Press Statement and Press Conference of President Rodrigo Roa Duterte
8th Infantry Division, #33, Waling-Waling Street, Barangay San Pablo, Catbalogan City, Samar
29 August 2016
Good afternoon, andito ako sa lugar ninyo to commiserate with the family—na sundalo’t pulis na namatay. I am here to underscore and really emphasize na itong droga na ito is not just a police matter, police action. It is a war being waged against greed natin. Yugn tayo, pati mga tao na corrosive effect ng droga, has entirely place in jeopardy na alangan, napa-alangan ang next generation.

Itong mga anak natin, marami ang may tama at alam naman ninyo, alam ko na alam ninyo na pag yang isang pamilya, may tama na, either the husband or the wife or one of the children, it becomes dysfunctional. Hindi na normal at ang problema niyan maghiwalay, pag hiwalay na, ang social problems sa mga anak, maipasa. Even if the father alone ang addicted, ang problema does not end with the father and the drugs.

Pag wala iyang tatay, buang na, ang pamilya niyan, sira na. So ang mga bata, hindi nakapag-aral, wala nang maghanapbuhay at I said, it places the family in a dysfunctional state.

Diyan ako galit, itong mga human rights, itong mga putang-inang ito, ang binibilang lang nila, ang buhay ng isang kriminal na lumaban. Maraming namatay dahil lumaban, kasi papatayin talaga sila ng pulis pagka lumaban. Ngayon, yung hindi pati yung kasali na—isinasali na iyong mga patayan na wala naman tayong pakialam. Kagaya niyang binabalot ng plastic, ilagay sako. Ibig sabihin niyan, may galit, may galit iyan. Ang pulis, walang personal na galit sa mga durugista. Pero ang pulis, ang order nila galing sa akin is to destroy the apparatus.

May pasahan iyan eh. May magdala dito, pasa doon, tapos mga runner dito. It is an apparatus really which is very hard to crack. Iyan ang hindi naintindihan nitong mga putang-inang, bobo na—it does not end with the family or the drug or the runners sa drug, kasi iyon, pusher iyon oh, may problema rin sa pamilya iyon.

Kapag isa-isa, nagloko na at hindi ko na-kontrol itong generation ko, sa panahon ko, delikado na ang Pilipinas. Magbasa kayo ng mga libro about the countries of South America. How? Lahat ng bayan, tinamaan doon. Doon Mayor, inauguration niya sa umaga, pagka hapon patay na. Ganoon kalala doon kaya huwag ninyong—kayong lahat, dapat kayo na mismo ang maghanap at pumatay iyang mga durugista na iyan.

Kaya kung tatay ka talaga o nanay ka, huwag kang pumayag na ikaw lang ang mag-suffer dito sa mundong ito. Kung ako ang tatay, tapos ang anak ko, nabuwang, ang anak ko ginastos, hindi ko nga pinapakagat ng lamok, tapos nung high school, college pakainin mo ng—pahithitin mo ng shabu, tapos mabuang. Ano ang kasalanan ng tatay, pati nanay nila, bakit mo gawain mo sa kanila iyan.

Huwag na iyang batas-batas, huwag na iyang diyos-diyos. Simple lang ang tanong ko, who gave you the right to manufacture shabu and to sell it to my children. Sagutin mo nga ako. Kaya sabihin ko sila De Lima at wag na tayong magpatayan. Give a good answer. Anung nagawa ng mga tatay, pati nanay nito sa iyo at ika’y mag-manufacture ng shabu at ipakain mo sa mga anak ko, tapos sisirain mo ang buhay nila, pati buhay ko?

Pag matanda na ako, hindi na ako makabili ng medisina. If I get old and I cannot buy my medicines and even to spoon-fed, muhangot ug lugaw sa akong baba. Sana ganoon tayo eh. Inalagaan tayo ng mga nanay, pati tatay natin, pagtanda nila, alagaan natin. Paano ka mag-alaga ng—putang-ina, kung ganoon sisirain mo ang mga bata. Animal kayo, papatayin ko talaga kayong lahat, hintayin ninyo ako.

Ayan, media wala akong pakialam. Sabi nila, ako daw ang pinaka-unpopular sa international press, wala akong pakialam, putang-ina ninyo. May problema ako sa bayan ko. I’m sorry, I am not adept in Tagalog, I am not that good that—

Kaming mga taga-Davao, salo kasi kami. We can talk and we can understand Leyte na Waray, pareho man kayong lahat, I can understand kasi Davao halo-halo. We can—magkakaintindi kami ng pagsalita ng Tagalog, but not really so fluent, not articulate as—so I shift to English. I cannot express it, neither in Waray. Alam ko sa Waray, waray kalipay, waray sapi.

Iyan ang away ko diyan, hindi dahil na gusto akong pumatay. Oh tingnan mo iyong pulis oh, tapos ngayon iyong human rights, eh papano iyan? Hindi man lang binibilang ang pulis, pati sundalong namatay. Cotabato 8, dalawang sundalo, dalawang pulis, 8 ang wounded sa drugs.

Yung two weeks ago, nagpunta ako doon sa Taguig, iyong si Mark, saan yung? Hindi ko na maalala lahat ng pulis na—Taytay. Iyon, matino rin na matiyaga, binaril. Kaya itong pulis suportado ko. Kayong mga pulis, wag kayong matakot. Basta ito ang order ko: arrest means you overcome the resistance if there is any.

Paano mo, they arrest means here, utusan ka ng judge, may warrant. Oh dalhin kita sa istasyon, ito ang warrant.

Now, you must place the person you are arresting in your custody. So dapat walang—hindi talaga siya pumalag, hindi siya lumaban. If there’s a—he’s not suppose to fight with you. You have to place him at your—within your control, so that you can bring him to Court. That is what the warrant says. But if they resist violently, maski hawak niyan tubo lang, ‘pag tamaan ulo man, sasabog iyong utak mo. You’ll go for it, you really kill them.

Wala, suportado ko kayo, at walang makulong sa inyo. Siguro iyan, walang makulong sa inyo. Hindi ako papayag. Ngayon, kung tatlo ang asawa mo, dagdagan mo ng isa, ke magkaso ka, ikaw ang paluin ko ng tubo. Ganoon man yang pulis, sige, istambay diyan sa mga bar-bar. Kaya yang magaganda diyan sa bar, kanila, maya-maya asawa na, dalawa-dalawa, para rin kayong Mayor ng Davao noon. (laughter) Noon man iyon, hindi naman ako Mayor. Totoo. Iyung mga sundalo, madalas iyan.

Trabaho lang kayo, huwag kayong matakot, ako, akin iyan lahat. At the end of the day, akin yan. Kaya pag kinaya kayo ng judge, ikaw sabihin mo, “Judge, hindi ako. Duterte yan, si Mayor, huwag ako, kasi sinunod lang naming iyong utos niya.” “Eh, bakit pinatay.” “Eh lumaban eh. Ano ba naman Judge, gusto mo ako ang mamatay?”

Kaya kayong mga durugista, wala, bilang talaga ang buhay ninyo—ang araw niyo sa mundo. Maabutan ko rin kayo eh. Sa karami kong pulis na maipadala dito na sikreto, huwag na lang dito kasi kilala ninyo eh. Puwede kayong umiwas. Magpadala ako ng mga sampu dito, ipau—sabihin ko sa inyo, tumahimik—ang yayaman dito, hindi kayo, lalo ng pamilya ng sundalo o pulis. Ang yayaman dito, ang punerarya, sa totoo lang.

Kaya huwag ninyo ako bullshitin na human rights, human rights. 3 million addicts, madala mo ng drama iyan, plus 600,000 all over the country. And you think that number is a joking thing. Madala mo pa iyan sa araw-araw na aresto tapos dalhin mo sa Korte.

Basta may hawak ka na shabu, ‘pag inaresto ka, magpakamatay ka na lang. So, kayong maiiwan diyan na nakikinig, talagang mamatay kayo. So, iyan ang kapalit diyan, iyan ang kapalit, ke maski anong sabihin nilang human rights. I will not allow the Philippine society to deteriorate under my watch. Kasi kung hindi ko kaya ‘to, wala ng tao ngayong makita mo sa pulitika, sa stage ngayon, tignan mo kung sino. Kung hindi ko ito matapos, walang makakatapos nito. So kawawa talaga mga bata niyan, ang apo ninyo ang kawawa.

So maski iyan na lang kontrabida ako, eh ayan talagang kontrabida naman ako eh. Kaya ang tatay ko noon, sabi niya, “hanggang pantalan ka lang.” Tapos sabi ng nanay ko noong pinaluhod ako, “Oh, narinig mo tatay mo, kung anong sinabi sa iyo?” “Oo, pantalan lang ako.” O eh di ikaw pantalan, okay man lang basta bayaran ako sa kinarga ko.

Ganoon bantay kayo, kaya ang utak ko, utak pantalan. Baka sabihin niyo, ang pormal-pormal, lalo na kung may pari ‘no, iyan medyo, eh kaya ko ito pinili, alam mo kung bakit? Marami nito eh, ano ‘to? Anong brand nitong yawa na ito? (laughter) Ah, kasi sa eskwelahan namin ito eh, iyong logo. Hindi. Giordano, iyan ang ano niyan, ninakaw niya iyong lo—ito man ang logo namin sa San Beda, Lion.

Kaya kayong mga ano, kakainin ko kayong mga putang-ina kayong, huminto nga kayo diyan. Sabihin ko sa inyo, talagang wala kang—at the end of the day, ‘pagkatapos ng araw at sunset, hindi tayo magkaintindihan dito, patay ka. Kaya ako nandito, to impress upon you, yung importance ng drive ko. Tsaka it pains me deeply to see a person dying in the fulfillment of his duty.

May kinuwento ako ngayong—Araw ng Kagitingan ngayon eh. Sabi ko, ang unang sinabi ko noong maliit pa ako, lumabas ng istorya. I did not read today’s newspaper but sa eroplano binasa ko, nandiyan yung kay Justice Abad Santos. He was the Chief Justice of the Philippines’ Supreme Court when the Japanese came. Tapos pinapili siya, to swear allegiance to the Japanese flag or he will be beheaded. Tapos sabi ni Abad Santos, “Okay lang. I will not.” Eh anak niya umiyak. “Sige na ‘Pa, wala naming tao dito.” Eh dinala sa Malabang, Lanao eh. Sabi ni Abad Santos “No,” sa anak niya, umiiyak iyong anak niya. Sabi ni Abad Santos, “Bakit ka umiiyak, bakit ako patayin? Bakit lahat naman ng tao mamamatay ah, maski saan ka pumunta.” But you know, not every Filipino is given the chance to die for his country. Your husband, Gary, died for his country. Hero iyan siya. (applause) Hindi lahat puwede, hindi naman tayo lahat pulis, makipaglaban sa mga masasama. Army, iyan sila mga pinakamalapit maging hero. Hero talaga. Eh, ako, hindi mo mahe-hero, tig mura man lang ako. Iyan ang maabot ko putang-ina. Pero galit ako.

Kaya destroy the apparatus of drug. Kung hindi kakainin—kakainin iyong anak natin pati iyong yung next generation. Hindi ako papayag na ganoon ang laro. I will not allow it to happen I said during my presidency. Iyan ang deal natin diyan sa—either you stop or you die. Period.

Kaya kayong mga ninja, tawag na iyong mga pulis na scalawags na hanggang ngayon, hindi nag-surrender. Pinapatungan ko iyong ulo nila, 2 million each. So kayong mga kapwa pulis, walang ano iyan, diretso bigay ko sa iyo. Iyong mga pulis na tumatago dahil mga ninja, unahin ninyo iyan. And you will have a 2 million, plus bagong baril, o may pang-honeymoon ka na. Tutal, pinili natin iyan eh. I know that the—maski sa akin. Suweldo ng Presidente, 130,000. Kung alam ko lang, hindi ako tumakbo. Tang-ina, gawain ka lang clerk.

But since I have to go back now because I’ll be spending the night with the—these soldiers na—iyong tinamaan sa paa. Inaayos pa na naka-cast.

Any question from the media? Aksyon 5, Mia.

* * *

Q: Sir, good afternoon. Sir, about the Odicta couple sir. Is true that—

PRRD: Odicta?

Q: Yes, sir.

PRRD: Yan ang pinaka-drug lord.

Q: They were just shot dead this morning, sir, and—

PRRD: Patay?

Q: Yes, sir. Is it true that they were supposed to surrender and go to Crame to give a matrix of those people involved in drug, sir?

PRRD: Ha, that’s not my problem. He is wanted and he’s the number one drug lord. Talagang drug lord ito. And I just was informed early this morning that iyong Odicta couple, mag-asawa, patay – sa pantalan ‘ata inabutan. So I cannot say anything, good or bad, wala ako kasi iyan ang pinili niya eh. He was corrupting everybody, lahat pati iyong mga governors. May isang governor dito sa Visayas na—I named him before. Sabi ko, if you do not believe me, go to Cebu and try to get a time to talk to him. Wala kang—pati ang salita niya umiikot sa—he’s already dysfunctional. Iyang Odicta was really being hunted. Sa Iloilo, siya iyan eh number one. Inaabot talaga siya ng malas. Sinong gustong sumunod dito kay Odicta? Bakante ngayon, patay na raw.

Q: Sir, follow up on Secretary De Lima. She recently mentioned that the matrix you’ve shown to the public was a “basura” and she reiterated that she is 100% innocent, sir.

PRRD: Ang driver niya, nandoon sa matrix. The secret of it all is iyong driver niya. Kaya yung driver niya ang may koneksiyon sa loob. That is why sa loob, saan ka makakita dito na preso na may nightclub, may banda, makabili ka ng babae, puwede papasukin lahat. Eh kung ako ang preso, bakit pa ako lalabas, eh nandiyan na eh. Explain to me iyong behavior. Sige nga, mag-explain ka muna sa behavior mo, sa pagkababae mo. A senator, ‘ayan, tignan ninyo sa ano, nandiyan may lumabas na naman – hoy, sino ka ma’am. Bago ito.

Q: Sir, good afternoon. I’m Rida Reyes po from GMA.

PRRD: Sa Maynila?

Q: Yes, sir.

PRRD: ‘Kala ko Waray ka.

Q: Sir, tanong ko lang po. Following iyong kaninang statement ninyo or kanina po in-address ninyo mismo si Chinese Ambassador para ipakiusap iyong Chinese fishermen. Sabi po niya, sumagot na siya kanina, ang sabi niya po, he is willing to—he is open for discussions daw, in letting Filipino fishermen sa Panatag Shoal.

PRRD: Well ah, they’re having discussions sa backdoor channeling with President Ramos. I really do not know what’s the deal, o what is being talked about. It would be either presumptuous of me to say anything that I have not cleared with President Ramos. He might have a lot of the wherewithals, pero ako wala, hindi pa kami nagkita. So, but they are still talking.

Akin diniretso ko ito nandoon na eh, sabi ko “nandiyan ka na lang rin Ambassador, wala man tayong away, bakit hindi mo payagan ang—” You have heard the—nandoon ka pala kanina?

Q: No sir, I was monitoring po dito sa Samar. Sir, another topic lang. Following iyong release ng publication ng Masa, can we expect also to hear your voice regularly sa—mayroon daw pong nationwide naman na radio program to be hosted by you?

PRRD: I used to do that when I was mayor, more than almost 20 years with ABS-CBN. But of course, wala na ngayon kasi iyong Presidente na, marami kasi akong trabaho talaga, sa totoo lang. Sa trabaho ng Presidente, para kang clerk. Iyan talaga clerk, mag-solve ka ng problem, magganito. Iyan lang. Papel, tapos di ka makalabas. Hindi ako makalabas ng Malacañang. You go out, then you create a huge traffic problem for everybody. Nahihiya ako kasi, minutes few, mga 20 minutes before magdaan akon clear na iyann pati iyong kanto, sarado na. So the traffic fires up at the back, once you zoom in—pagdaan mo, passed by, they begin to mingle again and sometimes, marami tuloy magbabanggaan. It wrecks havoc to the days’ mobility.

Bago ka lang ma’am sa GMA?

Q: Hindi, sir.

PRRD: Hindi man kita nakita, baka nagsuot-suot ka lang diyan.

Q: Hindi sir, may mga assigned kasi po na reporter sa iba (laughs). Thank you, sir.

PRRD: Mia, ano, may sinakyan kayo? Chopper?

Q: (inaudible)

PRRD: Sumama ka na sa amin. Kaibigan ko iyan si mayor, ‘ayan nagloloko lang ako. I’m fond to do that but you think that I’m flirting ‘no. That’s myself actually. I do that even to my teachers. 

Any more questions? Do I hear somebody from the other network? Yeah, kindly, ano ka man?

Q: Sir, magandang tanghali po sa inyo, ako po si Red Simayna from 90.1 Star Radio – Catbalogan. Local announcer lang po. Sir, matanong ko lamang po iyong reaksiyon ninyo sa naging pahayag kamakailan ni Senator Leila De Lima hinggil doon sa panawagan ni Speaker Alvarez na hindi po siya interesado at hindi po siya haharap sa gagawing pagdinig ng Kongreso. Ano po ang reaksiyon ninyo dito?

PRRD: You cannot compel anybody, not a senator actually. If she refuses, you can cite her to contempt, but the problem she has the immunity for the time being and she is a senator and Congress is in session. But nobody can force anybody just to be there, to bear witness to what’s going on, parang ganoon ‘no. Pero with the kind of—eh pati ako, kung ako, sir, I’m not being a—anong tawag nito? But if I were her, look at the—may nadagdag na naman doon ngayon. Pero, wala kaming pakialam niyan, that’s not our—that is their woe. Sinadya niya, nagkumpiyansa siya, ‘ayan. It’s all over town.

Yes, wala na? Kayo, wala na? Siya o, halika, halika, magsalita ka.

Q: (Dialect)

PRRD: I do not have the list now. I lost it along the way.

Q: Oy, igsusumat ko ha iyo. Edad yan na nobenta y singko na.

PRRD: Halla.

Q: Five more to one hundred. See that? Didto ha Veterans.

PRRD: May i-announce ako sa kanila. Saan iyong papel? It was handed to me earlier this morning. May inaprubahan kami na almost four billion, ang three billion is iyong mga beterano pati—kanina ko lang binasa—I love you ‘man itong sinabi niya dito. (Laughter)

Ah ito oh. Tama ang sinabi niya, she was there, sons and daughters of the veterans of World War, pina-process ho. Baka sabihin niya, it’s 4.6 billion lahat. Kayong mga retirees, six point ho. I-follow up lang ninyo. Ay hindi, ‘wag na kayong mag-follow up. Magbiyahe-biyahe pa, kalooy. Yang—well, I tasked the DILG—

Ikaw na lang. Sabihin ko kay Diokno, idiretso na kay Sueno para kayo na lang ang—kayo ang grassroot eh. Kayo ang grassroots nga andiyan, mayroong governor. Just in-approve namin last week iyong 4.6 billion. Iyong arrears na hindi nila nakuha, makukuha ho ninyo iyon dito sa ano. (applause)

Itong mga beterano, tapos iyong mga biyuda na.

Q: (inaudible)

PRRD: Yes, sir. Malaki ang respeto ko sa’yo. I said, you’re the heroes of our country. Iyong mga biyuda—

Q: (inaudible)

PRRD: Tingnan mo ang tao na nagmamahal ng bayan niya oh – talagang galit. Ako, bayan, pati iyong mga magaganda sa bayan natin. Saan na iyon? (Laughter)

Kaya siguro I have to pass by—I don’t know why I have to pass by Tacloban. Why?

Q: (inaudible)

PRRD: Ah, iyong wounded. So I have to pass by, bigyan ko rin ng tulong, same 150 yata.

Q: (inaudible)

PRRD: Sa opisina ko. Wala iyan sa—iba yung sa pulis. Ang akin lang, just to—gumagastos talaga ako para tulungan iyong mga taong nasagasaan sa kampanyang ito. Pero huwag kayong matakot. Kung ano lang ang problema ng pulis eh sabi mo kung kaso-kaso sa ‘yo. Hindi sa panahon ko, hindi ako papayag. Pero kung makapayag man, tiisin lang ninyo tapos ako na ang bahala. Basta dito sa kampanyang ito. Kailangang tapusin ko ito. Maniwala kayo, kasi wala akong nakita diyan ngayon sa mga pulitiko na kaya nilang gawin. Sinuman? Magturo kayo ng magiging presidente diyan na lalaban ng sapakan dito sa mga durugistang ito, pati Abu Sayyaf.

Kayong mga komunista, nakikinig—sinong NPA dito? Marami man taga-Samar. Hands-up. Wala nimo akon. (laughter) Tapos pagtalikod ng sundalo ug pulis, “Makibaka!” Puro ipangitag baka diliila. (Laughter)

So we’re having peace talks, I hope that you’d honor the ceasefire as we have, wala ganoon. But I do not believe in that ano na may teritoryong hindi makapasok ang—I do not believe in that theory that just because there is ceasefire, that there is an area where the soldiers or the police cannot enter.

That is not—I do not accept you—government has every right to put the police and the military in any area of the Republic of the Philippines. Buti iyan, klaro tayo. Huwag naman tayong magpatayan. Basta pag magkita tayo, sigaw ka agad, “NPA ako!” Eh bakit ikaw lang ba, pati ako.

Well, I am sad that we have lost Gary. But I am happy also that I’ve met you. And maybe, you can relay this message to all, masakit talagang may mamatay sa pamilya. Totoo iyan. It’s not easy. So better, nandiyan na iyong delikadong lugar. Meron naman ditong tama pati mali na daan eh. Kayo, kayo, gusto mo ng mali, disgrasya ka talaga. Bakit hindi ka madisgrasya? Karaming pulis pati military. Buti kung NPA ka, makatakbo-takbo ka sa bukid, pagdating doon, patayin ka rin ng NPA. Galit rin iyon sa droga.

So, ma’am, I leave—I share your grief but rest assured that, I could say, and assuring word with you. “Care” is the word. We take care of—yung mga kapatid ng asawa mo.

Salamat po sa inyong lahat. (applause)