Interview of Presidential Communications office Secretary Martin Andanar
By Albert Sebastian, Radyo ng Bayan – DZRB
21 August 2016

SEBASTIAN:
Ang ating mahal na Kalihim, Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar. Sir, good morning, and happy birthday sir.

SEC. ANDANAR:
Ay salamat Albert, naalala mo. Magpapadala ako ngayon diyan ngayon ng lechon.

SEBASTIAN:
Ay naku. Alright. (laughs).

SEC. ANDANAR:
Salamat. Good morning. Good morning sa lahat ng nakikinig dito sa programa mo Albert sa Radyo ng Bayan. Sorry, nasa bahay kasi ako. Mabuhay po tayong lahat.

SEBASTIAN:
Alright, getting straight to the questions, sir, mula po kay Giovanni ng Philippine Star. Follow up lang daw niya iyong FOI, kung mayroon na po ba ng IRR.

SEC. ANDANAR:
Oo. Iyong sa Freedom of Information Executive Order, tayo po ang naatasan ng Executive Secretary para gawin po iyong Freedom of Information manual template, at iyong manual template na iyon ay tapos na po. Na-finalize po namin noong Biyernes, at sa Lunes po ay papadala namin sa lahat ng mga ahensiya.

Ngayon, iyong exceptions na manggagaling doon sa Office of the Solicitor General at sa DOJ ay ine-expect po naming maipadala sa opisina ngayong August 27 or 28. Pero Sabado, Linggo iyon so mga August 29. And then after that, if I’m not mistaken, nakasulat po doon sa calendar ko ay iyong final, iyong implementing rules po nito ay nasa buwan po ng Nobyembre.

SEBASTIAN:
Alright, okay. Another question from Ted Tuvera, ang question niya, you mentioned daw yesterday, sir, that President Duterte will announce charges against the earlier named PNP narco-generals. Are we expecting them to file cases against Senator De Lima?

SEC. ANDANAR:
Well kasi, unahin muna natin iyong doon sa narco-generals ‘no, at marami pa kasing na-announce ang ating Pangulo na mga local government unit chief executives. So, unahin natin—iyong una, iyong narco-generals, so mayroon pong mga dalawa o tatlo ang mapa-file-an po ng kaso bukas. Pero ayoko pong pangunahan ang ating Kalihim ng Department of Interior and Local Government dahil ito po ang kaniyang trabaho. Pagkatapos po noon ay ano, sunud-sunod na po iyan – iyong mga mayor na nakitaan po ng sapat na ebidensiya na kailangan talagang kasuhan.

SEBASTIAN:
Alright. Okay, another question from Ted pa rin. Sabi niya: “How do we classify President Rodrigo Roa Duterte’s statement to leave the UN? Is it serious or is it one of those preposterous statements that he is accordingly making?”

SEC. ANDANAR:
I will have to ask the President about it. Kasi I understand sinabi po ito ni Presidente kagabi sa kaniyang press con po doon sa Panacan. So bukas po, mayroong Cabinet meeting tatanungin ko po si Presidente.

SEBASTIAN:
Alright, and follow up po. “How does such statement reflect the administration’s foreign policy? Does it contradict he’s being transparent leader?”

SEC. ANDANAR:
Anong statement po?

SEBASTIAN:
Iyong tungkol daw po sa UN.

SEC. ANDANAR:
Well you know, lahat naman ng mga sinasabi ng ating Pangulo ay—sabi nga nila, everytime the President said something, it’s a policy-statement hindi ho ba? Pero I don’t see anything ano ha… I do not see anything contradicting our foreign policy. Kasi sa atin naman—ang foreign policy po naman dito sa atin eh, tayo’y makikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga bansa. Now, we have our multi-lateral agreements with other countries, we have our bilateral agreements, we still [respect] our contracts with other nations, our allies. So, so far wala po naman tayong nilalabag.

SEBASTIAN:
Alright, some more questions sir. About the Presidential appointees daw, “Is it limited to the offices under the Executive Branch and does it cover even those with a term of office?”

SEC. ANDANAR:
Hindi ko tiyak kung kasama, kasi mayroong mga constitutional bodies ‘no, mayroong ganoon ‘di ba? Mayroon din iyong mga opisina na may termino, pero maliwanag po sa sinabi ng ating Pangulo na lahat po ng mga appointive positions ‘no. So, kaklaruhin po natin iyan sa ating Presidential Legal Adviser, Secretary Sal Panelo, at klaruhin po natin iyan sa ating mga kasamahan na mga abogado, at kay Executive Secretary Medialdea.

SEBASTIAN:
Yes, sir. Are the Cabinet secretaries also affected daw, sir.

SEC. ANDANAR:
Well, ang sinabi po ni Presidente hindi po kasama iyong mga Cabinet secretaries dahil mga bago lang po ang mga Cabinet secretaries na appointed.

SEBASTIAN:
Sir, another question: “May we ask po what legislative measures were raised during his meeting with Congress last night? Who were present in the meeting?”

SEC. ANDANAR:
Pasensiya po, hindi po ako kasama sa meeting kagabi dahil nasa Maynila po ako. Hindi ko masasagot iyan tanong na iyan.

SEBASTIAN:
Alright. Okay, “When will the next drug list be released?”

SEC. ANDANAR:
Hindi ko rin po alam kung kailan ire-release ng Pangulo, pero ang alam ko lang po ay mayroon na po siyang bagong listahan.

SEBASTIAN:
And, “Any final date on the Malaysian trip of President Duterte?”

SEC. ANDANAR:
Wala pang final na petsa, Albert. In fact, iyong aming rekomendasyon nga na August 23 to 30 eh mukhang hindi po masusunod ‘no. Pero bukas, huwag po kayong mag-alala, aalamin ko po sa Pangulo ang final date ng kaniyang biyahe. Kung siya pa ba’y dadaan sa iba pang ASEAN countries bago po iyong Lao na activity, noong ASEAN activity – turnover of chairmanship or gagawin po ba ng ating Pangulo ang kaniyang pagbiyahe after po ng Lao. So, we’ll find out.

SEBASTIAN:
Alright. Question po from Marlon Ramos, ang tanong niya: “How does the government intend to implement the President’s order declaring vacant all appointive positions in the bureaucracy? Would it hamper the delivery of government services to the people?”

SEC. ANDANAR:
Sa palagay ko naman Marlon, ang ating byurokrasya ay malakas po naman, eh nakatayo po naman ang byurokrasya kahit po wala iyong mga pinuno. Mayroon namang mga deputy, mayroon naman tayong mga career officers, so wala hong problema, tatakbo po ang ating gobyerno.

SEBASTIAN:
Follow up niya sir: “How will the Duterter administration vet the persons who will replace them?”

SEC. ANDANAR:
Lahat naman ng mga appointees ni Presidente Duterte ay dumadaan sa screening committee ‘no. Kami po sa Gabinete, dumaan kami sa screening committee maging iyong mga deputies po namin, iyong mga Asecs at all the way pababa ‘no. Lahat po’y bine-vet iyan nang maayos ng PMS at ng opisina po ni Sec. Bong Go, at pagdating po naman sa—bago po makarating sa kanila iyong pangalan ay na-vet na sa level po namin, sa mga Secretaries. Kaya ganoon pa rin po, ganoon pa rin iyong proseso.

SEBASTIAN:
Alright. Follow up din niya: “Does the President detest criticisms and opposition regarding his policies?”

SEC. ANDANAR:
No, I don’t think so. Hindi naman niya dine-detest iyong mga criticisms sa mga polisiya ng ating Pangulo. Ang ayaw lang po ng ating Pangulo, ay iyong mga tanong o iyong mga kritisismo na halatang-halata naman ay may pre-conceived notion na, na talagang ayaw noong tao na iyon doon sa polisiya ng ating Pangulo.

So the President a straight-talker, he doesn’t beat around the bush. He just goes straight to the point and he’s a very pragmatic President.

SEBASTIAN:
Alright. Sabi rin po ni Marlon, happy birthday daw po sir.

SEC. ANDANAR:
Ay salamat, Marlon. Iyong handa bukas na lang sa opisina.

SEBASTIAN:
Sir, question po from Leo Palo. Ang tanong niya: “President Rodrigo Roa Duterte said that he will revisit the Napoles case. Who will open the case, and who will initiate the reopening of the investigation?”

SEC. ANDANAR:
Okay. Leo, good morning. Malamang ay ang Department of Justice siguro.

SEBASTIAN:
Alright. Another follow up from Marlon. Sabi niya, comment lang daw po sa statement ni Senator De Lima that President Duterte will lose face regarding his claim linking her to illegal drugs.

SEC. ANDANAR:
Iyon naman ay opinyon ni Senator Leila De Lima, nirerespeto po natin ang kaniyang opinyo. Siya ay isang abogada, siya ay isang senadora at mayroon siyang mga alam siguro na hindi natin alam. Pero ang masasabi ko lang po, ay ang ating Pangulo ay mayroon siyang ebidensiya na hawak na siya lang ang mayroong access noon. Tapos, tignan na lang natin, let’s cross the bridge when we get there.

SEBASTIAN:
Alright. Sir, wala na tayong natatanggap na tanong. If there are any more statements na maipapahayag ninyo po para sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR:
Well, ang statement ko lang po ay maraming salamat sa mga sumuporta sa ating Pangulo at nanood po ng 50 First Days po na ating dokumentaryo sa Channel 4 at naka-live din po sa Radyo ng Bayan. Sana patuloy nating suportahan ang ating Presidente sa kaniyang mga programa sa mga susunod na limampung araw pa para mayroon tayong magandang report ulit para sa next—sa first 100 days ng ating Presidente. Patuloy po ang inyong Gabinete na magtatrabaho para sa taongbayan, at rest assured ‘no kung mayroon po kayong mga reklamo ay idiretso—puwede ninyo po ng idulog. Idiretso ninyo po sa Radyo ng Bayan or sa PTV, makakarating po sa opisina ng Presidential Communications Office Secretary.

Na mayroon din po tayong mga—alam ko po na marami din po sa inyo ang nawawalan po ng pasensiya sa mga ibang (signal disrupted) na inaayos pa natin tulad ng 8888 at 911, at kausap na natin ang mga Kalihim na in-charge dito. Lahat po ng mga proyekto na medyo nagkakaroon ng adjustments ay ito ay bahagi ng ating pagpapatakbo ng gobyerno, at bahagi din po ng ating misyon para mas mapaayos itong lahat ng mga proyekto ng gobyerno at lahat ng mga initiatives at innovations sa ating gobyerno.

Maraming salamat po, mabuhay ang Radyo ng Bayan.

SEBASTIAN:
Sir, Secretary may pahabol po si Leo Palo, sir. Ang pahabol niya: “Once and for all, any statement about the two newly appointed na inirereklamo ng mga regular employees sa Malacañang?”

SEC. ANDANAR:
Ito po ba iyong sa News and Information Bureau?

SEBASTIAN:

Ah, hindi naman po minention ni Leo, sir, pero iyon daw pong inirereklamo ng mga regular employees sa Malacañang.

SEC. ANDANAR:
Pakitanong kay Leo kung ito iyong—kasi mahirap magkomento ‘pag hindi klaro iyong tanong.

SEBASTIAN:

Ah, alright. Follow din ni Marlon: “Wala bang malalabag na batas kung aalisin lahat ng appointed officials all at once?”

SEC. ANDANAR:
Wala naman. Lahat naman sila appointed, siguro puwera na lang doon sa mayroong term ‘no, na mga appointments ‘no. Pero iyong mga appointments na… you know, they serve at the pleasure of the President. Of course, they just have to live with it – that to work cleanly and really put a stop to corruption. It’s about time, nakakaawa na po ang bayan natin.

SEBASTIAN:
Sir, kinonfirm (confirm) ni Leo Palo, “yes” daw po. Iyon ang kaniyang…

SEC. ANDANAR:
Nagkaroon tayo ng isang imbestigasyon noong Biyernes, Leo, noong lumabas na ito sa media, iyong mga nagreklamo po na isang Jane Doe, kasi hindi naman nagpakilala ‘no. At miniting (meeting) ho ito kaagad ng ating Undersecretary Enrique Tandan. Noong nagkaroon po ng meeting ay napagdesisyunan ng inyong lingkod at ni Usec. Tandan na ilipat na iyong Presidential News Desk, directly reporting to the Office of the Secretary at sa opisina po ni Undersecretary Enrique Tandan. Kaya, lahat po ay naaksiyunan kaagad at ganoon po tayo magtrabaho sa PCO ‘no, hindi po natin pinapatagal itong mga ganitong klaseng reklamo dahil nakakabagal lang ho ito sa takbo ng ating gobyerno, at sa pag-usad po ng ating gobyerno at yung panawagan po nating pagbabago, ayaw po nating mag-slowdown.

SEBASTIAN:
Alright. With that sir, marami pong salamat sa inyong oras na binigay sa bayan at maligayang kaarawan, sir.

SEC. ANDANAR:
Thank you Albert, mabuhay ka.

SEBASTIAN:
Alright. Thank you very much. Iyan po si PCO Secretary Martin Andanar.

———-

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)