TED:
Hello, Sec. Good morning po, sir.
SEC. ABELLA:
Good morning, Ted. Sorry Ted kanina dahil iyong linya natin kanina…
TED:
Thank you for the time. I know you are so busy. Sec., dito lang po sa Memorandum Circular No. 4. Napansin ko lang po, iyong iba may iba-ibang interpretasyon. Ano ho ba ho talaga, sir iyong sakop nito at iyong exempted, sir?
SEC. ABELLA:
Well, iyong katulad ng sinasabi kasi, kasi usually ang directly affected iyong mga bagong appointed na cabinet secretary, undersecretary at saka mga asec, ano. Hindi po ito nagre-refer sa kanila iyong mga newly appointed ones. Hindi rin po kasama diyan iyong mga opisyal ng executive department tulad ng sa state university, mga government-owned corporation, hindi po kasali iyan. Iyong mga key officials na may civil service na tinatawag na may tenure, hindi po kasali; iyon pong judiciary hindi po kasali iyan. Iyong opisyal na created by virtue of the constitution, katulad nung Constitutional Commission, Ombudsman, hindi po kasali iyan. Iyon po iyong mga appointed n hindi pa napoproseso, hindi po kasali iyan. Ang ano po siguro, hello Ted.
TED:
Go ahead po, go ahead, we’re listening, sir.
SEC. ABELLA:
I think the one, if you have a copy of the memorandum circular, Ted iyong No. 04. Ang mahalaga po siguro iyong number 8. Iyong number 8 na nagsasabi, all government officials and employees particularly those in offices performing regulatory, investigatory, adjucatory and licensing function – whether appointed by the President or not, or includings officials and employees and local government units. Ito po ang basically kasi po, dapat silang magkaroon ng heads-up talaga ano, lalo na po kasi…the courtesy resignation is really referring to continuous corruption, continued unethical practice sa kani-kanila pong mga ahensiya. So kumbaga iyong panibago, hindi pa po, pero basically… in a sense, it refers to all those appointees na kumbaga iyong tinatawag nating usually holdover na from past administration po.
TED:
So para po mas ano po. So if I can help you explain ano ho kung tama itong aking pagkakaintindi para maintindihan po, kasi marami nga po ang…may mga hindi maintindihan masyado eh. Ang lahat po ng cabinet secretaries, asec, usec, mga bagong appoint po sa panahon po ninyo ngayon, hindi kasali iyan.
SEC. ABELLA:
Hindi kasali iyan.
TED:
GOCC, state colleges, universities, hindi po kasali iyan.
SEC. ABELLA:
Hindi po kasali iyon.
TED:
GOCC, meaning Pagcor, sample po niyan, hindi kasali.
SEC. ABELLA:
Opo. Government-Owned and -Controlled, opo.
TED:
Hindi rin po kasali nga itong mga supposed to be po nasa batas po, iyong mga constitutional na mga body, Comelec, Ombudsman, Civil Service, hindi kasali iyan.
SEC. ABELLA:
Opo.
TED:
Okay may binanggit po kayo, sir na iyong mga bagong appoint din sa panahon po ng Pangulong Digong na hindi po… o kumbaga, sir, ano, kumbaga, kung hindi—expressio unius est exclusio alterius – kung hindi ka kasama doon sa mga sinabi, kasama ka. You know what I am saying?
SEC. ABELLA:
Ganito po, I think there were two agencies that were referred to doon. Ano po sila, they need to report and makipag-ugnayan po sila either sa Presidente o sa ES para po mag-clarify ng mga certain issues referring to the agency.
TED:
So ito sabi ho ninyo, ang hindi po nabanggit—papano iyong mga…kung departamento, Finance department for example nasa kanya iyong bureau ng BIR at Customs, papano po iyon?
SEC. ABELLA:
Okay, well basta’t ang ano po, iyong mga secretaries ho, all the way down, sila po dapat ang tumingin sa kanilang sariling ahensiya. Pero technically wala pong pinapabakante diyan except kung—pero kung appointee ka from that ano…na hindi ka bagong appointee at nandiyan ka pa rin, you need to submit a courtesy resignation.
TED:
Opo. So kung ikaw ay panahon ni Ginoong Aquino na-appoint diyan at ikaw ay presidential appointee, wala pang pumapalit sa iyo, mag-courtesy resignation ka na.
SEC. ABELLA:
Opo.
TED:
Akin na po babalikan, in the case po of Commissioner Faeldon o kaya sa BIR ngayon, si Ginoong Dulay sila po ay dapat manatili sa puwesto?
SEC. ABELLA:
Opo, they can stay there; they’ll stay there.
TED:
Okay. Dito po sa LTO at saka LTFRB, iba ho ito? Kasi mayroon pong sinasabi ang Pangulo dito, tama po ba?
SEC. ABELLA:
Opo. Ang napansin po kasi talaga niya is, basically, it seems there are still reports of unethical practices within po. Dapat po iyong mga heads diyan should (unclear)— binibigyan sila ng heads-up ng Presidente ngayon na tumingin kayo diyan sa ano ninyo, sa mga ahensiya ninyo.
TED:
Example din po, sabi ho ninyo, mga regulatory bodies, Toll Regulatory Board o kaya National Telecommunications Commission itong mga na-appoint na po ng Presidente.
SEC. ABELLA:
Opo, opo. So ito sila, binibigyan pansin lang po—basta ang the idea is, those who are being given heads-up ay iyong mga nasa regulatory board, mga licensing operations, iyon po ang dapat, kumbaga, binibigyan…they’re being reminded, kumbaga. This is a heads-up ‘no, this is a reminder that they should look after their own areas of responsibility po.
TED:
But they do not have to, again, submit mga—
SEC. ABELLA:
No. Newly appointed ones do not need to submit. But those who are holdovers need to submit.
TED:
I see. ‘Yun maliwanag. So kung kayo po ay na-appoint, example, Toll Regulatory Board, sa Games and Amusement Board — si Baham Mitra; sa TRB; dito sa NTC. Diyan lang kayo pero I’m watching you. Tama ano ho? Parang ganoon po, Sec, ano? Sa simpleng pagkakaunawa, heads-up iyan na kayong mga regulators, ayusin ninyo ang trabaho n’yo. Ganoon po iyon?
SEC. ABELLA:
‘Yun (Laughs). Kumbaga iyong ano, make sure that maayos. Iyon po iyon.
TED:
Maayos. Pero ito ‘no, matanong ko lang po kayo, Secretary Ernie, actually, in fairness naman ‘no na kapag nag-appoint ka ng bago, iyong bago [ay] matino, mahusay pero ang problema niya iyong career eh. Usually, iyong nasa ibaba ang usually ang problema din diyan. Kasi kapag po diyan na tumanda iyan, ‘di ba, diyan na tumanda na iyan tapos talagang … tapos kawawa naman po iyong in-appoint na hepe kasi nga hindi niya naman kilala itong mga ito pero kumakana pa rin eh. Nabibiktima tuloy iyong hepe.
SEC. ABELLA:
Okay, ganito iyan ‘no, kumbaga mga career, although they are not asked to submit ‘no, that does not (unclear) from being looked into also. Kumbaga, that way, importante na iyong (unclear)
TED:
Hello, sir? Medyo tayo po ay nagtsa-choppy na, sir. Can you say that again please?
SEC. ABELLA:
Kumbaga po, it is very important… although they are not being asked to ano kasi kunwari tenured ka, so kumbaga secure ka sa posisyon mo, that does not exempt you from being (unclear) either. Kumbaga, you still come under the area of responsibility of the appointed secretary or appointed head.
TED:
Oo. Kumbaga, you know, dapat ay command responsibility din po ‘no doon sa iyong hinahawakang opisina.
Okay, Secretary Ernie, mukha pong ito yata ay ano mas klaro na ho ngayon, sir, ito pong ating—
SEC. ABELLA:
Sana naman nakatulong.
TED:
Hindi ho, sir, really, klaro na ho ito – very, very clear. And I’ll try to echo ito hong ating pinag-usapan mamaya-maya nang konti.
SEC. ABELLA:
Okay, thank you.
TED:
Mabuhay, sir. Thank you. |