Photos

Unang nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Miyerkules, Enero 4, kay Mr. Li Zhashu, Chairman ng Standing Committee of the National People’s Congress, sa Great Hall of the People sa Beijing, bilang bahagi ng kanyang state visit sa China. Ipinahayag ni PBBM ang matagal na pagtutulungan ng Pilipinas at China bago pa man ang pormal na pagsisimula ng diplomatic relations noong 1975. Siniguro rin niya ang pagpapatuloy nito maging sa ibang aspeto ng kooperasyon lalo na ngayong bumabangon ang mga ekonomiya mula sa pandemya.

Mainit na sinalubong ng pamahalaan ng People's Republic of China sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos, at iba pang miyembro ng delegasyon ng Pilipinas sa Beijing Capital International Airport.

President Ferdinand R. Marcos Jr. eyes strengthening strategic cooperation with China as he visits the Philippines’ giant Asian neighbor, vowing to pursue initiatives in key areas such as agriculture, energy, infrastructure, as well as trade and investment.