Press Briefing

2025 Post-SONA Discussions on Food Security and Economic Development Cluster Hosted by Palace Press Officer and PCO Undersecretary Claire Castro


Event 2025 Post-SONA Discussions Session 1: Food Security and Economic Development
Location Makabagong San Juan National Government Center, San Juan City

PCO USEC. CASTRO: Magandang araw sa ating lahat.

Ako po si Undersecretary Claire Castro at welcome po sa ating 2025 Post-SONA Discussions. Live po tayo ngayon sa Facebook at YouTube ng Radio Television Malacañang, Presidential Communications Office at ibang mga ahensiya ng pamahalaan. Sana rin ay nasa maayos na kalagayan tayong lahat matapos ang sunud-sunod na bagyo at pag-ulan.

Matapos ang matagumpay na State of the Nation Address ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mahalagang magkasama-sama tayo ngayon upang talakayin pa at maunawaan nang mas detalyado ang mga nilalaman ng talumpati ng ating Pangulo.

Mula sa mga paksa ng seguridad sa pagkain, pagpapaunlad ng ekonomiya, pagprotekta sa kapakanan ng mga manggagawa, pagbuti ng serbisyong medikal sa bansa at marami pang – lahat ng ito ay tatalakayin natin sa susunod na dalawang araw.

Pero ngayong umaga, pag-uusapan natin ang paksang malapit sa ating sikmura – ang food security at economic development. Upang samahan tayo ngayong umaga, isang masigabong palakpakan para sa ating mga panauhin: Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick D. Go; Department of Finance Secretary Ralph Recto; Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque; Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman; Department of Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco; Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr.; Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III; Department of Economy, Planning and Development Authority Undersecretary Rosemarie Edillon; at National Irrigation Administration Administrator Eduardo Guillen.

Ang unang katanungan po ay para kay Secretary Recto ng Department of Finance: Binanggit ng Pangulo sa kaniyang talumpati kahapon, “Maganda ang ating ekonomiya, tumaas ang kumpiyansa ng mga negosyante, bumaba ang inflation.” Bagama’t sinabi rin niya na ito ay mga palamuti lamang hangga’t hindi nararamdaman ng taumbayan. Gaano nga ba ito katotoo dahil kahit bumababa nga daw ang inflation rate ay parang hindi nararamdaman ng taumbayan. Maaari ninyo po ba itong maipaliwanag, Secretary Ralph?

DOF SEC. RECTO: Yes, Usec. Claire, at totoo naman iyan. Totoo na gumaganda ang takbo ng ating ekonomiya, ang ating growth rate on the last three years is roughly 6% of the average, mga 5.9% – doble ito ng growth ng buong mundo at tayo ang isa sa pinakamataas sa buong Asia.

Pangalawa, ang ating inflation rate sa ngayon ay bumaba na, totoo, dahil tumaas iyan noong 2022/2023 gawa noong giyera sa Russia-Ukraine dahil tumaas ang presyo ng fertilizer dahil sa giyera at tumaas ang presyo ng bigas sa buong mundo ano po. Pero ngayon nakontrol na natin ang inflation eh, ang inflation ngayon ay roughly about 1.4%. So fair assessment iyong binanggit ng Pangulo at siya nama’y nagbigay ng marching orders sa darating na 1,000 days na handa naman ang Department of Finance na pondohan po at babantayan natin iyong inflation.

Alam po ninyo noong nakaraan, natural sa tao na kahit na bumaba ang inflation rate, ibig sabihin tumataas pa rin ng 1.4% this year. Pero kung tumaas iyan ng halimbawa 6% last year or halimbawa 5% in 2022, natural na kung titingnan mo in the three-year perspective, talagang tumaas pa rin ang presyo ng bilihin. Pero ang mahalaga ngayon kontrolado na ang inflation.

PCO USEC. CASTRO: Katulad nga po ng sinabi kahapon ng Pangulo, ang dami po talaga niyang proyekto para sa mga teachers, para sa health concerns. Sabi ninyo nga po ay may pondo. Papaano po ba natin masasabi sa mga kababayan natin na huwag silang mag-alala dahil kakayanin ito ng administrasyon?

DOF SEC. RECTO: Tama po iyan. Ang gastos ng ating pamahalaan sa isang araw, itong 2025 ay roughly 17 billion a day – na iyan ang trabaho ng Department of Finance na siguraduhing may pondo para maipatupad natin iyong budget. Ang pinakamahalaga diyan, dapat iyong, mga proyekto natin sa budget ay tama iyong pagpili. Kaya mahalaga diyan iyong whole-of-government approach, nandito tayo sa Executive; ganoon din ang Kongreso, siyempre kinukuha rin ang input ng Kongreso diyan at mahalaga na piliin natin iyong mga proyekto nang tama para nang sa ganoon mas maraming trabahong maibigay sa ating mga kababayan – at kung maganda ang spending natin, dekalidad iyong trabahong maibibigay natin.

Sa ngayon, mahigit 50 million ang taong nagtatrabaho sa Pilipinas. Noong si Pangulong BBM ay naging pangulo noong 2022, ang nagtatrabaho lang roughly about 45 million, at sa ngayon ay mahigit 30 to 32 million ang nagtatrabaho na salary and wages. Ibig sabihin, mas dekalidad na iyong trabaho dito ngayon sa Pilipinas kumpara sa nakaraang administrasyon.

PCO USEC. CASTRO: Maiba lang ako nang kaunti, Sec. Ralph. Puwede po bang bigyan ninyo kami ng hindi dapat mangamba dahil ‘di ba may kumalat, viral ito, iyong tungkol sa pag-tax ‘no dito sa savings? Para na rin sa lahat ng mga estudyante, baka iyong mga nanay nila may mga kaunting naipon, para naman maipaliwanag natin at hindi sila mangamba.

DOF SEC. RECTO: Yes. Sa katunayan, alam po ninyo very divisive minsan at maraming fake news sa social media at noong nakaraang linggo na may lumabas na meme na ang gobyerno daw pinaplano i-tax ang savings ng mamamayan ng bente porsiyento – ibig sabihin, according to that meme, kapag ikaw ay naglagay ng pera sa bangko, 20% kukunin ng gobyerno. Wala pong katotohanan iyon, fake news iyan!

Ang katunayan, may mga batas na pinasa ang Kongreso, pinag-usapan nang mahigit isang taon/dalawang taon, pinagkasunduan ng House of Representatives at ng Senado – unanimous ang boto, ito iyong Capital Market Efficiency Promotion Act na kung saan ginawang pantay-pantay lang iyong rate sa passive income on your interest income sa bangko, mayroong buwis iyan. Iyan ay noong araw pa, 1998 mayroon na – ang ginawa lang ng batas na ito ay ginawang one rate. Bakit one rate? Para easy to administer. At sino ang tatamaan diyan? .4% ng may savings na long-term sa bangko na kung saan iyong .4% na iyan ang pinakamayaman sa ating bansa.

So, mas makatarungan ngayon iyon pagbubuwis na iyan at sabi ko nga lahat bumoto diyan sa House of Representative at sa Senado. Pero may binawasan ding buwis diyan para nang sa ganoon ma-driven natin, maging mas maganda iyong capital market dahil dito sa Pilipinas, nahuhuli na tayo sa Southeast Asia. Dapat maturuan din natin iyong mga kababayan natin nang tamang pag-invest. Halimbawa—gagamitin ko na ang pagkakataong ito, Usec. Claire.

Halimbawa, kanina papunta ako dito nabasa ko sa pahayagan, ang Meralco kumita ng mahigit 25 billion sa first half of this year; ang BDO (Banco De Oro) kumita ng mahigit 50 billion first half of the year. So, anong ibig sabihin niyan? Karamihan tayo dine nasa Metro Manila, palagay ko ang kuryente ninyong lahat dito ay Meralco. My advice: Malaki ang binabayad na dibidendo ng Meralco; ang SSS, ang GSIS bumibili ng shares of stocks sa Meralco, nagbibigay ng dibidendo iyan; iyong puhunan mo lumalaki pa.

Kapag ikaw nag-impok ng time deposit sa bangko lang eh baka mas mababa pa iyong interes mo kaysa sa inflation rate. Kaya maganda, matuto tayong mga Pilipino mag-invest halimbawa sa mga dambuhalang kumpanya katulad ng Meralco.

Kung ikaw naman ay nagbabangko sa BDO, bakit hindi ka mag-invest din sa stocks ng BDO? Puwede kang bumili ng stock ng limanlibong piso halimbawa na kung saan nagbabayad ng dibidendo ang BDO – ang puhunan mo lumalaki din kapag ikaw ay nag-invest.

At kung hindi ka naman interesado masyado sa pag-i-invest nang diretso sa stock market, puwede kang pumunta sa SSS, puwede kang pumunta sa Pag-IBIG o kung hindi sa bank manager mo. Sa SSS at Pag-IBIG tax free iyan, puwede kang pumunta sa bank manager mo, magtanong ka kung mayroon kang bank manager para magbigay sa iyo ng mga suggestion kung saan ka puwedeng mag-invest katulad ng mga mutual fund o UITF (Unit Investment Trust Fund).

PCO USEC. CASTRO: ‘Ayan. Naku maraming, maraming salamat kaya huwag po kayong masyadong maniwala sa fake news. Punta na kayo sa SSS, sa mga bangko para matuto kayong mag-invest. Thank you po.

DOF SEC. RECTO: Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Secretary Recto.

Isa rin sa mga binigyang-diin sa SONA ng Pangulo kahapon ang sektor ng agrikultura. Ito ang kaniyang sinabi: “Napatunayan na natin na kaya natin ang bente pesos sa bawat kilo ng bigas nang hindi malulugi ang ating magsasaka.” Para sa inyo po, Secretary Laurel, gaano nga ba kahalaga ang murang bigas sa hapag-kainan ng bawat Pilipino?

DA SEC. TIU-LAUREL JR.: Ah, well good morning, Claire ‘no, lalo na sa mga kabataan na nandito.

Well, napakaimportante na may benteng bigas or murang bigas sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino lalo na doon sa mga below middle class dahil mataas nga ang standard of living ngayon at mataas ang bilihin ay kailangan naman na tumulong ang gobyerno para mapadali ang … mapagaan ang buhay kahit kaunti ‘no, at isang pamaraan diyan ay through the sikmura at para ‘di ba, kapag may murang bigas ka, mayroon pang enough money to buy additional milk, gatas pambata o kaya ulam para mas maganda iyong salo-salo sa bawat pang-araw-araw.

PCO USEC. CASTRO: Okay. Ang tanong naman natin ngayon—ayan, ayan pa po. Magandang balita naman din iyong ulat ng Pangulo sa industriya ng pagniniyog. At upang lubos na pasiglahin ang industriya ng niyog, hihilingin natin sa Kongreso – ayon po sa Pangulo – na amyendahan ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act para naman mas maging angkop sa mga pangangailangan ng ating mga magsasaka. Again, Secretary Laurel, marami ang hindi pamilyar sa industriyang ito, gaano kahalaga itong trust fund act na ito? At paano ito makakatulong sa ating mga kababayang magniniyog?

DA SEC. LAUREL: Itong trust fund na ito, ito iyong coco levy funds na sa ngayon is almost … mahigit 80 billion pesos na ito na hindi magamit nang mabuti dahil doon sa Coconut Industry Trust Fund Act na ginawa ng isang mambabatas natin. Ang ginawa ng batas na iyon ay imbes na ang dapat ay i-focus iyong 80 billion na iyon sa re-planting at tuluy-tuloy na pagtanim ng coconut natin every year for the rest of … hangga’t may Pilipinas, dapat taun-taon nagtatanim tayo. Ang nangyari sa atin, dahil nga hindi nagamit ito dahil sa mga dating issues dito ay lahat ng coconut trees natin dito ay naging senile na o matanda na, at ang kaya niyang ibunga sa bawat taon ay 40 nuts, kwarentang nuts na lang, 40 nuts. Pero kung bata ito at young, hindi senile na mga trees, it can bear 80 to 100 nuts per year.

At itong coco levy fund na ito, ang unang intensiyon, noong nag-research ako, talagang dapat ito ay sa perpetual re-planting nut nito. You know, we are one of the leading, either number one or number two tayo sa coconut industry, kapag hindi natin ma-unlock itong fund na ito para magamit ang majority nito sa re-planting purposes para umusad pa at maging number one ulit tayo sa mundo ay walang mangyayari sa atin. Kaya napakaimportanteng maamyendahan itong batas na ito para magamit itong pondo sa tamang paggagamitan.

PCO USEC. CASTRO: Ayan, talking about funds, sir, papaano po ba natin—balik tayo doon sa bente pesos na bigas kasi ito iyong mga gusto ng mamamayan natin.—paano natin masu-sustain iyong bente pesos na bigas next year, ano ang aasahan natin?

DA SEC. LAUREL: Well, ang plano natin is we will deploy or we will sell 20-peso rice to 15 million households. Ang isang household po is about 4.2 people ‘no per household, so about 60 million Filipinos ang tatargetin natin and this is middle-income families, below. So, halos kalahati po ng ating populasyon ang ating mabibigyan ng bente peso rice. Pero, of course, may hard limit ito sa initial start ‘no at 10 kilos per month, at puwede pong dumami ito as we go along kasi nga may mga logistical problems tayo.

Sustainable ito, of course, this is first—initially this will be a subsidy ‘no. Ang subsidy na nilaan ng gobyerno rito is 18 billion pesos for next year ‘no. But, of course, ang gagamitin lang ng gobyerno for next year is … cash in na ilalagay is 10 billion. Iyong eight billion kasi mayroon na tayong, as of the moment ‘no, nandiyan na at palay na iyan at bigas.

But in the future, the way to make it sustainable is we plan to buy rice from the farmers with the additional funds at ibibenta namin iyong bente porsiyento nito sa bente pesos, iyon ang mabibili sa mga farmers. Iyong 80% ng aming bibilhin na palay sa mga farmers, ibibenta ito sa retail at anywhere between 38 to 42 pesos na may kita para ma-subsidize iyong murang bente pesos. But para magawa natin iyan, kailangan din nating amyendahan ang batas ng RTL at mabalik ang powers or functions ng NFA to be able to distribute rice so we can buy rice as we sell rice, hindi katulad ngayon na naka-buffer stocking lang tayo kaya’t hindi kami makagalaw.

Kaya nagpapasalamat ako kay Speaker Martin Romualdez dahil nag-file siya ng House Bill # 1 dito sa 20th Congress para maamyendahan itong RTL para maayos natin ang mga problema natin. Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Ayan, maraming salamat, Sec. Kiko.

Dumako naman tayo sa pagninegosyo. Ang sabi ng Pangulo sa kaniyang SONA kahapon, ipagpapatuloy natin ang pagbibigay ng puhunan sa mas marami pang negosyante para makapagsimula ng maliit na negosyo o micro enterprise sa mababang interes at walang collateral, pati na rin ang kapital at proteksiyon para sa mga yamang-isip.

Gaano po kahalaga sa inyong ahensiya at siyempre sa ating mga kababayan ang pahayag na ito mula sa Pangulo, Secretary Cristina?

DTI SEC. ROQUE: Actually, napakaimportante po ang puhunan sa isang MSME or isang micro enterprises kasi iyon ang pinakaimportante na kailangan nila. Most of them, mayroon na po silang mga produkto pero hindi nila maisulong ito dahil kulang po sila ng puhunan.

So, under the DTI, mayroon kaming attached agency which is called the SB Corporation – bangko po ito. So, we have totally changed the “patakaran” or we have totally changed the process of acquiring loans dito. So, ang loans po niya, one year po wala nang bayad ng interest and principal payment so we give the businesses at least isang taon para makaumpisa at saka para maka-recover. Tapos ang interest rate nito ay napakababa, in fact in the start, kung hindi pa kayang magbayad ng interest, it’s okay. So, magbayad lang ng principal. So, we have actually one year for them to get started; tapos wala po itong collateral especially for amount from 10,000 hanggang 10 million, wala po itong collateral.

So, this is given to all MSMEs, mag-register lang po sila. There’s no … not too much requirements anymore. Ang kailangan ilang po nila is government ID; they need to be registered and compliant lang po, then the processing time is one week to 10 days and they can get a loan already.

And then, aside from this, we just launched also the Women Enterprise Fund which was two weeks ago. Napakaimportante rin ito because we need to push the women-led and women-owned businesses kasi gusto ng ating Pangulo na magka-double income iyong isang pamilya. Kasi actually, the normal family is the father is the one who earns the money and the mother stays at home. Pero ngayon, gusto na natin magka-double income kasi kapag double income ang pamilya, then they can get better education; they can really uplift their lives; they can now go on family vacation; they can spend more time together. So, iyon ang napakaimportante sa ating Pangulo, and puhunan po ang talagang kailangan.

And before, ang naa-out lang ho na … is two billion. Pero last year ho, we were able to loan out ten billion. And if there’s needed money, then we can request sa DBM for additional funding to at least grow the MSMEs kasi 99.5% po ng business establishments are MSMEs and 62% of the labor force is also MSMEs.

PCO USEC. CASTRO: Yes, maganda po iyan kasi mukha talagang tututukan ng Pangulo itong gustong pagninegosyo ng mga kababayan natin, sana nga po ay magtuluy-tuloy ito. Well, anyway, mayroon pa po dito, hinayag din po ng Pangulo, “Palalaguin natin ang mga industriya, mga pabrika ng sasakyan, hulmahan, electronics, biotechnology, pharmaceuticals, critical minerals, telang Pinoy, halal, construction at mga planta ng kuryente.” Magandang plano ito ng Pangulo. Ano ang mga nakikita nating susunod na hakbang sa DTI? 

DTI SEC. ROQUE: We always push all the industries of the Philippines ‘no, ito, kailangan talaga nating i-push aggressively and kailangan nating suportahan, so the DTI is here to make sure that we get this done. So, iyong mga industries na ito, we have different programs that are available in the DTI, and we also have a lot of even loans ‘no and even avenues for them to sell their products whether locally or globally, nandito po ang DTI para i-push iyong mga produktong ito.

PCO USEC. CASTRO: Ma’am, tanong ko: Iyon po bang mabibigyan natin ng puhunan, imo-monitor din po ba ng DTI kung naggo-grow pa sila? Iyong nabibigyan po natin ng puhunan na mga maliliit na negosyo, imo-monitor ba natin sila para hindi sila maligaw or magtuluy-tuloy iyong kanilang pag-asenso?

DTI SEC. ROQUE: Actually, we really have mentoring also in DTI and then we really try to guide them also. But siyempre sila alam nila iyong negosyo nila, so dapat they should be responsible kasi kahit papaano they are already of age when they take these loans. So, kahit papaano we really need to make sure that masu-sustain nila ito and dapat mabayaran nila iyong ano para maka-loan pa sila ulit.

PCO USEC. CASTRO: So, dapat maging responsable silang negosyante. Thank you po, Secretary Roque.

Isa sa mga pinapalakpakan na pahayag ng Pangulo kahapon ay ang tungkol sa 2026 national budget. “For the 2026 national budget,” sabi niya, “I will return any proposed General Appropriations Bill that is not fully aligned with the National Expenditure Program and further, I am willing to do this even if we end up with a reenacted budget.” Secretary Pangandaman, mabigat ang pahayag na ito at ramdam natin kung gaano kaseryoso ang ating Pangulo. Ano ang implications nito sa ating pagba-budget kung pareho ang pondo sa nakaraang taon?

DBM SEC. PANGANDAMAN: Thank you, Usec. Claire. Magandang umaga po sa lahat, assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh. Totoo po iyan, seryoso po ang ating Pangulo na ayusin ang ating budget. Alam ninyo po ang pagba-budget hindi po iyan madali na proseso. As early as January, nagsisimula…pagkapirma po ng Pangulo ng ating budget ng Disyembre, January po i-implement natin iyong mga proyekto na iyan; tapos, at the same time po, January ay magkakaroon na rin po tayo ng budget call – ibig sabihin, iyong mga kasama ko po dito na Gabinete magsisimula na pong gumawa noong kanilang mga priorities programs and projects.

So, napakahaba ng prosesong iyan; pagkatapos po niyan ipapadala po nila sa DBM, pag-aaralan po namin, may one-on-one po iyan kasama ng ating mga Gabinete; pagkatapos po ay may one-on-one pa rin po kasama ang ating Pangulo – inupuan po iyan ng Pangulo to make sure na iyong mga programa na prinopose po natin sa ating budget ay consistent po doon sa mga roadmap at saka sa ating medium-term fiscal framework at Philippine Development Plan; pagkatapos po niyan, uupuan na naman po ulit iyan – magkakaroon po ng full Cabinet na tinatawag po kasama ang Pangulo at iisa-isahin po iyong lamang ng ating National Expenditure Program – ipapasa po nila iyan, ia-approve po iyan, pagkatapos niyan ay mayroon na pong tayong President’s Budget, iyong NEP po; after po niyan ipapadala naman po natin iyan sa Kongreso.

So, iyong proseso po ay napakahaba, so pinag-isipan po nang mabuti ng ating Pangulo, ng Executive kung paano po babalangkasin iyang budget na iyan. So, iyan po ay mababago at hindi po magiging katulad noong ginawa po ng ating mga Gabinete—unang-una po, babagal ang pag-i-implement ng mga proyekto kasi hindi po kami ready diyan eh, ang napag-usapan po namin sa loob ng anim na buwan iyon po iyong alam namin kung paanong i-implement at saka paano isakatuparan. So, kapag magkaroon po ng mga bagong proyekto na hindi po consistent sa ating mga programa, mahihirapan po kaming i-implement itong mga ito – madi-delay po ang mga proyekto kapag hindi po consistent ang ating budget doon sa inaprubahan po ng Executive.

PCO USEC. CASTRO: Ayan, maliwanag po iyan ha. Well, anyway, ibinida rin po sa SONA kahapon ang mga sumusunod: Ang paglalaan ng isang bilyon para makapagpatayo ng mahigit 300 na Barangay Child Development Centers; ang pagdagdag ng 60,000 na teaching items. Itong mga magagandang balita na ito ay repleksiyon ng mga prayoridad ng ating pamahalaan. Sec. Mina, ano po ang inyong masasabi rito?

DBM SEC. PANGANDAMAN: Tama po ito ‘no. Ito pong karagdagang Child Development Center at saka karagdagang mga guro na binibigay na po natin sa administrasyong ito, ito po ay isang pag-aaral na ginawa po ng Senate at House kasama din po ang Executive – ito po iyong report na ginawa ng EDCOM. Matatapos na po ang EDCOM ngayong taon na ito at kasama po doon sa kanilang pag-aaral na napakalaki po noong backlog noong ating child development centers. Kung hindi po alam ng ating mga kababayan, ang Child Development Centers po ay ito po iyong nursery and prep – wala po kasi tayong ganiyan sa ating sistema. Hindi po katulad noong mga mas nakakaangat sa buhay – iyong iba po two years old, three years old po nag-aaral na pero sa nakakarami po wala po tayong ganiyan.

So, inaprubahan po ng ating Pangulo ang pagko-construct ng more than 300 child development centers sa Luzon, Visayas, Mindanao. Three million po per building at ang local government units po ang maglalagay ng mga guro or iyong mag-a-assist sa mga bata para kapag sila po ay pupunta sa child development centers – 89 po dito ay sa Luzon, 106 po dito ay sa Visayas at mayroong 133 po sa Mindanao kasama rin po dito ang BARMM – mayroong 76 din po na itatayo sa BARMM. Ang maganda po nito ay napirmahan na po natin ang joint memorandum with DepEd at ECCD kasi katulong po natin sila sa pag-identify tapos mamayang hapon po ay pipirmahan na rin natin together with the local government units iyong mga benepisyaryo para masimulan na po nila iyong proyekto.

Sa teachers naman po, alam po natin lahat na may backlogs sa teachers, marami ang estudyante pero kulang ang ating mga guro. So sa panahon po, ngayon pong administrasyon ng ating Pangulong Bongbong Marcos, sisikapin po natin na matapos ang backlog na iyan. Ngayong taon pa lang po mayroon pong 20,000 teaching positions, may 10,000 admin positions. Bakit po importante ang administrative positions? Ang mga teachers po natin ay hindi lang sila nagtuturo, sila na rin po iyong gumagawa ng admin works sa opisina, so kulang po iyong oras nila sa pagtuturo. So, sa susunod na taon, dudoblehin po rin natin iyan, mayroon din po tayong mga guidance counselors na idadagdag. So, it’s more than 65,000 na po ang naki-create na nating positions para sa ating mga guro at sa mga admin staff.

PCO USEC. CASTRO: Yes. Thank you. Actually po, isa sa mga mahal talaga ng Pangulo ay ang ating mga guro, sinabi po iyan ng Pangulo.

DBM SEC. PANGANDAMAN: Yes po. In fact, kasama din dito sa susunod na budget natin ay iyong pagti-training ng ating mga guro.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Mina, paki-correct po ako baka nagkamali ako, more than 300 child development centers or 300,000?

DBM SEC. PANGANDAMAN: Three hundred po ang ipinapatupad natin ngayong taon at magkakaroon pa rin po tayo sa susunod na taon.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Sec. Mina. Isa sa mga mahahalagang nabanggit din ni Pangulong Marcos Jr. kahapon ang pahayag na ito: “The Regional Project Monitoring Committee shall examine that list of projects and give a report on those that have been failures, those that were not finished and those that are alleged to be ghost projects.” Anong mga plan ng inyong ahensiya po para rito, Undersecretary Edillon?

DEPDEV USEC. EDILLON: Yes. Una sa lahat, magandang umaga, Usec. Claire, and sa mga Cabinet secretaries and of course the students who are here—napakinggan nga namin iyong direktiba ng Pangulo kahapon. Iyong Regional Project Monitoring Committee is actually a committee under the Regional Development Council. So, talaga pong itong grupo na ito consisting of mga regional line agencies po ito, selected agencies po, may kasama rin po itong private sector, may mga private sector reps po sa mga RPMC. So, mayroon po talaga silang mino-monitor na mga proyekto pero iyon nga sa dami nito baka hindi talaga nasusuyod lahat – there’s really a prioritization that happens.

So, with the directive from the President kahapon, ang gagawin po namin ay ipa-prioritize po lahat ng iyong maibibigay na list sa amin ng DPWH and while waiting for that list binabalangkas na po ng grupo namin ng regional development group namin iyong magiging protocol ng review para noon magiging objective, hindi naman tayo magiging witch-hunting ganiyan – so, magiging objective po iyong pagri-review nito at gaya nga ng sinabi ko mayroon tayong private sector na representative dito at magiging maagap din po kami sa pag-report po nito sa RDC siyempre at sa Pangulo po.

PCO USEC. CASTRO: Yes, thank you. Kasi nga po iyong COA nakikita ghost employees, mayroon nakita ang DepEd si Secretary Sonny Angara ghost students. So, tingin ko with this sa pagtutulungan po ng DEPDev at ng sabi ninyo po may private sector tayong kasama ay makikita rin po kung totoong may ghost projects. Thank you po.

At nabanggit din po ng Pangulo dumarami ang mga nalilikhang hanapbuhay sa ating bansa ngayong pagpupursige ng DOLE, DTI, DSWD kasama pati ang DOT at mga kaugnay na ahensiya sa paghahanap ng paraan at ng mga oportunidad para sa natitirang apat na porsiyento ng ating puwersang manggagawa na hanggang ngayon ay walang trabaho. Sec. Frasco, please describe the dynamic opportunities in job creation in our tourism industry.

DOT SEC. FRASCO: Maraming salamat Usec. Claire. Good morning po sa lahat. Og sa tanan natong kaigsuunan sa sa Visayas og Mindanao, maayong buntag. Pinapasalamatan natin si Presidente Marcos dahil sa pamamagitan ng kaniyang mga pahayag ay napapakita natin kung gaano kaimportante iyong turismo sa ating ekonomiya dahil nakakapagbigay po ito ng trabaho sa ating mga kababayan. Ayon po sa Philippine Statistics Authority, hindi bumaba sa 6.75 million iyong ating mga kababayan na nagkakaroon ng trabaho sa pamamagitan ng turismo. And no less than nearly ten million are obtaining indirect jobs and opportunities through tourism.

Kaya naman po nakikita natin na iyong kontribusyon ng turismo sa ating ekonomiya ay umabot na sa 8.9%. Isipin natin na iyong ₱3.86 trillion na tourism spending sa bansa, whether by international tourist or domestic tourist, pumupunta po ito sa ating mga kababayan, sa kanilang mga pamilya.

Kaya naman po, direktiba ng ating Presidente na mas dagdagan pa natin iyong opportunities for tourism employment. Which is why, patuloy po iyong ating trainings sa human capital development, sumobra na po sa 322,000 iyong na-train natin under the FBSE (Filipino Brand of Service Excellence Program) dahil kilala naman talaga iyong Pilipinas sa ating world class hospitality. And of course, napakaimportante na bigyan natin ng tourism industry skills iyong ating mga kababayan para employable sila sa kahit anumang tourism-related industry. Which is why, we continue to roll-out our tourism industry skills program anywhere from tour guiding, culinary training, pati na rin po iyong ating mga lifeguard training and other related tourism industry skills, mayroon po tayong training  diyan.

Nakipag-ugnayan din po tayo sa TESDA to be able to provide training and scholarships for our tourism frontline workers and those who may wish to enter the tourism industry. Dahil po iyong audience natin ngayon ay made up of students, I invite you to explore a career in tourism because it provides opportunities for ascension in terms of career development and the qualifications are varied. Puwede na right out of high school you are able to be employed already in tourism, or rather you want a mid-level position, mayroon din po tayong partnerships with the Commission on Higher Education for tourism-related diploma courses. And of course, iyong sa TESDA, we have vocational courses that are available for tourism workers.

And that is why, tourism remains a dynamic and very exciting industry dahil kahit ano pong mangyari, whether there is a climate crisis or emergency, whether there are geopolitical tensions, whether there are challenges in terms of anything that has to do with our economy, tourism continues to be a stabilizing force that provides livelihood and employment to our fellow Filipinos.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Frasco, itanong ko lang, iyon po bang fake news at iyong mga naha-highlights na mga petty crimes sa mga news, nakakaapekto ba ito sa turismo natin?

DOT SEC. FRASCO: Napaka-negative ng effect ng fake news sa ating bansa dahil sa turismo napakaimportante iyong confidence in the destination. Siyempre kapag nagpaplano ka ng family trip or solo trip as the case maybe, you would consider the safety of the destination and once there are fake information that’s out there that labels a destination or a country as being unsafe, of course that is  absolutely devastating sa ating mga destinasyon.

Kaya naman po, iniimbitahan po natin iyong ating mga kababayan, be circumspect, as far as deciphering information that’s out there because any perpetuation of fake news affects Filipino families, Filipino livelihoods.

Napakahaba na po ng journey natin in terms of recovery as far as the tourism industry is concerned. Ang hirap ng pinagdaanan ng industriya natin because of the pandemic, because of various disasters and the like and other headwinds that we are facing, yet the tourism industry and all our tourism stakeholders continue to put in their blood, sweat and tears to support Filipino families, to support our destinations and that is why, we invite everyone to tell the world how much there is to love about the Philippines and our destinations and siyempre no to fake news po tayo.

PCO USEC. CASTRO: Iyan, kaya dapat ipagmalaki natin ang San Juanico Bridge as tourist destination or tourist spot. Well, anyway, patuloy rin sa pagtatrabaho ang administrasyong Marcos upang hikayatin ang mga investors sa iba’t ibang panig ng mundo. Kasama sa kaniyang talumpati kahapon, “My single resounding message to the international business communities is this: The Philippines is ready, invest in the Filipino.”

Bakit mahalaga ang pahayag na ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa, Secretary Go?

OSAPIEA SEC. GO: Magandang umaga sa inyong lahat. Tama po ito, itong sinabi ni Pangulo, dahil dito sa administrasyon natin, in the last three years, marami po tayong ipinasang batas at executive order. Unang-una na po doon ang CREATE MORE Law. Pangalawa doon iyong Public Private Partnership Law. At sa mga executive order po, ang daming ipinasang  executive order ni Pangulo na nag-i-improve ng ease-of-doing business katulad po ng green lanes for strategic  investments, kasama na rin po doon ang mga streamlining of permits.

Napakahalaga po sa atin na maka-attract ng investments dito sa bansa natin, dahil  ito po ang nagpo-provide ng mga trabaho, ito po ang nagpo-provide ng good high-quality jobs dito sa ating bansa. And you know, every year, we have a new generation of graduates from our colleges, from our vocational schools that are seeking employment kaya napakahalaga po nitong mensahe sa lahat ng negosyante, kasama na po iyong mga taga Pilipinas at kasama rin po iyong mga taga ibang bansa na the Philippines is more than ever, open and ready to do business.

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, Secretary Go. Para sa mga umaabuso sa kalakaran ng agrikultura, binitawan ng Pangulo ang mga salitang ito: “Binabalaan ko ang mga trader na magtatangkang magmanipula ng presyo ng palay o ng bigas o manloloko ng mga magsasaka. Hahabulin namin kayo, dahil ang trato namin sa inyong ginagawa ay itinuturing naming economic sabotage” Pakipaliwanag nga rin po ito, Secretary, at bakit economic sabotage pong itinuturing ito?

OSAPIEA SEC. GO: Ganito po iyon, kasi last year, nagpasa po tayo ng bagong batas, ang pangalan po ng batas ay Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Sa batas po na ito, ang nakasulat po dito ay kapag ang ginagawa ninyong illicit trade ay higit sa for example ₱10 million, ito na po ay economic sabotage.

Siyempre po every day, araw-araw hinahabol po ng Department of Agriculture, hinahabol po ng Bureau of Customs, hinahabol po ng BIR ang mga iba-ibang mga illegal na negosyo or mga taong nagpapasok ng mga produkto na wala sa tamang proseso, walang tamang permits. Pero ito pong economic sabotage po ay parang mas mataas na level, puwede po nating habulin ang mga economic saboteurs for criminal acts. Hindi lang ito labag sa business laws, labag na ito sa—may powers po ang council to imprison you, for example, to seize those illegal products.

So, mayroon pong mas mataas na kapangyarihan po itong council to run after all this economic saboteurs at kailangan talaga nating habulin ito kasi ito po iyong nagpapasakit sa ating mga domestic industry sa ating mga magsasaka ‘no, et cetera. So, this is a warning to those who engage in unscrupulous trades na hahabulin po sila.

PCO USEC. CASTRO: That is a warning. Thank you po, Secretary Go. Isa pang mahalagang aspeto ng pagsasaka ang irigasyon, kaya’t nabanggit din ng Pangulo sa kaniyang SONA: “Marami tayong mga malalaking proyekto na nakalatag para sa bultuhang supply ng malinis na tubig sa buong bansa.” Anong mga proyekto ang tinutukoy ng Pangulo rito at paano ito makakatulong sa ating mga kababayang magsasaka, Admin Guillen?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Naimbag nga bigat, Usec. Claire; magandang umaga po sa ating lahat. Actually nitong nakaraan taon po, marami na tayong natapos na mga irigasyon, katulad ng Mal-Mar Phase 2 natin sa Mindanao, itong Balbalungao Dam, ang Jalaur Dam, Cabaruan Solar Pump Irrigation Projects, Sulvec Dam at marami pa pong iba.

In fact, may mga bago po tayong projects ngayon, kapag tinataya po namin sa NIA ay aabot po ito ng almost 100,000 hectares, ito po iyong INISAIP (Ilocos Norte-Ilocos Sur, Abra Irrigation Project), iyong Tumauini Reservoir sa may Isabela, ito pong Balog-Balog Dam sa may Tarlac at iyong Panay River Basin.

So, ito pong lahat ng ito ay patuloy po na ginagawa ng NIA to support iyong ating food security program. At tandaan po natin itong mga malalaking dams na ito po ay hindi lang po para sa irigasyon ito, ito po ay para rin sa flood control, ito po ay para rin sa ating bulk water, iyong inuming-tubig natin, sa aquaculture, sa tourism, hydropower iyong power production natin. So, napakalaking tulong po talaga itong malalaking systems na ito.

In addition, mayroon pa po tayong ginagawa po ngayon, iyong ating mga solar pump irrigation projects. Ang maganda po rito sa mga solar pump irrigation projects natin, Usec. Claire, is that mabilis po ito na gawin ng NIA, mga four to six months tapos po namin ito. At ito po, ang target namin dito ay iyong nasa mga matataas na, iyong mga upland communities po natin, iyong mga nagtatanim ng mga high value crops at talaga naman pong ramdam—iyong implementation nito ay mabilis nga at ramdam mo kaagad iyong impact sa ating mga farmers. So, ito po ay tinitingnan din namin, ang gusto ng ating Pangulo po kasi, iyong mga irrigation projects na ito ay i-connect din sa mga projects ng DPWH, ito pong flood control.

Ang mindset po na nakikita ko rito, ng ating Pangulo ay iyong tinatawag nilang water management para po kapag magtayo ka halimbawa ng mga sabo dams, aba’y iyong sabo dams kasi ito na rin iyong diversion dam ng NIA. So, puwede ho kaming magtulungan ng DPWH dito para po ituro namin kung saan dapat ilagay iyong mga projects na iyon. At ang NIA naman, sa amin naman iyong irrigation components, so in effect makakatipid po tayo ng malaki sa ating mga construction—sa cost ng construction po natin. So, iyon po iyong isa ating tinitingnan.

Ang totoo po niyan, may mga natapos na rin po kami ng DPWH dito at ino-offer nga po natin for inauguration na para makita ng ating mga kababayan kung ano ba iyong plano na gusto ng ating Pangulo when it comes to food security ay mapakinabangan din iyong mga flood control projects para makapag-produce na rin tayo ng pagkain.

PCO USEC. CASTRO: Sir, itong irrigations at saka iyong mga dam na na-construct na, isa ba ito sa naging factor kung bakit naging maganda iyong ani ng ating mga magsasaka nitong nakaraang taon?

NIA ADMINISTRATOR GUILLEN: Aba’y siyempre po, kapag sinabi po natin food security, ang number po na kailangan natin dito ay irigasyon, dahil kung sahod-ulan ka lang ay mababa po iyong productivity natin.

At hindi lang iyong isang factor lang iyon, Usec. Claire, ang isa pang nakita namin na magandang nagawa namin dito sa convergence namin si Sec. Kiko sa DA, iyong pagpapalit ng cropping calendar natin, kasi ang sinusunod natin, ng ating mga farmers iyong kultura ba na dati kasi ang pagtatanim talaga dahil nakasanayan natin na sahod-ulan, iyong cropping natin natataon siya sa June-July, kapag June-July nandiyan na po iyong mga bagyuhan.

So sa pagtutulungan namin ng DA binago natin iyong cropping calendar, instead na December at June-July ginawa naming October. Kapag October kasi nakakatipid pati ang NIA ng tubig kapag October eh, kasi magastos po sa pagpapatubig natin iyong non-soaking na tinatawag, babahain mo iyong kalupaan para lumambot para maararo. Pero kapag October ka nagtanim kasi umuulan pa eh, so hindi mo ginagamit pa iyong—kahit huwag mong gamitin muna iyong laman ng dam. Aani ka ng February and of course kapag February wala namang bagyo diyan, iyan ho iniiwasan natin and then quick turnaround po kami ng March aani ka ulit ng July.

So, by doing that, actually nakapagtala kami ng DA ng around 350,000 hectares na double-dry cropping, double dry ang tawag po natin dito po ano po, that would mean around two million metric tons na palay, so additional po ito sa ating production. At iyon po ang ating ginagawa, pero dapat nating isipin hindi lang ito ang pinapagawa ng ating Pangulo sa amin ni Sec. Kiko, pati iyong pag-capture ng whole value chain ng rice production ginagawa namin ng DA po iyan, iyong convergence namin ano po. Iyong pagbibigay ng mga rice processing system kung napansin ninyo. Ang gusto kasi ng ating Pangulo, iyong whole rice value chain ay maging player diyan iyong ating mga farmers, ma-empower natin sila para mabawasan iyong middleman, iyon po.

PCO USEC. CASTRO: Salamat po, Admin Guillen. At para naman sa ating Department of Agrarian Reform, ito po ang sinabi ng Pangulo: “Kasalukuyang pinapabilis ng DAR ang pamamahagi ng mga CLOA at ng mga E-titles pati na iyong mga CoCRoM (Certificate of Condonation with Release of Mortgage) bilang patunay na wala ng utang ang mga benepisyaryo ng agrarian reform. Upang mas maliwanagan po ang ating mga kababayan, lalo na ang ating agrarian reform beneficiaries, pakipaliwanag po ang programang ito, Secretary Estrella?

DAR SEC. ESTRELLA III: Maraming salamat, Secretary Claire.

PCO USEC. CASTRO: Usec. lang po.

DAR SEC. ESTRELLA III: Akala ko, Usec. Claire, akala ko hindi na ako kasali; kasali pa pala ako. Unang-una, nais kong batiin lahat.

PCO USEC. CASTRO: We reserve the best for the last.

DAR SEC. ESTRELLA III: Thank you. Nais ko pong batiin lahat ng ating mga panauhin at ang ating mga kasama sa Gabinete at lalong-lalo na ang ating mga kabataan nandito sila at ito’y tungkol sa kanilang kinabukasan.

Mabalik ho tayo doon sa subject matter, bumalik tayo at ating suriin ang datos. Noon hong huling isang taon at kalahati ng nakaraang administrasyon, ang kanilang naipamigay na mga titulo ay 26,000-plus; hindi natin sila puwedeng sisihin dahil panahon iyong ng pandemya.

Ngunit noong naupo ang administrasyon ng ating mahal na Pangulo, sa loob po ng anim na buwan, magmula July 1st 2022 hanggang December 31st the same, nakapagpamigay po tayo ng mahigit 26,000 pong titulo sa buong Pilipinas. Kaya ho iyong nagawa po noong kabila, noong nakaraan na one year and half ay halos napantayan ng anim na buwan lang ng administrasyon ng ating mahal na Pangulo.

Noong sumunod na taon, sabi ho ng ating Pangulo: Hindi ako kuntento sa ganiyang numero.” Kaya ho iyon hong 26,000 noong sumunod na taon, 2023, naging fifty—mahigit sa 50,000 po ang napamahagi natin na mga titulo sa ating mga magsasaka.

And then 2024, lumampas po tayo ng isandaang libo. At ito hong 2025 ay nakikita ko po, kami ay aabot sa dalawandaang libo na ipapamigay na mga titulo. Ngunit kinabahan ho ako doon sa sinabi ng ating Pangulo na tanggap niya ang resulta ng halalan at bigo ang ating mga kababayan sa ating performance kaya’t kailangang dagdagan pa at bilisan pa.

Dahil ho diyan, noon pa lang hong pagkatapos ng halalan, mabuti na lang mahusay ho ang aking mga undersecretary, mga assistant secretary at mga director – nandiyan ho sila pumapalakpak sila kanina. Hindi po ako ang pinapalakpakan nila, iyong sarili po nila, iyon ho. Pumapalakpak sila kanina dahil itong taon na ito sa palagay ko, ang aming trajectory will be about 300 to 400 thousand na mga titulo na ang tagal-tagal pong hinintay ng ating mga magsasaka. Iyong iba ho naghintay ng 15, 20, mayroon pang naghintay ng 30 years at sa wakas natatanggap na nila itong mga titulong ito.

Dumako naman ho tayo doon sa tinatawag na CoCRoM. Iyon hong CoCRoM, ang ibig sabihin ho noon ay Certificate of Condonation and Release of Mortgage. Ito po ay ginagawa natin ngayon dahil sa mandato po natin sa Kongreso kasi po nag-usap kami ng ating mahal na Pangulo noong siya po ay umupo na, ang sabi ho niya, “Papaano pa kaya makakabayad ang mga magsasaka sa kanilang utang sa lupa? Papaano pa nila mababayaran ang amortisasyon kung tumaas ang presyo ng fertilizer?” ‘Ika nga ni Secretary Ralph Recto, dahil sa nangyaring giyera, pagkatapos nagkaroon ng climate change, at hindi lang iyan, iyong climate change eh hindi na natin alam kung kailan ang tag-ulan, kung kailan ang tag-init. Eh, pagkatapos nagkaroon pa ng pandemya, papaano na makakabayad ang mga magsasaka sa amortisasyon?

Sabi ko naman, Palagay ko ho, Mr. President, mahihirapan silang makabayad. Ano kaya kung burahin na lang natin ang utang ng mga magsasaka tungkol diyan sa amortisasyon?” Kaya ang sabi ko, kinakailangan po ng batas sabi ko, at nagpasa ang Kongreso at ang Senado ng isang bill at agad-agad pinirmahan ng ating Pangulo at iyan po ang Republic Act 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act na nagbubura ho, condoning all the loans pertaining to amortization of land. Iyan ho ang pinakamagandang… isa sa mga pinakamagandang accomplishment nitong administrasyon ho. Wala na hong iisipin ang mga magsasaka.

Noon hong kaniyang ama, si President Ferdinand Marcos Sr. at ang aking lolo, si Secretary Conrado Estrella Sr. na kaniyang kalihim ng Agrarian Reform noon, namigay ho ng lupa at iyon hong lupa na ipinamigay nila noon ay may kasamang utang. Ngayon ho, ang ating mahal na Pangulo at inyong abang lingkod, at dahil sa suporta rin ho ng Kongreso at Senado ay namimigay tayo ng lupa ngayon – libre na ho ang lupa na ipinapamigay natin at iyan po sana ay pangalagaan pati ng mga anak at ng mga apo ng ating mga Agrarian Reform beneficiaries. Salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Siguro po, Secretary Estrella, noong panahon po ni President Ferdinand Sr. at ni Secretary Estrella Sr. ay nag-uusap tungkol sa pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka, eh kayong dalawa po ni PBBM ay nandudoon at laging nakikinig kaya ganiyan din po ang inyong naging adbokasiya ngayon.

DAR SEC. ESTRELLA III: Opo. In fact, nakakatakot nga ho iyong sinabi ng ating Pangulo eh, ang sabi ho niya saka na tayo magpahinga kapag patay na tayo [laughs] kaya talagang pinagsisipagan po naming lahat. Napakasipag po ng mga kasamahan ko dahil ang ating Pangulo is showing a good example. Siya po ay napakasipag, kagagaling lang ng abroad, ikot nang ikot pagkatapos tatamad-tamad ka, baka masabihan ka ng “Mahiya naman kayo,” hindi ba? Kaya kailangan magsipag ho talaga. Salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Secretary. Ayan po.

Sa puntong ito, atin pong sasagutin naman ang mga katanungan mula sa ating mga kaibigan mula sa media. Unahin po natin: “Secretary Ralph, sa GDP growth within the context of external challenges, how is the performance of the Marcos administration doing so far?

DOF SEC. RECTO: Alam po ninyo, Usec. Claire, magandang katanungan iyan. Kung matatandaan ninyo, naging napakalaking hamon para sa Pilipinas itong third decade of the 21st century dahil, unang-una, nag-umpisa tayo sa pandemic noong 2021 at matatandaan ninyo ang ekonomiya natin noon ay bumagsak ng mahigit 9.5% – mas malaki pa ang bagsak kaysa noong World War II kung tutuusin natin. At dahil doon, milyun-milyong tao ang walang trabaho, nag-lockdown iyong ating ekonomiya.

Noong si Pangulong BBM ay naging pangulo noong 2022, ang utang ng Pilipinas noon ay mahigit 13 trillion, kulang-kulang 13 trillion at pagkatapos noon nagkaroon ng giyera ang Russia-Ukraine – dahil dito, tumaas ang inflation, tumaas ang presyo ng gasolina, tumaas ang presyo ng pagkain lalo na ang bigas ‘no.

At pagkatapos noon, nagkaroon pa ng giyera ulit, iyong Israel-Gaza, Israel-Iran, may trade war, ngayon mayroong mga tariff war na nangyayari sa buong mundo. Sabi ko nga kanina, ang expectation ng ekonomiya ng buong mundo ay lalago ng 3% sa taong ito; ang Pilipinas naman, inaasahan natin ang ating ekonomiya ay lalago ng mahigit 6%. Nabanggit ko rin kanina na ang inflation rate sa buong mundo ngayon, mahigit 4 to 4.5 percent; ang Pilipinas ngayon, itong May ay was about 1.4 to almost 2 percent maximum ‘no.

So, kung titingnan natin, we are one of the fastest growing economies, we’re able to create jobs, and if we can grow 6 to 7 percent annually for the next ten years, that will double the size of the Philippine economy. Ibig sabihin, ang kinikita ng bawat Pilipino, dudoble din ‘no. So, we are on track in achieving this ‘no at pagdating ng 2028 inaasahan natin ang ekonomiya ng ating bansa mahigit 37 trillion na ang laki ng ekonomiya ng ating bansa.

Gusto ko ring dagdagan, Usec. Claire, na lahat noong nabanggit ni Pangulo sa SONA niya kahapon, handa ang Department of Finance na punuan iyong pondo na kinakailangan para doon sa one thousand day roadmap ng Pangulo.

PCO USEC. CASTRO: Naku magandang balita po talaga iyan, Sec. Ralph, at thank you po.

DOF SEC. RECTO: Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Ito naman po, kay Secretary Mina: How will the DBM help ensure that this year’s budget deliberations are more transparent? Do you support an open bicameral process?

DBM SEC. PANGANDAMAN: Unang-una po, nauna po ang Ehekutibo na magsabi na kung maaari ay buksan ang ating bicameral o ang proceedings ng ating budget deliberation mula sa simula hanggang sa dulo hangga’t ito po ay makaabot sa Office of the President, hangga’t ito’y mapirmahan ng ating Pangulo.

Ang ating budget po ay napakahabang proseso: Kapag natapos po ang ating budget, iyong sinabi ko po kanina, ito po ay magiging president’s budget. Sa ngayon po, iniimprenta na po ang ating budget. In two weeks, ibibigay na po natin ito sa House of Representatives at saka sa Senado. Iyan po, pagkatapos po natin iyan ibigay, naka-publish na po ang ating National Expenditure Program sa ating website po sa DBM. Pagkatapos po niyan, magkakaroon na po tayo ng sunud-sunod na consultation at budget deliberations sa Senate at saka sa House of Representatives. Lahat po iyan ay open sa public via Zoom, makikita po nila iyan sa website ng DBM, sa website ng HOR, sa website din po ng Senate.

So, ang gusto po sana natin ay makibahagi ang ating mga kababayan lalo na po ang ating mga kabataan para malaman po nila kung paano ang paggawa ng budget at saka kung paano po ito matatapos. Sinimulan natin nang ito ay bukas sa tao hanggang sa matapos po ito, ito po ay bukas sa tao.

So, ang panawagan po natin, iyong mga kabataan dito… anyway tech savvy naman sila sa kanilang mga telepono, sa kanilang mga laptop – puwede nilang buksan kaagad iyan, tingnan ang social media, mag-YouTube sila, mag-Facebook sila. Gamitin po nila iyong plataporma na iyon as an opportunity para makibahagi po sa ating budget.

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much po, Secretary Mina. O, makibahagi po kayo ha para open po ito sa lahat.

Kay Secretary Kiko: Marami po kayong nahuli noong nakaraang buwan/araw na mga smuggled goods. Will the DA file cases against traders who are taking advantage of rice farmers?

DA SEC. TIU-LAUREL JR.: Ah, definitely yes ‘no. Kanina noong binanggit ni Secretary Go na it is economic sabotage ‘no, iyong pagbili ng palay sa masyadong mababang halaga ‘no; that is equivalent to profiteering eh ‘no. So, yes, definitely we will go after them as mentioned by our President himself at nakikita naman natin na ang puso ng ating Presidente ay palaging nasa panig ng mga farmers natin kaya’t siya mismo ang nagbigay ng direktiba na habulin ‘tong mga ‘to at imbestigahan – at kung kailangang kasuhan, kasuhan kaagad. Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, Sec. Kiko.

Kay Secretary Estrella po: Marami na po tayong napamigay na CLOA E-Titles. Papaano po natin masisiguro na hindi lang titulo ang maibibigay natin sa farmers para magtuluy-tuloy iyong kanilang… iyong ganda ng ani nila?

DAR SEC. ESTRELLA: Napakaganda hong tanong niyan. Ang Department of Agrarian Reform po, dati ho ang tawag dito ay Department of Away and Reklamo eh. Pero ngayon ay hindi na kasi napakarami pong support services na naibibigay natin. Bukod sa nagtutulung-tulong kami ni Secretary Kiko Laurel, bukod sa farm-to-market roads, nakakapagbigay din kami ng mga irrigation projects.

Kamakailan lang, nag-groundbreaking kami kasama ang ating Pangulo at ganoon din si Administrator Guillen, at mayroon kaming napakalaking irrigation project na sinimulan. Actually, hindi iyon sinimulan—itinutuloy lang po ng ating mahal na Pangulo at ng abang lingkod. Ito pong project na ito ay magbibigay ng irigasyon sa buong taon sa 12,000—mahigit 12,000 hectares. At malaki po ang maiko-contribute niyan sa ating food security at sa ating ekonomiya.

At hindi lang ho iyon, namimigay rin tayo ng farm machineries and equipment. Sa katunayan, dahil sa suporta natin sa maraming mga kooperatiba ng agrarian reform, at ang isang kooperatiba natin sa Mindanao – galing lang ako doon – mga cacao planters, ang kanilang produkto ay nanalo ng top award sa France dahil sa husay ng paggawa nila ng tsokolate. At ganoon din sa mga iba pang lugar, maraming success stories ang agrarian reform. Hindi lang nga kami Marites, pero ipagsasabi na namin mula ngayon, ganoon po. Salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Secretary Estrella. Napakaraming programa na ang nagawa, marami nang projects na natapos, nakakapagtaka lamang po bakit iyong mga obstructionist ay hindi nakikita itong mga proyektong natapos na.

Well, anyway, salamat po sa pakikibahagi ng ating mga kaibigan sa media. Kasama rin natin dito nang live ang mga mag-aaral, okay, mula sa San Juan National High School. At mayroon po tayong mga ilang katanungan mula mismo sa mga estudyante. So, unahin po natin si Nicole Ventinillo, Grade 10, Section Mabini ng San Juan National High School. Nasaan si Nicole?

Okay, tanong po kay Secretary Kiko: Paano po masisiguro na hindi malulugi ang mga magsasaka sa pinapatupad na 20 pesos kada kilo na bigas?

DA SEC. LAUREL: Well, good question. Ang ipapamahagi natin na bente pisong bigas is only a small portion ng ating produksiyon. It is only about 10 to 15 percent of our total production.So, ibig sabihin niyan, mahigit otsenta, 80 to 85 percent of our production should be sold at the right prices ‘no at hindi dapat malugi ang ating farmer.

At ganoon din, ang sinasabi natin ay kung may malulugi man dito sa ating programa na ito o sa pangako na natutupad na bente pisong bigas, ang dapat malugi dito ay ang gobyerno lang; hindi dapat malugi ang ating farmer. Maraming fake news at maraming taong nagti-take advantage lalo na iyong mga ibang traders na ginagamit iyong ating bente pesos na programa para mapababa ang presyo ng palay. Hindi tama iyon at hahabulin natin iyon at sisiguraduhin natin sa susunod na mga harvest seasons ay maayos na itong mga problema na ito sa baba ng presyo ng palay para maging mapayapa din naman ang ating mga rice farmers muli.

PCO USEC. CASTRO: Iyan, thank you po, Sec. Kiko. Ito naman ay mula kay Shuyen Macariola, Grade 10, Section Malvar. Same school, San Juan National High School. Nasaan si Shuyen?

Opo, medyo mabigat po ito ha, daig pa po iyong questions mula sa media: In President Marcos Jr.’s 2025 SONA, he emphasized the country’s agricultural growth and sector, also the improvement of the food security and the economy. How do his proposed policies such as investments in local farming, modernization of supply chains, and support for small businesses address the long-lasting issues of rural poverty, food accessibility and economic inequality? Sino po ba ang mas—kayo po, Sec. Kiko.

DA SEC. LAUREL: Mukhang akin ulit. Well, definitely, we need to invest in our rural areas ‘no. Ang pinakaimportanteng investment sa ating agricultural—rural areas natin is mostly agricultural. So, ang pinakaimportanteng investments dito ay, of course, number one, irrigation, water impounding; number two would be post-harvest facilities ‘no, katulad ng mga rice mill dryers for corn, for rice, cold storages for high-value crops. So lahat iyan eh, lahat iyan actually sa totoo lang, napabayaan iyan nang matagal ng … unfortunately, I have to say it, ng previous administrations, ever since 1986, sa aking pagsusuri.

Ngayon lang sa administrasyon ng ating Pangulong Bongbong Marcos na talagang napansin ito at talagang nag-i-invest ang ating Pangulo sa rural development ng ating agricultural value chain. But, of course, the government cannot … does not have the money to invest in everything. So, we really need the help of iyong private sector na ‘no, local and international, para tulungan tayo para maitaguyod natin ulit ang food systems natin for our food security.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Sec. Kiko.

Ngayon, bilang panghuling pahayag ng ating mga panelist, nais po namin kayong tanungin, very brief po ha: Ano ang aasahan ng taumbayan sa administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. upang mas mapaganda at maiangat ang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng Bagong Pilipinas? Oo, very briefly, kumpletuhin ninyo po ang pahayag na ito: Sa Bagong Pilipinas _______. Sec. Ralph?

DOF SEC. RECTO: Sa Bagong Pilipinas, ilalapit natin ang gobyerno sa inyo. Sisiguraduhin natin mapagaan ang buhay ninyo dahil iyong mga serbisyo ng gobyerno, ilalapit sa inyo at padadaliin po natin.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po. Sec. Kiko?

DA SEC. LAUREL: Sa Bagong Pilipinas ay aayusin natin ang lahat ng nagiging isyu at problema natin sa agrikultura para sa pagbaba namin by 2028 ay maayos na sana lahat.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Roque?

DTI SEC. ROQUE: Sa Bagong Pilipinas, makakaasa po kayo that all the departments and the Cabinet secretaries are going to work together to make sure na lahat ng programa na gusto ng ating Pangulo ay magagawa. We have three years to go, and definitely, aggressive po ang approach ng lahat ng Cabinet secretaries sa gusto pong mangyari ng ating Pangulo.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Estrella?

DAR SEC. ESTRELLA: Sa Bagong Pilipinas, lahat po kami na mga kalihim ng ating administrasyon ay magkakaisa. Magbibigkis-bigkis po kami ayon sa aming sinumpaan. At bilang Pilipino at nagmamahal sa Pilipinas, kami po ay magtutulung-tulong upang mapaganda ang buhay ng mga agrarian reform beneficiaries at ang lahat ng ating mga mamamayang Pilipino. Salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Sec. Frasco?

DOT SEC. FRASCO: Usec. Claire, as I know this will be broadcasted all over the country, I’ll speak in Cebuano

PCO USEC. CASTRO: Yes po.

DOT SEC. FRASCO: To be inclusive sa atong mga Kabisayaan og igsoon sa Mindanao. Sa Bag-ong Pilipinas, administrasyon ni President Marcos, hatagan nato og dugang pa nga oportunidad nga makatrabaho ang atong mga kaigsuunang Pilipino nga ang ilang mga gamay nga negosyo mas mo dagko tungod kay naay oportunidad og igong capital. Sa Bag-ong Pilipinas, ang atong garbo isip mga Pilipino ato pa gyung pauswagon ug maayo aron nga ang progreso sa Pilipinas matagamtam sa atong kaigsuunan, sa ilang mga pamilya og Makita sa tibuok kalibutan nga dinhi sa Pilipinas kitang mga Pilipino, we are proud to be Filipino, we are proud to banner the beauty of our destinations and we are proud to declare to the rest of the world that we loved the Philippines

PCO USEC. CASTRO: Thank you. Secretary Mina?

DBM SEC. PANGANDAMAN: Dalawang bagay po: Sa Bagong Pilipinas po, asahan ninyo po na ang Department of Budget and Management, katuwang ng ating mga Gabinete na magiging responsive po ang pagsasagawa ng ating budget. Kung ano po ang kinakailangan ng tao, makikinig po kami diyan, handa po kaming mag-invest diyan.

Pangalawa, we will also make sure na kung anumang budget na nakalaan sa atin ay makarating nang mas mabilis sa mga tao. We will be more transparent. We will be more accountable sa mga kababayan natin.

PCO USEC. CASTRO: Thank you. Sec. Go?

SECRETARY FREDERICK GO: Sa Bagong Pilipinas, lahat ng ginagawa natin ay para sa inyo. Malinaw na malinaw po ang mga instructions ni Pangulo sa buong Gabinete: Everything we do is for the people, whether it is delivering lower food prices, healthcare, education for our youth, jobs for everybody. Kaming lahat po ay focused at dedicated sa pag-deliver ng services sa inyong lahat. Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Thank you po. Usec. Edillon?

DEPDEV USEC. EDILLON: Thank you. Sa Bagong Pilipinas, makakaasa po kayo that it will be a government that really works for the people. At hihikayatin din po namin ang lahat-lahat ng mga sektor pati mga mamamayan pati mga estudyante na tulungan kami para mas malapit na nating makamit ang ating ambisyon – matatag, maginhawa, panatag na buhay. Thank you.

PCO USEC. CASTRO: And Admin Eddie?

NIA ADMIN. GUILLEN: Sa Bagong Pilipinas, makakaasa po kayo na patuloy ang aming samahan, ang aming convergence ng iba’t ibang agencies para ma-empower natin iyong mga farmers natin para doon sa value chain ng rice production, ng food production ay may kapangyarihan po sila na mabawasan po iyong kapangyarihan ng mga middlemen para po more equitable, mas makikinabang po ang mga farmers natin at mga consumers.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat po sa ating mga butihing panelist, gayundin sa lahat ng nakadalo at nakilahok ngayong umaga para sa ating makabuluhang talakayan kaugnay ng seguridad sa pagkain at pag-unlad ng ekonomiya.

Mura, masustansiya at maaasahan na supply ng pagkain, matatag na ekonomiya na pinuproteksiyunan ang ating mga iba’t ibang industriya – iyan po ang Bagong Pilipinas.

Maraming salamat po, magbabalik po mamayang alas dose ng tanghali para sa susunod na sesyon ang environmental protection and disaster risk reduction cluster.

Ako po si Undersecretary Claire Castro, at ito ang 2025 Post-SONA Discussions. Maraming salamat.

 

###