Nov. 15, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DZBB – Natural by Orly Trinidad |
15 November 2016 |
|
TRINIDAD: Secretary Martin Andanar, magandang gabi sa iyo. Si Orly ‘to at saka si Fernan. Naku, salamat sa pagtanggap sa tawag namin ha.
SEC. ANDANAR: Magandang gabi, Orly at Fernan. Mabuhay kayong dalawa. TRINIDAD: Kumusta ka naman? Lahat na yata ng brat itinawag na sa inyo nitong nakalipas na dalawang araw. Nagpaliwanag ka naman doon sa iyong… ano ba ‘to, lumabas ba ‘tong komento, interview sa iyo o sa column mo? SEC. ANDANAR: Hindi, sa column ito. Oo, iyong konteksto kasi, Orly at Fernan, ay sabi ko walang pinagkaiba doon sa mga Amerikano na nagpoprotesta na nanalo kay… kay Trump. At ganoon din dito na nanalo ito sa Supreme Court, nagpoprotesta tayo. So kung babasahin mo iyong buong paragraph, na hindi naman referring to just those… TRINIDAD: You’re talking about the incident. Hindi mo—wala kang parallelism about pagiging safe o ika nga’y… ano ba tawag dito, masasabi natin – iyong paniniwala ng isang tao. SEC. ANDANAR: Oo, tapos it is really bore out of frustration doon sa sitwasyon na mayroon pa ring mga tao sa ating bayan na kahit papaano ay… nag-iingay pero hindi naman talaga para sa patriotism, hindi naman talaga—wala namang kinalaman sa pagkakaisa natin. But then again, naintindihan ko rin iyong mga… kaya humihingi ako ng paumanhin sa mga nasaktan ko dahil sa mga… kanilang inabot na experience noong martial law, eh humihingi ako ng paumanhin. Hindi ko naman sadyang sabihin na I don’t empathize with you, hindi ko maintindihan iyong mga pinagdaanan ninyo… that’s why humingi ako ng paumanhin. TRINIDAD: Sabagay, ang bottom line lang naman nito, nag-decide ang Supreme Court. Talagang kahit ano pa man iyan, we have to respect – 9-5, 8-6 o kung anuman iyan, majority iyan, we have to respect. Lamang, talagang ako, nababanggit ko eh it’s more on the family, kung kanila bang maaatim na mailagay sa isang libingan na talagang andudoon iyong salitang “Rest In Peace”. Anyway… SEC. ANDANAR: Oo. Saka, Orly, ‘pag sinabi mo kasing—halimbawa, tanungin mo ulit si Senator Koko Pimentel, “Senator Koko, sabi daw ni Martin mga temperamental brats daw lahat kayo.” Siyempre, ano sasagutin ni Senator Koko, ‘di magagalit sa akin talaga iyon. Pero kung tatanungin mo iyon at babasahin mo iyong buong paragraph, I believe iba iyong magiging sagot ni Senator Koko. Then again, number two, nagkaroon pa ng desisyon iyong Senado na hindi naman naaayon din sa gusto ng kabilang kampo; tapos number three super full moon pa kaya ayun na, nagkaloko-loko na. Kaya ngayon, kung anu-anong brat ang tawag sa akin. Pero okay lang po, tanggap ko po iyon kahit na ano. TRINIDAD: All right. So kung saka-sakaling magkaroon ng LEDAC at mapunta diyan si Senate President Koko Pimentel… FERNAN: Oh andun eh. Andun kagabi ‘di ba? Nagkausap ba kayo kagabi? SEC. ANDANAR: Hindi… matapos magkomento si Senator Koko Pimentel, tumawag kaagad sa akin kasi nga, alam niya kung anong implication ng sinabi niya. Ang sabi naman niya sa akin na medyo naipit siya sa sitwasyon. TRINIDAD: So nagkausap na pala kayo, kaya lang hindi personal kung hindi sa telepono. SEC. ANDANAR: Eh alam mo naman tayo, hindi naman tayo (unclear), matagal na tayo sa media. We know how these things play, at tayo naman ay nirerespeto natin si Senator Koko Pimentel. Maiintindihan ko rin kung magagalit siya dahil iyong experience na dinanas ng kaniyang ama na si Tito Nene Pimentel. Eh kaya okay lang, okay lang sa akin iyon. Ang importante lang, this is a democracy na mayroon tayong mga sari-sariling opinyon, naipamahagi ko iyong aking opinyon. But then again, mayroon akong mga nasaktan, kaya pasensya na po sa mga nasaktan ko. Sorry po. TRINIDAD: Iyong pagso-sorry mo… kay Senador Koko, nag-sorry ka rin noong nag-usap kayo? SEC. ANDANAR: Hindi, sinabi ko lang—iyon ngang pag-uusap namin, nagkita kami ulit kanina sa Senado dahil nandoon ako. Una, nagtawanan lang kaming dalawa. Sabi ko, naintindihan ko naman Senator dahil alam ko naman na naging biktima iyong ama ninyo noong martial law. Kaya sabi ko pasensya na. Okay na, sabi niya “Pasensya na rin, Martin, nasabi ko iyon, ayokong mag-away tayo.” Sabi niya sa akin, “At least napag-uusapan tayo.” TRINIDAD: Oo, malay mo balang araw ay magawan kayong documentary about Marcos burial ‘di ba? Tamang-tama si Koko at si Martin. Siguradong maganda iyan ‘di ba? “Artista ba iyon? Pasensiya ka na hindi ko kilala iyon eh.” Well, anyway, Secretary, isa rin sa—sa isa pang… actually (unclear) ng pagtawag namin, mayroon ka bang idea, mayroon bang ipinarating talagang report about a situation sa Mindanao na naging ugat doon sa pahayag ng Pangulo na talaga kung mapipilitan siya eh, talagang isu-suspend niya ang privilege ng writ of habeas corpus dahil dito sa mga report na natanggap niya, mga rebelde, Maute Group? Ano ba talagang sitwasyon doon, Secretary? SEC. ANDANAR: Ano pa ho iyong sitwasyon doon eh, medyo talagang mahirap ho talaga dahil, number one, sobra iyong kidnapping na nangyayari doon sa South. Mga Indonesians kini-kidnap, mayroong German na hinarang doon sa dagat, kinuha pa iyong kanilang ano … hinabol pa iyong kanilang yate. Tapos iyong Maute Group, mga pambobomba left and right, tapos iyong Commander Bravo, iyong MILF na… na naging BIFF na, tapos ang gulo pa, tapos marami pang mga nadiskaril, mga displaced families. Tapos mayroon pa iyong mga reports na iyong drug syndicate ay pinupondohan iyong mga terorista at iyong mga insurgents. So eh ganito, kawing-kawing na ito, kaya sabi ng Presidente, pinakita niya sa amin iyong makapal doon na libro na nandoon iyong mga sangkot sa iligal na droga diumano, at sabi niya, “Hindi ko na kaya ito.” TRINIDAD: Oo, kasi naka-focus lahat doon sa statement niya about suspension of the privilege. Hindi tuloy naipaalam, ano ba iyong cause of the cause. Ano ba iyong pinakadahilan, at bakit sasabihin ng Pangulo iyon? And mabigat iyong statement na iyon, na plano niyang i-suspend ang privilege… pero iyon, kaya ko tinanong sa inyo dahil kung gaano kabigat iyong sitwasyon ngayon sa Mindanao? TRINIDAD: Anyway, nasa Constitution iyan. Desidido ba ang Presidente na tanggalin ang habeas corpus? SEC. ANDANAR: Dapat talagang hindi na—kung mag-e-escalate pa iyong lawlessness sa Mindanao ay posible – kapag nag-escalate. But then again, noong nagkaroon ng LEDAC meeting ay bukas naman ang mga congressman/senador na para tumulong, kasi sabi ni Presidente, “Ito talaga, hindi ko na kaya ito mag-isa,” sabi “Hindi ko na kaya ito.” Oo kaya nga, katulad ngayon, ang kailangan ng local government, ito ay naging suhestiyon ni Senador Gringo Honasan, at willing naman iyong mga senador at congressman, lahat, na tumulong na sa ating Presidente at nakita naman talaga nila iyong severity ng problema. TRINIDAD: Oo, pero not the whole Mindanao iyan ano? Pero malaking bahagi ng Mindanao iyong affected ng ganoong mga binabanggit ng Pangulo? SEC. ANDANAR: Oo. I’m assuming, Orly at Fernan, na mayroong mga lugar lang, hindi naman lahat. At ito ay mangyayari lamang kapag nag-escalate ang problema. Iyon again, it’s just an idea, at kahit naman nag-e-escalate alam natin na dadaan pa rin sa Kongreso ito for approval. TRINIDAD: So hindi problema sa droga kasi wala doon sa pag-aalis ng habeas corpus kung sa droga eh. SEC. ANDANAR: Eh kung droga lang, mukhang hindi iyon, at— TRINIDAD: ….magiging laban SEC. ANDANAR: Pero alam naman din natin sa mga reports na iyong terorismo, iyong— TRINIDAD: Binanggit ng Pangulo iyan, iyong rebellion, iyong drugs. Binanggit naman niya, hindi lang drugs, kung hindi rebellion and drugs. SEC. ANDANAR: Oo, kasi nga, alam natin halimbawa sa Sulu, eh mayroong mga drugs pa rin diyan; may mga drug lords pa rin dahil alam natin pinupondohan iyong mga terorista. TRINIDAD: Secretary, maraming salamat sa pinagkaloob ninyong oras, at pasensiya na sa istorbo namin. Balik na kayo sa meeting, baka hinahanap na kayo— SEC. ANDANAR: Mayroon akong ano ngayon eh, mayroon akong magandang… may reunion kami ngayon ng mga dating press secretary. Kaya bukas ay tawagan ninyo ako ulit para makuwentuhan ko kayo. TRINIDAD: Oo, paki-regards kami sa mga dating press secretary para malaman mo na rin kung ano iyong… FERNAN: Andiyan na ba si Secretary Bunye? SEC. ANDANAR: Papunta pa lang ako. Pero nag-confirm si Secretary Bunye, sila Coloma, Icban, lahat. Oo, sila ni Mike Toledo… kaya magiging ano, bukas tawagan ninyo ako ulit at kukuwentuhan ko kayo. Maraming salamat. TRINIDAD: Thank you, sir. Salamat po. SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, salamat po. TRINIDAD: Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Office Secretary. |
SOURCE: NIB Transcription |