Ang pinunta ko rito, isa na ‘yun nga ‘yung makipag-usap sa mga investor pero ang isang mas mas malaking objective ko nga eh makapag-exchange ng ideas kung papaano halimbawa tutulungan ang mga maliliit na negosyo, ‘yung mga tinatawag nating MSME, papaano ang — ano ba ang strategy natin? New industrial strategy in the face of the big changes sa mga nangyayari ngayon sa ating kapaligiran.
‘Yun ang mga — ‘yung mga matutunan kong puntos doon, ‘yun ang makakatulong naman pagbalik ko sa Pilipinas, maiayos natin ‘yung takbo ng DTI at ng buong pamahalaan na rin para ma-achieve natin ‘yung goal natin na economic growth.
So mayroong specific investment, mayroon din naman more at the level ng knowledge ano and networking, connection, oo.
Ang DTI ay nandito para tulungan na lumago ang mga negosyo mula sa maliit na microenterprises hanggang sa mga higanteng industriya at nandito kami para ayusin ang environment, ‘yung tinatawag na mga regulasyon, at mga iba pang patakaran na susundin ng mga negosyo at magbigay din ng tulong diretso kamukha ng financing para sa mga maliliit na negosyo.
At nandito kami para proteksyunan din ang mga consumer para hindi sila naloloko ng mga komersyante. So ‘yun ang ginagawa ng DTI, ‘yun ang patuloy nating palalakasin pa at gawing epektibo ang trabaho ng DTI.
— END —
SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)