DEO MACALMA:
Secretary Martin Andanar, sir, good morning.
KAYE OYONG:
Good morning.
DEO:
Magandang umaga po, maayong buntag Mister Secretary.
KAYE:
Good morning, Secretary.
SEC. ANDANAR:
Maayong buntag Deo at Miss Karen, good morning.
KAYE:
Good morning po.
DEO:
Reding-ready na po ba ang Pangulong Digong? Sa kabila po ng deklarasyon ng ‘state of lawless violence,’ ay aalis po ang Pangulong Digong sa Laos.
SEC. ANDANAR:
Reding-ready na po, sir, ‘no at ngayon ay delegation from Manila ay bi-byahe na papuntang Davao para sunduin po ang ating Pangulo at mamayang hapon po tayo tutungo papuntang Lao.
DEO:
Lao…
KAYE:
Iyong Lao, oo.
DEO:
So from Davao, sir, pupunta muna ng Manila and then, saka pupunta ng Lao?
SEC. ANDANAR:
Hindi na ho, di-diretso na ho. Bale kami pong mga galing ng Maynila, at susunduin po namin ang Presidente sa Davao.
DEO:
Ah—
KAYE:
So kayo po ang pupunta ng Davao and from Davao, diretso na po ang ating mahal na Pangulo papuntang Lao sa Vientiane. Tama po ba ang pag-pronounce ko doon?
SEC. ANDANAR:
Vientiane.
KAYE:
Vientiane, ayun. Ang hirap namang i-pronounce.
DEO:
Parang tren sa ano ah—
KAYE:
Vientiane, Lao. Oo.
SEC. ANDANAR:
Depende iyon kung saan ka galing. Mayroon ding iba Vientiane o depende kung foreigner edi Vientiane.
KAYE:
(laughs).
DEO:
Vientiane. Anyway, Secretary, magdadala ba ng hagdanan ang Pangulong Digong? Baka mamaya wala ring hagdanan tsaka walang red carpet pagbaba doon?
SEC. ANDANAR:
(laughs). Ah, usual we are expecting na ang ating Pangulo na this time eh pagbukas ng eroplano ay kakaway, di ba, the usual Pareng Deo ‘no na gagawin ng Pangulo at bababa. Hindi nga natin alam kung mayroong red carpet, pero I guess it’s up to the Lao government ‘no dahil sila naman ang host country ‘no.
DEO:
Summit naman ito, Secretary?
SEC. ANDANAR:
At ano bang mayroon po.
DEO:
So, anong inaasahan nating schedule ng Pangulong Digong at magle-lecture ba iyan kay President Barrack Obama ng human rights?
SEC. ANDANAR:
Well, starting tomorrow magiging busy po talaga iyong schedule, dalawang araw na puro meeting po iyon dahil sa 11 head of state ang kakausapin ng Pangulo, ito po ay bukod doon sa nakatakdang multi-lateral meeting ng lahat ng mga leader and then bibisita din po ang Pangulo sa ating mga OFW na andito po sa Lao.
DEO:
Marami palang OFW diyan sa Lao?
SEC. ANDANAR:
Mayroon din pong mga Pilipino po doon—
KAYE:
Iyong Filipino Community.
SEC. ANDANAR:
Iyong Filipino Community doon.
KAYE:
Oo—mga, mayroon po ba tayo, Secretary na bilang kung ilan kaya iyong mga Filipino’s na naroroon?
SEC. ANDANAR:
Nasa 40, pero we will let you know right away once get the assessment from the Department of Foreign Affairs, Ma’am.
DEO:
At ano pong inaasahan nating mangyayari sa ASEAN Summit, Secretary, Sir?
SEC. ANDANAR:
Ang pag-uusapan po dito iyong the usual ‘no na inaasahan natin at… na puwedeng pag usapan iyong West Philippine Sea. Depende po sa bansa, Sir, Deo ‘no. Hindi, pag halimbawa, pag-America then iyong Trans Pacific Partnership ‘no, nandiyan din iyong climate change. Depende sa bilateral ano eh, talks ano. We’re expecting na pag si Obama ang kausap nandiyan din human rights, iyong EJK, nandiyan iyong war against drugs and of course, dahil nga biktima po tayo ng terrorism noong Friday night ‘no at sariwang sariwa pa sa mga balita ang terorismo po sa bansa natin and I guess it’s a common concern of all countries in the ASEAN.
KAYE:
Nababalitaan rin po namin, Secretary Andanar ‘no, na he is very excited to meet Russian President Vladimir Putin?
DEO:
Idol niya iyon.
SEC. ANDANAR:
I think he skipped ‘no. Itong si Medvedev ang darating hindi si Putin eh.
KAYE:
Ay ganoon, sayang naman.
DEO:
Ay ganoon pala.
SEC. ANDANAR:
Oo, pero all just the same, si Medvedev naman ay kanilang ang prime minister ngayon, if I am not mistaken. So, head of state din.
KAYE:
The one who ano eh—he was the one who attended iyong ASEAN–
DEO:
G20 Summit sa China.
KAYE:
Pero iyong APEC din nito sa Pilipinas eh si Prime Minister Medvedev iyong umattend—
SEC. ANDANAR:
Yes, oo.
KAYE:
Iyong umattend hindi si Putin, sayang naman po pero—
SEC. ANDANAR:
Pero just the same both are very powerful leaders of Russia so—
DEO:
And then, sir, itutuloy po noong Indonesia, Secretary, sir, para sa state visit naman?
SEC. ANDANAR:
Yes, sir Deo, iyon ang plano sa ngayon. Hindi natin alam kung ano iyong mga susunod na ano… na schedule kasi ‘di ba na-handle po iyong Brunei dahil nga sa—
DEO:
Oo nga pala.
SEC. ANDANAR:
Sa bombing natin sa Davao ‘no. So, ngayon—sa ngayon tuloy pa po iyong Indonesia, pinag-uusapan pa po namin sa Gabinete ay iyong trip to Lao.
DEO:
Okay, Secretary, sir. Aba’y ang sabi po eh ngayon daw pipirmahan ng Pangulong Digong ang dokumento para sa ‘state of lawless violence.’ Napirmahan na po ba Secretary, Sir?
SEC. ANDANAR:
Well, hindi na po napipirmahan kaya’t nais ko lang pong klaruhin — sa puntong ito sa inyong himpilan po — na itong deklarasyon po na—it is only ay Executive assessment ‘no, PRRD and the current peace and order situation, on the basis of a NICA report of entry of terrorists into the country ‘no to launch terrorist attacks of course against our government and civilians to sow terror. At kausap ko nga si Justice Secretary Aguirre sabi niya, “an executive assessment needs no written declaration. PRRD can legally order intensified checkpoints, patrols, police presence. At ito po ay at upheld na ito, valid, by the Supreme Court in Valmonte versus CA. There are two ways to skin a cat. In this case, one, is to sign document and one, is just to leave it at that na yung declaration, that executive assessment.
DEO:
So, hindi na po kailangan ng parang si Marcos noon—
KAYE:
Ay pipirma pa.
DEO:
Martial Law and mayroon pang Presidential Decree number 1081.
SEC. ANDANAR:
Opo. Pati iyong sa Martial Law, itong proclamation of Martial Law and the suspension of the writ of habeas corpus na kailangan po talagang pumirma doon sa proclamation.
KAYE:
Pero sir, there’s no such thing nga sa ano naman po ano, suspension ng mga karapatan po ng tao ‘no?
DEO:
Writ of habeas corpus.
KAYE:
Oo. Wala naman pong ganoon? So—
SEC. ANDANAR:
Mayroon pong mga argumento na the President does not need to sign anything. He merely has to announce, in the sense na mayroon ngang lawless violence.
KAYE:
Secretary, please give us ano… an assurance na lang. Kasi may mga iba medyo kinakabahan, nagdududa dito sa mga deklarasyon, deklarasyon na iyan ano—
SEC. ANDANAR:
Kaye at Lakay, nasa provision naman eh. Mayroon pa bang pagduduhan iyong pagsabog at labing-limang namatay at ilan iyong sugatan. Wala naman siguro dapat tayong ikabahala. In fact, itong pagde-deklara ng ating Pangulo ng state of lawless violence at iyong pagbigay ng dagdag na otoridad sa Armed Forces of the Philippines para tulungan po ang kapulisan, this would even make us more secure ‘no. This should make us feel secure, kasi marami na hong… nandito na ho iyong AFP at tinutulungan na ho iyong PNP para nga siguraduhing mapanatili ang pagpasunod ng Saligang Batas at kaayusan ng ating lipunan. So, siguro walang dapat ipangamba tayo. Alam po naman natin na iyong deklarasyon ng state of lawless violence is a… the most benign out of the 3. Kasi tatlo po iyan eh: State of lawless violence; iyong—the possible suspension of writ of habeas corpus; and the proclamation of martial law. Pero wala po, malayo po tayo diyan eh. Ito lamang po ay nagsasabi na, “eh teka muna mga kababayan ko medyo magulo iyong bansa natin, kaya hindi natin—mahirap i-control, kasi porous masyado iyong bansa natin. So kailangan natin bigyan ng karagdagang trabaho at seguridad ang ating Armed Forces of the Philippines.
DEO:
Sabagay, Secretary, Sir, in fairness marami tayong na-interview, nakausap na mga legal experts at experts. Sila po ay sinasabi na walang nilabag ang Pangulo, ang pamahalaang ito ho, nasa prayoridad ng Presidente ang pagdi-deklara ng state of lawless violence sa mga ganitong insidente, Secretary, Sir?
SEC. ANDANAR:
Yes, tama ka diyan, Lakay ‘no. Kaya siguro tayo ay mas maging mapanatag po ang ating loob dahil nandiyan na ho iyong Armed Forces of the Philippines, nasa Metro Manila, puwede po silang tumulong sa kaayusan, sa seguridad ng ating Metro Manila. Kaya dapat tayo ay mas mapanatag ang loob. What we can do now is we have to cooperate with our authorities para mas mapadali po ang kanilang trabaho.
KAYE:
Secretary Andanar, about naman po iyong mga travel advisories na inissue ng iba’t ibang mga embahada dito po sa bansa, partikular po dito sa UK Embassy, Australian Embassy naglabas po sila ng mga travel advisories sa kanilang mga kababayan na naririto po sa Pilipinas, specifically medyo i-ano nila iyong kanilang pag travel specifically sa Mindanao area lang naman po. Ano po ang reaksyon ng Malacañang dito?
SEC. ANDANAR:
Normal lang ito na standard operating procedure ng iba’t-ibang bansa ng mga kanilang embahada to secure their own citizens who are traveling. Now, all of the embassies are responsible for their citizens ‘no, kasi pag sila ay bumibiyahe sa ibang bansa. Kaya, you know, we just take this as a normal precautionary measure ng ibang bansa ‘no. There’s really no harm intended for us.
DEO:
Secretary, sir, nabanggit niyo kanina iyong NICA report. May mga foreign terrorist, marami itong mga terorista ano… itong foreign terrorist na nakapasok na ng bansa?
SEC. ANDANAR:
Sorry, hindi po parang terrorist. Ito po iyong Abu Sayyaf na medyo… nagkamali lang ako ng basa.
DEO:
Okay, so Abu Sayyaf ito. So definite na, Secretary, ang may kinalaman sa bombing sa Davao ay kagagawan po ng Abu Sayyaf ito, Secretary, Sir?
SEC. ANDANAR:
Otsenta porsyento po sa assessment ay Abu Sayyaf, tapos iyong 15 percent ay itong mga elements ng droga, the rest ay iyong iba pang mga maliliit siguro na breakaway groups.
DEO:
At ito po bang—at mayroon na hong tatlong person interest, dalawang babae, at may isang lalaki, Secretary, Sir?
SEC. ANDANAR:
Opo. Mayroon na pong ganoon binabantayan at iniimbestigahan, ito po ay batay na rin siya sa ano… sa mga nakikita ng mga nandoon sa… doon sa Night Market ‘no, noong Biyernes ng gabi. So ito ay under investigation. I think mayroon din atang nakita sa CCTV ‘no, pero we leave all of this to the authorities na para at least hindi mabulabog iyong kanilang imbestigasyon, Lakay.
DEO:
Okay malinaw ho Secretary Andanar, so ano po ang advice ng Malacañang, ng Pangulo sa ating mga kababayan na medyo nabahala dito sa nangyaring bagay sa Mindanao, Secretary, Sir, sa Davao. Anong advice po ninyo?
SEC. ANDANAR:
Ang advice po ng ating Pangulo ay we should all continue our lives, move on, continue with our daily activities, our daily routine, pero at the same time we have to be very, very, very alert ‘no. Kailangan maging mapagmatiyag tayo. Kailangan nating maging wary, kailangan natin makipagtulungan sa ating otoridad, sa kapulisan, sa AFP, sa mga Barangay Tanod ‘no, pero but then again, life moves on, the world revolves ‘no, it should not stop otherwise, ‘pag tumigil po tayo ay parang nangangahulugan na nanalo ang mga terorista dito sa laban na ito. Kaya ang gawin lang po natin is we should get all our act together ‘no, magtulungan ho tayo as a nation. At sana po ay… ako, personally ang panawagan ko po sa mga medyo negative sa social media na talagang imbis na nakikiramay pa eh naninira pa, eh sana tigilan na po natin ito dahil ang laban ho kontra mga terorismo, ito po ay laban ng bawat Pilipino, hindi po ito laban ng isang political party o ng taga Davao lang.
Maalala po natin noong sumabog po iyong bomba doon sa Pransiya halos lahat po tayo nagbago ho tayo ng profile picture sa Facebook, nilagay ho natin iyong bandila po ng Pransiya, sana po ganoon din po tayo sa bansa natin. We should strengthen, we should uplift our brothers and sisters in Davao.
KAYE:
Very well said Sir. Ingat po kayo sa inyong biyahe and good luck sa mga mangyayari po sa Lao.
SEC. ANDANAR:
Maraming salamat sa pagkakataon, Ms. Kaye at Lakay, mabuhay po kayong dalawa at ang DZRH. Thank you po. |