Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – Punto Asintado by Erwin Tulfo
13 September 2016
 

TULFO:
What is your assessment, sir—well, I know, ang sinabi po ng Pangulo yesterday was that he wants the US Special Forces out of Mindanao. Sinabi niya iyong reason na papaano makakamit ang tunay na kapayapaan habang nariyan sila. Pero do you think, sir, na this will do more good or more damage kaya sa ating … lalo na diyan sa Mindanao in terms of fighting terrorism, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR:
Actually, iyong interpretation talaga nung sinabi ni Presidente ay nasa panganib iyong buhay ng mga Amerikano dahil doon sa inungkat na isyu ng Pangulo at mga nangyari po sa mga ninuno ng ating mga Muslim sa Mindanao na ginawa ng mga Amerikano iyong pagpatay doon sa 600 na…. Walang atonement, wala man lang hininging apology, wala pong accountability. Kumbaga, it was just forgotten and left to the shelves of history, na parang nabalewala.

Ngayon, dahil nga naungkat ito, eh siyempre kukulo na naman ang dugo ng ating mga kapatid na Muslim na very patriotic at masama ang loob. Mas malaki ang tiyansa ngayon na, you know, gumawa sila ng hindi maganda, at malalagay sa bingid ng alanganin ang buhay ng mga sundalong Amerikano na nandoon ngayon sa Zamboanga.

TULFO:
Oho, oho. Sir, kambyo ho muna tayo sandali, iyong kahapon ay itinanggi po ng Malacañang na sinasabi ng isang diyaryo sa Indonesia na pumapayag na raw si Pangulong Duterte na i-execute si Mary Jane Veloso. Pero ang sabi po ng Palasyo, sabi po ng DFA, mali iyong report ng diyaryo doon sa Indonesia dahil ang sabi ni Presidente, ipinauubaya niya, ika nga, iyong judicial process sa bansang Indonesia pagdating sa, ika nga, sa kaso ni Mary Jane. Ano ho ba talaga, sir?

SEC. ANDANAR:
Iyon talaga, partner. Ang Pangulo natin ay ilang beses niya pong sinabi sa amin, sa Cabinet members na kasama doon sa ASEAN at saka trip, na he will respect the decision, that he will respect the laws of the land of Indonesia, kung ano po iyong kanilang mapagpasyahan ‘no, and he will not interfere with it.

At number two, lalung-lalo na dahil this is a very sensitive case primarily because ang numero unong polisiya ng ating Pangulong Duterte ay ang kaniyang laban kontra sa iligal na droga, dahil it falls under the same category (unclear) nahulihan si Mary Jane ng two kilos of heroine. At kung anuman ang desisyon ng Indonesian government, sabi nga ni Secretary Yasay, the Indonesian government has given Mary Jane Veloso a special treatment beyond belief. Ito’y binigay na sa—

TULFO:
Pero is this true, sabi ni Secretary Yasay, Sec. Mart, since you were there din siguro doon sa Indonesia na indefinite stay iyong execution? Is it correct?

SEC. ANDANAR:
Opo. Nabanggit po iyan ni Secretary Jun Yasay, and alam natin iyong indefinite stay naman ay panahon pa ni Presidente Aquino ‘di ba, na binigay ng Indonesian government. Wala naman silang binabago sa desisyon na iyon, kaya nabanggit ni Secretary Jun Yasay iyon. Iyon lang.

TULFO:
When you say kasi, Sec. Mart, indefinite stay of execution, ibig sabihin, hindi mangyayari ang execution kasi indefinite na po. Wala na po yatang time ho yata iyon, korek? Ibig sabihin, parang kung titingnan mo talaga, when you say indefinite kasi parang wala nang oras, hindi ho ba? I mean, tuluy-tuloy na na hindi nae-execute. Correct me if I’m wrong, Sec. Mart, sa anong pagkakaintindi mo.

SEC. ANDANAR:
Hindi ko ano eh … hindi ko kasi … hindi ko matawag (unclear) hanggang hindi ko nakikita na ganoon. I think it’s the indefinite na temporary restraining order, in our lingo here in the Philippines ‘no. Pero let me clarify that with Secretary0 Jun Yasay.

TULFO:
All right. Well, maraming salamat po, Secretary Martin Andanar. Naku, maraming nakaka-miss sa’yo rito sa Facebook Live.

SEC. ANDANAR:
Maraming, maraming salamat sa lahat ng mga followers ng Punto Asintado. Siyempre nami-miss ko rin kayo. Matagal din tayong nagsama. Salamat, Partner, sa interview at sa pagkakataon na ipaliwanag ang polisiya ng ating gobyerno. Thank you. Mabuhay ka, Partner.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)