Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZRB – by Albert Sebastian
31 July 2016

SEBASTIAN:  Good morning, sir.

SEC. ANDANAR:  Good morning. Si Albert ba ‘to?

SEBASTIAN:  Yes, sir. Pasensiya na po for the late call. Anyway, may ilang questions lang po from Malacañang Press Corps. Ang tanong niya, doon po sa West Philippine Sea:  When will FVR go? What are the general orders?

SEC. ANDANAR:  Iyong sa West Philippine Sea, hinihintay natin ang desisyon ng ating Pangulo at hintayin din natin ang pagpapasya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. At ang alam ko, kasama po dito si dating Secretary Raffy Alunan ‘no. We will keep you posted.

SEBASTIAN:  All right. Question po mula kay Alexis Romero. Ang tanong niya: Hindi daw po ba parang double talk iyong ginagawa ng China na hindi raw gagamit ng force? Eh may reports na nag-warning shot ang barko nila sa West Philippine Sea.

SEC. ANDANAR:  Well, I cannot answer any topic with regard to the actions of China. Ito po ay ipinaubaya namin kay DFA Secretary Jun Yasay.

SEBASTIAN:  Yes, sir. Regarding din po doon sa Bagyong Karina, nananalasa na raw po sa Northern Luzon at ilang lugar sa Bicol. Naka-standby na po ba iyong ating mga government agencies para po tulungan iyong mga maaapektuhan po ng bagyo? Ano pong latest natin diyan?

SEC. ANDANAR:  Opo, kausap ko po dito si Undersecretary Ric Jalad ng NDRRMC at ang ating Department of Social Welfare and Development, at ang kanilang report ay naka-standby po naman iyong tulong na maibibigay po ng ating pamahalaan. Nandiyan po iyong stockpile ng mga family food packs diyan po sa may Region I. Mayroon po tayong halos tatlumpung libong food pack; at dito po naman sa Region XIII ‘no, mayroon tayong about 1,900 food packs.

Now, let me just read iyong update po mula sa NDRRMC: That Carina has maintained its strength and poses a threat to Cagayan area, estimated rainfall amount is from moderate to heavy within the 4-kilometer diameter of the tropical storm. Fisher folks are alerted against rough to very rough seas over the northern and eastern seaboards of Luzon. Areas under Signal No. 1 and 2, the rest of Central and Northern Luzon,  ating mga probinsiya po ng Quezon at Camarines Norte. And ay mayroon pong alerto against moderate to heavy rains which may trigger flash floods.

Location po ng mata ng Bagyo as of 7 a.m. ngayong araw na ito ay nasa east northeast of Casiguran, Aurora with strength of maximum sustained winds of up to about 85 kilometers per hour near the center, and gustiness of up to 1oo kilometer per hour. Galing po ito sa NDRRMC, at binasa ko lang po. Salamat.

SEBASTIAN:  All right. Sir, galing naman iyong question kay Efren Montano. Ang tanong lang po niya: Ano pong masasabi po ng Palasyo ng Malakanyang ukol daw po sa nahuling reservist na si Vhon Tanto? Murder case daw po ay malakas laban po doon sa akusado. So ano pong masasabi ukol dito, matutuluyan po ba iyong suspek or …?

SEC. ANDANAR:  Well, dadaan iyan sa tamang proseso. Under investigation na iyan. Nahuli na iyan ng Philippine National Police, at he will need his lawyer also to defend him.

SEBASTIAN:  All right, and siguro one last question na rin. Palace’s reaction lang po ukol daw po sa nangyari doon po sa Kamara, tungkol doon sa isyu doon sa Minorya nila na para daw po iri-railroad iyong situation para daw po sa Cha-Cha issue. Ano pong reaksiyon ng Palasyo dito?

SEC. ANDANAR:  Well, kaniya-kaniya namang opinyon iyan. Alam naman natin na co-equal branch of government ang Lower House at iyong Upper House. Kung mayroong mga kongresista na iba iyong pananaw, they are entitled to their own opinion. At kung mayroon mang gusot diyan sa Kamara, sila-sila dapat mag-ayos ng gusot na iyan. At kung ano pa iyong ideya ng ibang mga congressman tungkol sa mga nangyayari po sa botohan diyan po sa Kamara, sila-sila na po ang bahalang mag-solve nung kung ano ba mga problema nila.

SEBASTIAN:  All right. Follow up lang po, where will the budget for the promised pay hike for soldiers starting this August and public school teachers come from?

SEC. ANDANAR:  Kausap ko na po si DBM Secretary Ben Diokno, at ito po’y pinag-aaralan na ng DBM.

SEBASTIAN:  All right. Okay, sir, marami pong salamat sa inyong binigay na oras, sir. Pasensiya na po at medyo na-late lang.

SEC. ANDANAR:  Ay, walang problema. Si Albert ba ito?

SEBASTIAN:  Yes, sir. Si Albert po, sir.

SEC. ANDANAR:  Albert, naku pasensiya na at iyong mga katanungan ninyo about the ceasefire ay hindi po ako iyong awtorisadong kalihim na puwede pong magsalita patungkol dito. Pero maya-maya po, puwede ninyo ho subukang tawagan ulit si Secretary Jess Dureza para po masagot ang inyong mga katanungan. Salamat po.

##

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)