Photos

PBBM arrives in Manila from his state visit to Brunei and working visit to Singapore
Nakauwi na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang kanyang produktibong state visit sa Brunei at working visit sa Singapore. Dala ng pamahalaan mula Brunei ay mga kasunduan sa mahahalagang sektor, at pinaigting na pagtutulungan kasama si His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah, pati na rin ang business leaders ng bansa. Nagsilbi namang plataporma ang IISS Shangri-La Dialogue para mapagtibay ang ating papel sa seguridad ng Indo-Pacific.