ninyo patungkol po sa expansion of provision of services for homeless Filipinos?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Usec. Claire, kung matatandaan ninyo, isa sa utos ng ating Pangulo siguraduhin na iyong mandato ng DSWD, iyong social protection kung tawagin, kailangang malawak na malawak lalung-lalo na sa mga kababayan natin na walang-wala talaga. At kung mayroon tayong matatawag na mahirap sa pinakamahirap, iyon iyong mga families ang individuals in street situation, sila iyong mga nakatira sa lansangan.
Usec. Claire, naglunsad tayo ng programa, ayon na rin sa guidance ng ating Pangulo, iyong Pag-Abot Program, mula noong 2023. Iyong Pag-Abot Program, mahigit isang daang social workers namin ang naglilibot sa mga lansangan ng Metro Manila, sa mga overpass, sa mga underpass, sa mga iba’t ibang mga lugar sa ilalim ng tulay, kung saan matatagpuan itong mga families or individuals in street situation. Kinukupkop natin, kinukumbinsi natin na sumama sa amin para panandaliang tumira sa ating shelter. Tandaan iyong shelter natin iyong dating POGO hub na kinonvert [convert] na natin ngayon sa isang maayos at magandang soup kitchen at shelter.
Pero hindi po sila doon panghabangbuhay na titira. Ang layunin natin maiuwi natin sila sa kanilang mga komunidad pero may sapat na interbensiyon, kabuhayan or ano pang intervention na kailangan nila para mag-thrive sila at hindi na kailangang mapilitan pang tumira sa lansangan. Katulad ng Walang Gutom Program, bago itong programa na ito. Kung dati-rati local government unit ang nasa harapan ng pagsugpo ng pagtulong sa ating mga homeless na kababayan, ngayon ay national government na ang nakikipag-ugnayan sa local government, DSWD na ang may mga team na nag-iikot, kasama rin ang local government unit para masigurado natin na walang Filipino na naiiwanan lalung-lalo na iyong mga nasa lansangan.
At ito lang ang administrasyon na nagpundar talaga sa ganitong programa para masigurado natin na ang social protection o ang proteksiyon ng estado ay angkop at malawak lalung-lalo na para sa mga pinakamahihirap natin na kababayan.
PCO USEC. CASTRO: Mayroon pa raw kayo isang programa, Tara Basa Program, ano naman po ito?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Iyan iyong nabanggit ng Pangulo kahapon, sabi nga niya na kailangan ituloy ng DSWD at ng DOLE iyong mga programa nila kung saan ang ating mga college students, nagka-cash for work. Dati-rati kasi, Usec. Claire, ang nakagisnan na, education assistance – pupunta sa DSWD iyong mga mahihirap natin na mga college students, humihingi ng tulong pinansiyal para mabayaran iyong matrikula sa kanilang mga paaralan para maka-graduate.
Wala namang masama sa education assistance, pero binago natin iyong konsepto at ginawa nating conditional. Ano ang kondisyon, sa loob ng 20 days, kailangan mag-tutor sila sa mga pampublikong paaralan ng mga Grade 2 na mga bata na hirap magbasa at gabayan din ang mga magulang para maging effective na mga magulang o unang guro sa kanilang mga tahanan. Pagkatapos noon, dalawang oras lang, kada-araw ang volunteer time nila, pero babayaran sila ng minimum wage ng buong araw.
So, it’s a cash-for-work program para may taya rin ang ating mga college student. Sabi nga ng Pangulo natin kahapon, iyong mga Ate at mga Kuya natin na nagsisilbing volunteer tutors ngayon, binibigyan na natin ng compensation para maging bahagi ng solusyon para masugpo ang illiteracy o iyong kahirapan na magbasa. In short, it’s an education assistance pero may taya sila, nagtatrabaho sila, bahagi sila ng nation building.
PCO USEC. CASTRO: Napakaganda po niyan, Secretary Rex. At ito naman po tanong po kay Secretary Ted, mula sa GMA News Online: Regarding PBBM’s declaration of zero billing in DOH hospitals, when will it start?
DOH SEC. HERBOSA: Actually, sinubukan na naming i-soft iyan noong May 14, pinasubukan ko na bago I-announce in Presidente iyan. Actually, nag-umpisa na kaming mag-no balance billing noong May 14, at kaya namin. So, tuloy-tuloy na iyan, all the 83 hospitals will be doing no balance billing. Tulong din iyan iyong (MAIFIP) Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patient. Basta huwag lang kayo nasa private, kasi kapag nagpunta ka sa private may bayad iyong doktor, may bayad iyong room. Basta nasa basic accommodation ka ng DOH, bayad na ang bill mo.
PCO USEC. CASTRO: Ipa-follow-up ko lang po, Sec. Ted. Kanina binanggit ninyo na kailangan talaga ang tulong ng LGUs kasi tungkol sa vaccine. May mga pagkakataon ba na talagang ‘alang available sa pagamutang ospital ng bayan patungkol po doon sa vaccine, iyong Animal Bite Vaccine, papaano po iyon?
DOH SEC. HERBOSA: Iyan ang pinaka-number one na consultation sa aming BUCAS Center. Iyong nagpapabakuna dahil nakagat ng aso, iyong anti-rabies vaccine sa tao. Gusto ko sanang ipaliwanag sa lahat na dalawa ang klase ng bakuna sa rabies, isa para sa aso at pusa, isa para sa tao. Mas mura po iyong bakuna sa aso, at we recommend, kasi 54% ng nagpapabakuna sa aming Animal Bite and treatment Centers ay may sariling alaga. Ano ang ibig sabihin noon kung 54%, hindi nila pinapabakunahan iyong aso nila. P50 to P100 lang a year ang pagpapabakuna ng isang alagang aso o pusa. So, kung hindi ninyo ito ginagawa, talagang you end up, going to get mga two or three vaccines para sa anti-rabies, kasi hindi ka sure baka may rabies iyong aso. Pero ang recommendation ko, ang LGU dapat tumulong pabakunahan iyong mga pet owners, iyong kanilang alaga para hindi na pipila sa mga DOH hospital.
May reimbursement din ang PhilHealth dito sa anti-rabies vaccine. Ang problema ko lang, kung minsan nagkakaroon ng medyo may kaunting kalokohan, ipapasa sa amin sa DOH iyong first two doses, iyong third dose kukunin noong LGU sila ang babayaran ng PhilHealth. Imumungkahi ko nga sa PhilHealth na bayaran kung sino iyong nagbigay ng dose, kunwari dalawang dose, dalawang dose ibayad sa DOH hospital at kung one dose lang binigay mo, one dose lang ibayad sa inyo.
So, prevention ang importante dito, tayong lahat may mga alagang hayop pabakunahan natin, be responsible pet owners. Nakita ko nga sa ibang bansa, mataas iyong penalty, sa Singapore Usec. Claire, 1,500 Singapore dollars kapag nahulihan ka na iyong alaga mong aso ay walang bakuna ng rabies. So, patutulong kami uli sa local government, sa mga mayor, madaming mayor nagbibigay ng libreng bakuna ng aso tuwing March anti-rabies month.
PCO USEC. CASTRO: Salamat po Sec. Ted, kasi ang daming namumroblema diyan po sa animal bite vaccine.
Para naman po kay Doc Pargas, mula sa GMA News Online: On PBBMs announcement of free dialysis offered year-round, he mentioned thrice a week yearlong ang offered. What if the patient was recommended to have more than three sessions weekly, is still covered?
PHILHEALTH DOC. ISH PARGAS: Normally po ang maximum dialysis session really are three times a week and so with 54 weeks in a year, we covered around 156 sessions, so isang buong taon na po iyon. Ngayon, kung halimbawa at kakailanganin po ng special dialysis, mayroon po tayong ibang pakete para doon at mako-cover pa rin natin. Iyon pong ating 156 sessions at 6,350 is for the regular hemodialysis session.
PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sir Doc Pargas.
Ito po maraming-maraming salamat sa mga taga-media po na nagbigay ng kanilang mga tanong. Pero ngayon po ay pupuntahan naman natin ang mga katanungan mula sa mga estudyante ng San Juan City Academic Senior High School, palakpakan naman diyan.
Unang katanungan napakahirap po, ang hirap talaga ng mga tanong ng mga estudyante, sir, mula kay Jayjay Lumbo, nasaan na iyan, nasaan siya? Sabdel Tañola, ayan, at saka si Francis Jangria. Sec. Ted, tandaan ninyo na po ang mga mukha nila, mahirap ang tanong, thank you po ha. Ang tanong po nila: Ang zero balance billing po ba ay walang limitasyon?
DOH SEC. HERBOSA: Mayroon ano, sabi sa akin ng ibang hospital director, may mga procedure na napakamahal, diagnostic test na napakamahal at mayroon din mga operasyon at procedure na mahal. So, ito baka magkaroon ng exception, so iyon ‘yung—pero very rare iyan, most of the time mako-cover natin iyan at patutulong tayo sa ibang ahensiya, nandiyan ang PCSO, na andiyan ang Presidential social fund, so puwede pa rin malibre iyan. in fact, noong birthday last year ni President BBM nilibre niya lahat ng DOH hospital; nagulat iyong mga pasyente pati sa private hindi niya pinagbayad, sinagot na ni BBM last year noong birthday niya, I think this gagawin niya uli iyon.
PCO USEC. CASTRO: Okay na ba, good news ba iyan? Thank you. Ang nakakataka nga mga kababayan ko, ang dami nang nagagawa ng Pangulong Marcos Jr. ng administrasyon na ito, DOH, PhilHealth, DSWD, DSHUD pero parang walang nakikita iyong ibang mga… alam ninyo na.
Anyway, ito po dagdag itong tanong mula kay Jenny Mercado, aba artistahin nasaan si Jenny Mercado, mukha ring artista, Oden Elishia, Rhea Abella ng San Juan City Academic Senior high school, ayan silang tatlo. Sir, sa iyo ulit: Ang zero balance billing po ba ay applicable para sa lahat?
DOH SEC. HERBOSA: Yes, basta na-admit kayo sa basic accommodation. So, very important pipiliin natin iyong basic accommodation para wala na kayong babayaran sa DOH hospital. So 83 po, nilabas namin iyong listahan ng DOH hospital sa buong Pilipinas para alam ninyo kung saan ito.
May mga local government, LGU si dating mayor si Rex, nagbibigay din ng no balance billing iyan, actually iyong mga mayayamang lokal na pamahalaan—PhilHealth, tapos sagot na nila iyong remainder. So, may mga hindi mapipilit lahat ng LGU, pero iyong mga mayayamang LGU sumasabay po sa DOH at nag-no no balance billing din.
PCO USEC. CASTRO: Yes, congrats din ha, Secretary Rex, sa pagiging dating mayor ng Valenzuela. Ito naman ay galing kay Yassen Usman. Yasen, where are you, aba natakot yata si Yasen, kasi ang hirap po talaga ng tanong, PhilHealth po iyan. Okay, Doc Pargas: Karamihan po kasi sa mga benefits ng PhilHealth hindi po alam ng mga mamamayan kaya kaunti lang po ang nakikinabang, ano ang puwedeng maging aksyon sa problemang ito?
PHILHEALTH DOC. ISH PARGAS: Tama po kayo diyan and we recognize that. Napakahirap ipaalam sa more than 115 million Filipinos kung ano iyong mga benepisyo ng PhilHealth. Kung kaya tayo nga po ay nagpapasalamat sa ating mga kaibigan sa media for being information multipliers; at sana tayo din pong mga estudyante, sana po ay matuto at pag-aralan din ang PhilHealth para tayo rin po mismo ay makakapagsalita at makakapagsabi ng kung ano iyong mga benepisyo. But of course, sa amin pong ahensiya mayroon po kaming mga programa, mayroon po kaming corporate affairs office, communications affair office, mayroon po kaming corporate marketing, action center, mayroon po kaming mga hotline para po—at ginagawa po lahat ng paraan para mas maipakalat iyong impormasyon tungkol sa PhilHealth. But, yes we do recognize that information really is a challenge.
PCO USEC. CASTRO: Thank you po, Doc Pargas, ng PhilHealth.
Ngayon po ay nais tanungin ang ating mga panelist: Sa pag-angat ng kalidad ng buhay ng sambayanang Pilipino sa administrasyong PBBM, kumpletuhin po ang pangungusap na ito. Very briefly po, ‘Sa isang Bagong Pilipinas ______… Unahin po natin si Sec. Ted.
DOH SEC. HERBOSA: Mayroon akong sinasabi lagi diyan, sa isang Bagong Pilipinas bawat buhay mahalaga.
Gusto ko lang masabi dito sa ating mga senior high, marami rin kaming oportunidad, there are 22 medical school na nasa SUC, so kung gusto ninyo maging doctor, mayroon tayong free higher education na makukuha sa state universities and colleges. Ganoon din iyong mga internship program ng PGH, ng UP, ng UST; mayroon din kaming scholarship na nasa CHED.
So, kung gusto ninyo mag-doktor madami pong puwede. Ang isang—hindi nasabi pala kahapon, kanina—kahapon ina-announce ng ating Pangulo, na lahat ng munisipyo – 1,700 plus municipalities of the Philippines now have doctors, 792 supported by DOH doctors and 1,000-plus supported by the local government. So, hindi na totoo iyong dating mamamatay kang walang doktor, sa lahat ng munisipyo may doktor. So, itong mga bata iniengganyo ko, mayroon tayong mga courses para sa nurses, midwife, sa RadTech, sa doctor iniengganyo kayo to be interested and join the healthcare system.
PCO USEC. CASTRO: Thank you po Sec. Ted.
Sec. Aliling?
DHSUD SEC. ALILING: Alam po ninyo kapag itinanong po natin ang maraming karaniwang Pilipino.
PCO USEC. CASTRO: Sir, complete the sentence
DHSUD SEC. ALILING: Opo, doon po ako papunta.
PCO USEC. CASTRO: Excited.
DHSUD SEC. ALILING: Marami pong Pilipino ang huminto na mangarap, magkaroon ng sariling tahanan. Kaya po sa direktiba po ng ating mahal na Pangulo, katulong po ng DHSUD ang ating mga ahensiya na nandito ngayon, NHA, Pag-IBIG, SHFC at NHMFC upang tiyakin ng sa Bagong Pilipinas, bawat Pilipino ay maaari na ulit mangarap magkaroon ng sariling tahanan, magandang hapon po sa inyong lahat.
PCO USEC. CASTRO: Secretary Aliling, before po noong wala po ako sa government nagkakaroon po ako ng hearing sa DHSUD, nahihirapan po akong i-pronounce niyan, ‘Shud?
DHSUD SEC. ALILING: SUD silent ‘H’.
PCO USEC. CASTRO: Doon pa lang hirap-hirap na po ako, thank you po Secretary Aliling.
DHSUD SEC. ALILING: Salamat po, magandang hapon po ulit.
PCO USEC. CASTRO: Secretary Rex?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Usec. Claire, hiniram muna ni Sec. Ted iyong tagline namin na bawat buhay mahalaga. Kami sa DSWD ang may copyright ng tagline na iyan, alam ng mga taga-DOH iyan. Tingnan mo Sec. Ted, iyong mga tao mo hindi pumapalakpak, hiniram lang nila. Pero, babaguhin ko na lang iyong sagot ko, sa bagong Pilipinas, walang gutom at walang pinapanganak na mahirap.
PCO USEC. CASTRO: Thank you, ganda.
Dr. Pargas?
PHILHEALTH DOC. ISH PARGAS: Para naman po sa PhilHealth, sa Bagong Pilipinas mayroon tayong mabilis, patas at mapagkakatiwalaang PhilHealth.
PCO USEC. CASTRO: Maraming-maraming salamat.
Ayan mga kababayan, maaasahang sistema serbisyong medikal at pagpapaunlad ng lipunan, bawat buhay mahalaga iyan ang Bagong Pilipinas!
At diyan nagtatapos ang ating talakayan ngayong araw. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga nakibahagi sa unang araw ng ating 2025 Post-SONA Discussions. Naging produktibo po ang ating mga diskusyon ngayong araw at nasuri natin ang mga prayoridad ng pamahalaan na binigyang-diin ng ating Pangulo sa kaniyang talumpati.
Ipinaabot din namin ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga panelist, ating mga kasamahan sa media, mga kababayang nandidito ngayon, of course mga students at kayo pong mga nakaantabay sa ating live stream para sa kanilang aktibong pakikibahagi.
Muli, ako po sa Undersecretary Claire Castro, magpapatuloy tayo sa ating talakayan bukas, simula alas-nuwebe ng umaga, abangan ng 2025 Post-SONA Discussion, maraming salamat po.
###