Interview

Interview with Senator Mark Villar

Location Davos, Switzerland

Galing po ako sa dialogue kahapon at masasabi ko na marami po nagiging interested. Marami pong interesado sa Pilipinas at siyempre po sa wealth fund dahil ito ay isang pondo na nakikita nila na magagamit natin para lalong bumilis ang development ng ating bansa and of course as investors gusto rin nilang makita na active tayo sa infrastructure at sa mga products or funds that can help the government.

Ito pong wealth fund nakaka-generate ng income, so hindi po ito cost. Ito po ay isang investment at mayroon po tayong mga assets, nakaka-generate din ng government ng income pero hindi nama-maximize ‘yung income. So through the wealth fund, magkakaroon ng additional income and fiscally mag-i-improve ‘yung fiscal situation ng ating bansa.

At siyempre po, kagandahan po ng wealth fund, naka-allocate po ‘yung income ng wealth fund para sa benefit ng ating mga kababayan. So for social projects na makakatulong sa mga mahihirap.

So lahat po magbe-benefit at makaka-generate ng wealth or ng income para sa Pilipinas.

Asahan niyo po na lalong dadami po ang investments sa ating bansa. Walang tigil po ang pagta-trabaho ni President Bongbong Marcos dito sa Davos at sunod-sunod po ‘yung mga meetings niya para magkaroon po ng additional investment sa ating bansa. At pag nagkaroon po ng additional investment, siyempre po dadami po ang opportunities sa ating bansa, dadami po ‘yung job opportunities sa ating bansa at lalong aasenso ang ating ekonomiya.