Press Briefing

2025 Post-SONA Discussions Infrastructure Development and Energy Security Hosted by Palace Press Officer and PCO Undersecretary Claire Castro


Event 2025 Post-SONA Discussions Session 2: Infrastructure Development and Energy Security
Location Makabagong San Juan National Government Center in San Juan City

PCO USEC. CASTRO: Magandang araw sa ating lahat. Ako po si Undersecretary Claire Castro at welcome po sa ating 2025 Post-SONA Discussions. Live po tayo ngayon mula sa makabagong San Juan National Government Center. Tayo ay napapanood sa Facebook at YouTube ng Radio Television Malacañang, Presidential Communications Office at ibang mga ahensiya ng pamahalaan. Sana rin ay nasa maayos na kalagayan tayong lahat matapos ang sunud-sunod na bagyo at pag-ulan.

Matapos ang matagumpay na State of the Nation Address ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mahalagang magkasama-sama tayo ngayon upang talakayin pa at maunawaan nang mas detalyado ang mga nilalaman ng talumpati ng ating Pangulo.

Ngayong tanghali, kasama natin ang Infrastructure Development and Energy Security Cluster, isang masigabong palakpakan para sa ating mga panauhin: Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan; Department of Transportation Vince Dizon; Department of Energy Sharon Garin; Department of Information and Communications Technology Secretary Henry Rhoel R. Aguda; National Electrification Administrator Antonio Mariano Almeda. Good afternoon po.

Pagsasaayos ng mga kalsada, tulay at iba pang imprastraktura ang idiniin ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mas maging magaan ang buhay ng bawat Pilipino. Sa kaniyang pahayag sa State of the Nation Address nito lamang Lunes sinabi niya, “Kaya inatasan ko ang DOTr at DPWH na bantayang mabuti ang mga proyekto sa kahabaan ng Quezon patulak ng Bicol at tiyaking tama ang kalidad, matibay at nasa takdang oras ang pagtatapos.”

Secretary Manny, marami ang nag-aabang nito, maaari ninyo po ba kaming bigyan ng update tungkol sa mga nabanggit na proyekto ng Pangulo?

DPWH SEC. BONOAN: Maraming salamat, Usec. Claire, sa ating tanong. Ang pangunahing kalsada po na papunta ng Bicol ay tinatawag po nating Maharlika Highway – ito iyong pangunahing kalsada na isinagawa pa po noong panahon noong late President Marcos po ito.

Sa ngayon po, ang Maharlika Highway nakita po namin na dahil sa pag-unlad ng mga kabuhayan marami na pong masisikip na daan ito, so kasalukuyan po namin ngayong isinasagawa ang magdadagdag ng additional lanes para mas maluwag ang pagdaloy ng ating mga traffic. Ito hanggang—hindi lang po dito sa may Quezon dadating po ito iyong hanggang Maharlika Highway po ay hanggang Sorsogon po ito. So, ito po tuluy-tuloy po na gawain ng Department of Public Works and Highways at hindi lang po naman dito sa Luzon hanggang Mindanao po iyong Maharlika Highway, so tuluy-tuloy po ito.

Ngayon po dito sa mga malalaking gawain po dito sa papunta ng Quezon ito po iyong inaabangan po siguro ng lahat, ito po iyong ay hindi pangkaraniwang daan na ginagawa natin ngayon, ito iyong expressway po mula sa Sto. Tomas papunta po sa Lucena – ito po iyong tinatawag natin na TR4 Project. Ito po ay expressway, siguro po, ito iyong inaabangan ng lahat kasi po this is about 66 kilometers from Santo Tomas going to Lucena.

Ang segment po nito from Santo Tomas to Tiaong ay bubuksan na po ito sa 2026 at matatapos po lahat ito sa 2027. So, this will give a… mas mabilis na po ang daloy ng traffic natin kung saan po sa ngayon para mula Santo Tomas papunta ka ng Lucena baka aabutin ka ng apat na oras. Kapag nabuksan na po itong expressway na ito siguro isang oras na lang po – so, mas mabilis, tapos magbibigay ng kaunlaran na naman sa ating nasasakop dito sa area na ito.

So, ito po ito iyong adhikain din ng ating Pangulo na magbigay nang efficient connectivity sa ating mga kanayunan at lalo na po sa mga pag-unlad ng ating ekonomiya at ito po rin iyong isang programa ng ating pamahalaan na kaagapay po natin ang private sector kasi itong expressway na ito ay kasalukuyan pong isinasagawa ng San Miguel Corporation po sa kanilang concession agreement. Salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Thank you for that.

Mayroon p po, ito iyong isa sa mga exciting part sa SONA. Mainit din tinalakay ang naging problema kung bakit pumalpak ang flood control projects. Ang sabi ng Pangulo: “The DPWH will immediately submit to me a list of all flood control projects from every region that were started or completed in the last here years.” Sec. Manny, ano po ang deadline sa inyo ng direktibang ito? At ano po ang masasabi po ninyo tungkol dito sa mga proyektong ‘ika nga ng Pangulo ay guni-guni.

DPWH SEC. BONOAN: Maraming salamat ulit, Usec. Claire. Ang masasabi ko lang po na talagang kailangan po nating isagawa ang mga flood control projects para maproteksiyunan po natin ang mga kapaligiran at mabigyan po natin ng katiyakan ang ating mga mamamayan na hindi sila binabaha.

Sa kasalukuyan po itong administrasyon ng ating Presidente mula po noong nagsimula nito, ang Department of Public Works and Highways po ay nakatapos na po kami ng I think about 9,800 flood control projects all over the country po ito ‘no, sa lahat. At sa kasalukuyan po mayroon po kaming I think 5,700 ongoing projects na flood control projects pa rin po ito. And ang kuwan po namin dito…well, iyong instructions ng ating Pangulo na ibibigay po namin iyong listahan kung ano iyong natapos, ano ang kasalukuyang estado, nandidiyan pa ba ang mga iyan at saka kung ano iyong ginagawa na namin ngayon.

Ngayon po, ang kuwan po namin dito…sa tingin ko naman iyong mga naisagawa na namin dito ay nagbigay po ng proteksiyon, immediate protection po sa ating mga mamamayan sa paggawa po namin ng sinasabi nating sangga, mga panangga sa floodwaters dito sa gilid ng mga ilog, ito iyong tinatawag po naming mga revetment walls and this has provided protections to underlying areas.

Ngayon po ang nakikita po naming kasalukuyang pinaglalaanan po namin ng pansin, kahit po gaano karami iyong mga revetment walls na ginagawa namin kung hindi po natin ma-address iyong siltation, unfortunately po iyong…well, ito iyong nadatnan namin dito sa administrasyon na ito. Noon hong pumasok kami dito sa administrasyon na ito napansin po namin na iyong mga riverbeds po, iyong sa dinadaanan ng tubig ay mababaw na mababaw na po. I think, for the last many, many years during the past administrations ay hindi po nag-desilt o nag-dredge. So, ito po iyong challenge na tinitingnan namin kasi ang tinitingnan po namin dito ay kahit gaano karami iyong ginagawa naming revetment walls o sangga kung hindi namin ina-address po iyong kailangan mahukay ang siltation ay talagang aapaw at aapaw po iyon – so, iyon ang pinagtutuunan namin ng pansin.

Inaano na po namin ito sa mga programa namin at well sa kasamaang-palad lang po ay hindi lang po kami nabigyan ng sapat na pondo, pero hindi po kami tumitigil, at itong mga susunod na taon ilalagay pa rin namin dito kasi kailangang-kailangan po natin i-address po itong dredging at desilting ng ating mga rivers kasi kung hindi po ay talagang aapaw at aapaw pa rin iyong mga tubig-baha.

PCO USEC. CASTRO: Okay. Maliwanag ninyo pong sinabi kanina na mayroon na po tayong nagawa na mga flood control projects – 9,800 na po. Sa palagay po ba ninyo itong mga nagawa na po na under the administration po ni Pangulong Marcos Jr., ito po sabi ninyo po ay nakatulong?

DPWH SEC. BONOAN: Tinitiyak po namin na nakatulong po itong mga ito kahit papaano sa pagsugpo po ng mga flooding problems lalung-lalo na po sa low-lying areas, iyong mabababa po na mga lugar at kasalukuyan po naman natin ito…

Sa ngayon po kasi isa po sa mga tinitingnan namin ay babaguhin po dapat namin ang mga disenyo ngayong mga flood control projects kasi iba po iyong tinatahak ng sinasabi nating climate change. Nakita po ninyo noong nakaraang linggo, mahigit na isang linggo po, tuluy-tuloy ang ulan at ito na po iyong kasalukuyang, siguro ito na iyong normal na tatahakin natin, so babaguhin po namin siguro iyong mga disenyo rin po ng ating mga imprastraktura ngayon.

PCO ASEC. CASTRO: Balikan ko lang po iyong sinabi ninyo kanina, iyong tungkol sa dredging, simula po noong pumasok ang Pangulong Marcos Jr., nagkaroon po ba ng dredging at desilting ang DPWH?

DPWH SEC. BONOAN: Wala po kaming massive na dredging na ginawa po, kasi—well, unang-una, malaki po iyong pangangailangan namin na equipment, kailangan po namin ng equipment na dapat kami na po ang dapat gumawa ng dredging para maiwasan po natin iyong haka-haka na noong mga araw daw, ito iyong sanhi ng mga korapsiyon. Pero, I think, i-isolate po natin iyong isyu ng korapsiyon, we have to address the technical requirement. Kailangan po natin, so kami na po ang gagawa dito sa desilting at dredging.

PCO ASEC. CASTRO: So, parang sinasabi ninyo na kayo na ang bibili ng equipment para maiwasan iyong isyu ng korapsiyon?

DPWH SEC. BONOAN: Yes po.

PCO ASEC. CASTRO: Kaysa kumbaga kinokontrata pa ito sa iba.

DPWH SEC. BONOAN: Opo, tama po iyon.

PCO ASEC. CASTRO: So, kailangan ninyo ng budget?

DPWH SEC. BONOAN: Ito po, ilalagay po namin ulit sa 2026 budget.

PCO ASEC. CASTRO: Sabi nga po ninyo, parang tatlong taon, hindi kayo masyadong nakapag-dredging, dahil ang problema rin ninyo ay..?

DPWH SEC. BONOAN: Gusto sana namin magkaroon kami ng panibagong mga equipment para kami na po ang gagawa sana nito.

PCO ASEC. CASTRO: Okay, ito pa po, ang sabi ng Pangulo: “Halimbawa, sa Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela na sinimulan noong 2014, ginastusan ng taumbayan ng isang bilyon. Sampung taong itinayo, noong buksan, ilang araw pa lang, giba na agad. Napakamahal, ang tagal ginawa, ang bilis nasira! San Juanico Bridge naman limampung taon na, nakatayo pa rin hanggang ngayon, ganoon siya katibay ngunit nakaligtaan naman ang wastong pagmentina at pagkumpuni sa pagdaan ng mga dekada, nalagay pa tuloy sa panganib ang publiko, hindi po dapat ganoon.” Again, Sec. Manny, ano po ang maibabahagi ninyong detalye tungkol dito?

DPWH SEC. BONOAN: Tama po iyon, I think pumunta nga po kami, personally si Presidente doon, tiningnan iyong San Juanico Bridge at natutuwa naman siya noong nandiyan kami sa San Juanico Bridge.

Ito pong isyu ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, tama po ito, nadatnan din po natin ito sa administrasyon ng ating Pangulong Marcos. Sa kasawiang-palad, may dumaan po na truck na overloaded at bumigay po iyong isang segment po nito. Sa tinagal-tagal na ginawa itong tulay na ito, nagtataka nga rin kami, kung bakit napakatagal ang paggawa nitong tulay na ito. But—well, nandudoon na po, noong matatapos at puwede na sanang daanan sa kasamaang-palad, eh medyo nasira po iyong segment at mabuti na lang po at wala pong nasawi o namatay doon sa insidenteng iyon.

Ito po iyong sinasabi nga namin na sana nga, itong pagtulung-tulungan po natin iyong pagdaan ng mga overloaded trucks sa ating mga tulay, kasi po ito iyong nakakaperhuwisyo, nakita na po ito na kung halimbawa nasira ang tulay, because diyan sa overloading, masisira po iyong continuity ng transportation natin, so dapat po ito, pagtutulungan po natin. Mayroon naman po tayong batas na nag-aakda kung ano ang dapat karga o ano ba nag tonelada na kinakarga ng ating mga nagbibiyahe diyan. But we need actually iyong kooperasyon din po ng local governments at lalung-lalo na sa mga secondary roads na hindi naman po namin nababantayan.

Anyway po, ito po, tinitingnan din po namin kung paano, bakit nga nagtagal iyong paggawa ng tulay at tinitingnan po namin ang aspeto ng disenyo kung sino iyong nag-design, ano pa ba ang kasalanan ng disenyo, ano ang kasalanan ng kontraktor at kasalanan noong truck na dumaan diyan. At ang instructions sa atin ng Presidente, kahit na ginagawa natin iyong mga imbestigasyon, kailangan din nating i-rehabilitate ito kaagad para madaanan.

PCO ASEC. CASTRO: Salamat, Sec. Manny.

Talakayin naman natin ang usapin tungkol sa kuryente. Sabi ng Pangulo: “Hahabulin at tutuparin ng DOE at NEA ang nakatakdang dami ng mga kabahayang makakabitan ng kuryente ngayong taon hanggang 2028 lalo na sa Quezon, sa Camarines Norte, sa Palawan, sa Masbate, sa Samar, sa Negros Occidental at sa Zamboanga del Sur.”

Secretary Garin, ano ang mga pagsubok ng DOE na kailangan ninyong malampasan upang maipatupad ang direktibang ito?

DOE SEC. GARIN: Thank you, magandang hapon po sa inyong lahat. Ilonggo ako, hindi ako magaling mag-Tagalog. Maayong Hapon sa inyong tanan. Para po sa electrification, ang na-mention ng Presidente, ito po iyong mga areas na malayo at magastos din sa electric cooperative ang paglagay ng linya.

So, ito po iyong gagawin pong mga areas na iyan, mga areas na maglalagay tayo—tatlong ano iyan eh, three ways para ma-address natin ang electrification: Number one, is iyong micro-grid; itong solarized home; at saka iyong gagawin ng NEA na tuluy-tuloy ang electric coops nila, mag-i-expand.

So, iyong number one, iyong micro-grid, sistema ito na generator na nga siya, magdadala siya ng solar na may battery saka may diesel, kung anumang planta, at ilalagay doon, ikokonek nila sa mga bahay doon, sa mga sitio doon. Iyon iyong unang gagawin natin, naghahanap po tayo ngayon ng mga investor na private para sila po ang magpatayo ng micro-grid system natin para kumpleto na iyan.

Ang second pong gagawin din ng NEA is iyong solarized homes, maglalagay sila ng solar, tapos may linya iyan, may battery siya, may kasama pang bumbilya at radyo para maka-charge din sila ng mga telepono nila. So isa ring sistema natin iyan.

Ang pangatlo, hindi lang iyong electrification, kung hindi maraming bahay pala na malapit lang naman, hindi lang nakokonek. So, ang problema doon ay marami pang permit, mag-a-apply pa, may bayad pa. So, pag-uusapan po namin, pinag-uusapan po namin ng NEA kung paano ba mapababaan na lang o puwedeng i-waive iyong application fee para makonek lang iyong mga bahay na malapit na. Mga 2.5 million homes po iyan ang mako-cover kung mag-cooperate lang lahat – NEA, DOE at saka iyong ating mga LGU. So, iyon po iyong sistema and we can probably, ang electrification niyan, aabot ng mga 2.6 million. Kaunting-kaunti na lang at aabot na tayo ng 100%.

PCO ASEC. CASTRO: Sa ngayon po ba, Sec. Sharon, mga ilan na pong pamilya ang nabigyan na po natin ng kuryente?

DOE SEC. GARIN: Sa panahon po ng Presidente po, itong administration, dati kasi ang budget ng NEA for electrification ay P1 billion, P2 billion. Ngayon po, dalawang taon na, P5 billion ang inilalagay ng Presidente and that is quite historical, kasi alam ng Presidente na hindi hinabol ng previous, kailangang habulin mo iyan kasi dumadami din iyong Pilipino. Ngayon, 120 million Filipinos na ba tayo? Every year, nadadagdagan ang bahay, so humahabol tayo.

So, ngayon po, about 95% na tayo, ang electrification natin. So, hahabulin po ng NEA, ng DOE ang 5%, medyo malaking trabaho, pero po dahil iyan ang utos ng Presidente. Bakit importante ang electrification? For every one peso na ginagastos ng gobyerno sa electrification, P4 ang balik sa atin. So, It’s an investment to us and to our children, so kaya po maganda pong programa iyong electrification.

PCO ASEC. CASTRO: Saka mas mabibigyan ng ginhawa talaga iyong buhay ng mga taong talagang mayroong sapat na kuryente?

DOE SEC. GARIN: At makaka-aral iyong bata, makakapagluto iyong nanay na hindi na kailangan ng uling pa. Parang it makes our lives easier and more productive. Mayroon pa kaming mga bayan po, taga-Iloilo ako, mga bayan na dati wala pang electricity, marami ang early marriage, early rin na nabubuntis o walang trabaho.

PCO ASEC. CASTRO: Dahil walang ilaw?

DOE SEC. GARIN: Dahil walang ilaw kasi hindi ka makapag-aral, hindi ka makapagtapos hanggang high school dahil nga limited nga, kasi kapag gabi, pag-uwi hindi sila makapag-aral. So, electricity really will improve the livelihood and also empower people, kaya napakaimportante sa Presidente po iyan.

PCO USEC. CASTRO: Ito pa rin po, para sa inyo ito, Secretary Sharon. Para lalo pang makatipid ang ating mga kababayan at maipagbili ang anumang sobrang kuryente nila, isusulong ng Department of Energy ang net metering program at pabibilisan din ng ERC ang proseso ng pag-apruba nito? Secretary Sharon.

DOE SEC. GARIN: Alam mo kung bakit?

PCO USEC. CASTRO: Opo, papaano ba, importante itong net metering.

DOE SEC. GARIN: Nakakatuwa itong topic na ito, kasi hindi lang po ang taumbayan nagreklamo pati ang Presidente mismo ang nagsabi na sabi niya ‘nag-apply nga ako anim na buwan pa ang hinintay ko’, Presidente na iyan ano. So, tinitingnan po namin, nag-usap na kami ng ERC, ang problema kasi diyan matagal-tagal ang proseso kaya kailangang mag-apply sa electric coop mo, mag-apply ka sa ERC pa ‘no, sa Energy Regulatory Commission ng permit mo rin at kailangang mag-building permit ka sa LGU, so, kinakausap po lahat iyan.

Ngayon okay na po sa ERC imbes na 60 days, hopefully this month ma-apply na nila na kahit 10 days na lang, so hahanapan nila ng paraan and distribution utility, ang mga electric coop. I’m sure babawasan ni Admin Manny iyan, kasi ang aming target imbes na 180 days gagawin namin 90 days na lang po. So, tinatrabaho iyong net metering.

Ano po iyong net metering? Iyong mayroon kang solar sa taas ng bahay, sa bubong mo, tapos may sobra ka, puwede mong ibenta kasi iyan sa distribution utility mo eh, sa Meralco or kung electric coop man o sa amin sa ILECO sa Iloilo. So, para bawas sa bill mo, so tulong din iyan. Green na nga iyong electricity mo, malinis na tapos mababawasan pa ng sobra, so iyan makakatulong po sa ating mga kababayan po.

PCO USEC. CASTRO: So, paano iyon, Sec. Sharon, kapag sumobra iyong kuryente mo ibibenta mo ulit say sa ILECO or Meralco ibabawas na lang doon sa billing?

DOE SEC. GARIN: Opo, may bawas pero hindi po full na ano—halimbawa kung 11 pesos iyong bayad mo per kilowatt hour diyan sa inyo, siguro mga labas niyan bawas mo mga six pesos, mga halos kalahati ‘no, so pero may bawas siya kasi sobra mo na iyon.

PCO USEC. CASTRO: Maganda iyon.

DOE SEC. GARIN: Opo, maganda iyon, sana po lahat tayo po mag-net metering kung kaya lang naman maglagay ng solar sa rooftop ninyo kasi makakatulong po iyan sa presyo na malaking bawas po sa gastos ninyo.

PCO USEC. CASTRO: Maganda po iyan. Nabanggit din ng Pangulo sa kaniyang SONA ang tungkol sa lifeline rate, sabi niya: “Habang inaayos natin ang kumplikado nating sistema ng enerhiya sa bansa upang maipababa ang presyo, pinapalawig pa natin ang lifeline rate. Bukod sa mga miyembro ng 4Ps kasama na” rin ngayon ang mga pamilyang nasa listahan na maliit lamang kinikita at ang konsumo naman ay hindi lumalagpas sa lifeline rate.” Sec. Sharon, ano po ito, anong ibig sabihin nito at paano ito makakabuti sa mamamayan natin?

DOE SEC. GARIN: Kung lifeline rate iyan, ibig sabihin dahil qualified ka either up to 100% ay puwede kang wala ka nang babayaran sa kuryente mo, siguro mga five pesos to twenty pesos na lang. Halimbawa kung sa Meralco kung 20 kilowatt hour lang naman ang nakukonsumo mo, malamang iyan hundred percent wala ka nang babayaran, may five pesos lang para sa linya or sa mga operation nila ‘no, so discount iyan. Discounted, iyong iba halos aabot ng 100% depende sa electric coop ninyo, iyong iba 50% iyong 20%; iba-iba kasi ng treatment eh, kasi ERC ang magsasabi niyan o magde-determine kung anong rate at saka magkano ang discount.

Now, ang nangyayari ngayon po, sinasabi ang nangyari ay mag-a-apply ka, sabihin mo ‘hindi ko kayang magbayad, 4Ps po ako, puwede ba lifeline rate na ako para mabawasan ang gastos ko’, nagagawa po iyan ngayon. Pero so far po, out of the 4.5 million na 4Ps natin mga 330,000 lang ang nakaka-avail kasi po hindi simple ang pag-apply. Kailangan pumunta ka sa electric coop mo at magsa-submit ka ng mga I.D, proof of residence, lahat po, eh minsan wala po tayo niyan eh, pero mayroon kayong I.D na 4Ps. So, pinag-uusapan po namin, we will talk to DILG, DSWD and also NEA na kung nandiyan na naman sila sa listahan, siguro naman puwede naman i-certify na lang na ito ang listahan na dito sa coop ninyo at automatic na sana sila makakakuha.

So, pag-uusapan po namin iyong sistema para mapabilis at mapalawak po ang coverage ng lifeline na iyan. Kasi kahit ano po ang turo namin, mag-apply kayo kung mahirap po magbabayad ka pa ng bente pesos para pumunta sa electric coop pabalik mo may bente pesos, forty pesos nagastos mo. So, mas madali na lang kung kami na lang po ng at NEA at DOE ang mag-automatic na lang na sabihin, ito po naka-lifeline rate, bigyan ninyo ng discount po.

So ito po iyong gusto ng Presidente na dapat ang 4.5 million na 4Ps natin ma-cover po kaagad automatic. So, in a few weeks po, we will sort out na para mas madali na siya.

PCO USEC. CASTRO: Saka nga po, baka hindi rin nakakarating agad sa mga 4Ps ‘no, mga sakop ng 4Ps na may ganito pala, na puwede pala silang magkaroon ng ayuda pa.

DOE SEC. GARIN: Opo, malaking tulong iyan kasi lalo iyong target talaga iyong mga hindi kaya magbayad ano. So, at least magagamit po nila iyong mga discount nila sa ibang pangangailangan, whether sa tubig nila or sa pagkain nila kung anong kailangan ng mga anak nila. Ang lifeline rate po ay hindi po ganoon kalaki, kasi ang maximum noon mga 10o kilowatt hour lang na konsumo, pero nakakatulong po, pakaunti-kaunti po matutulungan po iyong ating mga kababayan.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Sharon, bakit nga ba tinatawag na kumplikado ang sistema ng enerhiya sa bansa?

DOE SEC. GARIN: Kumplikado nga, bigyan mo lang ako ng few minutes lang. Noong 2001 kasi sabi natin i-privatize natin ito, dati gobyerno lang ito eh, privatized natin ito, so tatlong parts ang electricity – may generation, distribution at saka transmission. So, ang generation puro private iyan, iyong transmission NGCP nag-iisa iyan private pa rin iyon, tapos iyong mga electric coop at saka Meralco iyon po iyong distribution iyong forte ni Admin Manny. So, ito po halos lahat sila private, may kaunting regulation ang iba, pero wala na po iyong gobyerno, anong role ng gobyerno? Si ERC po nagkokontrol ng presyo, kaya kahit anong activities ng mga transmission, generation at saka distribution kailangang ipaalam sa ERC kung iaakyat mo o hindi. Titingnan ninyo po iyong Meralco bill ninyo, makikita ninyo iyan may transmission, generation at saka distribution iyan.

So, ang role ng DOE ay para kaming teacher, mag-behave kayong mga estudyante dapat mag—you work together and you behave by yourself. We tell the generators kung anong dapat na capacity kailangan, anong technology na puwede, paano you maintain you need to maintain your commitments. Si NGCP naman kailangan i-connect mo iyong ating mga—lahat, lahat generation to distribution; si distribution naman dapat maayos iyong serbisyo ninyo.

So, complicated siya kasi ang dami-dami pong players, wala pong gastos ang gobyerno dito, because we are mere policymakers and regulators. So, kung hindi mag-behave iyong isa, halimbawa kapag hindi mag-behave iyong NGCP na minsan-minsan nangyayari, nasisira iyong buong sistema umaakyat din iyong presyo natin or halimbawa mahal din iyong pinatayong planta, mahal iyong charge niya, mahal iyong pinag-usapan nila sa distribution sa electric coop ninyo, nasisira iyong sistema. Pero, kaya nga po, we will—as mandated by the President, kailangan disciplinarian tayo, we have to make sure that we give the best to the Filipino people that’s why we are going to be more strict on the generation, transmission and distribution po.

PCO USEC. CASTRO: Iyan ang tinatawag nating napakaliwanag ng pagkaka-explain, pero kumplikado pa rin. Thanks po, Sec. Sharon.

At napakarami naman naging concerns tungkol sa kuryente. Ang susunod na mensahe ay para sa National Electrification Administration.

Ito ang sabi ng Pangulo: “Ipinag-uutos ko sa DOE, NEA at ERC na pabalikin sa normal ang serbisyo ng kuryente sa Siquijor bago matapos ang taon, titiyakin namin na maitatag agad ang mga pasilidad para sa pangmatagalang lunas sa kanilang problema sa kuryente.” Napakalaking perhuwisyo talaga nito lalo na sa turismo at kabuhayan ng mga nasa Siquijor. So, anong hakbang ang ginagawa ngayon ng ahensiya ng NEA para tugunan ang utos na ito ng Pangulo, Admin Almeda?

NEA ADMINISTRATOR ALMEDA: Yes, good afternoon, Usec. Before I touch on the remedial measure, puwedeng bigyan natin muna ng background? Alam mo, Usec., as early as January of this year, we have been receiving report that SIPCOR (Siquijor Island Power Corporation) medyo masama ang patakbo – nawawalan, rotational brownout sa isang oras, sa isang araw at binigyan—instruction ko, ang electric cooperatives sulatan ninyo, makipag-usap kayo and tama po na siguro malaman ng karamihan, ng mga Pilipino noong binanggit ni Presidente, ultimo pambili ng krudo ay problema. So, ako naman po ay binigyan ko ng instruction ang PROSIELCO (Province of Siquijor Electric Cooperative), ang electric cooperative, get to the bottom of this.

And, bumabalik naman sa akin ang kooperatiba, niri-report naman nila sa akin, “Admin, may pangako ho sila na ganito, ganiyan.” And so, ako naman ay nagri-rely dahil alam mo sa totoo lang, maliit na operations lang ang Siquijor, hindi naman ganoon kalaki eh kasi nine and a half megawatts lamang ang requirement. Until finally noong dumadalas na ang mga brownout, ang energy family ay nagpunta roon – pinangunahan ng DOE, NEA, ERC, NPC – para malaman namin kung ano talaga ang nangyayari.

So, doon namin nalaman na wala palang permit ang planta. So, kami sa NEA, isinantabi muna namin iyan dahil iyan ay saklaw ng ERC. Isinantabi muna namin iyan at nag-concentrate kami kung papaano namin gagamutin ang brownout. Dumating ang May 14, if I’m not mistaken – out of the 9 gensets na naka-install, apat ang bumigay, apat ang bumigay. At hindi na ako nagulat dahil may mga report na sa akin na ang mga consumables, filters ay hinuhugasan lamang.

So, hindi na ako nagulat doon so immediately I told PROSIELCO, sa electric cooperative, “Okay, i-manage ninyo iyong rotational brownouts,” at umabot sa five hours ang rotational brownout kasi they have limited capacity. So, sa amin sa NEA, naghanap ako ng mga modular gensets na pag-aari ng mga kooperatiba at nakakita ako ng isa sa Palawan so I immediately ordered Palawan Electric Cooperative to decommission the genset at ipadala sa Siquijor. So, alam mo naman itong mga genset, malalaki ito eh so it took us almost 15 days to ship it to Siquijor.

At ang SIPCOR naman, iyong generation company umorder din ng isang rental genset to augment iyong sitwasyon. Dumating ang Presidente sa Siquijor ng June 13 at ako’y nagpapasalamat naman dumating na iyong mga gensets na pinadala natin so, dumating ang Presidente noong araw na iyon, wala nang brownout – wala nang brownout. But, of course, these are band aid solutions.

So, just recently about one week or so, naulit ulit – apat na gensets ulit ang nasira. So, nag-usap kami ni Secretary Sharon at binigyan niya ako ng direktiba na once and for all we will send an independent technical surveyor and this technical surveyor will test the viability of the plant if they can still function and supply uninterrupted electrical electricity in the island.

Doon po namin ibabase ang aming magiging desisyon and expectedly there will be conditions that we will be imposing based on that survey. So, two possible scenarios, Usec.: scenario one, SIPCOR might be able to deliver or abide by the conditions and assure us, NEA and the government that they can perform the contractual obligations of supplying electricity; another scenario, scene two will be—the second scenario will be if we find out that there is no viability anymore for the plant to continue the way presently it is right now, or SIPCOR cannot abide by the conditions we will be imposing, I believe the state – NEA, DOE – hindi na ho namin puwedeng panoorin ito and we have to do drastic moves to assure the people of Siquijor that no recurrence of what happened last May will happen again.

And, with whatever measure we will be adopting, I believe contractual obligation should always give way to the paramount interest of public welfare and public interest. So, iyon po ang direksiyon namin.

PCO USEC. CASTRO: Sir, ang nabanggit ninyo po kanina, gumamit nang walang permit na planta?

NEA ADMINISTRATOR ALMEDA: Nag-expire na po ang kanilang mga environmental clearance certificate.

PCO USEC. CASTRO: Kailan po nag-expire?

NEA ADMINISTRATOR ALMEDA: I was informed may mga—kada genset ho kasi may ECC iyan eh – mayroong one year na, may within the year na nag-expire. I was informed most of it had expired already and that’s one condition that ERC is imposing on generation companies, if I’m not mistaken, for them to be able to charge electricity rates for the consumers.

PCO USEC. CASTRO: Tanong ko, sir. Noong hindi sila nakakapagbigay ng sapat or supply ‘no, hindi nakakapagbigay ng sapat na supply ng kuryente, iyong bayad ba nila ay full pa rin na sila’y binabayaran?

NEA ADMINISTRATOR ALMEDA: Actually, iyon nga ho ang nakapagtataka—

PCO USEC. CASTRO: Napakamot po ng ulo si Sec. Sharon.

NEA ADMINISTRATOR ALMEDA: —wala naman hong diperensiya sa mga konsumidor ng Siquijor at lahat naman ho sila’y nagbabayad nang tama at sa oras. So, maybe I will not comment on that anymore, Usec.

PCO USEC. CASTRO: [Laughs] Salamat po. Ma’am Sharon…

DOE SEC. GARIN: Kasi, marami kasi—hindi naman kailangan i-research pa kung ano iyong violations, obvious naman eh. Umpisa, bago dumating ang Presidente, apat iyong sira; dumating iyong Presidente, naayos iyong dalawa—dalawa na lang. Nagdala pa iyong gobyerno ng additional panigurado. Gumastos pa ang gobyerno para maproteksiyunan iyong Siquijor ‘no, nag-order iyong President, right away kunin ninyo iyong kung anuman iyong available.

Now, one month after balik na naman tayo before. When we started, they are supposed to have ten days of fuel supply pero noong tsinek namin – tatlong araw, dalawang araw. So ngayon po, bantay-sarado. Hindi po ito pulitika, it’s not a political act on the part of the President nor of our agencies ‘no. Eh iyon ang obligasyon mo eh, that’s a public utility eh, dapat may obligasyon ka. Kung nakikita mo nasisira, ayusin mo – hindi iyong hihintayin na lang kung kailan nga kayo bibigyan ng budget para magbili ng spare parts ninyo.

And that, we have paper trails on that kaya po ako very frustrated diyan kasi talagang ilang chat groups ang ginawa namin diyan, ilang meetings na and we’re back to zero again. Don’t we—Sabi ng Presidente, mahiya naman tayo sa taumbayan and I am embarrassed because this is my agency. Kaya po, that’s why with the agreement with our NEA, we will order a full investigation, evaluation of third party kung ano ba talaga – kung kaya ba ito o hindi because the people are suffering eight hours of blackouts every day.

Balik na naman tayo doon sa calamity, ang second is that we will have to… we will issue ang DOE a circular, parang iyong sinasabi ko kanina dapat may disiplina lahat ng players namin including generators. So, we are going to be very strict about this because hindi po dahil pulitika or ano ito, it is because people are suffering because of this, ma’am.

PCO USEC. CASTRO: Yes, tama naman po. Iyon din po ‘yung gusto ng Pangulo, dapat matupad kung ano ang dapat matupad; mapanagot ang dapat mapanagot at mahirap po talagang abusuhin iyong kasabihan – ang isang kaibigan, walang iwanan. Mahirap po iyon!

Okay, sa transportation naman. Sabi ng atin Pangulo: “Habang ginagawa ang ating mga tren tulad ng North-South Commuter Railway at ang ating subway, patuloy din ang pagpapaganda natin sa serbisyo ng MRT at saka LRT. Ang dating dalawampung porsiyentong diskuwento sa LRT at MRT para sa PWD, sa senior at sa estudyante ay itinaas na natin sa limampung porsiyento na diskuwento. Mayroon na po tayong 1+3 Pamilya Pass, ito ay tuwing Linggo, para naman may kaunti pang matitipid ang pamilya sa kanilang pamamasyal at sa kanilang pagsimba.”

Secretary Dizon, sunud-sunod ang magagandang balita dala ng DOTr. Pakilahad nga po ulit sa atin at ano pa ang mga maaasahan pa natin sa susunod na buwan? At anu-ano rin po ang mga narinig ninyong feedback sa mga commuters sa inyong pag-iikot.

DOTR SEC. DIZON: Maraming salamat, Usec. Claire. Alam ninyo po, unang-una ho ‘no, kabilin-bilinan ng Pangulo, kailangan habang hinihintay natin itong mga napakalalaking mga proyekto, iyong subway, iyong ating tren mula Calamba hanggang Clark, iyong BRT (Bus Rapid Transit) natin sa Cebu, iyong modern bus natin sa Davao at sa iba pang lugar ng bansa ay kailangan iyong pang-araw-araw na hirap na dinaranas ng mga kababayan natin ay kahit papaano naman ay matulungan natin sila at maibsan natin kahit papaano.

Iyon talaga … doon talaga nanggagaling ang ating Pangulo, nararamdaman niya iyong hirap ng mga kababayan natin. Hindi madaling mag-commute, Usec. Claire, araw-araw, alam natin lahat iyon! Sa mga estudyanteng nandito ngayon, sa mga iba sa inyo na nagko-commute, hindi madali – delikado, hindi safe, mahirap, kaya sabi ng Pangulo, tulungan natin iyong mga kababayan natin. Marami dito mga maliliit na bagay pero kung iisipin natin, malaking bagay na iyon para sa ating mga kababayan na ito ang dinadaanan araw-araw.

Kaya para gawin iyon, nag-focus ang DOTr hindi lamang para pabilisin iyong mga malalaking mga proyekto at paspasan para matapos nang mas mabilis at mas maaga eh iyong maliliit na bagay na iyon, iyong pila sa MRT, sa LRT, talagang nag-focus tayo diyan at napaigsi natin iyan, pero tuluy-tuloy pa rin ang ating mga improvements. At napakaganda po ng mga direktiba ng Pangulo na iyong mga diskuwento natin, lalo na sa mga estudyante nandito ngayon ‘no, dati 20% lang; ngayon, 50% na, kalahati na lang ang babayaran ng ating mga estudyante, ng ating mga seniors at ng ating mga PWD.

Pero ang sabi ng Pangulo, hindi pa rin tayo dapat huminto, hindi tayo dapat makuntento diyan lang; kailangan dagdagan pa natin ang serbisyo. Kaya nga ang pinaka-excited kami ngayon sa DOTr ay iyong re-launching natin ng Love Bus. Napaka-exciting niyan para sa ating lahat. Marami dito lalo na iyong mga bata, hindi na nila maaalala iyon. Pero tingin ko, kapag nakita nila iyong mga bus na magsisimula nang bumiyahe sa mga kalye natin hindi lang sa Metro Manila—dati kasi Metro Manila lang iyong Love Bus eh, in fact, ilang ruta lang iyon sa Metro Manila. Ang gusto ng Pangulo, buong bansa na ‘no, sa mga major cities natin sa Luzon, Visayas at Mindanao.

So, sisimulan nation iyan sa Cebu at sa Davao ‘no, maglo-launch na tayo in the next few weeks … makikita ninyo na iyong mga iconic na Love Bus ‘no. Nakakatuwa ‘no, iyong blue and white na buses natin na iikot. So, ang sabi ng Pangulo, tulong natin iyan. Kaya namang pondohan ng gobyerno iyan, magiging direct subsidy iyan sa mga bus companies para mag-o-offer na sila ng libreng sakay with the Love Bus.

So, iyon, iyon ang mga—tuluy-tuloy lang tayo, Usec. Claire, at hindi tayo hihinto. Pero at the same time, iyong mga project na talagang magbabago ng commuting experience ng ating mga kababayan, kailangan paspasan natin. Kaninang umaga lang, nasa Ortigas ako, kasama ko si Mayor Vico Sotto. Iyong natitirang mga problema ng right of way sa subway natin doon sa Ortigas ay pinipilit na nating solusyunan sa tulong ng LGU, sa tulong ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ‘no. So, hopefully, in the next few weeks or mga isang buwan, maso-solve na natin iyon at tuluy-tuloy na iyong subway natin.

PCO USEC. CASTRO: Ayan, gandang balita. At sa mga estudyante ng San Juan City Academic Senior High School, nakarating sila dito dahil sa tulong ng DOTr.

DOTR SEC. DIZON: Libreng sakay.

PCO USEC. CASTRO: Libreng sakay.

DOTR SEC. DIZON: Sabi ni Pangulo, libreng sakay.

PCO USEC. CASTRO: Ayan, salamat po.

DOTR SEC. DIZON: Thank you po.

PCO USEC. CASTRO: Okay. Pag-usapan naman natin ang tungkol sa mga tren na nabili noon. Nabanggit ng Pangulo sa kaniyang pahayag, “Ang tinatawag na Dalian ng mga tren na binili noon pang 2014 at hindi pa nagamit ay sinimulan na nating mapaganda at mapatakbo sa MRT.”

Sec. Vince, ano po ba ang naging problema ng mga tren na ito? Puwede ninyo na bang palawakin pa ang aming kaalaman tungkol sa sinasabing ito ng Pangulo? At ano ang dapat gawin para hindi na maulit ang mga ganitong klaseng procurement?

DOTR SEC. DIZON: Alam mo, Usec. Claire, salamat sa tanong. Alam mo itong mga Dalian train na ito, sampung taon mahigit na ‘no since ito’y mga nabili. Sabi nga ng Pangulo natin, sayang! Sayang eh, ano yan, 48 trains iyan, apatnapu’t walong tren iyan na nandoon lang, nandoon lang sa depot natin, sa ilalim ng Trinoma.

PCO USEC. CASTRO: Inaalikabukan?

DOTR SEC. DIZON: Inaalikabok, kinakalawang. So, ang sabi ng Pangulo, hindi na puwede iyan, masyado nang matagal iyong sampung taon. Binayaran iyan partially ng gobyerno, dapat iyan ang pangako niyan ay magamit para lalong bumilis ang pagbiyahe sa MRT para hindi na masyadong naghihintay nang matagal iyong ating mga kababayan, hindi na masyadong mahaba ang pila. So, kailangan ayusin na natin.

So, naging challenge po sa amin iyan, sa DOTr, pagpasok namin, at talagang nakipagtulungan tayo sa ating mga partners, lalung-lalo na iyong Sumitomo of Japan. Iyong Sumitomo kasi ang nagpapatakbo at nagmi-maintain ng ating mga tren sa MRT 3. At pinag-usap natin ang Japan at iyong Chinese na supplier, so ano na iyan, talagang para tayong nag-United Nations kasi mayroon ding German na involved na nag-aral kung magagamit ba talaga iyong mga Dalian train na iyan. At napag-usap-usap natin sila at finally, pagkatapos ng ilang mga buwan na pagtsi-check ng unang tatlo, napagana na natin three weeks ago at ngayon umaandar na iyong tren na iyon.

Nakakatuwa nga, Usec. Claire, kasi madalas kong nakikita sa social media iyong mga madalas na sumasakay ng MRT, kapag nakikita nila iyong Dalian, talagang pinipiktyuran nila at bini-video nila kasi nakakatuwa kasi bago siya, iba ang kulay, matingkad iyong kulay. Kaya ang utos ng ating Pangulo ay dapat magamit na natin lahat iyan once and for all. So, ang commitment natin ngayong taong ito, madadagdagan pa natin ng anim pa, kasi iyon ang kasalukuyang inaayos at tini-test. Pero pipilitin natin next year, iyong matitirang tatlumpu’t siyam, iyong 39 na matitirang tren ay lahat magagamit na natin next year.

PCO USEC. CASTRO: So, puwede ba nating sabihin, Sec. Vince, Dalian, dalian na?

DOTR SEC. DIZON: Dalian na, oo, iyon ang utos ng Pangulo. Dalian na natin iyong Dalian.

PCO USEC. CASTRO: Dalian, dalian na. Thank you po, Sec. Vince.

DOTR SEC. DIZON: Thank you po.

PCO USEC. CASTRO: Ang susunod naman na pag-uusapan natin ay may kinalaman sa digital connectivity—uy, mga estudyante, gusto ito. Ang pahayag ng Pangulo, “Ngayong taon din nagsimula na tayong mamigay ng mahigit isang milyon na SIM card na may libreng data para sa ating mga eskuwelahan lalo na sa mga nasa liblib na pook. At dahil pinaganda at pinabilis natin, dadami pa ang mga bagong tore at cell sites sa mga GIDAs.” Sec. Henry, maaari po ba ninyong ibigay sa amin ang detalye tungkol sa impormasyon na ito medyo techy kasi?

DICT SEC. AGUDA: Thank you, Usec. Claire ‘no. Magandang hapon sa lahat. Iyong tinatawag naming programa na Bayanihan SIM, nagsimula po iyan sa pag-uusap ng Presidente at ng private sector. Sabi ng Presidente, bakit ba kulang ang cell site dito sa Pilipinas eh dapat paramihin. So, in that consultation, lumabas po itong proyekto na ito.

Ano itong project na ito? Doon sa mga lugar na wala pang cell site lalo na iyong sa GIDA na tinatawag natin, doon sa mga malalayong lugar na liblib, uunahin natin ang mga public schools. Maglalagay po tayo diyan ng cell site, at the same time, magsa-subsidize tayo ng mga SIM card ba. Iyong cell site, ang magtatayo po niyan ay mga telco; hindi po gagastos ang gobyerno diyan. Tayo naman, magbibigay tayo ng SIM card doon sa mga beneficiaries ng DepEd. Sinimulan muna natin sa mga public school kasi nga gusto ng Presidente ang unahin namin is iyong online learning ba at saka iyong mga eskuwelahan na wala pang connectivity, mabigyan na ng connectivity.

So, hind matatapos ang taon, makakapag-distribute na kami ng almost one million SIM card. Pero ang kagandahan niyan, Usec. Claire, hindi lang iyong estudyante o guro na may SIM card ang makikinabang. Puwede nilang dalhin sa bahay nila ito. At ang average na four to five family members sa isang pamilya, siguro mga limang milyon ang makikinabang diyan sa paggamit ng SIM card na iyan.

So, iyan po iyong ano, iyong tinatawag natin na Bayanihan SIM. Nagsimula po iyan last month and tuluy-tuloy na po iyan.

PCO USEC. CASTRO: Good news iyan. At ibinida rin ang eGov app po, ang eGovPH app ng Pangulo sa kaniyang SONA, sabi nga niya po, “Mula nang inilunsad ito noong 2023 ang eGov app ay nagana, nagagamit at napapakinabangan ng ating taumbayan. Patuloy pang dumarami ang serbisyong tiyak na praktikal sa bawat Pilipino. Ngayon, mahigit apatnapung serbisyo ng pamahalaan, kasama na ang mga LGUs ang nasa eGov app.” Sec. Henry, sa building din na ito nakabahay ang kauna-unahang eGov Serbisyo Hub. How important is digitalization sa vision ng ating Pangulo at paki-describe nga po sa ating mga estudyante kung gaano na rin kadali makakuha ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno gamit ang app?

DICT SEC. AGUDA: Thank you, Usec. Claire. So, tamang-tama nandito tayo nag-uusap kasi dito nai-launch ng Presidente iyong eGov Serbisyo Hub at saka iyong eGov na mga functions. Isa dito iyong ginawa nga namin ni Sec. Vince, eh imbes na pumila ka pa sa LTO, ngayon puwede ka na mag-renew ng license mo online – laking bagay po iyong lalo na sa mga panahon na bumabagyo ‘di ba, makikita ninyo iyong convenience na puwede ka bang mag-transact sa gobyerno nang hindi ka na lumalabas ng bahay at hindi ka na nata-traffic.

Ito naman, iyong Serbisyo Hub na mayroon tayo dito makikita ninyo po sa second floor nandiyan ang serbisyo ng PhilHealth, nandiyan ang PAGCOR, PCSO, lahat po ng mga ahensiya na kakailanganin ninyo sa pang-araw-araw na buhay – sample lang ito, magkakaroon din tayo ng Serbisyo Hub sa buong Pilipinas.

So, kung pumunta po kayo sa counters ng mga ahensiya dapat one-stop shop na. So, kung mayroon kang physical store na ganoon, mayroon ka rin dapat sa app – iyon bang pupunta kayo sa ibang bansa, magbabayad kayo ng TIEZA (Travel Infrastructure and Environmental Zone Authority), hindi na kayo pipila doon o kaya iyong diploma ninyo nandoon na rin. Iyan ang kakaiba sa eGov app natin ngayon dahil hindi lang po isang award iyan, ang dami pong international award na iyan.

Darating ang panahon sasabihin nila “Only in the Philippines” mayroon ka ngayong app na lahat ng serbisyo mapalokal na gobyerno o mapanasyonal na gobyerno nagagamit na po, nakukuha ninyo doon.

PCO USEC. CASTRO: Kaya maraming-maraming salamat kay Pangulong Marcos Jr., sa DICT of course, Secretary Henry and of course din kay, Usec. Dave Almirol. Thank you po for this eGovPH app.

At sa puntong ito ay bibigyan natin ng pagkakataon na sagutin ng ating mga panauhin ang mga tanong mula sa mga kaibigan natin sa media. Okay, medyo mainit po ito akala ko nga po iyong flood control lang ang mainit, mas mainit itong usapin pero parang nasagot na po ni Admin Almeda pero dagdagan po natin:

Is the DOE and NEA considering sanctions or penalties against SIPCOR if found negligent? Could this include revoking the power supply agreement or recommending a refund to consumers? And idagdag ko na po, sabi ninyo po din a gumastos na rin ang gobyerno dahil sa medyo hindi sapat na suplay ng kuryente, pati po ba iyong nagastos ng gobyerno ay dapat din po ba nilang mabayaran?

NEA ADMIN. ALMEDA: Usec., I don’t want to preempt because saklaw po ng ERC iyan eh iyong regarding penalties and refund if ever. I would maybe limit myself into the obligation of the GenCo and the state to give continuous and affordable power supply. Kung mapapatunayan po namin na hindi na kakayanin ng SIPCOR, then by all means I would strongly suggest and I’m sure my Secretary will agree with me, we should exercise the power of the state of police power to take over the operations, wala na ho tayong magagawa doon.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Sharon?

DOE SEC. GARIN: Yes, ma’am. Actually, na-submit na namin sa ERC iyang findings namin kasi pinuntahan na iyon dati pa na-submit na, pinatawag na sila ng ERC—ERC kasi iyong disciplinarian sa energy industry – sila iyong mag-i-impose ng penalties or cancellation of any contract. So, nandoon na po sa ERC, it’s undergoing the process pero sinubmit (submit) na rin namin sa DOJ kung mayroong mga violations other than power obligations kasi may mg violations din sa contract at iyong responsibility mo sa community. So, nandiyan po iyan kung ang sinasabi ninyo po penalties up to refund kung dapat lang ay gagawin po iyon ng ERC.

So, ngayon po ongoing po iyon. We’re giving due process naman, hindi naman kaagad lang na may balita lang so kailangan patawag at we hear the reason also po.

PCO USEC. CASTRO: Iyong kanina pala na tanong ay galing sa GMA Online. Salamat sa mga tugon po ninyo.

Dumako naman po tayo kay Sec. Henry. Sec. Henry, usung-uso ang fake news, ano na po ang ginagawa ng DICT para po malabanan ang fake news?

DICT SEC. AGUDA: Thank you. So, iyong fake news nakapag-cooperate po kami sa civil society at saka mga private sector, mayroon kami iyong mga news verifier na nandiyan. Pero sa totoo lang hindi natin masusugpo iyong fake news kung hindi natin kakausapin iyong mga platform providers po.

So, nakipag-ugnayan na kami, ako personal, doon sa mga platform providers. Ang isa po sa pinakamalaki talaga is Facebook kasi lahat po tayo friends diyan ‘di ba. So, sumulat na po kami two weeks ago pa kay Mr. Mark Zuckerberg and na-acknowledge naman po iyong sulat natin and ang request po natin sa kaniya is bumalik ang Facebook doon sa original adhikain niya to connect people and bring people together – eh kasi po ngayon sa totoo lang dahil sa fake news nagkakawatak-watak tayo eh. Kaya iyon po iyong hiningi natin kay Mr. Mark Zuckerberg, and nakita po namin recently iyong action po ng Facebook tulad na lang po sa illegal online gambling, ang bilis nilang kinausap iyong mga influencer nila na, “Kayo kapag nag-endorso kayo ng iligal ay baka matanggal kayo.” So, nakikinig naman and umaasa po kami na eventually masusugpo natin iyong fake news, sisimulan na po natin doon sa mga malalaking social media platforms.

PCO USEC. CASTRO: Thank you for that at huwag ninyo na pong bitawan ang mic ito pa po ang tanong, Sec. Henry: What is the status of the Free Wi-Fi for All Program and how many more areas will be covered in 2026?

DICT SEC. AGUDA: Okay. So, iyong Free Wi-Fi po nasa batas po iyan kaya sabi ko doon sa DICT sundan natin ang batas, iyan iyong Free Internet Access in Public Places. Linawin ko lang po ‘no, kapag nagpunta kayo ng mall iyong free Wi-Fi doon sa kanila iyon, hindi sa atin pero kapag pumunta po kayo sa mga public places tulad ng barangay hall, education tulad ng DepEd o kaya sa mga health center ganiyan, malapit na po naming lagyan iyan siguro hintayin ninyo hanggang end of 2026 kasi ang priority po namin ngayon is lahat ng eskuwelahan ng DepEd – so, iyan tatapusin po natin iyan; tapos next year aarangkada tayo sa mga health services at iyong mga barangay hall para kapag pumunta po kayo sa barangay hall ay nakakagamit po kayo ng hindi lang libre pero maayos na Wi-Fi.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Henry, kanina po nag-open ako ng Wi-Fi dito sa San Juan, dito mismo sa building na ito, may nasagap ako eh – ang pangalan ba niya is DICT Free Wi-Fi?

DICT SEC. AGUDA: Oo, tama naman. Wi-Fi for All, oo. Pero, Usec. Claire, ito rin marami kasi ring mga establishment na nagbibigay pa rin ng free Wi-Fi rin – so, iyong LGU puwedeng magbigay ng sarili nilang free Wi-Fi.

Ang ginagawa namin ngayon nag-uusap kami ng NTC para hindi magkaroon ng lituhan, ii-standardize po natin kung ano iyong pangalan, iyong tinatawag natin na SSID – kung ano iyong SSID na mandato ng gobyerno, kasi iyon isi-secure natin. Tapos iyong susunod na evolution para talagang secure siya dapat gamitin mo iyong National ID mo para makagamit ka, para ma-track namin kung sino iyong mga gumagamit – ngayon kasi nagkakalituhan eh kapag pumasok po kayo dito puwedeng DICT Free Wi-Fi, Free Wi-Fi for All and iyon nga may iba nagpapanggap na Free Wi-Fi pero kinukuha iyong data ninyo. So, ii-standardize po natin iyan in the coming weeks.

PCO USEC. CASTRO: Good news po iyan. So, ingat din po pala tayo ‘no sa paggamit.

Ngayon naman po bibigyan natin ng pagkakataon—kanina po pala ang nagtanong ay mula sa BusinessWorld, okay. Bibigyan din natin ng pagkakataon ang mga mag-aaral na nandito para sa kanilang mga katanungan. Unahin po natin mula of course sa San Juan City Academic Senior High School si Alina Grefaldeo, nasaan si Alina? Okay, ito po ang tanong niya—Kay Sec. Manny pala: Sa pagsusumite ng listahan ng flood control projects sa iba’t bang rehiyon mapapanagutan ba nila na maisaayos ang pag-function nito dahil hindi na ho nakitang gumana—iyong mga hindi nakitang gumana nitong nakaraang mga bagyong dumating?

DPWH SEC. BONOAN: Tama po. Maraming salamat din po sa tanong. As the President has directed us, na ibibigay po namin iyong listahan sa kaniya, at the same time, gumawa na rin po kami ng audit team namin na papunta at tingnan po ang kasalukuyang estado ng ating mga flood control projects. Although, nakikita po namin doon sa app namin, iyong project monitoring program namin, nandudoon pa naman iyong mga flood control projects. But ganoon pa man, gusto lang naming matiyak na talagang nandudoon pa iyong mga flood control projects at kung mayroon man nasira dahil sa mga pagdating ng mga ibang bagyo noong nakaraang taon ay kailangan pong makumpuni, iyon po ang titingnan po namin kaagad.

Marami po ito, but I think, lahat po ng district offices namin ay inutusan ko para tingnan po lahat ng estado ng ating mga flood control projects all over the country.

PCO USEC. CASTRO: So, Sec. Manny, ibig sabihin lahat ng itsi-check po ninyo at i-inspect, hindi lang iyong tatlong taon na ginawa po sa ilalim po ni Pangulong Marcos Jr.?

DPWH SEC. BONOAN: Opo, kasi marami din po iyong mga flood control projects na ginawa ng previous administration, pero sa tingin ko po may mga luma na rin po dito at marami pong dinaanan na bagyo at mga flooding at tinitingnan po namin kung epektibo pa iyan o kaya kailangan po naming kukumpunihin para maging more effective ulit po ang mga projects na iyan.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sec. Manny.

Ito naman po ay mula kina Christine Rose Taupa, Arlene May Velarde and Nigel Juno Melanas—nasaan sila? Iyon nakatayo po sila. Ito po ang tanong para kay Sec. Vince: Roads and airports are being constructed to support business and tourism. But for the people living in the surrounding areas, what benefits will we receive?

DOTR SEC. DIZON: Salamat po sa tanong. Thank you so much guys. Unang-una, iyong infrastructure development na ginagawa nila Sec. Manny na mga kalye, mga tulay, iyong ginagawa ng mga DOTr na airports, ang laki ng tulong nito sa community kasi nabibigyan ng maraming opportunities ang mga tao doon sa community na iyon. So, kapag nagtayo ka ng kalye, nagtayo ka ng airport, nagtayo ka ng puerto, ang daming epekto noon, makapagnegosyo iyong mga kababayan natin doon sa area na iyon. At lalung-lalo na kapag ang isang area ay nabuksan natin as a tourist spot.

So, alam naman natin, sumisikat na ang bansa natin ngayon sa iba’t ibang bansa as a major tourist destination. Iyong Siargao, Boracay, Palawan at iba’t iba pang areas sa buong bansa. So, ang kailangan na lang talaga natin is pagandahin natin iyong infrastructure doon sa mga area na iyon.

Ngayon nga ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos is, iyong mga airports natin lalo na sa mga tourist areas ay talagang kailangan nating ayusin at pagandahin. Halimbawa iyong Siargao, ang dami-daming mga turistang napunta diyan, dahil doon iyong mga nakatira sa Siargao, ang laki ng kanilang mga nagiging benepisyo, maraming trabahong naki-create, maraming mga kabuhayan ang naki-create at bumubuti ang buhay ng mga kababayan natin doon pero kailangang pagandahin naman natin ang infrastructure.

Ang problema iyong airport sa Siargao, matagal na siyang napag-iwanan, napakaliit, siksikan ang mga kababayan natin doon. So sabi ng Pangulo eh, kailangan talagang ayusin natin at pagandahin natin kaya nga next week, sisimulan na natin iyong expansion ng Siargao Airport. Magsisimula na tayo and hopefully sa mga darating na taon, eh maayos na iyon at luluwag na at gaganda na ang Siargao Airport at iyon din ang gagawin natin sa iba’t iba pang mga airports at iba pang mga transportation facilities sa Luzon, Visayas at Mindanao lalo na iyong mga tourist areas.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Vince, mukhang nakalimutan mong banggitin iyong Caticlan.

DOTR SEC. DIZON: Isa pa iyon, oo nga pala, iyong Caticlan at nagpapasalamat tayo sa push ng ating Pangulo doon. Nagpapasalamat din tayo sa San Miguel Corporation, kay Mr. Ramon Ang, dahil sa tagal-tagal nang daming delay ng pagpapatayo ng bagong terminal building sa Caticlan, eh noong two or three weeks ang nakaraan, grinound break na ng Pangulo mismo at nangako ang san Miguel na within 24 months or maybe less ay mayroon na tayong bagong napakaganda at napakaluwag at napakamodernong airport sa Caticlan Airport.

PCO USEC. CASTRO: Mas lalong dadami ang turista sa Boracay. Parang kailangan ko na ring ihanda ang aking two-piece?

DOTR SEC. DIZON: Mukhang mai-excite ang mga nanunood sa iyo ngayon, Usec. Claire, at dadami lalo ang fans mo.

PCO USEC. CASTRO: Hindi ko lang alam kung saan ko ilalagay iyong two-piece, kung dito ba para mahiya. Well, anyway, isa na lang pong katanungan mula kay Chamille Manabat. Ito po kay Sec. Henry: Makakasiguro po ba or secured po ba kayo sa system ng digital portal ng lahat ng ahensiya o ang inilulunsad na eGov Super App?

DICT SEC. AGUDA: So, unahin natin, Usec. Clare, iyong eGov Super App. Alam po ninyo ngayong kami ay umaarangkada sa paglu-launch, kasi bago namin ni-launch iyan, pinag-aralan naming mabuti iyong security aspect niyan. Hindi lang iyong security, Usec. Claire. Ang sabi ng Presidente, alam mo, kapag lahat na ng mga serbisyo nandiyan na at 80 million Filipino ang gumagamit, hindi puwedeng mag-down iyan. Isipin mo na lang kapag isang segundo lang mag-down iyan, ang daming tatawag sa amin. So, sinigurado po natin iyan and tuluy-tuloy po iyong pagtatrabaho namin sa departamento para masigurado na stable and secure iyong eGov Super App.

Iyon naman pong ibang portal ng ibang government agencies, there are 1,300 national agencies and about 54,000 LGUs. So, naglalabas po kami ng security standards, ito po ay tinutulak na po natin and before the end of the 2026, isi-secure po natin lahat iyan. Hindi lang po dahil technology iyong ginagamit, kasama po sa batas iyan. May mga push sa Kongreso at sa Senado to increase the level of cybersecurity in the whole of government. So, isi-secure po natin iyan at tuluy-tuloy po nating gagawin iyan.

PCO USEC. CASTRO: Maraming-maraming salamat sa inyong lahat at sa ating panelist – Sec. Manny, Sec. Sharon, Sec. Vince, Sec Henry and Admin Almeda. Maraming salamat sa inyong pakikilahok.

Bilang pagtatapos sa session natin ngayon, nais kong tanungin, hindi pa po kayo ligtas nagpasalamat lang po ako. Ito po ang katanungan: Ano ang aasahan ng taumbayan sa administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr., upang mas mapaganda at mai-angat ang buhay ng mga Filipino sa ilalim ng Bagong Pilipinas. Very briefly po, complete the sentence. “Sa Bagong Pilipinas____.” Sec. Manny…

DPWH SEC. BONOAN: Ang Bagong Pilipinas po, ang Department of public Works and Highways, ipinapangako po namin na dapat nandidiyan po iyong infrastructure program ng ating Pangulo. Marami po ang mga flagship projects that we intend to implement actually during the term of the President. It will take me siguro mga dalawa o tatlong oras po na babaybayin ko lahat iyong flagship projects na ito. At tinitiyak po namin na isasagawa po namin ang mahusay at magandang imprastraktura sa Bagong Pilipinas po na programa ng ating Pangulo.

DPWH SEC. BONOAN: Salamat Sec. Manny. Sec. Sharon

DOE SEC. GARIN: Ang Bagong Pilipinas po, sa akin po is isang bansa na may mga Pilipinong may pagmamahal sa bayan at may disiplina para sa bayan hindi lang po para sa atin, kung hindi lalo na iyong ating mga generation company, transmission, saka electric coop. Kung lahat po ay may pagmamahal sa bayan, hindi po tayo magkaka-brownout siguro sa Siquijor.

DPWH SEC. BONOAN: Salamat, Sec. Sharon. Sec. Vince?

DOTR SEC. DIZON: Maraming salamat. Sa Bagong Pilipinas, giginhawa na ang pag-commute ng mga kababayan natin.

PCO USEC. CASTRO: Thank you diyan. Sec. Henry.

DICT SEC. AGUDA: Ang utos po ng Presidente sa Bagong Pilipinas, lahat konektado at kung hindi man libre abot-kaya. Ang sabi nga ng Presidente, lahat dapat konektado.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po, Sec. Henry. And, Admin Almeda…

NEA ADMINISTRATOR ALMEDA: During the SONA of the President, I was struck by his words when he said “numbers are nothing if it will not give positive impact to the lives of the Filipino people.” In the few times na nakasama ko siya sa ground para solve-in ang problema ng Siquijor at Marawi, ang parati niyang sinasabi sa akin, humanap ka ng permanenteng solusyon. Kaya’t kami po sa NEA kasama po ang DOE ay sisiguruhin namin na ang problema ng kuryente, hindi lamang po mapapakinabangan at magbibigay-ginhawa sa mga Filipino sa termino ni Presidente Bongbong Marcos, ito po ay hanggang sa mga darating na henerasyon. Iyon po ang aasahan ng taumbayan sa Bagong Pilipinas.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, maganda.

At maraming salamat po sa ating mga panelist ng Infrastructure Development and Energy Security Cluster. Mabilis na paraan ng transportasyon, matitibay na daanan at mas maaasahang kuryente, iyan po ang Bagong Pilipinas.

Maraming salamat po at magbabalik po kaming mamayang alas-tres ng hapon para sa Good Governance, Peace and Order and Security. Ako po si Undersecretary Claire Castro at ito ang 2025 Post-SONA Discussions. Maraming salamat muli.

##