August 17, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
GMA-7 – Unang Hirit by Arnold Clavio |
17 August 2016 |
CLAVIO: Ano na ba ang mga nagawa ni Presidente sa limampung araw niya sa puwesto?
SEC. ANDANAR: Iyong number one diyan, Igan, iyong more than 600,000 who presented themselves na either drug dependent or drug pusher – iyon ang number one diyan, Igan. At iyong pangalawa para sa akin ay iyong pagpirma ni Presidente doon sa Executive Order ng Freedom of Information after almost 30 years na nakabinbin sa Kongreso ‘no. Of course, nandiyan din iyong emergency hotline 911 o 8888 pero bagama’t marami pa tayong dapat plantsahin diyan. Marami pang iba, Igan. Nandiyan din iyong … two days ago nasa Malaysia po kami, iyong pag-resume po ng talks between the MILF at ng government, Igan, ito pong implementasyon ng Bangsamoro Peace Agreement. CLAVIO: Doon sa giyera kontra droga, masasabi ba natin na ligtas na ang ating lipunan ngayon kasi kapag kinumpara iyong pagbaba ng krimen sa pagtaas naman ng kaso ng homicide, Secretary? SEC. ANDANAR: Opo, actually, that’s already … that’s expected already na tataas talaga iyong homicide at iyong kaso ng murder dahil nga, alam naman natin, transparent naman lahat. And meron na po tayong more than one thousand na namamatay dahil po diyan sa giyera kontra droga. Kaya ano po, masabi po natin na matagal na hong sinasabi ni Presidente ito mula kampanya pa na ito ay magiging madugo, at alam naman natin na wala namang giyera na wala pong casualties. CLAVIO: May bagong listahan ng mga pulitikong sangkot sa droga, kailan ito ihahayag sa publiko, Secretary? SEC. ANDANAR: Ito po ay nabalitaan ko rin, dahil nga tayo ay nasa Kuala Lumpur at iyong meeting pong nangyari noong Lunes po. At alam naman natin na simula’t sapol ay marami na pong listahan … marami na pong pangalan na hindi po talaga lumutang doon sa announcement ni Presidente na nabanggit niya po noong mga nakaraang Cabinet meetings, kaya hindi po ako nagtataka. Sa araw po o sa petsa na ia-announce ni Presidente—ayaw ko pong i-preempt ang Presidente pero siguradong pong ia-announce niya po ito … nabanggit niya po ito sa mga meetings tulad ng mga Cabinet meeting at iyong meeting niya po kasama iyong mga senador at congressman. CLAVIO: Isa sa pinakamainit ding hinaharap ngayon ni Pangulo ay iyong pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Wala pa ring pagbabago sa isip ng Pangulo kahit na nagpunta na sa Korte Suprema ang ilang tutol dito, Secretary? SEC. ANDANAR: Wala pa rin po, Igan. Alam naman natin din, para po sa kapakanan ng lahat po na nakikinig, nanunuod po ngayon na kahit noong eleksiyon po, ito po ay naging kasama sa plataporma ng Presidente. Ito po ay binanggit niya na ipapalibing niya si Presidente Marcos diyan po sa Libingan ng mga Bayani. At sa kabila noon ay nanalo pa rin po si Presidente Duterte. So iyong policy niya po stays the same dahil po the majority voted for him and the majority assumingly believes in his platforms. Pero ganito po iyon, depende po sa—of course, you know, only God can tell kung ano po iyong mangyayari doon sa Korte Suprema. Alamin po natin at antayin po natin kung ano ang magiging resulta doon sa petisyon po na sinumite ng mga anti-Marcos. CLAVIO: Secretary, ibang usapan kapag nag-isyu ng TRO eh, ano. SEC. ANDANAR: Opo, ibang usapan po iyon. Of course, tayo naman lahat ay tao lamang, I’m sure the President will also consider kung ano po iyong mga hakbang na ipapalabaas po ng Korte Suprema. CLAVIO: Huli na lang. Iyong artikulo ng Time Magazine. Hindi ko alam kung nakarating na rin sa inyo na sabi, ang administrasyong Duterte ay patunay daw na matagal nang may culture of impunity. Ibig sabihin eh, talagang nalulusutan niya o wala siyang pananagutan sa batas. SEC. ANDANAR: Well, siguro po, ang Time Magazine siguro gumawa rin sila ng kanilang imbestigasyon doon po sa mga drug lord, iyong mga sumurender po, iyong mga talagang nasa taas na po na mga echelons ng mga drug, itong drug trade na ito; hindi lang po iyong paghuhusga lang na iyong culture of impunity ay doon lang po sa mga nangamatay na mga tao po dahil sa operasyon. At kung pag-uusapan po iyong culture of impunity ay dapat po ang ating pagtuunan ng pansin ay iyon pong pinapatay sa labas po ng ating batas. CLAVIO: Okay, magkakaroon ba ng U0lat sa Bayan sa first 50 days si Pangulo? SEC. ANDANAR: Wala po iyan sa usapan namin, Igan. Wala po sa usapan iyan. Iyong first 50 days po, para sa kapakanan ng lahat, ito po ay documentary na inihanda po ng Presidential Communications Office na lalabas po sa Channel 4. At kung gusto n’yo po sa Channel 7, puwede po namin kayong bigyan ng kopya. At ito po lamang ay isang initiative ng Presidential Communications Office, at magkakaroon po kami ng launching sa Davao City, sa Ateneo de Davao, sa a-disiotso po. CLAVIO: Okay, maraming salamat sa oras ngayong umaga, Communications Secretary Martin Andanar. SEC. ANDANAR: Salamat, Igan. Mabuhay ka. |
SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |