Interview with Presidential Communications Office Secretary Jose Ruperto Martin Andanar
Punto Asintado, DWFM by Maricel Halili
07 October 2016
HALILI: Makakausap po natin sa linya ng telepono si Communications Secretary Martin Andanar. Good morning, Secretary.

SEC. ANDANAR: Hi Maricel, good morning. Oo nga, talagang tayo po ay very positive dahil sa lumabas na survey ng SWS at Business World kahapon na umani ng 54% satisfaction rating, general accomplishment po, ng work ng ating Pangulo mula noong siya’y nanungkulan a hundred days ago. At ganoon din po sa pinakabagong survey na lumabas kaninang umaga sa SWS din at Business World, na umani po ang Pangulo natin ng otsenta’y kuwarto o 84% satisfaction rating pagdating po naman sa kaniyang giyera kontra iligal na droga. 
At doon sa 84%, mayroon din pong 81% na naniniwala na walang diskrimansyon sa giyera sa iligal na—giyera kontra iligal na droga. Kaya ang mga ganitong numero po, ganitong datos na nagpapatunay lamang na ang taumbayan ay naniniwala at approved sa naging trabaho ng ating Pangulo sa nakaraang isandaang araw.

HALILI: Oo. Pero Secretary, I understand kasi nagiging highlight talaga ng mga campaign ng Presidente ng illegal drugs campaign eh. Pero kayo po ba sa Gabinete, doon sa 100 days ng pananatili ni Presidente sa Malacañan, ano iyong sa tingin ninyo iyong pinaka-highlights noong kaniyang accomplishments?

SEC. ANDANAR: Number one, iyon talaga iyong pinaka-highlight, Maricel, yung peace and order, kasi iyon naman talaga ang pangako ng ating Pangulo na tatapusin niya sa loob ng anim na buwan. Pero humingi ang ating Pangulo ng palugit na at additional six more months nung nakita niya iyong extent ng problema ay sabi niya hindi matatapos ng anim na buwan. Pero ganoon pa man ay naniniwala po ang taumbayan sa mga surveys na ginawa ng SWS na ginagawa ng Pangulo ang kaniyang lahat na magagawa at mataas ang pahayag nga ng taumbayan na tama ang ginagawa ng ating Pangulo.

Number two, dito ho sa hindi masyadong na highlight na accomplishment ng ating Pangulo ay iyong kaniyang kampanya para makausap na ang CPP-NPA-NDF na halos apatnapung taon nang nakikibaka ‘no kontra sa ating gobyerno, at iyon ay nasa negotiating table na po sila kasama ng ating gobyerno. Ganoon din po ang MILF, na pumayag na po sila na ituloy iyong Bangsamoro Peace Agreement. Kaya, hindi pa nakapaloob ito, itong peace… itong road map to peace ay isa rin sa mga highlights ng Pangulo sa loob ng isandaang araw.

Ngayon, dapat po nating alalahanin na hindi po magiging progresibo economically ang isang bansa kapag walang peace and order at wala pong law and order. Now with those two prerequisites, ay mas madali pong maging maunlad ang ating bansa. Now, pangatlo pa rin po, ito nga iyong poverty alleviation, nandiyan po yong programa ng Pangulo sa DAR na nagbabahagi ng lupain kasama iyong Hacienda Luisita, at libo-libong ektaryang lupain na pinamimigay sa ating mga magsasaka para talagang iyong Comprehensive Agrarian Reform Law ay maipapatupad na talaga na hindi lang din puro tayo salita.

Number two, nandiyan po iyong ating NEDA na inaprubahan ang daang-daang bilyong pisong mga proyekto para mapaganda po iyong ating ekonomiya. Nandiyan din po iyong Department of Finance, mayroon silang proyekto na i-reform po ang ating tax law – na tataasan iyong tinatawag na income bracket—(phone connection cut)

HALILI: Naku, naputol. Nawala si Secretary Martin, hindi niya natapos iyong sa NEDA na infrastructure. O ‘ayan, kasi siyempre ‘di ba gusto rin nating malaman kung ano ba iyong sa tingin niya, where can we attribute iyong pagtaas ng net satisfaction—na hindi naman pala pagtaas, mataas ‘ayan na net satisfaction rating nitong si President Duterte. Kasi ito iyong una pala eh, na ginawa nila na survey. Although kanina, mayroong lumabas pala na survey uli, itong si SWS saying na more than 80% pala iyong naging satisfaction ng publiko with regards naman doon sa campaign ng Pangulo against illegal drugs. 
‘Ayan nagbabalik na. Secretary Martin, ‘ayan you were saying… naputol tayo. You were saying tungkol sa NEDA, iyong infrastructure.

SEC. ANDANAR: Oo. NEDA – infrastructure, nandiyan iyong ambisyon 2014 na ginawa ng NEDA pero kapag hindi pasiglahin ang ating mga manufacturing industries ay babagsak talaga ang ating ekonomiya, ang ating bansa at magiging kapantay natin iyong mga bansang Mongolia at Cambodia at mauungusan tayo ng Vietnam.

Maraming programa sa Department of Health. Tinataasan na po iyong benefits ng ating mga uring manggagawa pagdating po sa PhilHealth, and nandiyan din po iyong rehabilitation center. Ngayon, when the people say or the survey say that more than 70% initially are satisfied in the President’s work, I think it’s 74%, I just done have the numbers here with me. O ibig sabihin ho nito, Maricel, ay natutuwa ang taumbayan sa ginagawa ng Pangulo across the board. Hindi na po doon sa war against illegal drugs, maging sa roadmap to peace, maging sa poverty alleviation.

Mayroon pa nga eh, mangilang-ngilang mga proyekto na hindi pa po natin nagpapatupad tulad po nitong sa problema natin sa traffic sa Metro Manila, ito malaking problema ho iyan. At mayroon namang solusyon na prinopose po ang ating Secretary Art Tugade, at iyon na nga, sinabi ito ng Pangulo there’s no silver bullet solution to the traffic in Metro Manila and they need to sacrifice. Kailangan nating magsakripisyo, kailangan nating magpatupad ng mga ilang mga batas para masolusyunan ito.

Overall, sabi nga the war against drugs is ‘excellent’ sabi ng SWS. Overall satisfaction rating sa general accomplishment ng Pangulo ‘very good,’ and this end, I’d like to congratulate the President for doing a good job for the last 100 days.

HALILI: Pero Secretary, ma-touch ko lang din ano. Kasi, although ito nga naha-highlight iyong tungkol sa illegal drugs campaign nitong si President Duterte, isa rin kasi doon sa mga nagiging isyu iyong tungkol doon sa kaniyang mga pahayag when it comes doon sa ating foreign relationship ano po. Lalo na kahapon, sinabi niya rin na parang… eh ‘di kung gustong i-withdraw iyong mga aid go ahead, i-withdraw. Kaya natin… or we would not beg for it. How would you interpret it? Hindi ba tayo nagiging concerned doon sa possible na maging impact nito doon sa ating relationship doon sa mga foreign organizations?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko naman, Maricel, we should be more concerned about the stand of the nation and our resiliency when it comes to our problems and the challenges that lie ahead pagdating sa illegal drugs, law and order, peace and order at poverty alleviation. It is merely saying that the President is saying that we have a reform policy, we have our own problems, internal problems in the country na dapat instead of criticizing us, help us. If you are really our friend, help us. Alam ninyo naman na maraming adik sa bansa natin, apat na milyon na sabi ni General Lapeña, higit daw iyong bagong lalabas na datos ‘no.

Alam naman ng mga kaibigan nating bansa na wala tayong pera para sa rehabilitasyon ng ating mga kababayan na lulong sa droga, at kailangan natin ng malaking pondo doon. Alam naman natin na pumasok iyong Pangulo natin midstream, at wala pong pondo na nakalaan para sa mga proyekto o prayoridad ng ating Pangulo. So instead of criticizing us unfairly, because (unclear) even take into consideration the context, the context noong our drug war. Why not help us, help us solve our problems. Ganoon lang po ang sinasabi ng Pangulo, huwag ho masyadong—kung tayo naman ay, kung may mga problema naman ang ibang bansa hindi naman tayo nakikialam ah. Kung wala kang masabing maayos, huwag ka na lang magsalita. Ngayon, kung wala ka namang maitutulong, tumahimik ka na lang. Ganoon lang naman iyon kasimple.

HALILI: Pero Secretary, ano iyong posibleng maging consequence nito, can we survive talaga even without the aid of US or European Union?

SEC. ANDANAR: I don’t want to answer speculative questions, Maricel. But what I’m saying is that, the President knows what he is saying and the President is standing for the right of every Filipino, independent foreign policy and about opening our doors to other countries also if they want to—who may want to work with the Philippines in a mutually beneficial ways.

HALILI: Okay. Sige Secretary, maraming salamat ha. Pero iyong inaasahan natin ‘no, bibisita si Presidente sa China.

SEC. ANDANAR: Okay. Yes, oo. So antabayanan natin sa Department of Foreign Affairs iyong final date sa pagbisita po ng ating Pangulo sa China.

HALILI: Okay, sige. Maraming salamat po sa inyo, Secretary Martin Andanar.

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)