Photos

PBBM meets some of the world’s top CEOs and investment experts during a dinner
President Ferdinand R. Marcos Jr.’s investment pitch for the Philippines received "a very positive response" from some of the world's top CEOs and investment experts during a dinner hosted for him by Grab Chairman and CEO Anthony Tan at the sidelines of the World Economic Forum (WEF) in Davos, Switzerland. Among those present were:
1. Luhut Pandjaitan, Coordinating Minister of Maritime and Investment Affairs, Republic of Indonesia
2. Andy Jassy, CEO, Amazon
3. Jared Kushner, Founder, Affinity Partners
4. Patrick Foulis, Editor-in-Chief, Economist
5. Alan Jope, CEO, Unilever
6. Bill Ford, CEO, General Atlantic, one of the largest equity firms in the world
7. Molly Ford, Wife of Bill Ford
8. Bahlil Lahadalia, Minister of Investment, Republic of Indonesia
9. Dr. Bambang Susantono, Chairman of ID New Capital City Authority
10. Arkhom Termpittayapaisith, Minister of Thailand
11. Jaime Bautista, Philippine Secretary of Transportation
12. Arsjad Rasjid, Chairman, KADIN
13. Tony Blair, Executive Chairman, Tony Blair Institute for Global Change
14. Dolf van den Brink, CEO, Heineken
15. Rachel Lord, Head of Asia, BlackRock, one of the largest investment firms in the world.
Speaker Martin Romualdez, who was present during the dinner, said "everyone was excited about the Philippine recovery story and agreed that it is the future investor haven for western capital."

Nakarating na sa bansa ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa matagumpay na paglahok ng Pilipinas sa World Economic Forum 2023 sa Davos, Switzerland.
Sa kanyang talumpati, kumpiyansa si PBBM na ang mga isinagawang pulong at dayalogo tungkol sa katayuan ng Pilipinas sa napapanahong mga isyu ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa bansa. Siniguro niya na pagbubutihin ang nasimulang mga talakayan at patuloy na magsisikap hanggang sa makamit ang resulta ng mga ito.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panayam ng Philippine media ang kahalagahan ng Philippine delegation, kabilang ang mga miyembro ng gabinete at mga mambabatas para maayos na maipahatid ang mga interes ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) 2023.
Kaugnay din ng kanyang pagdalo sa WEF, ipinahayag din ni PBBM ang kanyang pananaw sa panukalang Maharlika sovereign fund na ipinakita na rin sa forum. Ayon sa Pangulo, nasa proseso na ang mga mambabatas para i-disenyo ang sovereign wealth fund ayon sa pangangailangan ng bansa.

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Filipino community sa Zurich, Switzerland ang tagumpay ng kanyang pagdalo sa 2023 World Economic Forum kung saan ipinagmalaki maging ng ibang kinatawan sa WEF ang kakayahan at kasipagan ng mga Pilipino lalo na ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Pinasalamatan ni PBBM ang humigit-kumulang 14,000 na Pilipino sa Switzerland sa kanilang mga naitutulong sa ating bansa at siniguro rin ng Pangulo ang patuloy na pagpapabuti ng kalagayan ng bawat OFW at kanilang mga pamilya sa tulong ng Department of Migrant of Workers.

Binigyang-diin ng economic team ang partisipasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2023 World Economic Forum (WEF) para ibahagi ang katayuan ng Pilipinas sa buong mundo. Ayon sa economic team ng bansa, epektibo ang pagbabahagi ni PBBM sa forum ng interes ng bansa sa mga negosyante at kapwa world leaders kasunod ng pagpapahayag ng ilang investors na mamuhunan sa Pilipinas, partikular sa sektor ng pagmimina, transportasyon, logistics hubs, at sa operasyon ng micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) Korea Night 2023 bilang suporta sa South Korea na siyang nagpakita ng interes na pangunahan ang 2030 World Expo. Ang World Expo ay isang pandaigdigang pagtitipon na layuning bigyan ng solusyon ang mga kinakaharap na problema at hamon ng mundo. Ginaganap ito minsan sa limang taon, kung saan pinakikita ng iba’t ibang kalahok ang kani-kanilang kultura, industriya, at teknolohiya.

Logistics company DP World on Wednesday committed to expanding its operations in the Philippines and eyes to set up an industrial park in Clarkfield in Pampanga, following a meeting with President Ferdinand R. Marcos Jr. on the sidelines of the World Economic Forum (WEF) in Switzerland.

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said setting up a Philippine sovereign wealth fund is a “good idea” to leverage government assets and pursue big-ticket infrastructure projects, particularly in energy and agriculture.

President Ferdinand R. Marcos Jr. suggested Wednesday key steps that should be taken so that nations can attain nutrition security, and these include boosting agricultural and fishery productivity, improving logistics systems and changing people’s lifestyles.

Binuksan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang talumpati, ang High-Level Dialogue on Investing in Infrastructure for Resilience ng World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland nitong Miyerkules. Ibinahagi ni PBBM na prayoridad ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga imprastruktura at proyektong climate-resilient sa pamamagitan ng programang ‘Build, Better, More’. Siyam na porsyento ng national budget ang inilaan dito para mabawasan ang epekto ng kalamidad at sakuna na haharapin ng bansa. Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng public-private partnership na kaisa ng pamahalaan sa pagsasakatuparan ng mga proyektong ito.