Thank you very much to our good governor, Governor Gwen Garcia for her really very kind and most touching words. Lagi akong nag-aalala… [Oh, please sit down.] Lagi akong nag-aalala ‘pag nauna sa akin si Gov. Gwen magsalita ay mahirap sundan mag-speech si Gov. Gwen. Sanay naman akong magtalumpati pero mahirap sabayan si Gov. Gwen at kaya nga and I’m reminded once again why that is. And she has reminded us…
She reminded me as we walked in ito pala ang una kong bisita sa Cebu mula noong eleksyon. Kaya’t ito na ang pinakauna kong pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng Cebuano sa inyong tulong, sa inyong suporta na ibinigay sa amin noong nakaraang halalan, kami ni Inday Sara. At tama ‘yung sinasabi ni Gov. Gwen totoo nga, it was history making and you were part of that history. And for that, I will always be grateful for the rest of my life. [applause]
Kaya naman ay niluklok ninyo ako sa napakataas na posisyon kaya’t ginagawa naman natin ang lahat ay para naman tayo ay mas maging maginhawa nang kaunti ang mga buhay dahil alam naman natin dumadaan pa rin tayo sa krisis, nagtataasan ang presyo ng lahat ng bilihin. Kaya naman ay binalikan namin ang dating project na Kadiwa.
At sinimulan namin dito — ang dati ang nagsimula nito ay ‘yung Kadiwa ng Pasko. Gumawa kami ng Kadiwa para noong Christmas season. Iyon lamang ay napuna namin ay napaka popular at gustong-gusto ng tao dahil nga naman ay may bilihin na mas mura kaysa sa makukuha sa labas.
Ang sistema naming ginawa rito kung papaano namin nagawa nang mas mura ay dahil diretso galing na ito sa farmers. Halimbawa, ‘yung mga agricultural produce ay sila diretso na silang pumupunta rito. Kung kailangan nilang magdala ng kanilang mga ipagbibili ay tutulungan namin at hindi na kailangang magbayad ang ating mga farmers kaya nakakamura tayo.
Kaya’t noong habang tumagal ang panahon tapos na ‘yung Pasko ay sabi ko dapat naman siguro ay patuloy na natin. Kaya’t naging Kadiwa ng Pangulo na ngayon ay sinimulan natin dito sa Cebu. [applause]
Bukod sa pag-market ng mga agricultural products, ng bigas, ng asukal, ng mga gulay ay ito rin ay binibigyan natin ng pagkakataon. Akala ninyo noong kampanya sinisigaw namin kailangan nating tulungan ang mga MSMEs, ‘yung ating micro, small, and medium-scale enterprises, ang MSMEs, kayo doon. Kaya’t binigyan natin ng pagkakataon ang ating MSMEs na mayroon ngayong merkado, mayroon ngayong palengke para sa kanilang mga produkto.
At nakikita ko naman maganda talaga ang mga ginagawa at marurunong naman talaga ang mga Pinoy na gumawa. Iyon na nga mayroong value added doon hindi lamang ‘yung produkto lamang kung hindi ginagawan ng kaunting processing, ginagawa nang kaunting packaging para maganda namang tingnan, madaling maibenta. Kaya naman nakikita ninyo napakaganda at mayroon tayong hindi lamang para sa agricultural products kung ‘di pati para sa mga produkto ng ating mga MSMEs.
At I was very impressed noong nakita ko ‘yung sa — ‘yung dinaanan ko ‘yung ating mga MSMEs, ‘yung ating mga nagtitinda rito ngayon at napakaganda nga ng produkto nila. Ayaw ko lang – nasira ‘yung diet ko doon sa ano, binigyan ako ng danggit, binibigyan ako ng chicharon. Ang problema nito kakainin ko lahat mamaya. Pero isasabay ko sa lechon [laughter] na siguradong may handa mamaya.
Ngunit ito po ay ipapagpatuloy – hindi lamang po sa Cebu ito. Sa buong Pilipinas natin ginagawa. [Nakailan na tayo? How many areas have we already…?] Mas mara – labis na sa 500 ang Kadiwa na aming ginagawa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
At ito naman ay para makapagbigay tayo ng pagkakataon na para sa ating mga consumers na makakita naman na affordable ‘yung medyo kaya ang presyo – ang presyuhan.
Nandito rin po ang ating Secretary of – ng DOLE, ng Department of Labor and Employment, nandito po siya dahil gagawa pa kami ng Kadiwa para sa Manggagawa dahil talagang nakatutok para sa ating mga mangagagawa [applause] para sila din ay magkaroon ng pagkakataon.
Kaya’t ‘yan ang binubuo natin. Ito ay malaking pagsasama ito kasama nandito si Secretary Fred Pascual, nandito si DTI, sila talaga ay aming ka-partner dito. Siyempre ang Department of Agriculture ay nandito rin at kasama din dito sa ating programa na ito.
At patuloy po aming gagawin ito – patuloy naming gagawin, padadamihin, palalakihin natin, at pararamihin natin, mas importante ay paramihin lalo na sa mga lugar na talagang hirap ang tao at hindi pa kaya ang mga presyuhan kung nasa palengke.
Kaya’t ito na ang aming sagot doon sa nagiging krisis dito sa ating pagkain, sa ating pagtaas ng presyo. Ipagpatuloy po natin ito at para naman ang ating mga kababayan ay hindi na masyadong naghihirap at dahan-dahan mararamdaman tayo ‘yung sinasa – ‘yung sinisigaw natin na sama-sama tayong babangon muli, kasama ito doon sa ating pagbangon.
Maraming salamat sa inyong lahat. [applause] Magandang umaga sa inyong lahat and thank you to you all.
— END —
SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)