August 22, 2016 – Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
All Ready by Orly Mercado – DWFM |
22 August 2016 |
MERCADO: Secretary Martin. Good morning. SEC. ANDANAR: Good morning, Ka Orly. Good morning sa lahat nang nakikinig po ng Orly All Ready at Radyo Singko. MERCADO: Okay. Pakibigyan mo nga kami ng ano, ano ba ang konteksto nitong sinasabi ni Presidente na sinisibak lahat ng mga presidential appointees of the past government na nandoon pa sa kanilang mga position effective today. SEC. ANDANAR: Oo, maglalabas po ang ating Executive Secretary Bingbong Medialdea ng isang order ngayong umaga na naglilinaw po nito, Ka Orly. Ang ibig pong sabihin nito ay lahat ng mga posisyon, appointive positions na nilagyan po ng mga … lider o iyong mga kawani po ng mga ahensiya na nalagyan ng mga heads noong nakaraang administrasyon. Pero mayroon din pong mga appointed positions ngayong bagong administrasyon Duterte ang ipinatawag … (LINE CUT) MERCADO: Kausap ko kanina si Assistant Secretary Edgar Galvante—nawala ang ating linya kay Martin. Okay, ito pinag-uusapan natin kung sino ang mga involved. Kasi hindi maliwanag eh. Katulad ni Galvante, he was appointed July 1st, kasama ba siya? Eh ini-specify iyon kaniyang agency. Tapos iyong iba, iyong LTFRB, ano ba iyong sitwasyon? Kapag sinabing lahat … all of your positions are considered vacated, even those who were appointed by the President, kasama po. Okay, Martin, you’re on the air. SEC. ANDANAR: Yes, iyong mga bagong appointees ng Presidente Duterte, hindi ho lahat kasama. (Unclear) … doon sa mga dapat mag-vacate ng posisyon ay iyong mga appointed po ng dating administrasyon. Ngayon, except for the two positions na talagang pinoint out (pointed out) ni Presidente Duterte, itong sa LTFRB at LTO, na napag-alaman ng ating Pangulo sa kaniyang pag-iikot sa mga probinsiya at sa mga rehiyon ay hanggang doon ay laganap pa rin ang katiwalian. MERCADO: Okay. SEC. ANDANAR: Iyon po, iyon po ang ibig sabihin noon. So maglalabas po si Executive Secretary Medialdea ngayong araw ng order po sa lahat ng executive agencies, lahat ng branches po ng Ehekutibo. MERCADO: Okay. So even those who were appointed by him, kung ang feeling niya ay they are not moving fast enough—ganoon ang impresyon ko eh. Ganoon ba iyon? SEC. ANDANR: Yes, sir. Yes, sir. So kung mayroong mga ahensiya na mayroong mga bagong appointees na hindi niya na po nagugustuhan ang takbo ng kanilang management ay ipapatawag ito ni Presidente. Ngayon, kung mapapansin ninyo po, Ka Orly, siguro marami kayong mga nakakausap din na marami pa pong mga posisyon na wala pang appointed ni Presidente (unclear) dahil nga sa sobrang istrikto ng vetting process ng selection committee. So iyon ho magiging dahilan kung bakit wala pa pong appointed. Although, kung nakikita ninyo po, mayroong mass oath taking si President Duterte halos every Monday o Tuesday. MERCADO: So talaga ang impresyon ko diyan, ‘Okay, you may be honest, you may be competent but are you fast enough, are you effective enough?’ At parang sa akin, ang impresyon ko, impatient siya eh. Ayaw niya ng mga nagtatagal, wala pang resulta. Ang gusto niya bakbakan kaagad. SEC. ANDANAR: Yes, lalung-lalo na iyong mga mayroong … iyong mga regulatory agencies— MERCADO: Na reportedly corrupt. SEC. ANDANAR: Yes, sir. Kasi itong mga regulatory agencies, ito iyong mga profit centers ng gobyerno eh. MERCADO: Customs, BIR, LTO, LTFRB. SEC. ANDANAR: Opo, opo. So kung mabagal po talaga iyong mga tao doon, iyong mga pinuno ay wala tayong magagawa, talagang tatawagin po ni Pangulo para mapabilis. Eh kasi iyon ang pangako ni Presidente sa mga botante noong siya ay nangangampaniya, so pinapatupad lamang po ng ating Pangulo ang kaniyang plataporma de gobyerno. MERCADO: Kaya iyong tutulog-tulog sa pansitan at ika’y kukupad-kupad, hindi ka puwede kay Duterte. Ganoon ba iyon? SEC. ANDANAR: Hindi puwede. Ang sabi nga ni Presidente, I’m already 71 years old, I’ve had my career. Eh wala na ho siyang pasensya sa mabagal dahil nakakaawa na ho talaga ang bayan natin. MERCADO: Hindi kasi talagang napakadali na … sabi niya, you know, you have to be a change agent, sa pagbabago. May mga authors na nagsasabi na, you know, for change to happen, you have to be disruptive. Kaya iyon talaga ang sinasabi, ang tawag doon ay ‘disruptive innovator’. Iyong guguluhin mo rin eh. Hindi mo puwedeng baguhin na ang babaguhin mo iyong mga kutsi-kutsi(?), iyong mga burloloy lang. Kinakailangan babaguhin mo talagang di-disrupt mo iyong ano, talagang yayanigin mo hanggang iyan ay mayanig tapos saka mo lang mapapalitan, hindi ba? SEC. ANDANAR: Iyon talaga. So iyon po ang ginagawa ng ating Presidente, dini-disrupt niya ho iyong buong sistema pati po iyong establishment, ano. MERCADO: Or else ang mangyayari, magkakaroon ka ng changes pero iyong pagbabago mo ay cosmetic, hindi ba? SEC. ANDANAR: Oo. MERCADO: Iyong pang-itsura lang. Tapos ang balik niyan, BSDU. Ano ang BSDU? Balik sa Dating Ugali. Pagkatapos noon, anim na taon na, nandoon pa rin iyong mga corrupt. (LINE CUT) Sila pa rin ang nag-aaring uri. Iyan ang mga mangyayari. Nawala nanaman? Okay, sige. Thank you very much, Secretary Andanar. I’m sorry … mobile yata siya. ## SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |