Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – ALL READY By Orly Mercado
19 September 2016

MERCADO:
Good morning, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR:
Good morning, Ka Orly. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig ng Radyo 5.

MERCADO:
Okay. Ano ba ang paliwanag natin dito sa hinihinging extension ng Pangulo sa kaniyang—hindi ba ito ay self-imposed deadline naman ito?

SEC. ANDANAR:
Kasi ang malinawag na sinabi ng Pangulo kahapon sa Davao, iyong turn-over kay Sekkingstad ‘no, ay sinabi niya na hindi niya akalain na ganito kalala ang problema sa droga. Seven hundred thousand na ang mga nag-surrender ‘no, mga drug users at drug pushers. Ang drug pushers, nasa mga singkuwento mil mahigit iyong mga drug pushers, tapos the rest ay mga drug users ‘no. So hindi niya inakala na ganoon kalala. Tapos mayroon pang additional 700,000 doon sa three million kaya sabi ng Pangulo – nagiging realistic lang naman ang ating Pangulo – na hindi kaya so kailangan pa ng six more months para masugpo talaga itong problema natin sa iligal na droga, Ka Orly.

MERCADO:
Siguro naman, well, I’m presuming that iyon naman ay self-imposed at saka binigay niya. Pero sa akin, ang basa ko roon ay parang, ayon na nga, unexpected iyong lawak nitong problemang ito. Tapos ang ginagamit niyang pilot eh iyong nangyari sa Davao which will certainly… even if it’s a large city in the Philippines eh it is nowhere—tsaka wala tayong batayan na kaagad para makita, dahil underground activity ito eh, hindi ba?

SEC. ANDANAR:
Iyon nga po eh, wala tayong batayan. As a matter of fact, itong 700,000 plus ay puwedeng pumasa na ito sa Guinness Book of World Records, at iyong kampaniya ay puspusan talaga. In fact, sa sobrang dami ay kailangan natin iyong tulong ng Armed Forces of the Philippines, hindi lang ng Philippine National Police. So, sana intindihan po natin ang ating Pangulo kapag humingi siya ng additional na anim na buwan kasi nakita naman natin iyong resulta in the first how many days ‘no. Wala pa nga tayong 90 days at ganoon na kadami. So kung 90 days eh nasa 700,000, what more kapag 120 days ‘no, what more kapag six months, what more kapag one year.
So bigyan natin iyong ating Pangulo ng pagkakataon, dahil ito po ay isang komprehensibong solusyon ang hinahanap natin. Hindi lang naman iyong paghuhuli o pagpapa-surrender doon sa mga drug users kung hindi kasama—[LINE CUT]

MERCADO:
Okay. Itatanong lang natin kay Mar… nasira, nawala yung ating linya. Ang susunod na katanungan ko ay simple lang naman eh, it’s not so much the time that I’m concerned about kung hindi iyong pera. Iyon bang mayroon ba tayong supisyenteng pondo bukod sa additional time na kailangan niya para malutas itong problema. Don’t we need a budget na which is going to be an emergency budget. Kulang na sa pondo para doon sa mga nakapiit. Kulang na rin sa rehabilitation. Kulang din sa … you know, in so many other needs, hindi po ba?

SEC. ANDANAR:
Oo, iyon nga eh, komprehensibong solusyon talaga, Ka Orly. Iyong rehabilitation natin, isa iyon. Iyong swift justice, kasi hindi naman puwedeng naka-tengga lang sa mga korte iyong mga kaso niyang mga nahuhuli ‘no. So kailangan mabilis iyong hustisya, kailangan nandiyan iyong rehabilitation center, at pagkatapos ng rehabilitation center ay iyong support group after the rehabilitation. This should be a very comprehensive program.
Alam mo, masuwerte tayo, Ka Orly, kasi we are a very religious nation at maraming faith-based groups na tumutulong—

MERCADO:
Diyan sa problema.

SEC. ANDANAR:
Oo, sa problema natin sa iligal na droga at saka pag-rehabilitate. Kaya intindihin po natin, at sana intindihin po natin ang ating Pangulo, tanggapin po natin sana at tayo’y makipagtulungan pag humingi pa ang ating Pangulo ng six more months. Ito naman ay para din sa kabutihan ng lahat.

MERCADO:
Kaya nga sinasabi ko kanina is that more than just the six months, maybe what is also needed would be in the budget in the hearing, in the budget deliberation are really serious money being put to shore up the judicial system, the criminal justice system ‘di ba?

SEC. ANDANAR:
Yes, oo, iyong criminal justice. So wala pa, hindi pa nga naa-announce ng Pangulo iyong kaniyang plano doon. Hindi pa naa-announce ni DOJ Secretary Aguirre ang plano niya. Kaya po, siguro po intindihin po natin ang ating Pangulo na lang at tayo po ay makisama at tayo po ay makipagtulungan. Eh kasi marami kasing nagba-bash sa ating Pangulo noong ina-announce niya. Pero alam naman natin na 91, more than 91% na iyong supporter ng ating Pangulo sa bansa natin, iyong confident. So sana po ay intindihin po natin. At ang Pangulo lamang ay alam na alam niya iyong extent ng problema, dahil siya mismo iyong nasa tuktok at mayroon siyang datos sa lahat ng nangyayari ngayon sa bansa natin.

MERCADO:
Iyong isa pang listahan na ipinakita niya doon sa isang meeting, hindi pa nare-reveal. May balita ba tayo kung kailan niya ilalabas iyon?

SEC. ANDANAR:
Ayaw ko pong pangunahing ang ating Pangulo, Ka Orly. Pero nakita naman natin doon sa talumpati po ng ating Pangulo sa Bulacan na mayroon siyang makapal na listahan ng mga involved sa droga. So ang sabi po ng Pangulo ay ibibigay niya daw ito sa Armed Forces of the Philippines. At kung i-a-announce ito ng Pangulo ng isa’t-isa o hindi, ay antabayanan na lang po natin kung anong plano ng ating Pangulo.

MERCADO:
Okay. Thank you very much, Secretary Martin Andanar. Maraming salamat sa iyong pagsagot sa aming tawag.

SEC. ANDANAR:
Maraming salamat, Ka Orly. Mabuhay ka. Thank you.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)