Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his inspection of the Buluan 6 Megawatts Power Plant of the Green Earth Corporation

Barangay Poblacion, Buluan, Maguindanao

22 July 2016

I have to say my acknowledgments, but I’d like first to thank you for you help making me President of the Republic of the Philippines. [palakpakan]

Salamat po at I was in Basilan. I won…Natalo ako doon sa pinuntahan ko. Kaya ko nga pinuntahan eh para titingnan ko lang sila. But anyway I won by about 90,000 and dito malaki. In Sulu, nag-landslide talaga ako. I thanked Allah that they never forgot who I am, saan ako galing. [palakpakan] Maraming salamat po sa inyo.

Governor Esmael “Toto” Mangudadatu; Secretary of Defense si — taga rito po ito — si Delfin Lorenzana; Secretary Emmanuel Piñol, nasa Cabinet ito — ilang ba ang Gabinete ko na galing Mindanao? Marami ito sila. Freddie Mangudadatu; Buluan Mayor Bai Lorena Mangudadatu; Pandag Mayor Bai Sema Mangudadatu; Assemblyman Khaddafy Mangudadatu; former mayor Ibrahim “Jong” Mangudadatu, a good friend of mine [palakpakan], sabi ko huwag ka ng pumasok ng pulitika, magpayaman ka na lang karami mong pera; Mr. Rene Lastimosa, President Green Earth Corporation; mga kapatid ko; from the bottom of my heart, thank you. Itong pagintindi ninyo sa sitwasyon natin. The members of the central committee of the MILF, my Muslim brothers and sisters. Maranao ako Maguindanao, konti lang. And my beloved countrymen: Assalamu alaikum.

Iyong…Hindi ko malimutan yung year but I was talking to Governor Piñol — makinig kayo mga NPA, tutal nag-uusap na rin tayo. Hindi ko kasi maintindihan eh. Si Governor Piñol was talking about the successes dito sa…Kaya sabi ko nga kay Toto nakakainggit eh — hindi inggit para sa akin, para sa ibang tao na nababara ang progreso kasi nga may mga objection na hindi naman tingin ko tama o may konting…It could make a difference but it is not enough really to ignore the livelihood programs of the Filipinos.

Manny Piñol came to me and said: “Ang pinaka-ano ko kasi sa siyudad ng Davao yung bukid ang parte doon Paquibato, which is really the most influenced by the NPA.” At ako naman kasi puro kaibigan, I go there at ang sinasabi talaga nila, “hanap-buhay.” You know kaya itong salita na marami — “wala lang kami pang-kapital”. Iyan ang masakit pakinggan kasi hindi ako makakatulong. So ang sabi ko sa kanya, matingnan mo daw doon at ano ang — the soil and everything, is the soil good for planting of this and that. Sabi niya, pumunta siya together with an agronomist from I think, Malaysia. Noong nakita sabi ng Malaysian: “We can introduce palm oil here and in few years, everybody will be all right financially.” Initially, pumayag at saka yung mga left. And then suddenly, pumasok itong NPA, nagpasta na ng — it would damage the watershed. That it would absorb so much water at apektado yung…Eh ako naman Paquibato River sobra-sobra ang tubig diyan eh. It goes out to the sea, to the ocean. Nag-object sila. So hanggang ngayon nai-stymie. It was not really…I was willing to invest. So ngayon, nakikita mo, mainggit ako para sa tao na dito may hanap-buhay, may trabaho ang tao. Kapital mo lang dito seedlings. And even Manny says that for your effort and for the splendid job that you have done, he is willing to pour again 300 million, may available siya sa Department of Agriculture para dito sa inyo. [palakpakan]

Alam mo kasi ang priority ko ang itong Maguindanao pati Sultan Kudarat. You know why? Sa statistics, you have the highest incidence of hunger. Kaya ang una ko dito by next month, kapag bababa dito yung mga DSWD, sabi ko, paki-silip nga ang mga taong — nakakaawa eh. Maybe you’d be short of everything but not food. Mahirap yan gutom. I am happy that Manny has decided to pour another 300 million for you here. [palakpakan]

Kailan available iyan Manny? [Sec. Piñol answers: Right away, sir.] Bukas ibigay na. “Right away.” Kaya hindi ako nagkamali kinuha ko si Manny sa totoo lang. Why? Hindi ako kukuha ng mga expert, expert diyan, sabi ko, “Get a farm boy with enough experience.” Nakikita ko yung North Cotabato by year 20[20] hahabulin na niya yung mga siyudad eh. Davao City does not blunt anything, it’s trading. Trading lang ang Davao City. Walang tanim, wala lahat except yung bukid. Eh hindi nga makapasok kasi nandiyan yung NPA. Dito, nasaan ang NPA dito? Mag-raise ng hands para…[tawanan]

Well, anyway, nag-uusap tayo ngayon. Maybe it would take about a few…The bright side is that they are willing to participate just like the MILF pati MN. [palakpakan] Alam mo ang sabi ni Murad? Murad stretched his generosity to mankind. Eh sabi ng iba, “mag-gi-giyera tayo kapag walang BBL.” Ako naman in return kasi nanalo ako, I am willing to implement, bukas kaagad, ang BBL, ngayon tanggalin lang natin yung mga may issues about the Constitution. Wala akong problema doon sa area, configuration. Kagaya lang ng regional Armed Forces, ano ba naman yan. Kaya nga tayo nag-uusap para wala nang kailangan ng armas eh. And if we can improve the lot of the average Filipino, malaking bagay na iyan. You know, I will repeat the statement because it will affect all, it will impact dito sa lahat ng puso ng tao na Pilipino: If we cannot stop fighting, then do not add hate everyday to the hate that is already there. Kaya bilib ako sa magsabi: “O sige, hindi man naibigay yung BBL ngayon baka in the fullness of God’s — last time maibigay.” Kaya nga ako ang Presidente ngayon, ibigay ko na. Tanggalin lang natin yung ano…And you can develop the resources if you want, you can invite investors. Wala na akong ano doon except yung Constitutional provisions, tanggalin na lang muna natin. Then maybe someday, if we decide to go federal, eh iyon na idagdag, ibalik — doon sa Constitution ng federal, ibalik na natin yung ayaw ninyo, ayaw ng gobyerno tapos yung gusto ninyo. Ganun, gusto ko ibigay na kaagad.

And Nur Misuari, if he gets to talk with the panel of Dureza, pinaplantsa niya, eh kami taga-Mindanao lahat eh. Everybody here, everybody is really craves for…Iyong makalakad ka maski saan-saan. And Basilan sabi ko, we have to talk. Hindi yung sabihin mo buong panahon magpatayan na lang tayo. Until when? Sa apo ng apo ko? Is that we want?

Now there is a chance that maybe, we can talk about peace. Pag intindihin na lang ninyo, Mindanao was really yours. Don’t doubt about it, walang…Then the Christians came. Hindi naman nila kasalanan na dumating si Magellan started converting another…Ganun ang buhay, that’s the history of our nation.

So we just have to understand it. But it doesn’t say that you have to hate each other. We can always develop this country. Make everybody happy. Magre-resputahan lang tayo, okay na yan. Iyan ang ano natin…And the communist.

So it is progressing little by little. I do not…I do not think that it will be there even mga four, five years, and I’d be happy that if by the time I go out, then there is a settlement somewhere. Maganda na iyan sa atin eh kaysa magpatayan. Ano ba ang makuha natin diyan? You cannot defeat government and we cannot overthrow the government, so ano ang…Ay ako gusto ko sabi ko…Kung kayong mga taga-Maynila ayaw ninyo e di mag-separate kaming taga-Mindanao. [palakpakan] Nag-call to arms ako, ako lang naman mag-isa. That was the time when they were trying to dispatch with the President Arroyo. Kaya tinawagan ko si Nur, sabi ko, “Nur, mag-declare ka and susunod ako.” Sabi ko — oo, sa TV, if you remember. I said, nagmura ako tapos sabi ko, “Huwag ninyo kaming — basta gusto lang ninyo diyan na iilan lang kayo. Dalhin ninyo kami sa Mindanao?” E di marunong din kami…Sabi ko mag-declare tayo ng Mindanao Republic. Nagdala-dalawang-isip man si Nur. Tapos dito wala man akong narinig nag-second the motion. Nako na…[tawanan] Naloko na ito. Noon gusto, ngayon na nandito na, sinabi ko na, “sige na,” wala namang…

So ibig sabihin, gusto natin as is ganito, okay na tayo except that there is really violence. If we can remove violence out of this, then wala tayong problema. [palakpakan]

Now, saan tayo magkuha? Wala akong…I am not…This is not a brief for the Chinese people. Pero sa China Sea, if we can just have a settlement with them despite the arbitral judgment, I think that marami tayong benefits na makuha. Eh hindi yan hingiin natin — that they will come here and we are planning to establish economic zones pati farm-to-market roads, alam mo yang mga yon. Iyong chillers na hindi malata yung mga produkto ninyo. And have even buying some goods there that tingin ninyo malulugi sa — competitive, you know…Anything can go in…Ang problema, sila ang mga mayaman, marami silang goods. So because of the — wala ng restrictions, pwede na ipasok maski ano. Pwede rin tayo…But the problem is we do — ang manufacturing nga wala eh.

I think one of the greatest promise rin here in Mindanao is manufacturing sa agricultural products, ang Mindanao. Mauuna lang iyan, mauuna ang Mindanao sa lahat. Walang bagyo, walang…Sila magtanim doon, maya-maya, suddenly there is a brewing cyclone or they call it na cyclone na…Dito steady lang. Wala masyadong hangin. Nandoon sa mga ulo ng mga mayayabang. Sa Maynila lang iyon, wala dito.

So, I really pray that we are be able to settle our fundamental, itong sa China Sea. Ramos said that if — it’s all right if we take out the arbitral judgment from the talks. Pagka ganun, and if it’s really the will of the people, especially Congress, baka maunahan natin ang buong Pilipinas. Dito tayo mag-wallow ng progress. Kasi marami talagang papasok dito because of the land. [palakpakan] Because of the fertility of the soil and the fact that there is no typhoon to destroy yung cycle of crops natin pati cycle of the weather.

Ang hindi nila ako nakuha, itong treaty sa Paris, there is no treaty to honor. We have not signed the treaty. We just committed to draft a treaty — a provision sa treaty para atin, so that we can be able to present our game plan and signed the treaty. Nandiyan sa Congress. Ang sinabi ko kasi hindi clear. You know, itong imbento na ito na climate change, there is really change. But who caused it? Eh di tayo. Eh ngayon lang ito nagawa itong factory dito sa Buluan, what else? Ito DENR approved pa, it’s eco-friendly. All the years, yung industrialization from the 60’s, 70’s, it was China, Amerika, Europe, yung sige na buga-buga sila nang maitim na ano…Now they have reached dito sa pinnacle of economic power, eh gusto nila tayo rin sumunod ng kate na dahan-dahan na okay ako diyan. Ang problema, even if it is a self-imposed restriction, there is always a standard to follow. Ngayon, kung magsabi ako tutulungan ko ang aking bayan kasi walang trabaho ang mga tao. Kung maggawa ako nitong marami and itong ibang lugar na barren, if I start to give out seedlings kagaya ng ginawa ng Mangudadatu family, the initiative and the other generations that were responsible for this, the preparation. Paano ako maka-ano kung hindi ko alam kung what restrictions there will be? Mahirap yan. Sabi ko, kayo dumating na kayo doon at our expense. Kayo yung unang nagbuga-buga. Nandiyan yung carbon footprints ninyo. It shows in the…Kami dito papunta pa lang sa naabot na ninyo. Eh mahirap yan kasi yung restrictions ng treaty, rereviewhin pa yan, hindi naman final.

So let us be clear, give me a clear view of what will happen to the treaty if we decide or the Senate will agree with it, magbibigay sila ng concurrence nila, then bigyan ninyo ako clear view kung ano ang mangyayari. Kasi may plano ako maglagay ng industrial zones everywhere. Then ang easy market ko locators would be China. China ang may pera, hindi Amerika, walang pera ang Amerika. Nagkabuang yan sila ngayon sa buto-buto. Who imported terrorism? Sila man, hindi tao.

Tingnan mo itong Communist Party of the Philippines, what were the…Tao? Eh di yan eh…Maria Sison, sino ang nakikinig? Eh di kami. Noong bata pa. Bebot Bello, ako, nagkikita kami roon, Kabataang Makabayan. Ano na yon ha, ideya lang yung ganun. Eh ito, inimport mo via electronic. Hindi naman kailangan pupunta yung kalaban mo doon. So you imported because… Sa totoo lang, kung hindi nila pinatay si Saddam, hindi sila pumasok — hindi nila pinatay si Gaddafi, hindi ganun ngayon ang…ISIS is a product of desperation. Una pumutok Iraq, tapos Syria. Tapos itong Assad na ito, binobomba ang mga tao niya ng gasolina tapos, bata, sunog lahat isang community. Ito ngayon mas malala pa kasi wala na eh na-desperado. Kaya ganun, ISIS everywhere.

Ang sabi naman sa — meron itong sa Sulu pati Basilan contaminated with ISIS. Sabi ko, “You are driven by hate. Wala man tayo niyan. Huwag ninyong sundin iyan kasi hindi man…” Iyong ISIS doon malaki ang — masakit ang dinaanan nila. The Middle East was divided by America, France and Britain. Sila lang ang naghati-hati niyan. O sige ito yung gawin natin. Tribo yan noon eh, o ito Sunni, tapos Shiite. Sila lang yan. Tapos yung mga imperyalista, iyon ito yung — iyon ang produkto. Eh bakit man tayo magsunod na wala man tayong inapi-api na tao dito, wala naman tayong binomba ng…Sino ba ang papayag niyan?

Me in my time, no abuses: military, police and everybody. Droga, wala. Kita mo, ang sabi nila, “Si Duterte berdugo.” I was the only one na nakita ko kung gaano kalawak. Having been mayor for 23 years, congressman for four years — congressman for, no, three years congressman — vice mayor to my mayor for three years. That a good — almost 40 years. Pati na yung…Ako lang ang nakita…Ngayon, na-Presidente ako, iyon ang battle cry ko. Ngayon lumabas na. See. Ang sabi ng PDEA, three million, two years ago. Ngayon, two years — so may increase talaga iyan mga adik. Place it at a very conservative number, gawin mo lang 3.7 million, o kita mo ngayon nag-surrender. Tingnan mo sa TV araw-araw, buong gym puno ng — susmaryosep.

Tapos ang sabi nila ang crime bumaba, natural. Bakit hindi bababa iyan? Lahat na na-contaminate, style Intsik iyan eh. Hindi naman ito na sabihin mo na mamamatay ngayon, konti-konti lang yan. Volume ang Chinese eh. Biro mo kung ma-contaminate ang isang barangay eh di pera yan. Eh yung iba gusto mo itong mayaman lang ang bigyan mo? Ito kapag ipunin mo lahat mas malaki ang kita nito nila, pero hindi ito sila. No, he is not the Lim that…[tawanan]

At saka ganito yan, sabihin mo sa mga kaibigan natin, mga ano ha, just like any other crime, terrorism, may malaking mapa iyan sa Philippines, real-time ngayon. Ito, ito nakikinig sila sa akin. Alam ko sigurado nakikinig iyan sa taas. Kuha tayo. Pero ang problema ang technology nanakaw rin ng mga — o yung nandoon na mga kriminal, may mapa doon malaking mapa, kasing laki nitong blackboard na ito, mapa ng Pilipinas. Nandoon iki-click lang nila. Sabihin lang nila na ibagsak mo diyan sa bandang diyan, dito sa ano, banda sa Tondo. Anong purok iyan? Ihulog mo diyan. Tapos kukunin niya yung pera doon sa sari-sari doon sa isang kanto.

Saan ako magkuha ng big fish? Sige kong magsulat akala mo marurunong. Bakit maliit lang? Sabi ko, “Hoy, I have to invade a country to arrest the drug lords.” Bilyonaryo na yan doon, hindi mo makuha iyan. I will name the country but obviously it is known to you. Ganun yan. Sabi ko na lang, para bang sinisisi pa ang gobyerno na “where is the big fish?” Iyong pamaro-maro na bakit walang…Hindi lang kita masabi na “halika, pakitain kita doon sa…I will let you in sa Intelligence Room, tingnan mo lahat.” Big fish, big fish. Ang big fish wala dito. Nandoon sa kanila, sa bahay nila…Kaya makainit talaga. That’s why sabi ko, I intend to talk to China. Bakit ganun? Nasa newspaper about four days ago. Pati yung mga barko puro China ang nagluluto doon sa China ang barko. Hindi naman niluluto dito yan. Bihira na tayo makahuli dito. Kung dito patay talaga. Bahala kayo.

Remember that I have always been consistent in my statements. During the campaign: Do not destroy my country because I will kill you. Hindi mo ba maintindihan iyan? [palakpakan] Do not destroy the young — mga anak namin because I will kill you. [palakpakan] It is spelled K-I-L-L. Bakit sabi mo kell? [tawanan] Bisaya eh. [tawanan]

Ano ba naman…Magpamarunong kasi hindi naman marunong. That is the problem with the Filipino, maraming magpa-bright na hindi naman bright. Hindi naman alam na magtanong, anong big fish, big fish? Big fish, doon ka magbili sa palengke. May tuna doon but you know even the tuna is not produced here. There is no more fish in our grounds. It’s taken out of the country and into the international waters. They are getting it from there and magtataas — kaya mahal. Pero marami pa, itong malawak itong dagat. Deep down doon sa pababa sa Pacific Ocean marami pang isda, huwag kayong mag-aalala. Ang mga…The fish there are dying of boredom. Sa karami nila wala ng ginawa maghintay kung…Nandoon ang big fish. It is not within our — not within our reach now. We have to do something about it.

But dito, kailangan mo talaga tapusin ang…Kung wala ng magsuplay, wala ng runner, eh di wala na. Paminsan may makita kayo na — minsan may kotse diyang iniwan, may kotse naiwan banda diyan tapos may shabu ng 50 kilos. Iyon yung mga tinyente, hindi tinyente ng Army. Pero ang sabing big boss na general? Wala dito. So iyan ang ano ko sa drugs.

But in addition to yung pasalamat ko sa mga…Wala akong masasabi doon sa ayaw talaga. I have offered everything. I am offering my hand in peace. Para sa atin lang. Otherwise, we cannot be at war all the time and hate each other and hate it more everyday all the time. Walang mangyayari sa bayan na ito. Maski sino ang gawain mo na presidente, walang magawa except to fool these sons but I will not because I come from Mindanao. Sayang naman naka-Presidente kayo ng Mindanao tapos [palakpakan]

Mahiya na, magtago na lang ako dito kung…Kasayang ni Duterte, taga-Mindanao hindi pa niya naayos. At mabuti na lang at meron akong konting connections sa Moro blood so I can talk to you freely. [palakpakan] I love you. I want you to enjoy everything in life if we can only stop fighting.

So iyon lang ho ang mensahe ko kasi peaceful — holy ako eh holy. Ayaw ko ng violence. Ayaw ko ng giyera. Gusto ko mag-usap lang tayo. But those who would like to destroy our society and put at peril our children, do not expect anything from me. Papatayin talaga kita. [palakpakan]

Kulang pa yung pakpak mo marami nang mamatay yan, araw-araw yan. Anyway, mga mahal kong kapatid, to the MILF my salute to your cause, tama iyan, I agree with your cause. Tayo gyud na ang…Huwag na lang ako sali kay — sali-saling pusa ako. Nauna kayo dito. And there was this historical injustice. We would like to correct it and I said if there is a chance that I can form the BBL now, okay sa akin. [palakpakan]

Let us remove for a while, I said, the contentious issues. And when the time comes when we forge a federal setup, iyon rin ang gusto ni Nur, we will include it in that federal Constitution. Wala yan, period. So, wala nang…[palakpakan]

And so I’d like to thank this invitation. I was just also passing by, I have to — baka maabutan ako ng gabi pauwi sa chopper, kapag mag-crash eh di ‘wow, wala ng Duterte’ [tawanan] Wala na yung BBL na pud. [tawanan] Eh di gugulo na naman tayo nito. Eh sino ang magpunta doon sa bukid sa mga NPA na ‘Hoy, psst! Shut up kayo diyan.’ So I’d like to be back someday but I said may promise na and it’s as good as done because sabi ni Governor na “anytime”. So ibigay ko yan sa — hindi kay Toto pati sa inyo, eh kadato na ninyo. Doon na lang sa iba rin para marami ang magyaman dito.
Maraming salamat sa invitation and Salaam. [palakpakan]

-END-