Photos
Mas matibay na pagtutulungan sa Malaysia! Nagsimula na ang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Kuala Lumpur sa imbitasyon ni His Majesty Al-Sultan Abdullah at kasunod ng pagbisita ni Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim sa Pilipinas noong Marso 2023. Habang nandoon, isusulong ng pangulo ang mga prayoridad na sektor ng bansa katulad ng agrikultura, digital economy, turismo at people-to-people exchanges. Makikipagpulong din si PBBM sa mga business leaders, pati na rin sa Filipino community na naninirahan doon.